Strange Love (Bisexual Love Story) FINISHED - Strange Love (p.1 of 2) Strange Love written by lady_phoenix 16 PROLOGUE "I'm going back in there Xavier. We could see each other again!" Narinig ni MeiMei na sabi ng magandang babaeng kausap ng kuya niya sa skype. "Are you serious? Yahooo!!!" Excited na pagtayo pa ng kuya nya saka nagtatalon na parang baliw. Napapailing na lang sa ngiti si MeiMei na sinara ang pinto ng kwarto ng kapatid. Nasisiguro niya na magluluto ito mamaya dahil para itong nanalo sa lotto kung kiligin kanina. Ganun naman ang kuya nya. Magluluto kapag masaya o may dapat na icelebrate. Uuwi ba naman ang first love nito eh. Matagal ng patay na patay ang kuya niya sa babaeng kausap nito kanina. Yes, he had sime girlfriends before pero di din nagwork out ang mga yun dahil mas gusto pa daw ng kuya nyang magfacebook o magskype araw araw para lang makausap ang bestfriend nitong nasa ibang bansa kaysa makipagdate sa mga naging girlfriends nito. Kung ang ibang lalaki dota ang pinagkakaabalahan pero ang kuya niya iba. Long distance ang friendship nito at ni Shaine pero tumagal sa ganong set up ang kuya nya. Kung magkikita ulit ang mga ito hindi malabong mas mabaliw ito. Ngayon pa nga lang ay punong puno na ng posters ang kwarto nito. Panay mga larawan ni Shaine Lautner sa iba't-ibang klase ng magazines. Yes. International Model ang pinagpapantasyahan ng kuya nya. Sikat ito sa ibang bansa kaya proud ang mga filipino dito. She's filam. At ngayon nga ay kasaluyang nakaere sa tv nila sa sala ang isa sa commercial nito ng facial wash. "I love washing my face with Neutrogenia." Ang huling linya pa nito sa commercial na nag iwan ng isang nakakaakit na ngiti. Maganda talaga ito. Para itong anghel. Walang kaduda duda kung bakit naakit ang kapatid niya rito. "Whoooaaaa!!!! Nakita nyo yun dad? Mom? Bestfriend ko yan! Si Shaine! Natatandaan nyo po ba? Uuwi na sya sa pilipinas at dito na sya mag-aaral!" Excited na balita ng kuya nya na nakababa na pala mula sa kwarto nang marinig ang commercial sa tv. "Aba eh pag-uwi nyan dito ligawan mo na agad nang di ka maunahan!" Sabi ng papa nila. "Oo nga anak! Gusto ko sya ang maging asawa mo! Sigurado magaganda ang magiging anak nyo!" Parang teenager na gatong naman ng mama ni Damon. Umakyat na sya para di na marinig ang magiging paulit-ulit na usapan ng mga ito. Asusual, nga plano lang naman yun kung paanong mapipikot ng Kuya Damon niya ang pinapangarap nitong babae. Nilinis niya ang makalat na kwarto ng kapatid sa taas. At di nya maiwasang di mapatingin sa anghel ng kuya nya na nasa mga posters. "Hayyy... ang swerte-swerte mo alam mo ba. Mahal na mahal ka ni Kuya Damon. Mayaman ka. Sikat. Pero sana wag mong sasaktan ang kuya ko pag naging kayo dahil kung hindi ako ang makakalaban mo." Parang tangang pagkausap ni MeiMei sa posters. "I wish, I was you." Bulong na lang nya sa sarili... Strange Love Chapter 1: The Arrival written by lady_phoenix16 Kinakabahan sa excitement si Shaine habang sakay ng eroplano. Ilang minuto na lang ay lalapag na ang sinasakyan nyang yun sa airport. She missed this country. Ang bansa kung saan sya talaga pinanganak. She really loves this country pero napilitan syang umalis nung 11 Years old pa lang sya para magmigrate sa america with her parents dahil dun na nakabase ang mga ito. Naiwan nya tuloy ang bestfriend niya na si Damon. He is so special to her. Sa kabila ng pag alis nya ay di naputol ang communication nila. With the use of modern technologies, updated sila sa isa't-isa. He is like a brother to her. Nag-iisang anak lang naman kasi sya. Nang nasa airport na sya ay nakita nya na agad ang tarpaulin na hawak ng sa tingin niya ay mga katropa ni Damon. May hawak itong bulaklak at inabot nito iyon sa kanya paglapit nya. "Welcome back Shaine." Nakangiting sabi ng lalaki saka siya yumakap rito ng mahigpit. "I really missed you Damon! You look so handsome now!" Pamumuri niya sa lalaki. "And you're beautiful as well Shaine! Sikat na sikat ka na! Ang akala ko di mo na ako kilala!" Nagniningning ang mata na sabi nito. "Di naman masyado." Nahihiya pang sagot niya. Kahit kailan naman talaga di pumasok sa ulo niya na sikat na sya. She just loves her job. Lalo namang natulala sa ganda ni Shaine si Damon. Napakapino, simple, mahinhin at mapagkumbaba pa rin ni Shaine kahit na halos na sa kanya na ang lahat. Lalo lang tuloy syang naiinlove. Natigil ang pag-uusap nila nang bigla silang nakarinig ng ingay. May mga reporters pala na paparating na gustong mainterview si Shaine! Agad na hinila ni Damon si Shaine palayo sa mga ito. Niligaw nila ang mga reporters hanggang sa makalayo silang dalawa sa mga ito. Hingal na hingal sila ng huminto sila sa pagtakbo. "See? Ganyan ka kasikat dito. Kaya di ka talaga pwedeng lumabas ngayon na walang aalalay sa'yo. Dahil kung hindi, talagang dudumugin ka." Sabi ni Damon sa pagitan ng paghingal. "Tama ka Damon. Thanks for looking out for me. But I'm staying here for good. Hindi na para magmodel kundi para mag-aral. Tama yung sinabi mo sa skype last week. I love being a model but I think mas importante pa din ang pag-aaral. At dito ko gustong makapagtapos ng college Damon. Kung saan ako talaga pinanganak. So, is it ok with you to help me na makapaghanap ng school dito? If you don't mind, I want to study in the same school as yours." Nakangiting sabi ni Shaine na parang wala lang dito. Pero iba ang impact nun kay Damon. Para na ding sinabi ni Shaine na gusto sya nito dahil gusto nito na magkasama sila sa iisang school. And that made him blushed. "Damon... are you okay?" Inosenteng tanong ng babae sa kanya. Dun lang natauhan si Damon. "Of course, I'll help you out. Sasamahan kitang mag enroll bukas na bukas din!" Nabubuhayan ang dugo na sabi nya. Ngumiti lang si Shaine. Na para namang nagbukas na pinto ng langit sa mata ni Damon. He really loves her smile. MeiMei's POV: Kinagabihan... "What?! Di mo ko sasamahang mag enroll bukas kuya?! Bakit?" Naiinis na reklamo niya sa kapatid ng sinavi nito na mag enroll daw syang mag-isa. "It's Because I have to go with Shaine tomorrow para makapag enroll na din sya." Parang kinikilig pa na sabi nito. "Nyeee... dun din sa Phoenix University mag-aaral si Shaine Lautner? Eh di'ba super duper rich kid sya? Pang middle class lang ang school natin kuya!" Pagdada niya. "Isn't it obvious, Little Sister? It's because of me! I think she likes me!" Parang asong naglalandi na pag-iilusyon ng kapatid saka nagsabi pa ng iba't-ibang klase pa ng kabaliwan. Napailing na lang sya. Alam nyang gwapo ang kuya nya pero alam nyang imposibleng matupad ang pangarap nito. Dahil masyadong mataas ang babaeng gusto nito. Sa totoo lang ni hindi nga nya alam kung paano nitong naging bestfriend si Shaine. Di naman sila mahirap pero alam niya kung gaano kayaman ang babae. Nag-iisa itong anak ng mga may-ari ng isa sa pinakamalaking telecommunications company sa ibang bansa. Kahit ang ilan sa mga sikat na call centers sa pilipinas ay pagmamay-ari din ng pamilya nito. Pinanganak ito na may gintong kutsara sa bibig. Hobby lang din nito ang modelling at sa ganda at talino nitong taglay malamang laruan lang ang mga lalaki para rito. Inshort, she can get whatever he wants. At alam niya na wala pa man ay patay na patay na ang Kuya Damon niya rito. Sa totoo lang natatakot siya na masaktan lang ito. "Kung mag-eenroll sya bukas eh di sabay na lang kame." paghirit pa din nya. "Hindi pwede MeiMei. Wag kang makulit. Don't you see tht this is my chance to be with her?" "Dyan ka magaling! Hindi mo sasamahang mag-enroll ang kapatid mo para lang samahang mag enroll ang ibang babae?!" Tampururot pa niya pero di naman ito tinablan. "Why don't you just find yourself a boyfriend para di ka na buntot ng buntot saken. o baka naman walang nanliligaw sa'yo? Totomboy tomboy ka kasi at isip bata pa. Lahat ng lalaki nandidiri sa'yo-" Di na nito natapos ang sinasabi dahil binato nya na ito ng unan sa mukha. "Ungas ka talaga Kuya! I really hate you!" pikon na sabi niya. dahil alm niya totoo ang sinasabi nito. Dahil wala namn talagang nagkakagusto sa kanya. "Hey! I'm just kidding. I love you my little sister." Nakangisi pang sabi nito na di tinablan sa sinabi nya. "HEH!" saka niya padabog na sinara ang pinto sa kwarto nito. 'Sungit talaga ng kapatid ko. hahaha..' Natatawa na lang sa isip na sabi ni Damon pagkalabas ng kapatid nya. 'Mga babae nga naman..' Nangingiti na lang na bulong jya saka napatingin sa picture ni Shaine sa study table nya. 'But she's different. Parang di sya marunong magalit. ang ganda-ganda ng ngiti nya. Para bang kahit anong bigat na dinadala ng isang tao gagaan yun kapag nagsalita o ngimiti na sya.' Bulong niya na para bang kinakausap ang picture ni Shaine. 'Pero kasalanang mahalin kita. Dahil ang isng katulad mo, imposibleng magustuhan ang isang tulad ko lang. Ordinaryong lalaki.' Mapait na bulong nya. Sigurado iyon. Dahil ang babaeng almost perfect na katulad ni Shaine ay maghahangad lang din ng isang tulad nito. sikat. gwapo. mayaman. At hindi sya lahat yun. Kung tutuusin maswerte na syang itinuturing syang bestfriend ni Shaine. Kya di na nito kailangan pang malaman ang feelings niya rito. Itatago nya na lang iyon. Ang importante sa kanya ngayon ay makakasama nya na ang babae... I don't expect much. I know na in my 1 year hiatus mawawala na din talaga ang mga readers ko. But thanks pa din sa mga nagbabasa. I wish comment pa din kayo. But anyway, may magbasa man o wala magsusulat pa din ako :) Strange Love ©lady_phoenix16 Chapter 2: High Blood? Pagpasok pa lang ni Shaine ay nagtitinginan na ang mga tao sa kanya. Di nga lang sya magawang dumugin ng mga ito dahil nandun si Damon. Ang sigang kinatatakutan ng lahat. "Ang galing Damon. Kahit nakikilala nila ako parang wala lang sa kanila." Tuwang tuwa na sabi niya. Ang iba kasi ay halos umiiwas pa ng tingin sa kanila. It's not that she doesn't want to get noticed. But she wants to be just an ordinary girl. At nawala yun sa kanya nung naging model na sya. "Syempre naman. Ako pa." Pagyayabang ni Damon na kinangiti lang ni Shaine. Alam nyang nagbibiro lang ang kaibigan. 'takot lang nila.' Biglang bulong ni Damon. "Huh? Damon may binulong ka?" Tanong nya. "Ahh. Wala. Wala. Ang sabi ko I have to go saglit. Kanina pa kasi ako naiihi eh. Naibilin na kita sa guard dun sa gate. Lalapit sya pag dinumog ka na." Palusot ni Damon kahit na totoong naiihi na sya. Ang totoo kasi ay di nya nasabi kay Shaine na dati syang leader ng frat. Umalis na sya sa grupo dahil gusto nya nang mag-aral ng mabuti para di naman nakakahiya dito pagdating nito ng pilipinas. Pero syempre ginagalang pa din sya ng mga alipores nya at hinihimok na bumalik sa grupo. Pero ayaw nya na. Di kasi maiwasan ang halos linggo-linggong rambulan aa frat. Hindi sya makakapagfocus sa studies nya pag ganun. At alam yun ng lahat ng mga estudyante sa school kaya takot sila sa kanya. "Ganun ba? Pasensya ka na sa akin Damon. Alam ko busy ka din at nung nakaraang linggo pa tapos mag enroll pero pinilit kitang samahan ako dito." Pagpasensya ni Shaine. "Wag mong isipin yun. Kahit ano basta sinabi mo wala akong hindi gagawin Shaine." Seryosong sabi nya saka tinitigan ito sa mga mata... Pero sya din ang unang nailang at nagbawi ng tingin. Siguro para kay Shaine balewala lang ang titigan nilang iyon. "Ahh... Aalis lang ako saglit. Babalik ako kaagad. Hintayin mo ako dito Shaine. Pumila ka na!" Sabi ni Damon na halatang kinakabahan. Napasunod ma lang si Shaine ng tingin dito. 'bakit kaya parang ang weird nya.' sa isip ni Shaine pagkaalis ni Damon. Muntik pa kasing madapa ang lalaki kanina dahil para itong nawawala sa sarili. 'Baka masama ang pakiramdam nya.' Sa isip pa nya saka napatingin sa napakahabang pila sa registration. 'Kailangang matapos kami dito agad para makauwi na si Damon.' Dugtong pa ng pag-iisip niya saka pumila na. Pero pagdating roon ay pinalibutan na sya at binato ng iba't-ibang tanong. "Ikaw si Shaine Lautner di'ba?" Tanong ng mga ito. At dahil si Shaine ay isang taong hindi marunong magsinungaling ay tumango siya. "Kyaaaaaa!!!!! Ang idol ko! Natupad na ang pangarap ko!" Saka nagsisigaw yung babaeng nagtanong sa kanya at dun na nagkagulo. Nataranta sya. Madaming estudyante ang naglabas ng mga camera ng mga ito at panakaw syang kinunan. Parang hinintay lang ng mga taong umalis si Damon saka siya dinumog. Kung ano-anong tanong at sabay pang magsalita ang mga ito. Agad siyang tumingin sa security guard na tomboy saka siya nito nilapitan. "Magsitigil kayo!" Inis na sabi ng lady guard. Umatras naman at nanahimik ang mga estudyante na halatang takot. Tumingin ulit sa kanya ang tomboy. "Miss Shaine, dun ka na lang dumiretso sa unahan. Wag ka ng pumila." Sabi nito saka sya hinila papunta sa harap. Sa pagmamadali nila ay nabangga pa tuloy nila ang braso ng isang babae sa harap. Iritang irita na nagreklamo agad yung babae. Bigla syang kinabahan ng biglang tumingin sa kanya ang naglalasik nitong mga mata. "Teka lang lady guard kanina pa akong umaga nakapila ah! Bakit pasisingitin nyo sya?" Reklamo ng babae. Boses pa lang ang taray taray na. "Di mo ba nakikita na dinudumog na sya ng mga tao? At di mo ba sya kilala? Sya si Shaine Lautner!" Pagtataray din ng tomboy. Naging uncomfortable na sya dahil nag-aaway ang mga ito nang dahil sa kanya. Lalo na at tinititigan sya mula ulo hanggang paa ng babaeng masungit. Nangatog bigla ang tuhod nya sa titig nito. Di nya alam kung anong meron sa babaeng ito pero ngayon lang sya kinabahan ng ganito sa buong buhay nya. "Alam mo. Wala akong pakialam kung sikat ka! Sa ibang bansa ka model at hindi dito! Kaparehas ka lang namin na estudyante dito kaya hindi pwede sa akin na binibigyan ka ng special treatment. Kung gusto mong mauna sa pila gumising ka ng maaga!" Pagsigaw nito. "At kayo!" Baling ng babae sa lahat. "Wag nga kayong oa! Tao din syang tulad nyo aba! Kung makatili over? Kung gusto nyo sya gora! Pero wag kayong mangharass na parang baliw." Pagtataray pa ulit nito saka binalik ulit ang tingin sa kanya. "Kaya ikaw bumalik ka sa pila mo. Dun ka sa dulo!" Sabi pa nito. Napahiya si Shaine sa sinabi nito. Di rin makareact agad ang mga taong naandun dahil di sila makapaniwala na ang super model ng campus ay nasupalpal sa harap ng maraming tao. "Pasensya ka na Miss. Tama ka. Di dapat tinotolerate ang special treatment, di lang dito kung di sa lahat sana ng lugar. I wish lahat ng tao katulad mo." Mabait pa ding sabi ni Shaine nang nakangiti saka umalis sa harap ni MeiMei at bumalik sa hulihan. She just rolled her eyes saka napatingin sa karamihan ng tao at nakita ang nakasimangot na kuya nya. 'Patay.' Kagat labi na isip nya saka kinabahan. Siguradong kotong ang aabutin nya mamaya sa bahay. Tinaraytarayan ba naman nya ang love of his life ng kuya nya. CHAPTER 3: You Again? "Halika ritong kutong lupa ka at nang matiris kita!" Gigil na gigil na pagsigaw ni Damon habang hinahabol ang kapatid nitong si MeiMei na patuloy sa pagtakbo hanggang sa makarating na sila sa sala kung saan nanonood ng TV ang mama at papa nila. "Kuya! Sorry na kasi! Wag ka nang magalit.!" Natatakot naman na sabi ni MeiMei saka nagtago sa likod ng papa nila. Pilit naman itong inaabot ni Damon pero iniiwas naman ng papa nila ang babae. "Damon! Ano ba yan para kayong mga bata! Ano bang ginawa nitong kapatid mo?" Nagtatakang tanong ng papa nila. "Yang magaling mong anak tay! Pinahiya yung prinsesa ko sa school!" Inis pa din na pagsagot ni Damon. Tiningnan naman ng masama ng daddy nila si MeiMei. "Totoo ba yun MeiMei?" Striktong tanong mg matanda. Di na rin magawang tumanggi pa ni MeiMEi dahil takot syang magsinungaling sa ama. "Kasi naman pa. Si kuya mas pinili pang samahan yung crush nya kaysa sa akin na mag enroll. Inagahan ko tuloy dahil ayaw ko silang makita. Pagkatapos yung Shaine nya sumingit pa sa pila." Pangangatwiran nya. "Hindi sya sumingit! Hinila sya nung gwardiya! Alam mo na ngang dinudumog na yung tao eh papipilahin mo pa! Eh di lalo lang nagkagulo ang linya kung magtatagal pa sya run!" Salungat naman agad ni Damon. Ito naman ang tiningnan ng masama ng papa nila saka ito tumahimik. bumuntong hininga na lang ang papa nila "MeiMei. Alam mo naman ang sitwasyon ni Shaine di'ba? Sikat sya at di malabong masaktan ng walang security. Paano kung ikaw ang nasa lagay nya tapos pinahiya ka? Anong gagawin mo?" Sermon ng papa nila. Natahimik lang si MeiMei. Napayuko lang ito. "Magsorry ka sa kanya." Utos ng papa nila maya-maya. Nagtaas ng ulo si MeiMei. "Ayaw ko nga! Tama lang ginawa ko! Ang sabihin mo Kuya sinadya mo lang magpatanghali para sa hulihan kayo ng pila at mas makasama mo pa ng mas matagal yung Shaine na yon! Pervert ka talaga!" Pagmamatigas pa ng babae. Napamulagat naman ng mata si Damon. "What did you say?!" "Panget!" Pang-aasar pa ni MeiMei saka bumelat at tumakbo paakyat ng hagdan para magkulong sa kwarto nito. "Nakakainis talaga ang ugali ng batang yan! Ang sarap tirisin!" Gigil na gigil na sabi ni Damon. Lumapit ang papa niya sa kanya at tinapik sya aa balikat. "Anak, naiintindihan kita na may gusto ka kay Shaine pero sana wag mong ihuli sa priority mo ang kapatid mo. Kamamatay lang ng Mommy nya. Naghahanap ng pagmamahal ang kapatid mo. At tayo na lang ang meron sya kaya gusto ko magkasundo kayo." Seryosong sabe ng papa nya. Napatango na lang si Damon. Nakikipag-asaran lang naman sya sa kapatid. But god knows how much he love his sister. Nagkukutkot naman ang loob ni MeiMei sa loob ng kwarto. Inis na inis sya sa kuya nya. Palagi na lang Shaine ang nasa loob ng utak nito. At naiinis sya kay Shaine. Pakiramdam nya inaagaw nito ang kuya niya sa kanya. Pero nginitian at di ito nagalit sa kanya kahit na sinupladahan niya ito. Biglang bumalik sa isip nya yung maamong ngiti nito sa kanya. 'I wish lahat ng tao katulad mo..' Naalala pa nyang sabi nito. Umiling iling naman sya. 'hmp! baka plastik lang sya. Ganun naman ang mayayaman. Karamihan magaling kumuha ng loob ng tao.' Sa isip-isip niya. Basta kailangan niyng itanim sa isip niya na magkaaway sila. Kasi ito ang babaeng gusto ng Kuya Damon nya... KINABUKASAN... Inaantok pa si MeiMei pero pinilit pa din nyang pumasok ng maaga dahil 1st day of class nila ngayon. Halos lahat naman ng kaklase nya ay same faces pa din. Yung mga kaklase nya rin naman last sem. 2nd year college na sya. Pero naiinis sya dahil halos kalahating oras ng late ang teacher nila. Nagtataka lang sya dahil kahit isang beses wala pang nagiging late si Mr.Facundo. May nilagay itong batas sa sarili na complete attendance at no late pero ngayon ay nabali ata yun. Nang sa wakas ay dumating din ito. "Sorry guys, I'm late. May inayos lang akong importante. But I have a good news for you. Siguradong matutuwa kayo kung sino ang bagong kaklase nyo." Parang kinikilig si Mr. Facundo. At parang nagkakahinala na sya kung sino ang tinutukoy nito. At tama nga sya ng hinala kung sino ang bagong kaklase nila. Si Shaine Lautner! At nagtama pa talaga ang mga mata nila na halatang kinagulat nito dahil napapitlag pa ito. Chapter 4: Shaine's Introduction Gulat na gulat si Shaine nang mkita yung babae na nang-away sa knya nung enrollan. Nakataas pa ang isang kilay na nakapako din ang mata nito sa kanya. Nailang talaga sya. She don't know why she's so uncomfortable sa mga tingin nito. She never felt inferior in her entire life pero there's something about that girl that makes her heartbeat runs so fast. But why? "Class, I already know na kilala nyo na kung sino sya. But she still needs to give some proper introduction. So, Ms. Shaine, pls introduce yourself." Paanyaya ni Sir Facundo. Tumango naman sya. Tahimik naman ang lahat ng estudyante. Nakatulala lang sa kanya. Mukhang behave naman. "Good morning classmates. Ah, I'm Shaine Lautner------" Di nya na naituloy ang sasabihin nya dahil di na napigil ng isang girl roon ang tili nito. "Kyaaa!!! Kaklase natin si Shaine Lautner! She is in front of me! I'm gonna die!" Pagtili na ng isang fan girl doon na halos naghahyperventilate na. Nahawa tuloy ang halos lahat ng mga kaklase nila at nagkagulo at umingay sa buong klase. Bukod lng syempre dun sa babaeng masungit. Tahimik lang kasi ito at parang walang pkialam sa kanya. Nag-umpisa na syang matense ng pati sa windows ng room ay mga nagsilabasan na din palang estudyante galing sa kabilang section. Dapat yata talaga ay kumuha sya ng mga bodyguards for her safety just like what Damon says. Pero gusto nga nyang mamuhay lang ng ordinaryo eh. Mas lalong mararamdaman nyang di sya normal na estudyante if she has some bodyguards around her. Hanggang sa halos magsilapitan na ang mga kaklase nya sa kanya. "Guys, stop!" Biglang pagsigaw ni Sir Facundo kaya tumahimik ang loob. "Ano ba naman kayo? Nabalitaan ko na pinagkaguluhan din si Ms.Shaine nung nag enroll sya dito. Do you really want to give her a trauma? If you guys want to be her friend kumalma kayo. She's part of this school now. Ay maswerte tayo dahil ang Phoenix University ang napili nya. Don't make her regret that." Panenermon ng guro na pinakinggan naman ng mga estudyante kaya nanahimik ang mga ito at umupo ulit. Bumalik na din sa kanila-kanilang classroom ang mga fans pero syempre nginitian nya pa din. "Ms. Shaine. Pls continue " Baling sa kanya ni Sir Facundo. She sighed saka tumingin ulit sa buong klase. "I'm Shaine Lautner. Dito ako lumaki sa pilipinas but we have to migrate in America when I was 11 years old because of my father's business. But I'm back now. Dito ako nag-aral because I want to have a normal school life just like you guys. I love my fans but as much as I could gusto kong maging normal na estudyante lng dito. At sana mapagbigyan nyo po yung hiling ko. But I'm still open to those who want to be my friend. But not because I am a super model. But because I am me. That's all. Please take care of me classmates. I hope maging masaya ako rito." Mabait na sabi ni Shaine na lalo lang ikinahanga ng mga kaklase nito dito. Nakuha na agad ni Shaine ang respeto at paggalang ng lahat. Nakita ng mga ito na isa itong tunay na tao. Doon na umupo si Shaine sa bandang unahan at nagsalita ng magturo si Sir Facundo. Naramdaman ni Shaine na parang may nakatingin sa kanya. At nang lumingon sya sa bandang likod ay nakita niya yung babaeng masungit. Pero nagulat sya ng ngumiti ito sa kanya. At parang biglang may kumabog sa puso nya. Napahawak tuloy siya sa dibdib. Ano yun? Ganun ba sya katakot dito para kabahan sya ng ganun? Weird. CHAPTER 5: Tamang Hinala? Break time na. At hinahanap ng mata ni Shaine si Damon dahil supposedly ay magkasavay sana silang kakain pero bigla itong nagtxt na di daw pala ito nakapasok ngayon. Masakit daw kasi ang ulo nito. Kaya nagpasya sya na sa rooftop na lng kumain dahil ang sabi bi Damon dun daw halos walang taong napapadaan pag launch break. Dun na lang siguro sya kakain. Pagdating nya doon ay umupo sya sa isang tabi. Mabuti na lng hindi mainit ngayon. Mag-uumpisa na sana syang sumubo nang bigla niyang namataan yung masungit na babaeng nang-away sa kanya nung enrollan. Bigla na naman syang kinabahan. 'Anong ginagawa nya dito?' Sa isip nya. "Sabi ko na nga ba at nandito ka. Wala namang ibang mapagtataguan ang isng sikat na katulad mo kundi dito. Yung mga fans mo pinaghahanap ka sa ibaba Sino namang mag-aakala na sa ganito kaalikabok na lugar ka magtatago?" Nakatwang Sabi nito saka umupo sa tabi nya. "Sorry nga pala sa pagiging rude ko sa'yo nung enrollan. Mainit lang talaga ulo nun kasi may period ako. Hehehe.." Parang mabait na sabi nito. Umiling-iling sya. "Hindi ka dapat magsorry. Wala k namang kasalanan eh!" Nabiglang sabi nya. Nagulat naman ito dahil tumaas sng boses nya bigla. Ano b itong nangyayari sa kanya? Para syang nawawala sa sarili pag ito ang kaharap nya. "May dapat k talagang ikagalit sa akin Shaine. Kasi pwede naman kitang pagsabihan ng di kita pinapahiya eh. Pero naging bastos ako. Sorry huh." Sincere na sabi ni MeiMei. "Akala ko din kasi maarte ka kasi ang ganda ganda mo at sikat pa. Mayaman. Akala ko nun lahat ng katulad mo ganun. Pero mukha namang hindi pala. Kasi nagtatyaga k ngng kumain dito sa rooftop eh." Dugtong pa nito. "Wala naman kasi akong choice. Saka maganda naman dito. Tahimik." Sabi na lang ni Shaine. "Ahhmm... Ano nga palang pangalan mo?" Biglang tanong nya na nahihiya pa. Pakiramdam nga nya ang init na din ng pisngi nya. Bakit ba ang weird nya? "MeiMei." Maikling sagot nito saka nilahad ang palad sa kanya. Kinuha naman nya iyon at nang magkadaupang palad sila ay parang biglang nakaramdam ng kuryente si Shaine. Bigla tuloy nyang nabitawan ang kamay nito. Para tuloy napasimangot si MeiMei. "Pasensya ka na kung madumi yung kamay ko. Inutusan kasi ako ni Mr.Facundo na maghanap ng files nya. Medyo maalikabok din kaya ayun." Paghahanap ng dahilan ni MeiMei kaya nya siguro binitawan ang kamay nito. Paano kung isipin na talaga nitong maarte sya this time? Anong gagawin nya? Tumayo si MeiMei. "Ahhh. Mauna na pala ako. Nakalimutan ko may gagawin pa pala ako sa baba. Saka nakalimutan ko din yung launch box ko sa room. Sige bye!" Viglang paalam nito. "Ah saglit MeiMei---" Paghabol pa sana nya ng tawag pero nakababa na ng hagdan ang babae. Napabuntong hininga sya. Namisunderstood na naman sya nito. Baka isipin nito ayaw nyang kamayan ito kaya bumitaw sya. Saka sya napatingin sa kmay. Hanggang ngayon nanginginig pa din yun. Naihawi na lang nya yung kamay sa sarili. She really feels so weird. "I'm telling you Kuya! Maarte talaga yang Shaine na yan! Kanina nga nakikipagshake hands lang ako eh parang diring diri pa sya. Nakakainis!" Paninira pa ni MeiMei kay Shaine sa kuya nya. "Hindi maarte si Shaine, I know her more than anyone else in this world, MeiMei. Saka talaga namang nakakadiri ka eh Kahit nga ako ayaw lumapit sa'yo. Hahaha.." Pang-aasar pa ni Damon. Hinagisan nya ito ng unan sa inis nya. Sapul ito sa mukha. "Ah ganun? Hindi ka naniniwala sa akin? Para talaga sa'yo perpekto yng Shaine Lautner na yan?" Inis na taning nya. Ngumisi ito nang matanggal ang unan sa mukha nito. "Yes Baby. She's really perfect to be my girlfriend. Si Shaine ay anghel. Di mo ba nakikita yun? Maganda, matalino at mabait pa. Di gaya mo bunso. Kung gusto mong may magkagusto sa'yong lalaki mag-ayos ka, hindi yung totomboy tomboy ka kung kumilos. Ang baba pa ng mga grades mo. At sobra mo pang sungit. Dinaig mo pa yung matndang dalaga dun sa kanto eh. Bakit di mo gayahin si Shaine? Lahat ng katangiang nagugustuhan ng isang lalaki sa isang babae na sa knya na-----" "Yun nga lng babae din ang gusto nya." Pagputol ni MeiMei sa mahabang nobela ng kuya nya. "Anong kalokohan naman yang sinasabe mo?" "Kanina sa room ilang beses ko syang nahuhuling nakatingin sa akin. Nanginginig sya kapag kaharap ako at parang nawawala sa sarili. Yang si Shaine, may gusto saken---" Naputol ang sasabihin pa sana ni MeiMei dahil si Damon naman ngayon ang nagbato ng unan sa mukha nya. "What is that for?" Inis na sabi nya. "You're losing your sanity! Nababaliw ka na! Lumayas ka nga sa kwarto ko!" Parang nakarinig ng malaking kalokohan si Damon. HUmarap na lng ito sa ineedit na picture ni Shaine sa adobe photoshop. "Hmp! Ayaw mong maniwala di wag! Ikaw na mainlove sa tomboy!" Inis na sabi na lang na pag-irap niya sa kapatid. Doon biglang may nag door bell sa baba. Ntatamad pa sana syang bumangon kaso wala naman magbubukas ng pinto dahil wala ang mga magulang nila at nagdate. "Saglit!" Iritadong pagsigaw ni MeiMei dahil pindot ng pindot ang nasa labas ng pinto. Nakakarindi! Nagulat pa sya nang makita kung sino ang nasa pinto. Si Shaine ang biglaang bisita nila! Strange Love written by: lady_phoenix16 Chapter 6: Old Memories and Incestrous Feelings Naguguluhan si Shaine sa nararamdaman nya. Simula nang makaengkwentro nya nung enrollan si MeiMei hindi na ito mawala sa isip nya. Lalo pang lumala yung weird na nararamdaman nya nung magkausap sila kanina. Kailangan nyang makita si Damon. Siguro may paliwanag ito kung bakit nagkakaganun sya. Alam nya naman kasi na higit kanino man ay maiintindihan sya nito. Kung minsan mas naiintindihan pa sya nito mas higit pa sa sarili nya. He was her bestfriend after all. Naging magbestfriend sila nung minsang naglayas siya noon sa bahay nila. Parehas lang silang 10 years old nun. Umalis sya sa kanila dahil pinagalitan sya nung magulang noon dahil sinuot nya ang damit ng kababata niyang si Onyx. Dati kasi ay boyish sya. Mas gusto nyang maglaro ng mga laruang panlalaki at mas komportable sa damit ng mga lalaki. Nang makita sya ng mama nya non ay pinagpapalo sya. Galit kasi ito sa mga myembro ng 3rd sex. Sa sobrang tampo niya ay tumakas sya sa yaya nya nun. Nawala sya at nagpalakad-lakad sa kalsada. Umiiyak na sya nun nang di na sya makabalik. "Bakit ka umiiyak?" Naalala nyang tanong sa kanya ni Damon nun. Di sya sumagot. Naalala nya na sinabi ng daddy nya sa knya na don't talk to strangers daw. Mukha pa namang gusgusin si Damon nun kasi madungis ito. "Ang suplada mo naman. Wag kng matakot sa akin. Parehas lang tayong naglayas." Iritable na ding sabi nito saka inilabas ang jumburger sa supot na dala nito at tumabi sa bench na kinauupuan nya. Napalunok sya nung mapatingin sa kinakain nito. Bigla syang magutom. At tumunog nga ang tiyan nya. "Nagugutom ka? Gusto mo?" Nakatawang tanong nito saka akmang iaabot sa kanya ang pagkain ng bigla nitong ilayo. "Kung gusto mong kumain magbanat ka ng buto." Sabi pa nito saka napatingin sila sa mga btang namamalimos. "Lahat ng mga bata dito naglilimos, nagbebenta ng sampaguita o naglilinis ng salamin ng sasakyan para lang may makain. Mayaman ka kaya di mo siguro alam kung paanong magutom at maghirap para lang may makain. Ngayon malalaman mo na." Nakangising sabi nito. Napasimangot sya nang umalis na ito sa harap nya. Hinding hindi sya magmamalimos. Mayaman yta sila. Pero nang muling tumunog ang tiyan nya at nangasim na ang sikmura nya ay sinundan din nya si Damon. Tinuruan sya nito ng mga dapat gawin para mabuhay sa kalsada. IIang araw din syang naging batang kalye at nakasama si Damon bago makita ng mayamang parents nya. At si Damon naman ay bumalik na din sa magulang nito nang tulungan ito ng mga magulang nya para mahanap ang pamilya nya. Dahil dun naging magbestfriend sila ni Damon. Para ng kapatid ng tingin nya rito dahil plagi sya nitong inaalala. Napangiti sya nang maalala ang kaibigan. Alam nyang pagabi na din pero gusto nya itong makita. Ito naman talaga ang dahilan kung bakit ginusto nya na sa pilipinas mag-aral. Kasi gusto nya na magkasama sila ng kaibigan nya. Lalo pa at masama ang pakiramdam nito ngyon. Kaya naman gamit ang kotse ay pumunta sya sa bagong address na vinigay nito sa kanya nun. Nagdoorbell sya ng nagdoorbell dahil parng sira ang pindutan nila. Medyo matigas. Di alam ni Shaine ay doble-doble na pala ang tunog nun sa loob kaya naman inis na inis yung taong nagbukas. At nagulat sya nang makita si MeiMei! Teka? Nagkamali ba sya ng bahay na pinuntahan? At muli ay nandon na naman yung kalabog sa dibdib nya. Ano ba naman to? Nagtitigan lang sila. Parang walang gustong magsalita. "Shaine! Anong ginagawa mo dito? Napadalaw ka." Biglang sumulpot sa likod ni MeiMei si Damon. Nagpalipat-lipat ang tingin nya sa dalawa. Bakit sila magkasama sa iisang bubong? "Ikaw talaga MeiMei may pagkabastos ka. Di mo man lang pinapasok sa loob si Shaine. Tsk! Magtimpla ka ng juice dun at magdala ka n din ng cake sa kwarto ko! Ihatid mo ha!" Pag-uutos ni Damon sa vabae. Sumimangot naman si MeiMei at ngumuso pa. Pero sumunod din naman at umalis na para pumasok sa kusina ang babae. Si Damon naman ay hinawakan sya sa kamay at pinapasok sa kwarto nito. Umupo sya sa kamang naroon. Pagkapasok pa lang ay nakita na agad nya ang mga posters nya sa wall nito. Sa gitna nun ay ang pinakamalaking picture na silang dalawa ni Damon. Napangiti sya. Saka napatingin pa sa namumulang mukha nito. "Nakakahiya. Nakita mo na tuloy tong secret hobby ko." Napapakamot sa ulong sabi ni Damon. Ngumiti lang sya at hinawakan sa kamay si Damon. Parang natigilan naman ang lalaki. "Salamat Damon huh. Salamat sa lahat-lahat. Kahit pala nasa ibang bansa ako naitabi mo pa rin yung mga pictures natin nung mga bata pa tayo. At nakadisplay pa talaga dito. Ibig sabihin talaga nun pinalahalagahan mo yung friendship natin. And I'm so thankful to that. Makakaasa ka na ikaw lang ang pinakabestfriend ko sa mundong ito." NAkangiting sabi ni Shaine. Na di alam ni Damon kung dapat ba nyang ikatuwa o hindi. He loves Shaine! And he want to be more than just a friend! Lingid naman sa dalawa ay may nakamasid pala. Si MeiMei. Naiinis sya kay Shaine! Alam nya kung gaano ngayong nasasaktan ang kuya nya. Manhid ba ito o tanga? para sabihin pa ang mga ganoong bagay sa kuya nya. Sa nangyayari ay sya ang mas nasasaktan para kay Damon. Kung pwede lang sana sila... "Bestfriend? Yeah right. We're just friends. But I want to tell you something Shaine..." Nagulat sya nang biglang magsalita ng ganun ang kuya nya. Magtatapat n ba ito kay Shaine? "Mahal na hari! Ito na po yung inutos nyong cake saka juice!" Parang batang pagsulpot ni MeiMei. Naihilamos ni Damon ang kamay sa mukha nito. Bakit ba ang galing mang-istorbo ng kapatid nya? Tsk. Si Shaine naman nataranta. Nasa malapit na naman kasi si MeiMei. "Ipatong mo na lang dyan tapos umalis ka na." Sabi ni Damon. "Wala na ba kayong iuutos? Baka meron pa." Pangungulit pa ni MaeMae. Halatang ayaw na maiwang magkasama ang dalawa. "Wala na MaeMae alis ka na." Sabi pa din ni Damon. "Eh gusto ko pang maglaro ng playstation eh. Dito muna ako." Hirit pa din nito. "Dalhin mo na lng sa baba." Walang ganang sabi pa din ni Damon. Konti na lang makakajackpot na sa kanya ang kapatid. Bakit ba parang gusto nitong mang-istorbo sa kanila ni Shaine? "Ahh.. Ate Shaine samahan mo ko! Laro tayo ng harvest moon sa baba! Dito ka na lang matulog. Dun tayo sa kwarto ko!" Biglang si Shaine naman ang pinagbalingan nito para manggulo. Parang naging uncomfortable naman si Shaine nang hawakan ni MeiMei ang kamay nito. Malamang nakukulitan rin ito dito. "MeiMei! Umalis ka na muna!" Pagsigaw na niya. Napapitlag naman ito na parang nagulat sa kanya Ska nkangusong tumayo na. "Hmmfff!!! Ang sungit-sungit mo naman! Pagkatapos ko kayong ipagtimpla dyan ng juice!" Inis na sabi nito bago umalis na. Padabog pa na sinara ang pinto. Sa labas ay napaluha na si MeiMei na kanina pa nya pinipigilan. Magtatapat na ang kuya nya kay Shaine. Pag nagkataon ay magkakaroon na ng Gf si Damon. Hindi na sya ang magiging prinsesa nito. Yes. She loves Damon. At di lang bilang kapatid. Higit pa run. Alam nya mali pero yun ang nararamdaman nya e. Kaya nga masaya sya noon na kahit na habulin ang kuya nya ay di naman ito nagseseryoso sa babae. Ngayon lang. Kay Shaine. Ito ang mahal ng kapatid nya... Lihim syang humiling na sana ay bastedin ito ni Shaine... Pinagpapawisan naman ng malamig si Damon nang sila na lang ni Shaine. "Damon? May sasabihin ka ba? Ano yung dapat kong malaman?" Takang tanong nito na nakakapaso ang titig. "Shaine. The truth is .. Ah... I-----" Chapter 7 "Shaine. The truth is, ah... I----" Nabubulol na pagsalita ni Damon. Inaabangan naman nya ang sasabihin nito. Nagtataka lang sya kung bakit parang nahihirapan pa itong sabihin kung ano yun. Para bang kinakabahan pa nga ito. "ah... I----, I'm glad na dinalaw mo naman ako dito." Biglang sabi nito. Parang bigla ay nagbago ang isip nito na sabihin sa kanya kung anuman ang tinatago nito. "Yun lang ba talaga yun Damon?" Nagtatakang tanong ni Shaine. "Oo naman. Yun lang yun. Masaya lng ako kasi dinalaw mo ako." Weird na sabi nito saka tumalikod. Hinala naman nya ito paharap ulit sa kanya at hinawakan ito sa mukha. "Nag-aalala kasi ako sa'yo dahil di ka pumasok kanina." Sabi niya saka dahan-dahang minasahe ang ulo nito. Umupo pa sila sa kama para maging komportable ito sa pagmasahe nya. Napapikt pa ito na parang nasasarapan sa ginagawa nya. "Di mo sa akin sinabi Damon. Na nakikipag live in ka na pala." Makungkot na sabi nya. Di nya alam kung bakit di matanggap ng puso nya na may gf na ito at si MaeMae pa. Di nya alam kung para kay MaeMae o kay Damon ang nararamdaman nyng selos. Napadilat naman si Damon. "Live in?!" Nagtatakang tanong nito. Di sya makatingin ng diretso rito. Para kasing naiiyak sya na ano. "Oo. Di'ba naglilive in na kayo ni MeiMei? Kaya nga dito din sya nakatira di'ba?" Halata na ang selos sa boses nya. Pero di nya na matago yun. Nagulat sya nang bigla na lang napabunghalit ng tawa si Damon. Napatanga sya dito. Para kasing wala ng katapusan ang tawa nito. Wagas eh. "Hahaha!!! Paano mong naisip na kaming dalawa ng bansot na yun? Nakakatawa talaga yang sinasabi mo!" Parang maiiyak na sabi ni Damon. Nakahawak p ito sa tiyan. Napasimangot sya. Parang bigla syang nainis sa sinabi nito. Ayaw nya nakakarinig ng lait kay MeiMei. "Sige tumawa ka na lang dyan. Aalis na ko." Inis na sabi ni Shaine saka tumayo. Pero kahit na nakasimangot ay cute pa din ito sa paningin ni Damon. "Uy, ano ka ba wag kang magalit!" Saka hinila ni Damon si Shaine ulit paupo. "Hindi kami naglilive in ni MeiMei dahil magkapatid kame." Seryoso nang sabi ni Damon. Nagulat naman sya. "May kapatid ka? Bakit hindi ko alam yun? Bakit di mo sinasabe sa akin Damon? Akala ko ba magbestfriend tyo?" Nagtatampong sabi nya. "Natatandaan mo ba nung 11 years old pa kang tayo noon? Katulad mo naglayas din ako nun. Nabanggit ko sa'yo na nambabae si Papa kaya ako lumayas. Nung nakaraang taon lang namin nalaman na nagkaanak pala si Papa sa naging babae nya nun. Tinago ng Mama ni MeiMei na si Daddy ang ama nya. Last year din namatay ang Mama ni MeiMei kaya kinuha na lng sya ni Papa. Pasensya ka na kung di ko na nabanggit. Sa totoo lang kasi ngayon-ngayon ko kang din natanggap na may kapatid ako. HmDi rin naman kasi ginusto ni MeiMei na naging ina nya ang babaeng nging dahilan ng muntik nang pagkasira ng pamilya namin noon. Isa pa malaki din ang naging pagkukulang ni Papa sa kanya. Lumaki syang walang ama. Gusto ko din sanang sabihin sa'yo nun kaya lng alam kong busy kasa modelling at marami kang iniisip. Ayaw kong dumagdag pa sa problema mo." Paliwanag nito. Napabuntong hininga sya. "Sorry for being insensitive Damon. Naalala ko na sa tuwing nagvivideo chat pala tayo nun wala akong ibang ginawa kundi magkwento ng mga nagiging experiences ko sa'yo. Ng mga problema ko. Nakalimutan ko ng itanong kung ano ang pinagdadaanan mo." Biglang nahiyng sabi nya. Palagi na lang kasing iniisip ni Damon ang lagay nya. Habang ito ay may sarili din palang problemang pjnagdadaanan. Ginulo nito ang buhok nya. "Matgal na yun. Mukha lang kaming aso't pusa ni MeiMei pero mahal na mahal ko yung kapatid kong yun Saka isapa pinatawad ko na din si papa. Nagsisi na rin naman sya." Nakangiting sabi nito. Bigla nyang naisip ulit ang dahilan kung bakit nga pala sya nagpunta doon. Kasi naguguluhan sya sa nararamdam nya ngayon. "Umm.. Damon nainlove ka na ba?" Bigla nyang tanong. Parang nagulat naman si Damon sa paglihis nya ng topic. "Kapag ba kinakabahan ka, nanginginig at natataranta sa harap ng isang tao o palagi mo syang naiisip ibig sabihin may gusto ka sa kanya?" Kinakabahang tanong nya. Kinakabahan sya na baka oo ang isagot nito. Parang Nag-isip pa ito bago sumagot saka nagkibit balikat. "Depende siguro Shaine. Kung may utang ka sa isang tao siguro oo. Kasi kinakabahan ka na baka makita mo yung pinagkakautangan mo. Nanginginig at natatakot ka kasi baka sapakin ka pa pag di ka nakabayad. Naiisip mo sya kasi palagi nyang pinapaalala na dapat makabayad ka." Oa na sabi ni Damon na ginawan pa ng scenario ang nararamdam nya. Tiningnan lang nya ito ng masama. Tumawa lang ito. Mukhang hindi pa nga ito naiilove. Bakit ba dito pa sya nagtanong? "Nagbibiro lang ako. Bakit mo ba tinatanong?" Palusot na lang nito. Naalarma naman sya. "Ahh.. Wala naman. Yung kaibigan ko kasi tinatanong ako. Sa tingin nya kasi inlove na sya. Kaso di ko alam ang isasagot kasi di pa naman ako nagkakaboyfriend." Palusot din nya. Napansin nya din na parang nalungkot ang mga mata ni Damon pero saglit ding bumalik ang ngiti nito. Imagination lang ba yun? "Minahal ba ng papa mo yung mama ni MeiMei?" Bigla niyang naitanong ulit maya-maya... "Sabi ni papa akala nya daw nung una oo. Yung mga sinabi mo kanina? Ganyan rin daw ang mga naramdaman nya sa Mama ni MeiMei. Kaya nga iniwan nya kame nun. Pero sglit lang daw eh narealize nya na physical attraction lang daw pala ang nararamdaman nya. Bumalik din sya sa amin. Narealize nya na kung gaano syang nabaliw sa mama ni MeiMei nun ganun din kadali nawala yung feelings nya rito. Sabihin mo sa friend mo na pakiramdaman nya ang sarili nya. Dahil malaki ang pinagkaiva ng obsession o infatuation sa love." Seryoso ng sabi nito. Napaisip si Shaine. Tama si Damon. Baka may iba pa ngang dahilan kung bakit sya nakakaramdam ng ganun. Baka natutuwa lng syang masyado kay MeiMei kasi sobrang cute nito at ito ang unang taong nagpakita ng hayagang pagkadisgusto sa kanya. Mawawala din tong pagiging weird nya Pag nagtagal babalik din sya sa normal. Masyado pang maaga para sabihin na gusto nya ito. At di rin matanggap ng sarili nya na magiging ganun sya. She's not a lesbian! Strange Love ©lady_phoenix16 Chapter 8: Forbidden Feelings Nakadikit na ang tenga ni MeiMei sa labas ng pinto ng kuya nya. Gusto nyang marinig ang sinasabi ng Kuya nya sa loob. Baka kasi magtapat na talaga ito kay Shaine. Naiinis sya dahil wala syang naririnig. At bigla syang nagulat nang biglang bumukas ang pinto at nangudngod ang mukha nya sa sahig dahil sa nakasandal sya sa pinto kaya natumba tuloy sya. Niluwa ng pinto ang nakakunot na noo nina Damon at Shaine. "MeiMei anong ginagawa mo dyan? Kanina ka pa dyan no? Nakikinig ka yata sa pinag-uusapan namin ah!" Tamang hinala ng kuya nya. At syempre pa ay todo tanggi sya. "Excuse me ha! Ano namang akala mo sa akin Kuya chismosa?!" Galit galitang sabi nya. "Nag-aalala lang ako kay Ate Shaine kasi gabi na." Saka sya tumingin sa direksyon ni Shaine. "Dun ka na lang matulog sa kwarto ko ate Shaine. Baka rape-in ka pa ni Kuya dito." Pinanlakihan naman sya ng mata ni Damon. Nanahimik na lang sya. Baka makutusan na naman sya nito. Para namang nataranta si Shaine sa sinabi nya. "Naku hindi. uuwi ako MeiMei. Salamat na lang huh? Kaso di ko kasi dala yung uniform ko may pasok pa tayo bukas eh." "Parehas naman tayong sexy. Maliit lang ako ng konti pero sigurado naman na kalasya ang damit ko sa'yo. Dito ka na lang matulog ate shaine. Sige na! Tapos tabi tayo." Pamimilit pa din nya. "Naiwan ko din kasi yung mga textbook ko sa bahay. May dala naman akong kotse at 8pm pa lng naman. Wag ka ng masyadong mag-alala sa akin." Sabi pa nito. Nagkibit balikat lang sya. Kung ayaw di wag. Arte e. Halata namang nagdadahilan lang ito dahil ayaw nitong makatabi sya. Hinatid na lang nila hanggang sasakyan si Shaine hanggang sa makaalis na ito. Parang maamong tupa si Damon habang nagwewave kay SHaine. Pero kinotongan naman sya pagkaalis na pagkaalis ng prinsesa nto. "Aray! Bakit mo ba ako kinotongan?!" Inis na tanong nya. "Para yan sa ginawa mo kanina. Tama ba namang makinig sa may usapan ng may usapan?" "Wala naman akong narinig eh. Kya wag kang mag-alala dahil di ko narinig kung paano kang binasted ni Ate Shaine, Kuya!" Pagbibiro nya. Dinaan na lang nya sa biro ang sakit na nararamdaman. "Hindi ako natuloy sa pagtatapat sa kanya MeiMei. Naduwag ako eh. At nagpapasalamat ako na di ko sinabi sa kanya ang totoo." Makungkot na sabi nito. Napatingin sya rito. "Dahil may nagugustuhan ng iba si Shaine. Sa akin pa sya nagtanong kanina kung paano kaya ang pakiramdam ng mainlove. Sinabi lang nya na kunwari para sa kaibigan nya yung tanong na yun pero alam ko naiinlove na sya sa iba." Parang masakit na masakit sa loob ni Damon ang sinasabe nito. Napabuntong hininga sya. Buong akala kasi nya may gusto din si Shaine sa kuya nya. Bigla tuloy syang nakunsensya sa ngkatotoong hiling nya kanina. Nabasted nga ang kuya nya... "Hayaan mo na lng siguro natin si Ate Shaine, kuya. Marami pa namang babae dyan." Payo nya. "Hindi MeiMei. Alam ko may tinatago sa akin si Shaine eh. Nararamdaman ko na meron syang hindi masabi sa akin kanina." Kutob nito. "Eh ano naman yun.?" Tanong nya. Nagulat sya nang bigla syang hawakan ni Damon sa dalawang kamay nya. Kumalabog tuloy bigla ang puso nya. Tinitigan pa sya nito sa nga mata nya. "Yun ang dapat mong alamin MeiMei. Alam ko na may di sa akin masabi si Shaine. Magkaklase naman kayo di'ba? Iclose mo sya at kunin mo ang tiwala nya. Parehas kayong babae kaya baka sa'yo masabi nya yung tinatago nya sa akin. Alamin mo kung sino yung lalaking mahal nya." Pakiusap nito. Napasimangot sya. Saka inis na binawi ang kamay sa pagkakahawak nito. "Ayoko nga!" Tahasabg pagtanggi nya. Parang di yata nya kayang gawing bestfriend ang babaeng karibal nya sa puso ng kuya nya. Niyakap namam sya ni Damon mula sa likod. "Pls baby? please do it for me? hmm..." Paglalambing pa nito na animo inamoy ang batok nya. Lumakas naman tibok ng puso nya. Tumindig balahibo nya dala ng mabangong hininga nito. Ang weird nya talaga. Di sya dapat nakakaramdam ng gnito sa sarili niyang kapatid! "Ok sige na nga!" Nasabi na lang nya. Di talaga sya makatanggi rito. Lalo na pag naglalambing ito na once in a bluemoon lang kung mangyri. Kadalasan naman kasi ay inaasar lang sya nito. STRANGE LOVE ©lady_phoenix16 CHAPTER 9: ONLY ME and YOU? Dumiretso na naman si Shaine sa rooftop. Si Damon kasi di nya mkita at mas lalong di rin nagrereply sa txt nya. Di nya tuloy malaman kung may sakit pa rin ito. Di naman mga fans lang nya ang dahilan kung bakit naroon sya sa rooftop. Sa totoo nga lang ay kalmado na ang mga estudyante ron sa kanya. Oo nga at parang prinsesa pa din ang tingin sa kanya ng lahat pero kahit papaano di na sila magulo at umaakto na ng normal. Ang totoong dahilan kung bkit gusto nyang magtago ay dahil kay MeiMei. Sa totoo lang naguguluhan sya sa nararamdaman nya. Knina sa room ay panay na naman ang nakaw ng tingin nya rito. At napapansin ata nito iyon kaya nginingitian sya nito na nagpapatalbog tuloy sa puso nya. Umupo sya sa isang tabi at inilabas ang notebook na pinagtaguan nya ng picture ni MeiMei na ninenok nya sa kwarto ni Damon kagabi. Alam nya bad yung ginawa nya kaya lang ang kyut kasi talaga ng ngiti ni MeiMei sa picture na iyon eh! Ang ganda ganda ng ngiti nito! >.< Ilang minuto pa nyang tinitigan ang picture ni MeiMei. Natotomboy na yata talaga sya! "Anong tinitingnan mo?" "AY PALAKA!" Gulat na pagtili nya nang makitang pilit na palang tinitingnan ni MeiMei mula sa likuran nya ang picture nito. Nalaglag pa sa sahig ang notebook. Agad niya iyong dinampot at tinago ng nanginginig sa likod nya. Napatayo sya bigla. Kaya tumayo rin ito. WAG NAMAN SANANG NAKITA NI MEIMEI ANG PICTURE NITO! NAKAKAHIYA! >//< "Ano ba yang tinatago mo dyan Ate Shaine?" Parang inosente naman na tanong nito. "Wala! Wala!" Natatarantang tanggi nya. Para pa ngang nabubulunan pa sya sa sariling laway dahil sa kaharap nya ito. Nandito na naman kasi ito. Naguguluhan na naman tuloy ang puso nya. "Ano ba kasing ginagawa mo rito?" Dinaan na lang nya kunwari sa pagtataray ang kahihiyan. "Yayayain lang sana kasi kitang kumain sa canteen eh. Napapansin ko kasi palaging dito ka na lang kumakain eh ang taas-taas pa naman ng araw." Sabi pa nito. Bigla namang natuwa ang puso nya sa thought na naalala sya nito. "Alam ko sikat ka pero pwede ba tayong maging magkaibigan Ate Shaine? Tutal magkaklase naman tayo eh. Saka di rin magnda na palagi kng nandito sa taas. Baka isipin nila na snob ka." Dugtong nito. "Wag kng mag-alala na baka dumugin ka nila kasi kasama mo naman ako eh. Kung gusto mo ako ang magiging bodyguard mo sa school na to. Si kuya kasi hindi mo maaasahan na palagi mong makakasama kasi di naman tugma ang schedules nyo. Isa pa graduating na yun kaya pwede ba for the mean time ako muna ang bestfriend mo?" Nakangiting pag-alok nito sa sarili. At sya naman napapatulala sa ngiti nito. Para syang naaswang samantalang kung tutuusin ay sya ng model sa kanilang dalawa. Pero daig nya pa ang nasastarstruck. "Ayaw mo ba?" Untag nito nang di sya makasagot. Natauhan naman sya sa tanong nito. Ayaw nyang magalit ito. "Ahh hindi naman..." "Kung ganun ok lang sa'yo?" Parang naexcite na tanong nito. "Ahhh-----" "Waa! Ang saya ko! Talagang magkaibigan na tayo!" Saka ito yumakap sa kanya. Para naman syang nanlambot bigla. Shemay ano ba naman yan -___- Hinila na sya nito at doon na sila kumain sa canteen. Magkaholding hands pa sila kaya naman parang nahihiya sya tuloy sa tingin ng mga tao. Alam naman nyang walang kahit na sinong mag-iisip na may malisya ang hawak kamay na yun. Parehas kasi silang mahinhin ni MeiMei. Sya lang naman ang nawiwirduhan sa sarili kaya di nya malaman kung bakit ganun ang nararamdaman nya. Marami sanang gustong lumapit kay Shaine. Maraming gustong makasama ito sa pagkain pero dumistansya na ang lahat nang makita si MeiMei. Protektado kase ito ng kapatid na si Damon. Konting kilos at maling galaw lang nila malalagot na sila. Takot ang lahat run sa magkapatid kaya hanggang tingin na lng silang lahat kay Shaine. "Nakapagtataka. Wala yatang lumalapit sa akin ngayon." Sa isipan lang sana nya sasabihin iyon pero navigkas pala nya ng bahagya kaya narinig ni MeiMei. "Baka kasi laos ka na." Pambabara ni MeiMei. "Huh?" Nagulat sya sa narinig. "Ahh. Ang sabi ko mas maganda nga yung ganun di ba? Makakapamuhay k na ng normal dito sa school kapag ganito sila." Paglihis nito sa sinabi nito kanina. "Saka gusto mo bang maraming lumapit sa'yo? Di ka pa ba kuntento sa akin? Ayaw mo ba nun? It's only me and you?" Parang mapang-akit na sabi nito. O sya lang ata ang maakit? Saka nito hinawakan ang kamay nya sa lamesa. MEI-MEI'S POV... "Tama ka. Di ko kailangan ng iba. Basta kasama kita masaya na ako." Ngumiti na sagot naman ni Shaine na pinisil nman ang kamay niya na nakahawak rito sa lamesa. Parang bigla syang nakaramdam ng weird sa sinabi nito. Normal lang siguro ky Shaine ang maging malambing pero bakit kaya parang iba ang dating sa knya ng sinabi nito? Isa lng naman ang plano nya eh. At yun ay ang kaibiganin si Shaine para masiraan rito ang kuya nya. At kung sila ang palaging magkasama ni Shaine mailalayo rin nya si Damon rito. Tutal si Damon naman rin mismo ang nag-utos na makipaglapit sya kay Shaine. Yun nga lang hindi para siraan sya sa babae. Pero kailangan nga nyang gawin iyon eh para sa sarili. Kasi mahal nya si Damon. But somehow nakakaramdam sya ng kakaiba sa babaeng ito? Hmmm... STRANGE LOVE ®lady_phoenix16 CHAPTER 10: CHANGE OF HEART Ilang araw pa ang lumipas ay naging super close na sina Shaine at MeiMei. Walang araw na di sila makikitang magkasama sa school at halos di na mapaghiwalay. At pansin na pansin iyon ni Damon sa totoo lng. Para bang si MeiMei na ang bestfriend ni Shaine at di na sya eh. "Mei-Mei! Shaine." Pagtawag niya sa dalawa nang mkita nya ang mga ito sa canteen. Lumingon naman agad ang mga ito. Pero para vang nagmamadali na hinila na ni MeiMei mula sa lamesa si Shaine at sabay sabing, "Kuya! Kailangan na namang umalis ni Ate Shaine! Baka malate kame sa klase namin eh! Magpakabusog ka ah!" Sabi nito saka umalis na ang mga ito sa harapan nya. Nginitian na lang sya ni Shaine at napakamot sya sa ulo. Bakit ba kasi sumaktong pagkatpos ng break ng mga ito ang break nya eh. Kung hindi lang naging international model si Shaine dapat sila ang posibleng maging magkaklase ngayon dahil silang dalawa ang magkasing edad. Si MeiMei tuloy ang naging kaklase nito kahit ahead ito ng dalawang taon sa kapatid nya dahil napahinto ito sa pag-aaral. . Gusto nyang mapalapit si MeiMei kay Shaine dahil gusto nyang mabakuran ito sa pamamagitan ng kapatid. Pero bakit ba pakiramdam nya eh naeetsupwera na sya? SAMANTALA. NAGHAHANTAY NAMAN NG TEACHER PARA SA NEXT SUBJECT ANG DALAWA "MeiMe. Napansin ko lang. Bakit ba parang takot lahat ng tao na lumapit sa inyo ni Damon? Para kasing lahat ng tao sinusunod din ang gusto nyo." Naitanong ni Shaine sa kanya. "Dahil kay Kuya Damon. Dati kasi syang leader ng gang. Lahat ng mga taong nang-aapi sa akin noon binubugbog nya. Kaya takot lahat na kantiin kami dito. Bakit Shaine? Di mo ba alam yun?" Nagtatakang tanong nya rito. Mukhang tinago ng kuya nya ang totoo rito. "Ahh.. Hindi eh. Wala syang nababanggit sa kin. Akala ko alam ko na lahat tungkol sa kanya. Hindi pa pala..." Nlulungkot na sabi nito na mahinhin pang bumuntong hininga. "Pero umalis na naman si kuya ko dun kaya wag kang mag-alala! Ayaw nyang maging masama ang tingin mo sa kanya kya umalis na sya agad dun nung malaman na uuwi ka ng pilipinas!" Pagdepende nya sa kapatid na di nya malaman kung bakit nya ginawa. Di'ba nga dapat na siraan nya ang kapatid rito para hindi nito magustuhan ang kuya nya? Pero parang di maatim ng puso nya na gawin iyon para lang sa pagiging makasarili nya. Sa ilang araw na naging magkaclose na rin naman sila ni Shaine ay parang nakukunsensya na sya sa masamang pinaplano ng utak nya. Mabait kasi pala talaga itong tao e. Akala nya boring itong kasama dahil sobra ito kung mailang sa kanya nung umpisa pero nang maging close sila ay masaya rin pala itong kasama. Palakwento at napakatalino. Madalas ay pinapakopya pa sya sa klase. Hehehe... At napakaganda nito at babaeng babae kung kumilos. Napakalambing rin. Kaya naman ngayon nya na nakikita kung bakit nainlove ang kuya nya rito.. Kaya mali yata talaga ang ginagawa nya. Dapat yta talaga magparaya na sya para maging masaya na ang mga ito. Nakukunsensya sya na maging balakid at kontrabida sa love story ng mga ito. Kaya sige na nga. Magpaparaya na lang sya. Di nya na guguluhin ang dalawa at maghahanap na lang sya ng baging mamahalin. Tutal naman alam nya rin sa sarili na sa wala rin mapupunta ang pantasya nya kay Damon. Kapatid sya nito kaya dapat na suportahan nya ito. Dapat tanggapin nya na wala na syang pag-asa dahil natalo na sya ni Shaine sa puso ni Damon. Atisapa, kung ikukumpara kay Shaine walang wala sya. Alam nya na parehas silang cute pero lamang pa din ito ng sampung paligo. Wala naman yatang lalaking di magkakagusto rito. "Umm.. Shaine. Matanong ko lang rin. Ilang linggo ka na dito. Umm, wala ka bng nagugustuhan sa ngayon?" Biglang tanong nya. Para namang biglang nataranta si Shaine sa tanong nya. Naglikot ang mga mata nito at di makatingin ng diretso. "Ahh... Andyan na pala si Mr.Facundo! Mamaya na tayo mag-usap MeiMei!" Pag-iwas nito saka na tumayo at umupo sa upuan nito sa unahan. Nagsimula ng magturo ang teacher at sya naman napapaisip. Mukhang totoo ang hinala ng kuya nya. Mukhang in love ai Shaine sa ibang lalaki. Kung sino man yun di nya hahayaang mapunta sa iba si Shaine. Nagparaya na nga sya eh. Kaya gagawin nya ang lahat para maging masaya ang kuya nya STRANGE LOVE ©lady_phoenix CHAPTER 11: SUGATANG PUSO Nang mag-uwian ay di na sumabay si MeiMei sa pag-uwi. Alam nya din kasi na parang nanggalaiti na sa kanya ang kuya nya dahil nakakahalata ata ito na sinosolo nya si Shaine eh. "Bakit di ka sasabay Mei-Mei? San ka pupunta? Di ba ko pwedeng sumama sa'yo?" Nagtatakang tanong ni Shaine na parang ayaw umalis na di sya kasama. "Ahh... Wala naman. Gusto ko lang kasing gumala muna ngayon. Mauna na kayo Kuya Damon. Uuwi rin ako agad." Pagbaling niya sa kapatid na sinenyasan pa ito na ang ibig sabihin ay pagkakataon na nito. "Sasama na lang ako sa'yo MeiMei." Pamimilit pa din ni Shaine. "Wag na Ate Shaine! Alam ko pagod ka na eh! Sige kuya Damon! Ihatid mo sya ah! Babye!" Sabi pa nya saka tumakbo na palayo sa dalawa. Gusto pa sanang humabol ni Shaine pero wala na din itong nagawa. Mabigat naman ang loob ni MeiMei habang naglalakad na sya papasok ulit sa loob ng school. Masakit para sa kanya na mkitang kasama ng kuya nya ang kaibigan nya pero kailangan nyang malagpasan yun dahil taboo para sa iba ang mainlove sa kadugo mo. Oo nga at wala pa silang tatlong taon na nagtuturingang magkapatid ni Damon pero ama rin niya ng ama nito. Noon nahiling nya na sana di nya na lng nakilala ang tunay na ama. Para kahit sakaling nagtagpo sila ni Damon at nagkainlove-an atleast di sya makukunsensya sa nararamdaman nya kasi di naman nya alam na magkapatid sila. Huminga sya ng malalim. Kailangang malagpasan nya tong sakit na nararamdaman nya sa dibdib. Dapat maging masaya sya para sa dalawa. Yun ang nararapat. "Uy yung babae!" Biglang pagsigaw ng isang lalaki na naglalaro ng basketball. At dahil knina pang tulala si MeiMei ay di nito namalayan kaagad ang papalapit sa kanyang bola! Nataranta sya nang makitang malapit ng lumipad papunta sa mukha nya ang bola at masyado nang mavilis ang pangyayari para makaiwas pa sya. Nang walang ano-ano ay biglang may humilang lalaki sa kanya kaya naiiwas nya sarili at sa likod lang nito tumama ang bola. At lumakas ang tibok ng puso nya nang masilayan ang gwapong mukha nito... Nagkatitigan sila na para bng sila lang ang tao sa OVAL. "Ayos ka lng ba? Pasensya ka na sa kasama ko. Di ka ba nasaktan?" Malumanay na tanong nito. Dun na sya natauhan. Nakakahiya. Napatulala sya sa kagwapuhan nito. Kulang na lang maglaway sya eh. "Ahh! Oo ok lang ako! Ikaw yata ang nasaktan e! Tinamaan ka sa likod eh!" Bigla nyang naalala na niligtas nga pala sya nito. "Don't worry about me. Kami ang naglalaro. Dapat kami ang nag-iingat. By the way, I'm Denver. And you are?" Saka nito inabot ang kamay. "Joana Marie. MaeMae for short." At tinanggap nya ang palad nito at di na maalis ang ngiti sa labi nya. Sa tingin nya. Nalove at first sight sya kay Denver. Ngayon nakatagpo na sya ng lalaking mamahalin kaya makakalimutan nya na ang feelings sa sariling kapatid. STRANGE LOVE ©lady_phoenix16 CHAPTER 12: LOVE CONFESSIONS Ilang buwan pa ang lumipas at Napapansin ni Shaine na palagi na lang nawawala si MeiMei pagkauwian. At madalas nya itong nahuhuling nakangiting mag-isa. Palagi naman kasi nyang ninanakawan ito ng tingin. Pag tinatanong naman nya ito ay umiiwas naman ito. Parang katulad ng pag-iwas nya pag tinatanong nito kung sino ang gusto nya. At sa totoo lang sa ilang buwan niya sa school na iyon ay natatakot sya sa unti-unting natutuklasan tungkol sa sarili. Hanggang sa naisip nyang magkunwaring umalis agad para masundan nya kung saan pupunta si MeiMei. 'Sorry, Damon. Pero kailangan kong malaman kung anong ginagawa nito ni MeiMei.' Sa isip nya habang nakatanaw sa magkapatid na hinahanap pa sya pero nang di sya nakita ay naghiwalay rin ang mga ito. Si Damon para umuwi at si MeiMei para pumunta sa kung saan. Sinundan nya si MeiMei na nagpunta sa Ayala Mall. At nagulat sya nang may lalaking sumalubong rito at biglang nagyakap at magkaholding hands pa na umalis ang dalawa papasok sa sinehan. Parang tinusok tusok ng sampung karayom ang puso nya habang papalayo ang dalawa. Mukhang masayang masaya ang babae at halata pang kinikilig. Bkit ba sya nasasaktan sa nakikita? Bakit ba kasi masyado syang attached kay MeiMei? KINAGABIHAN.. Kinakabahan pa si Damon habang nagdodoor bell sa labas ng malaking bahay nina Shaine. Masyadong malaki at mataas ang bhay ng babaeng mahal nya kung ikukumpara sa pangkaraniwang laki lang ng bahay nila. Mayaman talaga sila Shaine. Isa lang ang bahay na iyon sa marami pang mansyon at hacienda na pag-aari ng pamilya nito. At ito lang ang nakatira roon kasama ang ilang bodyguards at mga katulong. Sa yaman ni Shaine hindi na nito kinakailangan png magtrabaho o magmodel. Malinaw na hobby lang iyon ng babae noon. Ayaw pa sana syang papasukin ng antipatikang katulong nito kung di lang sinabi ni Shaine na papasukin na daw sya. Nginisian nya lang ang panget na katulong pagkabalik nito. Nilibot nya ang paningin sa malawak na mansyong iyon. Sa labas ay may malaking swimming pool. Lahat naman ng mga gamit sa loob ay halatang mamahalin at para bang nahihiya pa syang itapak ang sapatos sa makinis at makintab na sahig. Punong puno ng mamahaling paintings at base ang sala. Sa laki ng bahay na iyon parang kahit tatlong barangay pa ata ay kayang tumira sa bahay na iyon. At mag-isa lang sa bahay na iyon si Shaine? Ang parents nito ay nasa ibang bansa. Malungkot siguro ang lagay ni Shaine sa bahay na iyon na puro di naman nito kaano-ano ang kasama nito. Di na sya nagtataka na kahit pag-uwian ay hinahatid pa sila nito at ng driver nito sa bahay nila ni MeiMei at hindi ito umuuwi agad. Kumatok sya sa kwarto nito. At nagulat sya nang mkita niya na mugto ang mga mata nito. Para bang galing ito sa pag-iyak! "Anong ginagawa mo dito Damon?" Walang kasigla-siglang tanong nito. "Ikaw ang dapat kong tinatanong eh. Bkit bigla ka na lang nawala kanina nang di ka man lng nagpapaalam sa amin ni MeiMei?" Balik tanong nya. Niluwagan nito ang pinto nito kaya pumasok na sya. Nagulat sya sa laki ng kwarto nito. Parang sampung beses ang laki nun sa kwarto nya eh! Parang kwarto ng prinsesa eh. Karamihan sa mga nkikita nya sa kwarto ay pink. Napakafeminine talaga ni Shaine. Malumbay na umupo si Shaine sa study table nito. At sya naman umupo rin. "Damon. You're my bestfriend right? Maipapangako mo ba sa akin na mapagkakatiwalaan kita sa sasabihin ko sa'yo?" Sabi nito. Parang kinakabahan pa ito na di nya maintindihan. "What kind of question is that?! Syempre naman oo! At kailan ka pa nagtago ng sikreto sa akin Shaine? Ito ba ang dahilan kung bkit ka malungkot nitong mga nkaraang araw?" Kinakabahan na tanong nya. Bakit ba parang ang seryoso-seryoso ni Shaine? "Siguro nga dapat ko na tong sabihin sa'yo. Ang hirap-hirap Damon. Na lahat na lang ng nararamdaman ko kinikimkim ko sa loob ko." Sabi nito na bumuntong hininga pa. Para bang hirap na hirap talaga itong sabihin kung anuman yun. "I think..." Pabitin pa nito. Ewan ba nya pero parang kinakabahan din sya sa sasabihin nito. Hindi kaya sasabihin nito na mahal rin sya nito at pareho pa sila ng nararamdaman?. "I THINK I'M IN LOVE WITH YOUR SISTER!" Napapikit pa ito habang sinasabi iyon. At sya? Napanganga. Parang biglang may sumabog na bomba sa tenga nya. At nang maabsorb ng utak nya ang sinabi nito ay saka sya napabunghalit ng tawa. "Hahaha!!! Shaine! Joke ba yan? Akalain mong may potensyal ka pa lang maging komedyante! Hahaha..." Parang di na maubos ang tawa ni Damon. "SHIT DAMON! I'M DEADLY SERIOUS!" Pagsigaw na ni Shaine na inis na inis sa pagtawa nya. Ngayon lang nya narinig magmura ang mahinhing si Shaine. Nang mag-angat sya ng mukha ay nkita nga nya na umiiyak na ito! Bigla syang natauhan. Talagang seryoso si Shaine! "Hey Shaine! Naririnig mo ba yang sinasabi mo? Si MeiMei ba talaga ang pinag-uusapan talaga natin dito? Sya ba yung sinasabi mo? Don't tell me that you're a lesbian?!" Napasigaw na din sya. Mabuti na lang at walang nakakarinig sa knila roon. Natatarantang tumalikod sa kanya si Shaine. "Hindi ko alam! How should I know? Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito! At natatakot ako Damon! Na kapag malaman nya lumayo sya sa akin! Baka pandirihan nya ako! Ayaw kong isipin nya na weird ako. Ayaw kong mawala si MeiMei! Sa tingin ko mahal ko na sya!" Halos manginig pa ang boses na sabi ni Shaine. Umiiyak na ito. At sya bukod sa pagdurugo ng sariling puso dahil sa katotohanang hindi sya ang mahal ni Shaine ay sumasakit pa ang ulo nya. Bakit sa dinadami dami ng tao ay si MeiMei pa?! Matatanggap nya pa siguro kung sinabi ni Shaine na may mahal itong ibang lalaki pero ang sabihin na ang kapatid nya ang gusto nito at katulad pa nitong babae is a bit too much. At ano ng nagustuhan nito sa kapatid nyang ubod ng kulit at parang bata kung kumilos?! Hinila nya paharap sa kanya si Shaine at hinawakan sa mukha. Tinitigan nya ito sa mga mata. "Pakiramdaman mo ang sarili mo Shaine! You can't be a lesbian! Baka humahanga ka lang kay MeiMei kaya akala mo in love ka na!" Sabi niya nang mariin rito kahit na sa sarili nya ay di rin naman nya alam kung ano ang pwedeng ikahanga nito kay MeiMei. Hindi naman tomboyin ang kapatid nya at ang landi-landi pa nga kung kumilos minsan kaya di nya malaman kung sino ang aaktong lalaki sa dalawa kung sakalng magkaron ng katuparan ang kahibangan ni Shaine. Tinanggal nito ang kamay nya sa mukha nito. "Hindi mo alam kung ilang beses kong pinigilan ang nararamdaman ko para sa kanya Damon! Alam mo ba na sya ang dahilan kung bkit hindi na ako masyadong tumatanggap ng mga projects ngayon at pati ang offer sa akin na maging artista ay tinanggihan ko? Kasi gusto ko palagi kaming magksama ni MeiMei. Masaya ako kapag nakikita ko sya. Para sa akin sya ang dahilan kung bkit ako nabubuhay ngayon." Umiiyak na pag-amin nito. At sya parang maiiyak na din sa sakit na nararamdaman habang sinasabi nito kung gaano nitong kamahal ang kapatid nya. "Pero ngayon sa tingin ko may boyfriend na sya. Alam mo ba kung gaanong kasakit sa akin yun? Anong laban ko sa kanya Damon? Lalaki sya. Ako babae din na katulad ni MeiMei. Kahit kailan hindi nya ako makikita at baka mandiri lang sya sa akin." Umiiyak pa rin na sabi nito na pinapahid na ang kmay sa pagitan ng pagluha. Para itong nanghihina na napaupo sa gilid ng kama nito. "Akala mo ba gusto ko ang nararamdaman ko Damon? Akala mo ba ginusto ko na mahalin sya? Kahit kailan hindi ko masasabi sa knya ang totoo. Wala akong magagawa kundi ang ipaubaya sya sa totoong lalaki na makakapagpaligaya sa kanya. I hate to be like this Damon. I don't want to be a lesbian!" Binabaha na ng emosyon si Shaine. At sya ang mas nasasaktan para rito. Hindi nya kayang mkita ito sa ganoong estado. Sa tanang buhay nya ngayon lang nya nakitang nagkaganun ito. Palagi itong maingat sa kilos nito. Niyakap nya na ito at doon ito humagulgol sa dibdib nya. Maya-maya ay inilayo niya ang sarili rito at inangat muli ang mukha nito at tinitigan ito sa mga mata. "Then don't be a lesbian Shaine. Be my girlfriend." Sabi nya rito na naiiyak na rin. "What are you saying Damon? Di mo kailangang gawin yan para sa kin." Pag-iwas nito na para bang nailang bigla sa kanya. "BUT I LOVE YOU SHAINE! Kaya kalimutan mo na lang si MeiMei! Ako na lang ang mahalin mo! Handa akong maghintay hanggang sa dumating ang panahon na kaya mo na ring suklian ang nararamdaman ko para sa'yo. Matagal ko ng gustong sabihin to sa'yo dahil katulad mo natatakot rin ako na ikaw ng mawala sa akin pag nalaman mo. Na baka pati ang friendship natin mawala rin Shaine." Umiiyak na rin sya. Sobrang nasasaktan sa nangyayari. "I'm sorry Damon..." Ang namutawi sa bibig ni Shaine. Parang nakunsensya sa nalaman na parehas pala sila ng pinagdadaanan. Pareho silang nasa friendzone. Sya para rito. At ito para kay Mei-Mei. "Alam ko na hindi ka tomboy Shaine! Naguguluhan ka lng. Kaya subukan mong mahalin ako para kalimutan sya. Gagawin ko ang lahat para sa'yo. Use me Shaine. Be my girlfriend." Halos magmakaawa nang sbi nya. Wala nang pakialam kahit magmukha ng kawawa at tanga. Dahil gnun nya kamahal si Shaine. Handa syang tanggapin kahit ano pa ito. STRANGE LOVE ©lady_phoenix16 CHAPTER 13: OBLIVIOUS IN LOVE Umuwi si MeiMei na badtrip na badtrip. Nakakainis si Denver. Sa totoo lang ay nahigh blood sya nung sinabi nito sa kanya kanina ang rason kung bakit ito nakipaglapit sa kanya. Ang damuho ay may gusto pala kay Shaine! Kaya pala ito lumapit sa kanya ay dahil close daw sila ni Shaine. At nagpapatulong pa ang walangya na manligaw. Ang kapal ng mukha. Nakipaglapit pa talaga ito sa kanya at binitin pa ng ilang linggo ang pakay bago umamin sa kanya. Akala pa naman nya ay magkalaron na sya ng boyfriend na athlete. Huhuhu... At sa pangalawang pagkakataon si Shaine na naman ang dahilan kung bakit sya broken hearted ngayon. Dapat yata talaga tanggapin nya na lng na lahat ng biyaya ay nasalo nito nung nagpalaagaw ng swerte ang diyos sa mundo. SIno ba naman kasing di magkakagusto dito? Tama ang kuya nya. Hindi kailangang mhirapan ni Shaine pagdating sa lalaki dahil narito na ang lahat. Mayaman pa ito. Maganda, matalino at sikat na sikat pa. Di na naman sya galit kay Shaine. Ganun lang talaga ang buhay. Kung mahaba masyado ang hair ni Shaine wala na syang magagawa. Magkaibigan sila nito eh. Nainis lang talaga sya kay Denver dahil pakiramdam nya gusto sya nitong gamitin kung kailan naman gustong gusto nya pa ito. Pinangako nya sa sarili na di na lang ito papansinin. Pagpasok nya sa bahay ay nakita nya agad si Damon sa sala. At umiinom ito! Para bang pasan nito ang buong mundo. Lumapit sya sa kapatid. "Kuya. Ano ba yan! Tama na kya yan may pasok pa bukas eh. Baka malasing ka ng sobra." Sabi nya saka hinila rito ang alak pero bago pa nya makuha iyon ay naiiwas na nito. "Alam mo ba na kami na ni Shaine?" Pagbabalita nito. Naamoy nya ang amoy alak pero mabango pa ding hininga nito. "Kung kayo na bakit parang semana santa ka dyan? Dapat nga matuwa ka di'ba? Baliw ka talaga!" Inis na sabi nya na wala nang madamang bitterness sa dibdib. Patunay lang na wala na nga syang feelings sa sariling kapatid. At iyon ay dahil kay Denver. Nangasim na naman ang mukha nya pagkaalala sa nakakainis na pagmumukha ng gwapong lalaki. "Alam mo hindi ko maintindihan. Ano bang meron ka na wala sa akin ha, Mei-Mei. Ang payat-payat mo. Maliit. Di ka naman matalino. Naging cute ka lang ng kaunti eh! Pero bakit ganun? Natalo mo ko?" Malungkot na sabi ng Kuya nya. At damang-dama nya ang lungkot nito. Para ngang maiiyak ito eh! "Pangalan mo pa lang parang pambata na. Mei? Mei? Mei? MeiMei? Paulit-ulit? Hahaha..." Saka ito nakakalokong tumawa na saka kinurot-kurot ang pisngi nya. Pero kahit tumatawa ito kay ay bakas pa din ang himig ng lungkot sa mukha nito. Mukhang lasing na talaga ang kuya nya! "Ano bang pinagsasasabi mo dyan kuya? Alam kong libre ang lait pero wag mo namang dalasan! Kung may bayad lang lahat ng lait mo sa akin aba mayaman na siguro ako ngayon! Magpakatino ka nga! Paano kang mamahalin lalo ni Ate Shaine nyan kung napakalasinggero mo!" Panenermon nya. "Hah. Si Shaine. Kahit kailan di nya ako mamahalin. Dahil ang gusto nya ay isang siraulong tao. Isip bata.Tamad mag-aral at di makakain ng walang saging na pamutat." Mapait na sabi nito. "Hah! At dinescribe mo pa talaga ang sarili mo kuya ah! Matulog ka na lang nga! Tatawagin ko nga si Mommy sa taas para malaman nila na naglalasing ka dito. Dapat nga matuwa ka pa na pinatulan ka ni Ate Shaine! Tsk!" Sabi nya pa. "MeiMei. Ano kaya kung gayahin kita no? Baka sakali magustuhan rin ako ni Shaine! Hik!" Parang lasing na talagang sabi nito. "Ewan ko sa'yo bahala ka na nga dyan!" Inis na tumayo na sya palayo rito at umakyat na ng taas para tawagin na ang Mama nito para asikasuhin si Damon. Pumunta na sya sa kwarto nya nang makatulog na rin si Damon dala ng pagkalasing. Napaisip tuloy sya. Bakit kaya nagpakalasing ng ganun ang Kuya nya? Dapat nga masaya ito dahil nakuha na nito sa wakas ang babaeng pinapangarap nito. At ano kaya yung sinasabi nito na gayahin na lang daw kaya sya nito at baka sakaling mahalin din daw ito ni Shaine. Ano naman ang kinalaman nya kay Shaine? Hay naku. Naguguluhan na talaga sya. 'Makatulog na nga lang.' Sa isip nya. Lumitaw sa balintanaw nya si Denver. "I love Shaine. Please help me na ligawan sya." Naalala nya pang sabi nito sa inaakala nya na date nila knina. Nabadtrip na naman sya ulit. Nagdasal na lang sya na sana sa susunod na magmahal sya ay wag na sana ulit magkagusto kay Shaine. Gusto nya nang magkaroon ng boyfriend eh. Hopeless romantic sya at alam nya yun. Gusto nyang maranasang magmahal at mahalin. 'Mabuti pa si Shaine. Makukuha nya khit sino mang lalaking gustuhin nya. Sa ganda nyang yun walang lalaking makakatanggi sa kanya. Tanga na lang suguro yun kung meron man.' Sa isip-isip nya at napailing dahil ayaw nyang makaramdam ng inggit dito. Masama yun. At dun nakatulog na din si MeiMei. STRANGE LOVE ©lady_phoenix16 CHAPTER 14: TAGAPAGLIGTAS? Pagpasok ni Shaine ay nakita nya agad si MeiMei na kausap na naman mula sa di kalayuan ng classroom nila ang lalaking sa tingin nya ay boyfriend nito. Mukha pa ngang nagtatalo ang dalawa eh. Napasimangot sya. Ang aga-aga nagseselos na naman sya. Napatingin naman ng palihim ang mga kaklase niya sa kanya. At tiningnan ng mga ito ang tinitingnan ni Shaine sa pagtataka kung bkit parang masama ang hilatsa ng mukha ng superstar ng school. At inisip pa ng mga ito na may gusto si Shaine sa kasama ni MeiMei kaya ganun makasimangot ang magandang babae. Napatingin ang dalawa na nahuli pa syng nakasimangot. Umisnab lang na Inalis na nya ang tingin sa dalawa at umupo sya sa seat nya sa unahan. Bakit kasi inagahan nya ang pasok eh. Maiins lang pala sya sa makikita nya. Nagkukutkot amg loob nya. Sana nging lalaki na lng sya! Kung nangyari iyon hinding hindi sya mag-aalangang ligawan si MeiMei. Mapapatunayan nya rito na mas higit sya kaysa sa mga lalaking magugustuhan nito. Pero wala eh. Sa nararamdaman nya kay MeiMei pakiramdam nya talaga lalaki sya na natrap sa katawan ng isang magandang babae. Mahal nya ang sarili oo at nagpapasalamat sya sa binigay na katawan ng diyos sa kanya. Pero pag tinitingnan nya ang sarili sa salamin at naiisip nya ang feelings nya kay MeiMei sumasakit ang dibdib nya. Bakit kailangan nyang ipanganak na kaparehas ni MeiMei na maganda? Bakit kasi di na lang sya naging gwapo. Dumating na ang teacher at pumasok na din si MeiMei. Nginitian pa ni MeiMei si Shaine nang mapadaan ito sa harap pero simangot naman ang binigay ni Shaine dito na pinagtaka naman ni MeiMei. Umupo na lang sya sa hulihan. 'Parang si Kuya na si Shaine ah. Nagiging bugnutin. Ahh... Baka meron sya.' Inosenteng sabi ng isip ni MeiMei saka naalala bigla si Denver. Humihingi ng sorry sa kanya ang lalaki. At syempre pinatawad nya na din pagkatapos nyang mag-inarte. Kawawa naman eh. Kaya lang halatang halata pa ring patay na patay pa din ito kay Shaine eh. Napadaan nga lng ang babae kanina kahit na nakasimangot pa ito ay natulala pa din ang loko eh. Biglang palihim na napalingon sa knya si Shaine. Pero nahuli nya ito at ngumiti naman sya. Pero sa gulat nya ay bigla itong nang-irap! Napataas ang kilay nya nang mag-iwas na ito ng tingin. Omo! Ano bang nagawa nya kay Shaine at parang galit ito sa kanya?! Di tuloy mapakali si MeiMei habang nasa klase. Iniisip nito kung bakit nagagalit si Shaine. Natawag tuloy ito ng teacher. "Ms. Mendoza. Ano at napapatulala ka dyan? Iniisip mo ba ang solusyon sa problema ng pilipinas? Well, mamaya mo na isipin yan at sagutin mo muna ang problem dito sa unahan." Viglang agaw pansin ng math teacher nilang si Mr. Yee. Nagulat naman sya at kinabahan bigla. Bakit ba kasi kung ano-ano naiisip nya eh! Pag nagwawonder pa naman sya ay halatang halata sa expression ng mukha nya! Napansin tuloy sya na di sya nakikinig. "Ms. Mendoza? Do you hear me? Ang sabi ko I want you to come here in front." Untag nito nang di sya makasagot agad. "Ahh! Yes Sir! Sorry po!" Natatarantang sabi nya saka pumunta na sa harap at kinuha pa ang chalk. Patay tayo dyan. Bobo pa naman sya sa calculus! Kaya ayun napapanganga na lang sya sa harap at pinagpapawisan na ng malamig. Saang utak sya hihiling ng himala? Wala nga syang maintindihan kahit isa sa tinuturo ni Mr. Yee kanina kaya paano naman syang makakasagot?! Huhuhu... "Mukhang nahihirapan ka Ms. Mendoza. Guys, who wants to help Ms. Mendoza?" Tanong na lang ni Mr. Yee sa lahat. Doon sya nagdasal n sana may sumalo sa kanya sa kahihiyan. Pero ang mga magagaling nyang mga kaklase nagtatago lang ng mga mukha. Mahirap kasi ang problem na nasa harapan kaya walang naglalakas loob sumagot. Maya-maya ay biglang tumayo si Shaine at kinuha ang chalk mula sa kamay nya. Ewan nya pero parang lumakas ang tibok ng puso nya habang pinapanood ito na walang kahirap hirap na nagsusulat ng solution sa board. Para bang bigla ay bumagal ang kilos nito sa paningin nya at nagniningning pa ito. Nang matapos ito ay napanganga ang lahat sa haba ng mga naisulat nito. Talagang nakakaintindi at nakakasagot ito ng mga ganoong kakumplikadong tanong! Hangang-hanga tuloy dito si Mr. Yee. Halos maiyak pa ito sa tuwa na nalamang may ganoon ito kagaling na estudyante. At sya nasa harapan pa din na mukhang tanga na nakatingin lang rin sa mga ito. "It was quite easy kapag inintindi mo ng maigi MeiMei." Nakangiti at mahinang sabi sa kanya ni Shaine nang lampasan sya at bumalik ito sa upuan nito. Biglang tumalbog ang puso nya nang makita nya ang ngiti at marinig ang bulong nito kanina. Napahawak tuloy sya sa dibdib. Ninenerbyos pa rin ba sya kaya nakakaramdam sya ng ganun? "Now Ms.Mendoza pwede ka ng bumalik sa upuan mo, at sana sa susunod mag-aral ka na para di ka na kailangang tulungan pa ni Ms. Lautner." Sermon pa sa kanya ni Mr. Yee bgo sya pabalikin sa upuan. Umupo sya sa upuan nya sa likuran at napatingin sya kay Shaine na nakatingin rin pala sa kanya. Nagkatitigan lang ang mga mata nila. Medyo matagal rin iyon. Para bng may gustong iparating ang mga tingin nito na iyon sa kanya. Para bang may gusto itong sabihin sa kanya. Pero ano yun? STRANGE LOVE ®lady_phoenix16 CHAPTER 15: DINNER WITH PARENTS Nung gabing iyon ay nakatakda na pumunta si Shaine sa bahay nina Damon. Sa totoo lang ay sinagot nya ang lalaki nung gabing nagtapatan sila ng mga nararamdaman nila. Alam nyang maling gamitin si Damon para kalimutan si MeiMei. Alam nya rin na nasasaktan ito dahil mahal sya nito. Kung sya ang tatanungin kung meron man syang taong gugustuhing magustuhan ay si Damon iyon. Kaya sinagot nya ito. Baka sakali matutunan nga nya itong mahalin. Bumunting hininga sya nang makitang magandang maganda na sya sa salamin. Habang tinitingnan nya ang sarili sa salamin ay di nya maiwasang hindi kausapin ang sarili. "Tama. Kakalimutan ko na si MeiMei. Hindi ang mukhang ito ang dapat kong sayangin. Masyado akong maganda para magpakatomboy lang. Kung tutuusin mas maganda pa ako sa kanya kaya dapat mapatunayan ko sa sarili ko na hindi talaga ako inlove sa kanya! Naguguluhan lang ako. Hindi ako Lesbian at hindi ako magiging lesbian ng dahil lng sa kanya. Si Damon. Sya ang dapat kong mahalin." Pagkausap nya sa sarili. Pinapaniwala ang sarili na kaya nya pang takasan ang feelings nya. Saka sya nakarinig ng katok mula sa labas ng pinto. At si Damon iyon. Binuksan nya naman ang pinto. "Whoaa!!! Ang cute mo naman Shaine. Siguradong matutuwa sina MAma at Papa kapag nakilala ka nila." Masiglang sabi nito. Ngumiti na lng sya at lumabas na sila ng bahay at sumakay sa kotse nya. Wala naman kasing sariling sasakyan si Damon. Isa lang ang kotse ng mga ito. Kahit papaano kinakabahan sya. Ngayon lang kasi nya makikita ang parents ni Damon. Oo nga at magbestfriend sila ni Damon pero sa higpit ng Mama nya noon ay halos bihira syang pumunta sa bahay nila Damon noon. Madalas pa ay wala ang parents nito hanggang sa nagmigrate na nga sila sa America at di nya na nakilala ang parents nito. Kaya naman pumayag na rin sya ng niyaya sya ni Damon na magdinner kasama ang buong pamilya nito. At si MeiMei. Nandoon rin ito sigurado. At sa isiping makikita nya ito ulit ay kinakabahan na agad sya. Lalo pa at plano syang ipakilala na ni Damon sa mga ito bilang girlfriend na nito. Kailangan nyang magsinungaling at magpanggap sa harapan ni MeiMei na inlove sila sa isa't-isa ni Damon. Tama si Damon. Kahit anong mngyari dapat labanan nya ang feelings nya kay MeiMei. Kasi maling mali iyon. Dahil parehas silang BABAE... ILANG SANDALI PA AY NASA KATAMTAMANG LAKING BAHAY NA SILA NI DAMON. Pagkabukas na pagkabukas pa lang nila ay niyakap na agad sya ng Mama ni Damon. "Welcome ka sa bahay namin Hija! Naku ang swerte swerte ng anak namin at pinatulan mo sya!" Nakakalokang bungad nito na ikinangiti lang nya. "Oo nga Shaine! Anong nagustuhan mo sa basagbulerong anak namin? Naku kailan ang kasal nyo? Excited na kaming magkababy dito ulit!" Segunda naman ng papa nito. "Pa! Ma! Anak nyo ba talaga ako? Para namang gulat na gulat pa kayo na nagkagusto sa akin si Shaine eh kagandang lalaki ko naman! Saka wag nyong takutin si Shaine sa kasal kasal na yan! Baka wala pang isang linggo makipagbreak na sa akin!" Nakatawang pagsakay rin ni Damon sa biro ng dalawa. "Sus kunwari ka pa anak! Eh bago umuwi dito sa pilipinas si Shaine eh pinagpaplanuhan mo na kung paano syang mapipikot! Anak naman! Magpakatotoo ka! Hahaha.." Pambubuko naman ng Mama nito na ikinapula naman ng mukha ni Damon. Sya naman ay natatawa na lang sa mga ito. Ngayon nya na nalaman kung bkit may kakulitan sina Damon at MeiMei. Dahil masaya sa pamilya ng mga ito. Di katulad sa kanila. Nag-iisa na nga lang syang anak ng mga magulang ay wala pang panahon sa knya at puro business lang ng mga ito ang inaatupag. Nawala ang ngiti sa labi nya nang biglang lumitaw din sa pintuan si MeiMei kasama ang isang pamilyar na lalaking nasa likuran nito. Iyon yung lalaking kadate nito at kausap nito sa labas ng classroom kahapon. At ngayon ay para na namang kinukurot ang puso nya. Nasa harapan nya ngayon ang lalaking karibal nya sa puso ng babaeng mahal nya. Matangkad ito at gwapo rin naman. Wala syang kalavan laban. "Hey Ate Shaine! May problema ba? Bakit parang maiiyak ka ata?" Untag sa kanya ni MeiMei. Maging ang lahat ng nakatingin sa kanya roon ay nagtataka din sa ikinilos nya na parang maiiyak na nga sya sa pagkakatingin kay MeiMei at sa lalaking kasama nito. Hindi nya na kasi mapigilan ang sarili eh. Naiiyak sya. Ang sakit-sakit makitang may kasama itong lalaki. Konti na lang ay malapit na talagang tumulo ang luha nya nang bigla syang hawakan ni Damon sa kamay. "Naku Mei-Mei. Gutom na tong girlfriend ko kaya naiiyak na. Kaya siguraduhin mong hindi pagkaing pang-aso yung hinanda mo kanina dahil kundi mas lalong iiyak to." Paggawa na lang ng dahilan ni Damon saka hinila na sya ni Damon papasok sa loob ng bahay. Pinaghila pa sya ng upuan ni Damon sa hapag at kinilig naman para sa kanila ang lahat ng nakakita. "Naku naman kay sweet nitong dalawang to. Carding para akong nanonood ng sine!" Kilig na sabi ng Mama ni Damon na kinurot kurot pa ang asawa at pinarinig pa talaga sa lahat. "Naku oo nga eh! Shaine bagay na bagay talaga kayo nitong anak ko. Ngayon pa lang sinasabi ko na sa'yo.Botong boto ako sa'yo! Kung gusto nyong magpakasal ora mismo bibigyan ko na kayo ng basbas!" Eksaheradang sabi naman ng papa ni Damon. Hindi naman alam ni Shaine kung matutuwa o hindi sa sinabi ng papa ni Damon. Kung alam lang nito na ang isa pa nitong anak ang sya talagang pinagpapantasyahan nya baka ito pa mismo ang magsabi na layuan nya ang anak nito. Hindi naman natutuwa ang dalawang magkatabi sa eksena na nakikita nila. Si Denver ay gumuho ang pangarap. Di pa man sya nanliigaw kay Shaine ay basted na sya dahil GF na pala ito ng Kuya ni MeiMei. At si MeiMei naman ay hindi maintindihan sa sarili kung bakit naiinis sya ng lihim sa pagtutudyo ng mga parents nila kina Shaine at Damon. Kung tutuusin dapat matuwa sya. Yun naman talaga ang gusto nya eh. At yun ay ang maging masaya ang kuya nya. Alam nya rin na wala na syang nararamdaman para rito pero bakit ganun ang nararamdaman ng puso nya? Bakit parang nagseselos sya? Nang biglang mapatingin sa gawi nila si Shaine at nagtama ng mga mata nila. At sa tingin nito ay parang biglang tumalbog ang puso nya at lumakas na ng lumakas ang tibok nun. Ganung ganun din yung naramdaman nya nung tinulungan sya nito na sagutan ang problem sa board kahapon. Hindi kaya... Umiling-iling sya. There's no way she could feel something like that! Towards Shaine? Masyado na yata talaga syang nadala sa mga lalaking minamahal kaya kung ano-ano na ang pumapasok sa isip nya... STRANGE LOVE ©lady_phoenix16 CHAPTER 16: POSSESIVE DAMON "So Shaine, parehas palang nasa ibang bansa na ang parents mo. E di sino lang ang kasama mo sa bahay?" Tanong ng Mama nya kay Shaine nung nasa hapagkainan na sila. "Ako lang po. Kasama po yung ilang mga kasambahay, yung driver, hardinero at mga bodyguards po na kinuha nina Mommy para sa akin." Magalang na sagot ni Shaine. "Ganun ba. Naku, kawawa ka naman Hija. Mahirap rin pala minsan ang maging mayaman ano? Parang ang lungkot-lungkot!" Komento ng Mama nya saka hinawakan sa kamay si Shaine. "Hayaan mo Hija. Pag kinasal kayo nitong anak ko araw-araw ipagluluto kita! Sa susunod di ko na paglulutuin itong si MeiMei. Ang alat-alat nitong adobo nya. Pasensya ka na ah! Di ko na kasi natikman agad yan dahil ngarag na kami knina sa pagluluto." Paumanhin ng Mama nya. "Mama nman eh! Alam mo nmang hindi ako mahilig magluto! Nagluto lang talaga ako kasi para kay Ate Shaine!" Sabat naman ni MeiMEi na kinatouch naman ni SHaine dahil napansin nya na napangiti ito at parang kinilig sa sinabi ng kapatid nyang loka loka. "Ok kang po. Masarap naman eh." Sabi naman ni Shaine. Kahit ano naman yatang galing kay MeiMei ay pagtitiisan nito. "Ma. Pwede ba wag nyo nang tinatanong ng kung ano-ano si Shaine." Pagsingit nya. Baka kasi kung ano pa ang mapag-usapan ng mga ito at madulas pa si Shaine na di nman talaga sya ang totoong mahal nito kundi ang kapatid nyang babae. Napakasaklap. "Bakit di na lang itong si MeiMei ang pag-usapan natin? At yang kasama nyang lalaki." Iritableng sabi nya na binalingan sina MeiMei at Denver na nasa harapan nila ng katabing si Shaine. "Sino ka ba? Boyfriend ka na ba ng kapatid ko?" Striktong tanong nya. Bigla namang nabilaukan si MeiMei pagkasabi nya nun habang ang kasama naman nitong lalaki na nkalimutan nya ang pangalan ay viglang namutla. Nang sinulyapan nya si Shaine ay napansin nyang nagyuko ito ng ulo. Para bang biglang nasaktan agad sa tanong nya. "Kuya! Ano ka ba! Hindi ko boyfriend si Denver! Magkaibigan lang kami! Sumama lang sya rito kasi gusto nya daw makita si Ate Shaine!" Pagdadahilan nito pero namumula naman. Tumaas ang kilay nya sa sinabi nito. "At bakit? Bakit mo gustong makita ang GIRLFRIEND ko?" Mapag-angking tanong nya. Parang natakot naman ang lalaki at bumuntong hininga na sumagot. "Ang totoo kasi nyan Ms. Shaine..." TUmitig ito bigla kay Shaine. "Unang beses pa lang kitang nakita nainlove na ako sa'yo." Pagtatapat nito bigla na pinanlaki naman ng mga mata nya. Si Shaine nag-iwas lang ng tingin. "At ang kapal rin naman ng mukha mong sabihin yan sa harap naming lahat ano? GIRLFRIEND ko sya! Akin sya naiintidihan mo?" Nag-init bigla ang ulo na sabi niya saka tumayo at nilapitan ito para kuwelyuhan ito. Nataranta nman bigla ang lahat at pumigil sa knya. Except lang sa Mama nya na parang kinikilig pa sa nangyayari. Para daw itong nanonood ng sine na pinag-aagawan pa ng dalawang lalaki ang iisang babae. "Alam ko naman yun eh! Hindi ko naman na pinipilit ang sarili ko lalo ngayong alam ko na may boyfriend pala sya!" Biglang sabi ni Denver. "Yun naman pala eh! Damon, kumalma ka na dyan, hindi ka naman pala aagawan eh!" Pagsaway na ng papa nya sa knya. Inis na bumalik na lng sya sa silya. "Hijo, pasensya ka na kay Damon ha? Baka masyado nya lang mahal si Shaine kaya nagkakaganyan." Sabi ng Papa nya na tinanguan lng nito. Saka sya pinilit na magsorry pa sa damuho. Mabigat naman sa dugo na ginawa na lng nya. "Ang bilis nga naman ng panahon. Parang dati lang Damon napakaliit mo pa. Pero ngayon nagagawa mo pang mkipag-away para lang sa isang babae." Maya-maya ay sabi ng Papa nya na di mo alam kung nagkukwento o nanenermon. "Kaya Shaine. Alagaan at mahalin mo si Damon ha? Dahil simula ngayon pinagkakatiwala ko na sya sa'yo." Sabi ng papa nya kay Shaine na akala mo eh ikakasal na sila. "Ahh... O.. Opo." Parang nabubulunan pa si Shaine. Parang napasubo lng kaya umuo. Alam na alam nya naman kasi kung sino talaga ang mahal nito. Walang iba kundi ang pandakekok na nasa harapan nya na iniirapan sya dahil sa ginawa nya sa kasama nito. "Pero ikaw MeiMei! Bawal ka kang makipagboyfriend dahil bata ka pa!" Viglang baling ng papa nya kay pandakekok. "Pero papa!----" "Hep. Hep. Sasagot pa eh! Boyfriend o walang allowance?" Pananakot ng papa nila. "Ihh.. Sige. Sige na nga. (di mo naman malalaman eh)" Napilitan na lang na sabi ni MeiMei pero may plano namang sumuway. "At ikaw Denver. Hindi purkit bigo ka dito kay Shaine ay ang anak ko naman ang liligawan mo ah! Bata pa yan! Bawal pa ang boyfriend boyfriend." Striktong sabi naman nito kay Denver. "Yes Sir." Magalang naman na sagot ni Denver. Si MeiMei ang nainis. Sa sinabi nito sa tatay nya ay mas lalo na itong nawalan ng pag-asa kay Denver. At dun natapos ang dinner nila. Yan ang Tatay Carding nila. Batas ang salita. Mag-aupdate ako ulit pag may nabasa akong maganda at mahabang comment. Marami po akong on going stories kaya if you want this story to be my priority give me a reason to do so. XD STRANGE LOVE ©lady_phoenix16 CHAPTER 17: Ang Pag-Iwas ni Shaine Hinatid na ni Damon si Shaine pagkatapos ng Family Dinner nila. Sya pa nga ang nagdrive para rito. Napapansin nya lang na kanina pa ngumingiti ng palihim si Shaine. Ngalang ay di pinapahalata sa kanya at tahimik lang rin sila sa loob ng sasakyan. "Thank you Damon sa paghatid ah? Pwede ko namang itxt na lang kanina ang driver ko pero nag-abala ka pa para ihatid ako rito." Mahinhing sabi ng babae. "Hinatid kita dahil may gusto akong itanong sa'yo. Baka kasi marinig nila sa bahay kaya dito na lang. Alam mo, Kung hindi lang puno ng kamanhidan ang parents ko at si MeiMei mismo nahalata ka na nila. Muntikan ka pang umiyak nung makita mo silang dalawa ni Denver." Pagpuna nya rito na kinayuko nito. Ang labas ay pinapagalitan na nya nito. "At yang ngiti mo kahit itago mo pa alam ko na ang ibig sabihin. Kilalang-kilala na kita Shaine. Natutuwa ka kasi hindi pala sila magboyfriend hindi ba?" Panghuhuli nya. Na ikinaangat naman ng ulo nito. "Damon," Madiin na banggit nito sa pangalan nya. "Kaya nga tayo naging magboyfriend kasi gusto ko na syang kalimutan hindi ba? Kaya nga pinakilala mo pa ako sa parents mo bilang girlfriend mo. Kakalimutan ko na si MeiMei. Simula bukas hinding hindi ko na sya papansinin. Kaya sana wag mo nang ipaalalang mahal ko sya, pwede ba yun?" Sabi nito saka hinawakan sya sa pisngi. Lihim man ay nasasaktan sya. Talagang ang rason lang ni Shaine kung bakit sya nito sinagot ay dahil sa kapatid nya... Wala na syang nagawa pa kundi manahimik na lang. Dahil alam naman nya na hindi rin sya mananalo kay Shaine eh. Dahil mahal na mahal nya ito at kung tutuusin maswerte na sya na makasama man lang ito sa dinadami ng lalaking nangangarap rito. Sinong mag-aakala na babae rin ng papangarapin nito? Buhay nga naman... Inaantok pa si MeiMei na pumasok kinaumagahan. Nagkwentuhan pa kasi sila ni Denver pagkatapos umalis nila Shaine. Joker at makulit kasi ang lalaki kaya natutuwa sya rito. Nawala na rin ang bitterness nya na wala itong interes sa kanya. Parang kapatid o katropa na lang ang tingin nya rito. Come to think of it. Bakit nga ba sya ganun? Madali syang mainlove. Tulad kay Damon na kahit kapatid nya ito ay minahal nya ito dahil lang sa sobrang closeness nila. At kay Denver na unang kita pa lang nya parang nainlove na sya agad. Marami rin syang nagiging crush nung highschool pa sya dahil lang sa nagagwapuhan sya o kaya naman pag mabait. Pero lahat ng yun mabilis ring nawawala pag inayawan na sya. Naisip nya tuloy. Love nga kaya lahat ng yun o akala lang nya? Kung mag-aasawa sya hindi pwedeng ganun. Kasi baka maging taksil sya ng wala sa oras. Erase! Erase! Bakit ba pag-aasawa agad ang nasa isip nya? Samantalang kakasabi pa lang ng Papa nya kahapon na bawal syang magboyfriend. Gusto pa naman nya ng lalaki. Tsk Tsk Tsk. Pero minsan naiisip nya. She wants to find love that lasts. Yung tipong di mo na magagawang tumingin sa iba dahil ang tao lng na yun ang gusto mo. Yung tipong ikaw lang palagi ang priority nya at lovey dovey kayo. San kaya sya makakahanap ng Prince Chaiming na ganon? Saka sya nag-imagine ng ideal man nya. How romantic! Saka sya biglang napatingin kay Shaine na nakatingin na naman pala sa kanya. Bigla syang napahiya sa sarili. Nahuli sya nitong nagde-day dream! May papikit-pikit at pangiti-ngiti pa naman sya! Nakakahiya. Kung minsan nagtataka na sya kay Shaine kung bakit palagi nya itong nahuhuling pinagmamasdan sya. Kung hindi lng ito maladyosa sa ganda at di ito ganun kafeminine iisipin nya na tomboy talaga ito at may gusto sa kanya tulad ng biro nya sa Kuya Damon nya noon. Pero girlfriend na nga ito ng Kuya nya kaya non sense na pagdudahan pa nya ang kasarian nito. Naschock sya ng bigla sya nitong inirapan! Omo! Mukhang galit na naman ito sa kanya! Ano na naman kaya ang nagawa nya samantalang akala nya ok na sila kagabi dahil pinagtanggol pa nga nito ang luto nya sa Mama nya. Sinubukan nyang lapitan ito pero para bang umiiwas ito. Binigay nya na ang pinakacute nyng ngiti pero wa effect rito. Samantalng dati ay ni hindi ito makatanggi sa ngiting yun! Ayaw na sana nya itong lapitan kaso bigla nyang naalala na nakalimutan nga pala nyang gawin ang assignment nya! OMG! "Ahh Ate Shaine. Kung galit ka sa akin sorry na. Ano kasi. Nakalimutan ko kasi yung assignment ko. Pwede bang pakopya kahit na konti lang? Sige na, wala na kasing time para magsolve pa ulit kasi dadating na si Sir! Pls!" Kakapalan na ng mukhang sabi nya nang lapitan ito sa upuan nito. Wala syang choice. Wala syang ibang kaibigan run kundi ito eh. They only have each other dahil nga sa takot ng mga schoolmates nila kay Damon. Pero tinaasan lang sya nito ng kilay at nakapamaywang pa! "Nakalimutan o Hindi ka nakagawa ng assignment dahil nakipaglandian ka pa kay Denver kagabi? Pagkatapos ngayon hihiram ka sa akin?" Sabi ni Shaine. Ang iba na naroon inisip na nagtataray si Shaine kaya nagjump to conclusion tuloy ang lahat na magkaaway sila. Pero hindi yun ang nababakas nya sa mukha at tono ng pananalita ni Shaine. Di nya alam kung bakit pero pakiramdam nya parang... Parang nagseselos ito? Nagiging malisyosa na ba sya? "Shaine--" "No. Kailangan mong pagdusahan yang katamaran mo. Hindi ka makakakopya. Wala akong pakialam kung wala kang assignment." Matigas na sabi nito saka tinalikuran na sya at umupo na ito sa upuan nito. Wala na syang nagawa. Pagdating ng teacher ay napagalitan nga sya at pinalabas pa ng teacher na may hawak na timba. Yun na yata ang pinakanakakahiyang experience nya sa taong yun! Sya lang ang walang assignment! Huhuhu.. Si Shaine naman ay inaatake ng kunsensya habang nagtuturo sa klase nila ang Math Teacher nila. Panay ang tingin nya sa bintana kay MeiMei. Halatang ngalay na ngalay na ito at init na init pa. Kung alam lang nito na gusto nyang kunin iyon at sya na lang ang magbuhat ng timbang hawak nito. Kung alam lang nito na gusto nyang punasan ang pawis nito at kung alam lang nito na kahit pa sya ang gumawa ng buong assignment nito araw-araw. Yun ang mga bagay na gusto nyang gawin para rito. Gusto nyang palaging kasama ito at kausap. Gusto nyang yakapin ito. Halikan... Pero alam nyang hindi pwede yun. Dahil parehas silang babae. Kaya dapat nyang pigilan ang nararamdaman nya para rito. Ayaw man nya pero kailangan nya itong tiisin ... STRANGE LOVE ©lady_phoenix16 CHAPTER 18: Selos Makes You Evil 'Nakakainis sya! Bahala na nga sya sa buhay nya.' Naiinis na sabi ni MeiMei sa isip nya. Di man lng nagsorry si Shaine sa ginawa sa kanya kanina. Ni hindi na sya nito pinansin nung tapos na ang Math Class nila. Parang itong walang nakita pagkalabas nila ng classroom. Parang di sila magkaibigan o kahit magkakilala man lang! Bukod run sumama ito sa mga kaklase nila na matagal ng gustong maging kaibigan nito! At sya? Kumakain ng mag-isa. Badtrip. "Huy!" "Ay palaka!" Gulat nya. Paglingon nya ay si Denver pala ang bakulaw na sumundot sa tagiliran nya. Tawa naman ito. "Bakit simangot ka dyan? At bakit di ikaw ang kasama ni Shaine?" Nagtatakang tanong nito saka tumabi sa kanya. "Di ko alam." Maasim ang mukhang sagot nya. "Ahh... Baka nagsawa na si Shaine at narealize na masyadong isip bata ang kasama nya kaya naghahanap ngayon ng bagong kaibigan. Kawawa ka naman MeiMei. Wala ka ng kalaro? Hahaha..." Pang-aasar nito. Habbang tumatagal nagiging Damon number two na ito. Bakit nga ba sya sa mga baliw na lalaki pa nagkakagusto? "Hahaha... Nakakatawa ka. Ikaw nga ni hindi na nakalapit eh. Wala pa man basted ka na kaagad." Sarcastic na sabi nya. "Ito naman. Parang nagbibiro lang eh. Hindi ko na kailangan si Shaine kasi may MeiMei na ako. Ikaw na gusto ko. Ayaw mo nun wala na yung bestfriend mo? Ako na lang ang sasama palagi sa'yo. We'll be together. Hehehe." "Ulul. Pwede ba Denver tigil-tigilan mo ako. I'm not in the mood." Iritable talagang sabi nya. "Mukhang seryoso ka talaga ah. Samantalang dati konting kiliti ko lng sa'yo tumatawa ka na. Hindi kaya nagiging lesbian ka na? Kanina pang malagkit ang tingin mo kay Shaine! Hahaha!" Pang-aasar pang lalo ni Denver. At sa totoo lang napaisip sya. Bakit nga ba masyado syang affected? Bakit hindi sya mapakaling di sya nito pinapansin? Bakit naiinis sya na kasama nito ang mga kaklase nila. Pakiramdam nya inaagaw ng mga ito si Shaine sa kanya. Kasi dapat sya ang katabi at kasabay nitong kumain ngayon. Sya dapat yung kausap at katawanan nito. At bakit lumalakas ang tibok ng puso nya pagkatingin sa malaanghel na mukha nito? "Uy! Natahimik ka na dyan?" Untag sa kanya ni Denver. Natauhan sya. "Ahh wala. Sige umupo ka na. Baka magbago pa ang isip ko at mawala pa ang pagkakataon mo na makatabi ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa." "Yakk. Parang nawalan ako ng ganang kumain." Oa na sabi nito saka umarteng sumusuka. "Hahaha.. Siraulo ka talaga Denver!" Paghampas nya ng bahagya sa braso nito. Yun ang eksenang nasaksihan ni Shaine na di kalayuan mula sa table nina MeiMei at Denver. Nawala ang ngiti nya sa selos. Parang wala lang kay MeiMei na di sila ng magkasabay kumain at kasama pa talaga nito si Denver. Tumayo na sya. "Oh Ms.Shaine, san ka pupunta?" Tanong sa kanya ng avid fan nya na nagyaya sa kanya. Sikat ito sa buong campus dahil ito ang Cheer Leader ng Team nina Denver. Si Jing. Maganda ito sa totoo lang. Milya ang iginanda kung ikukumpara kay MeiMei na super cute at petite. Matangkad pa ang babae sa kanya. At inamin nitong BI ito at may gusto raw ito sa kanya. Ngiti nga lang ang sinagot nya sa confession nito kanina at sinabing straight sya pero sa totoo lang ay hanga sya sa lakas ng loob nito na nagtapat ito sa kanya na parang wala lang. Para bang tanggap na tanggap nito na lesbian ito. Samantalang sya ay pinipigilan ang sariling feelings para kay MeiMei. "Bakit ka nakatingin sa kanila Ms. Shaine? Don't tell me my gusto ka kay MeiMei?" Nakangising tanong ni Jing. Para bang nakakaamoy ito dahil sa kabila ng kaartehan nitong iyon ay bulgar na rin naman sa lahat na isa itong bisexual at marami na itong nakarelasyon mapalalaki man o mapababae sa campus na iyon. "Excuse me! I'm not a lesbian!" Balik niya sa pag-upo at todo tanggi nya. Kahit kailan di nya sasabihin sa mga taong ito kung ano talaga sya. Wala syang pakialam kung magbago man ang tingin sa kanya ng lahat pero wag lang si MeiMei ang mandiri sa kanya. Pero di nya na napigilan pa ang selos nang makita nya na lumalapit na ang mukha ni Denver sa mukha ni MeiMei! Balak pa ng mga ito na maghalikan sa harap ng maraming tao! Di na sya nakapagpigil at tumayo sya papalapit sa dalawa. Wala n syang pakialam sa sasabihin ng iba basta hinila nya lng ito patayo. "Shaine! Bakit?" Halatang gulat na gulat si MeiMei sa lakas ng paghila nya rito. Kahit si Denver at ang lahat ng tao run sa canteen ay nakatingin na sa kanila. "Hey Shaine, ano bang naging kasalanan sa'yo ni MeiMei. Nag-aaway ba kayo?" Naguguluhan na tanong rin ni Denver at pinukulan nya ng isang nakakamatay na tingin. "Wala ka ng pakialam run! Basta wag na wag ka ng lalapit ulit kay MeiMei! Nakakairita ka! Bastos!" Pagsigaw nya rito saka marahas na hinila si MeiMei paalis sa lugar na yun. Nganga lahat ng tao. Di makapaniwala lahat na ang sikat na model at hinahangaan ng lahat ay may ganung kabagsik na side. Para bang nawala yung anghel na imahe ni Shaine rito. Talagang galit na galit ito. But she still looks so HOT! Lalo lang nainlove kay Shaine ang lahat ng tao run! *fangirls scream STRANGE LOVE ©lady_phoenix16 CHAPTER 19: PAINFUL CONFESSION "Arrayyy! Ate Shaine! Dahan-dahan naman! Ang sakit-sakit na ng kamay ko!" Pagrereklamo ni MeiMei nang sa wakas ay marating rin nila ang rooftop. "Dapat lang yan kasi ang landi-landi mo!" Galit pa rin na sabi nya. Nagsisikip ang dibdib nya sa selos. "Malandi? Ano bang sinasabi mo dyan Ate?" Pagtataka nito. "Nagmamaang-maangan ka pa! Eh kitang kita ko maghahalikan na kayo ng Denver na yun! At sa harap pa ng maraming tao! Pinagbawalan ka na nga ng Papa mo na makipagboyfriend pagkatapos lumalandi ka pa rin!" "Halik? Landi? Teka, nagkakamali ka Ate Shaine! Dahil di naman kami maghahalikan ni Denver eh! Hinihipan lang nya yung mata ko kasi napuwing ako knina!" Pangangatwiran nito. "Basta! Ayaw ko ng makikipaglapit ka pa sa knya! Sa akin ka lang dapat sumasama!" "Paano kong gagawin yun kung ikaw ang umiiwas sa akin? At di ko pwedeng iwasan si Denver!" Pagmamatigas nito na kinainis nyang lalo. "Bakit di mo sya kayang iwasan? Dahil ba may gusto ka sa kanya? Malandi ka talaga!" Galit na talaga sya. "At ano naman sa'yo Shaine kung lumandi ako sa kanya? Bakit Shaine boyfriend ba kita? Narerealize mo ba kung ano yang ginagawa mo ha? Para kang lalaking nagseselos!" Para nang nagpanting ang tenga na pagsigaw na rin nito na nagpahinto sa kanya... Saka nya narealize kung ano nga ang mga ginawa nya. Nawala sya sa sarili. Parang di nga sya si Shaine mula pa kanina... "Tama. Hindi mo nga ako Boyfriend. At kahit kailan hindi pwedeng maging tayo kasi parehas tayong babae!" Umiiyak na sabi nya. Natauhan bigla si MeiMei pagkarealize sa nakakahiyang salitang lumabas sa bibig nito. Nakusensya ito na napagsalitaan ng ganun si Shaine at umiyak pa ito. "Ate Shaine, Sorry. Ikaw kasi eh. Ano ba kasing nangyayari sa'yo?" Malumanay nang tanong ni MeMei saka lalapitan sana ang nakayukong si Shaine pero tinulak lang sya nito. Umiiyak pa rin ito... "You know what's the problem here Mei-Mei?" Mapait na sabi nito saka nag-angat ng mukha kay Mei-Mei at tumitig sa mga mata nito ng tuwid habang may luha pa rin sa mga mata. "I can't accept the fact that I LOVE YOU! Not just as friends but as a man!" Pagsigaw ni Shaine na parang sumabog sa tenga ni MeiMei. Parang natalos at nanigas sa pagkabigla sa kinatatayuan nito si MeiMei. Para bang tinaranong pa nito sa sarili kung totoo ba ang narinig. "Tama ka ng narinig. I fell in love with you for the very first time I laid my eyes on you! Lumalim pa yun nung naging close tayo. Palagi kitang naiisip. I want to hug you. I want to kiss you... know it's wrong but I really love you Mei-Mei! Can't you see that? Ayaw ko to pero naramdaman ko! Now, tell me.Sabihin mo sa akin kung anong problema?" Patuloy pa rin na pagsasalita ni Shaine habang si MeiMei naman ay di makapagsalita. Nakayuko lang ito na hindi alam ang gagawin at sasabihin. Ilang sandali rin na naghintay lang si Shaine sa sasabihin ni MeiMei hanggang sa.. "I'm sorry Shaine." Sa wakas ay natagpuan rin ni MeiMei ang dila nito at umiiyak na rin ito katulad nya. At pagkatapos ng salitang iyon ay tumakbo na ito paalis sa rooftop. Naiwan syang mag-isa. Isa lang ibig sabihin ng pag-alis nito... The feeling isn't mutual. At sa kaisipang iyon parang gusto na lang nyang mamatay. Ang sakit-sakit palang mabigo. Sa kauna-unahang pagkakataon naranasan nyang mainlove pero bakit ganun? Sa isang babae pa? Ngayon mawawala na sa kanya si MeiMei... What is the sense of living? If it feels like dying? - TO BE CONTINUED... KAWAWANG SHAINE! :'( Guys, magcomment naman po kayo kung ano ang masasabi nyo sa confession ni Shaine! Ano na kayang gagawin ni MeiMei ngayong alam nya na ang totoo? Iiwasan nya na kaya si Shaine o may pag-asa kayang maging sila? STRANGE LOVE ©lady_phoenix16 CHAPTER 20: Damon and MaeMae's Decision Nasa labas lang ng school si Damon. Hindi sya pumasok dahil hinarang sya ng mga dating nakaaway nya sa gang noon kaya dun na lang sya naghantay kina MeiMei at Shaine. Tinext nya ang dalawa pero di naman nagreply. Nang mamataan nyang lumabas si MeiMei. "Hey Sister. Where is my beautiful girlfriend?" Tanong nya rito. Tiningnan lang sya nito na para bang kinikilala kung sino nga ba sya? Parang wala sa sarili ang kapatid nya. "Hindi ko alam." Parang natutulirong sagot nito saka nilagpasan sya na halos tumakbo na. "Hoy MeiMei! Bakit ka ba parang hinahabol ng kabayo? San ka pupunta?!" Nagtatakang tanong nya rito pero para bang nagmamadali ang kapatid. Parang may tinatakasan. Kasunod naman nun ay ang paglabas naman ni Shaine. At namumugto ang mga mata nito. "Hey what happened?" Saka pumasok sa isip nya yung expression ng muka ni MeiMei kanina. "Don't tell me--" "Yes Damon. I already told her. Alam nya na. And she hates me for it. It's quite obvious that she disgust me." Mapait na sabi ni Shaine na parang tutulo na namang muli ang mga luha. "Shaine-" Damang-dama ni Damon ang sakit na nararamdaman ni Shaine. Alam nya any minute ay babagsak na ito. Sa sobrang lungkot. "Just leave me for a while Damon. I'm sorry for using you at alam ko na ngayon kung gaano kasakit ang nararamdaman mo dahil sa love mo sa akin. Kaya tapusin na natin to. Wag na lang ako ang mahalin mo. Hindi ako karapat-dapat sa'yo. Dahil pareho lang tayo. Babae rin ang gusto." Doon na tuluyang tumulo na naman ang luha ni Shaine. "Shaine..." Yayakapin sana nya ito pero nilagpasan na sya nito saka ito sumakay sa kotse nito. Wala na. Iyon na ang katapusan ng first love nya. Tinuldukan na nito... Hinintay nya si MeiMei na makauwi ng bahay. Pero anong oras na wala ay wala pa ito. Balak nyang kausapin ito kung ano na ang plano nito kay Shaine. Masakit pa rin sa kanya ang mga nangyayari. Pero ang sakit nya ay hindi na para sa sarili kundi para na kay Shaine. Ngayon lang ito nagmahal. Ni hindi ito sanay mareject kaya alam nya na masakit na masakit para rito ang ginawa ni MeiMei. Hanggang sa dumating na rin ang kapatid. Nakapameywang na tumayo sya sa harap nito. "Bakit ngayon ka lang?" Simangot na tanong nya. Di naman ito makatingin ng diretso. "Ahhmmm... Pumunta kasi ako kina Denver Kuya. May party sa kanila. Aalis na pala kasi sya at sa Dubai na titira kasama ng parents nya. Di na sya sa Phoenix University mag-aaral. Nakakalungkot nga eh." Sabi nito. "Ahh.. Busy ka dyan sa lalaki mo. Kaya pati yung pagtatapat ni Shaine sa'yo kanina balewala lang sa'yo." Pang-uuyam niya. Bigla naman itong nagbaba ng tingin at iniwas ang mata sa kanya. Di ito makasagot na parang ngang ilang na ilang sa topic. Iiwas pa sana at lalagpasan sya nito pero hinawakan nya ito sa braso. "Ikaw MeiMei. Anong plano mo kay Shaine? Bakit parang wala lang sa'yo yung nangyari kanina?" Inis na tanong nya. Sinaktan nito si Shaine. "At anong gusto mong gawin ko Kuya? Sabihin sa kanya na pareho kami ng nararamdaman? Parehas kaming babae! Tama nga yung hinala ko sa kanya noon. Tomboy nga sya!" "She's not a lesbian!" "Then what is she Kuya? May babae bang nagkakagusto sa kapwa nya rin babae? Iniyakan nya pa ako kanina na parang masakit talaga sa kanya yung nangyayari. Akala ko kayo pagkatapos may gusto pala sya sa akin!" "Hindi ginusto ni Shaine na mainlove sya sa'yo! Kaya nga maging kmi eh. Para makalimutan ka na nya. Pero anong ginawa mo? Sinaktan mo pa sya!" "At sinaktan ka din nya Kuya!" Sigaw na ni MeiMei na nagpatigil sa kanya. Saka parang viglang kumalat sa puso nya ang sakit. "Ginamit ka pa nya para sa akin. Pagkatapos ngayon pinagtatanggol mo pa sya. Nababaliw ka na ba talaga ng dahil sa kanya kuya?!" Dugtong pa nito. Naupo sya sa sofa at nasapo ang noo. Tama si MeiMei. Puro na lng si Shaine at ang kapakanan nito ang nasa isip nya. Nakalimutan nya na ang sarili. At doon di nya na napigilan ang luha kahit na lalaki pa sya. Ang sakit-sakit ng nararamdaman nya ngayon. Para silang pinaglalaruan ng tadhana. Lumapit naman si MeiMei at yumakap sa kanya. "Let's just forget about Shaine, Kuya. Mas mahalaga ka pa rin kaysa sa akin kaya sana lang wag mo na syang isipin.Tahimik naman tayo dati eh. Hayaan na lang natin sya." Malumanay na sabi ni MeiMei habang hinahagod ang likuran nya. At isipin na lang nya na malalayo sya kay Shaine ay parang ikamamatay na nya. Halos umikot na ang mundo nya rito. Pero alam nya na yun lang ang tanging solusyon. Ang mahiwalay sa kanila si Shaine... -TO BE CONTINUED... Iiwas na nga kaya sila kay Shaine? Paano na ang ating bida? STRANGE LOVE ©lady_phoenix16 Strange Love ©lady_phoenix16 CHAPTER 21: One Sided Love Hindi sana papasok si Shaine nung araw na yun dahil malinaw pa rin sa kanya yung nangyari kahapon. Pero di nya rin napigilan ag sarili. Kahit na halatang ayaw sa kanya ni MeiMei hindi pa rin ito mawala sa isip nya. Gusto nya itong makita. Hanggang sa nakasalubong nya si Damon. Hinatid pala nito sa classroom nila si MeiMei. Nagkatitigan sila. "Ahh Damon--" "Sa tingin ko tama ka Shaine." Pagputol nito sa sasabihin nya. "Mas mabuti pa siguro kung kalimutan na lang natin ang isa't-isa. Mas maigi na yun para makalimutan natin yung mga sakit na nangyari sa pagitan nating tatlo ni MeiMei." Sabi nito. "Pero Damon. Ang sabi ko kagabi just leave me for a while but it doesn't mean na gusto na kitang lumayo sa akin. Kung nasaktan kita I'm sorry. But you're my bestfriend. I don't know what to do without you." Parang maiiyak nang sabi nya. "Kung alam mo lng na ayaw na ayaw ko ring layuan ka. Pero mahal kita at kailangan kong magmove on Shaine. Di ko yun magagawa kung magiging magkaibigan pa rin tayo. Magiging katulad lang ng dati. Mamahalin lng kita ng palihim." Parang nasasaktan rin na sabi nito saka na umalis sa harapan nya. Pinigilan nya ang sarili na mapaiyak. Ayaw nyang mawala si Damon. She loves Damon but not the way that he wants. Bumunting hininga na lng sya para mawala ang sakit sa dibdib. Suguro nga tamang pakawalan nya na lang ito. Gusto nyang maging masaya ang kaibigan nya sa piling ng iba. Yung tunay ng babae. Sana lang makita na ni Damon ang babaeng mamahalin rin nito para di na sya nakukunsensya. Pagpasok nya sa room ay nagtama agad ang mga mata nila ni MeiMei. Para itong biglang nataranta at nagbaba ng tingin saka nagpanggap pa na may ginagawa. Wala na syang nagawa kundi ang umupo na lang sa seat nya sa unahan. Ramdam nya sa sarili na mahal nya pa rin ito kahit na ganun na ang nangyayari. Hindi naman kasi basta na lang nawawala ang feelings ng isang tao purkit na tinanggihan ka lang. Nang magbreak time nya ay nagpasya syang lapitan si MeiMei. Pero bigla itong umalis sa kinauupuan nito sa canteen at lumabas. "Mei. Pwede ba tayong mag-usap?" Paghabol naman nya rito. "May pupuntahan pa ako eh." Pag-iwas nito. "Pls naman oh kahit saglit lang." Pangungulit naman nya. Huminto naman ito. Pero masama naman ang tingin sa kanya. "Pwede ba Shaine tigilan mo na ako? Hindi kita gusto. Kahit kailan hindi ako makikipagrelasyon sa isng tao na mas mahinhin pa kaysa sa akin! Tingnan mo nga yang sarili mo. Walang wala sa hitsura mo ang pagiging tomboy. Mukha ka ngang prinsesa eh at di rin naman ako mukhang lalaki ano!" Pananapat nito na parang tumarak sa puso nya. Kaya di nya na maiwasan ang mapaiyak. Ang sakit-sakit para sa kanya ng sinabi nito. Sinusupalpal na sya nito ng harapan. "Alam ko naman yun eh. But what should I do? I really love you that it hurts. Kahit na parehas pa tayong babae mahal na mahal pa rin kita!" Hindi nya na napigilan pang sabihin. Natigilan namn ito. Parang lumambot ang mukha saglit ng makita ang luha nya. "Pwede ba wag mong masyadong pababain ang sarili mo ng dahil lang sa akin. Hindi ikaw yan. Kahit kailan hindi pa kita nakikitang nagmakaawa pero ngayon daig mo pa ang desperada. Wag mo ng hayaan pang bumaba ang tingin ko sa'yo. Ginagalang pa naman kita noon. Tinatawag pa nga kitang ate. Pero ngayon di ko na maatim itawag yun sa'yo dahil pati ang Kuya ko sinaktan mo!" Huling sabi nito saka na umalis sa harap nya. Wala na syang ngawa kundi ang pagmasdan na lang ang paglayo nito. Ngayong araw ay dalawang taong mahalaga sa kanya ang nawala. Sina MeiMei at Damon. Ang magkapatid na minahal nya ng sobra... She wanna die! *POK Napahawak sya sa ulo nang may bumatok sa kanya. Si Jing pala. "Bakit mo ko binatukan!" Reklamo nya. "Ang OA mo kasi! Parang gusto mo ng mamatay dyan!" Parang naiiritang sabi nito. "Wala kang alam sa nararamdaman ko. Pwede ba iwan mo na lang ako?" Pag-iwas nya. Masyado ng nagiging feeling close sa kanya ang babaeng ito. Dumidikit sa kanya kahit na san sya magpunta simula nung naghiwalay na sila ni MeiMei. "Alam ko na ang totoo Shaine. Na katulad ko BI ka rin. Nagtapat ka na nga kay MeiMei hindi ba? Kaso straight sya kaya hindi ka sinagot." Prangkang sabi nito. "Paano mong nalaman?" Gulat n tanong nya. "Hindi ako tanga at halatang halata ka na. Hindi ko nga maintindihan kung ano ang nagustuhan mo kay MeiMei at natomboy ka pa ng dahil sa kanya. Di hamak na mas maganda ako. Matangkad pa. Eh sya ang liit liit nya kaya. Para syang bata. Ang kapal pa ng mukhang magmaganda. Kung ayaw nya sa'yo gusto mo tayo na lang eh. Paliligayahin kita." Nakangising sabi ni Jing sabay akbay sa kanya. Kinilabutan sya. Di nga siguro sya ganap na tomboy kasi si MeiMei lang naman ang babaeng naattract sya. Bukod rito sa mga lalaki na ang mata nya. "Pwede ba wag mo ngang laitin si MeiMei!" Inis na sabi nya na binalewala ang pagflirt nito. "At pinagtatanggol mo pa sya sa kbila ng mga panlalait nya sa'yo knina ah. Martyr lang dre?" Nakatawa pa na savi nito na na parang pinagtatawanan sya. Inalis nya ang pagkakaakbay nito sa kanya. "Kung wala ka ng matinong sasabihin aalis na ako." Sabi nya. "At anong plano mo ngayon kay MeiMei? Lalayuan mo na lang sya dahil sa sinabi nya ganun?" Bigla nang sumeryoso ito kaya humarap sya ulit. "Wala naman akong magagawa kung ayaw ni MeiMei eh. She disgust me." Parang maiiyak na naman sya. "At yan ang talagang yak! Talagang wala ngang mngyayari sa inyo kung susuko ka agad! Ano, purkit sinabi nyang ayaw nya ganun na lang yun? Ayaw mo bang maging kayo?" Garapal na tanong nito. At doon sya napaisip. Ayaw nga ba nya? Matagal nya ng inamin sa sarili na mahal nya si MeiMei pero di pa pumasok sa isip nya na pwede ngang maging sila. Dahil nga alam naman nyang imposible nga iyon. Pero pag naiisip nya na magiging sila nga at palagi nya na itong makakasama, mayayakap at mahahalikan ay parang nag-iinit sya. She really like that idea. "Kung mayroon mang paraan para mngyari yun Willing akong gawin yun. Pero paano?" Tanong nya. At ngumiti ito. "Why don't you court her?" Nakangiting savi nito na parang wala lng. At nanlaki ang mata nya. Sya? Si Shaine Lautner? Manliligaw?! STRANGE LOVE ©lady_phoenix16 CHAPTER 22: Evil Plan ni Jing "Manliligaw? Ako paliligawin mo sa kanya? Eh gawain lang ng lalaki yun eh!" Nakangusong ulit nya sa sinabi nito kasi baka namamalik bingi lang sya. "What's wrong with that? Sa babae ka nainlove kaya natural manliligaw ka talaga. At karamihan sa mga babae pakipot. Akala ko ba, you're willing to do whatever it takes to get her heart? Bakit ngayon parang ayaw mo pa?" Pagtataka nito. "Di naman sa ganun kaya lang hindi ba parang awkward yun. I mean, we're friends before at naging boyfriend ko pa ang Kuya nya. Bukod run di naman ako marunong manligaw eh." Pagdadahilan nya. "So what kung bf mo dati ang Kuya nya? At marami naman sigurong nanliligaw sa'yo. Ano bang mga ginawa nila para mapasagot ka?" "Si Damon ang first boyfriend ko. At yung mga nanliligaw naman sa akin dati kinukulit nila ako. At sa totoo lang hindi naman ako kinikilig eh. Kung minsan naiinis pa nga ako kapag pinipilit nila ako kahit ayaw ko naman. Baka lalo lang mainis sa akin si MeiMei pag kinulit ko sya." Sabi pa nya. "Magkakaiba ang mga babae Shaine. Ganyan ka kasi sanay kang nililigawan. Pero si MeiMei. Ikaw lang nga yata ang nagkamaling magkagusto run eh! Hahaha..." Pang-aasar pa nito. Tinitigan nya lang ito ng masama. "Ok, sorry na ok? Sige di ko na lalaitin yang MeiMei mo pero gusto lang naman kitang tulungan eh. Makakalimutan mo na lang ba sya ng basta-basta pagkatapos mong mainlove sa kanya?" Sabi nito ulit. At natigilan sya. Tama si Jhing. Di nya alam kung makakalimutan pa ba nya si MeiMei dahil ngayon pa lang napakalala na ng obsession nya rito. Ngayon lang sya nakaramdam ng sobrang paghangad sa isang tao and she knows that her life will never be the same again. Dahil lubog na lubog na sya sa pagmamahal nya kay MeiMei. "Isipin mo na lang Shaine. Na kapag naging kayo na magagawa mo na ang lahat sa kanya. Di mo na kailangang magselos sa kung sino-sino dahil mahahawakan mo na sya sa leeg. Mayayakap at mahahalikan mo pa sya. Ayaw mo ba nun?" Pandedemonyo ni Jing. Napabuntong hininga sya at uminit na naman ang pisngi nya pagkaisip sa possibility na yun. Ang pervert na talaga nya. Di naman sya gnito dati. "Sige. Sige na nga. But what should I do?" Tanong nya. "Just follow whatever I ask you to do. Promise ko sa'yo magiging kayo rin ni MeiMei." Nakangising sabi ni Jing. Ngumiti ng matamis si Shaine. "Salamat ah? Sana nga mangyari yan. Mahal na mahal ko talaga sya eh." Sabi nya saka nagdaydream. Napapangisi nman si Jing. Plano kasi nito na paligawin si Shaine kay MeiMei para makulitan lang ang babae lalo rito. Alam nyang ang mga straight na tulad ni MeiMei ay di papatol sa katulad nitong babae. Gusto lang nyang saktan ni MeiMei si Shaine para makalimutan na nito ang babae. At pag nangyari yun saka sya aalo rito at mapapasakanya na si Shaine. Oh. She's so bright talaga. Buti na lang madaling mauto si Shaine. Hahaha! STRANGE LOVE ©lady_phoenix16 CHAPTER 23: ANG PANLILIGAW NI SHAINE Nakukunsensyang pumasok si MeiMei ng araw na iyon. Naisip nya yung mga sinabi nya kay Shaine kahapon. Parang sinupalpal nya na rin ito at pinagdiinan pa nya na di nya ito gusto kahit pa na may nakakapa naman talaga sya sa dibdib nya para rito. Yung mga sinabi nya ay sinabi nya lang para layuan na sya nito. Pero iniisip nya ang Kuya nya. Sobra nitong mahal si Shaine at malaking insulto para rto kung magiging sila man ni Shaine. Idagdag pa na homophobic ang Papa nila. Baka itakwil sya kahit pa na ngayon na nga lang nya nakasama ang mga ito. Papasok pa lang sa room si MeiMei ay nakita nya na agad sa bungad ng bintana si Shaine na halatang hinahantay sya. Mukhang may tinatago ito sa likod nito. Kinabahan naman sya. Simula nung sabihin nito na may gusto ito sa kanya ay naiilang na talaga sya rito. Lalo pa at di rin sya sigurado sa sariling feelings nya. Ayaw nyang maging tomboy. "Hi Mei. Ang ganda mo naman. Mas maganda ka pa sa umaga." Nakangiting savi nito na parang wala lang rito yung sinabi nya kahapon. Para bang narefresh na ito at wala na sa isip nito yung masasakit na salita na sinabi nya kahapon. At yung line nito ngayon? Para bang kahit ito naiilang sa sinabi nito! Halatang awkward. "Ahh... Para sa'yo." Sabay abot nito sa kanya ng red flowers na kinalaki ng mata nya. Nataranta sya ng biglang mapatingin sa nga kaklase nila na pinapanood na pala sila! At nakangiti ang mga ito imbes na mandiri sa eksena nila! Para bang nakausap na ng mga ito si Shaine tungkol sa feelings nito sa kanya. "Ano bang ginagawa mo Shaine? Para san to?" Naiilang na tanong nya nang abutin ang bulaklak. "I'm courting you." Nakangiting sagot nito na parang wala lang. At gosh ang cute cute nito! At ang mga kaklase nila hiyawan ng hiyawan at inaasar sila! "Go Shaine! Fight for your love!" "Ang swerte mo MeiMei!" "Bagay kayo! Lesbian Beauties!" Nagbigay pa ng alyas ang isa. "Sagutin mo na si Shaine!" "Kinikilig ako!" Sunod-sunod na komento ng nasa paligid kaya pinamulahan na sya ng mukha! Bumaligtad na ba ang mundo? Bakit parang sumasang-ayon na ang lahat sa homosexuality? Ibubuka na sana nya ang bibig para maggalit-galitan na naman ng unahan na sya ni Shaine sa pagsasalita. "Hindi mo na ako maitataboy ulit MeiMei! Gagawin ko ang lahat para mahalin ako. Kung nakuha ko ang consent at pagsang-ayon ng lahat rito para ligawan ka sisiguraduhin ko na ikaw din. Mahal na mahal kita." Sabi nito na mabilis pa syang hinalikan sa pisngi saka ito biglang pumasok na sa room. Magrereact pa sana sya kaso nasa likuran na pala nya ang teacher nila. Pagkaupo nya nahawakan na lang niya ang pisngi. Parang nararamdaman pa rin niya ang malambot na labi ni Shaine roon. Naamoy rin niya ito kanina. Ang bango-bango nito. Napailing-iling sya! Hindi tama itong nararamdaman nya! Bukod sa kasalanan sa diyos ay natatakot rin sya sa magiging reaksyon ng ibang tao. Nang magbreak time ay inunahan sya ni Shaine sa table na pupuntahan sana nya. Lumingon sya sa paligid at nakita nyang wala ng bakante bukod run. Yung mga kaklase nila nakatingin at ngumingiti ang mga ito na halatang nanunudyo. Si Shaine nakangiti sa kanya. "Upo ka na Mahal ko." Sabi nito. Napamulagat sya. "Mahal ko?!" "Yep. From now on yun na lang ang itatawag ko sa'yo. Cute di'ba?" Cute rin na sabi nito. Gusto nya itong tarayan pero parang nahihiya syang gawin iyon dahil andaming nakatingin. Bukod run nakunsensya sya sa mga sinabi nya kay Shaine kahapon dahil umiyak talaga ito. At ang cute cute nito ngayong nakangiti na ito pagkatapos sisirain nya. Di na lang nya pinansin ang sinabi nito at wala na ring nagawa na naupo sya sa tabi nito. Hinanap nya ang baon pero wala na ron sa bag nya ang launch box nya. Lumingon sya sa paligid at nkta nyang nagtatawaman ang mga kaklase nya. May nagtago siguro at alam nyang kasabwat ng mga ito ang nakangiting si Shaine! Alam ng mga tao run na di naman magagawang saktan ni Damon ang mga ito kapag si Shaine naman ang concern ng pagtulong nila kaya di na natatakot pa sa kanya. Nakakainis. "Mahal ko. Pinagluto kita. Masarap to. Nagpaturo ako sa Chef namin." Nakangiting sabi nito saka nilavas ang pangmayamang launch box. Tatanggi sana sya at bibili na lang ng pagkain pero natakam syang bigla sa niluto nito na hindi niya alam ang tawag. Ang ayos-ayos kasi ng pagkakagawa nun at para bang professional chef ang gumawa. Sinubuan sya ni Shaine at sya naman ay sumubo. At parang nakarating sya sa ituktok ng langit sa sobrang sarap! Grabe lang naiiyak sya. Ngayon lang sya nakatikim ng ganun! Huhuhu... "Hayaan mo ipagluluto kita araw-araw Mahal Ko. Mas masarap yata akong magluto kaysa sa mga cook dito!" Pagmamalaki nito saka pa yumakap at nagpasalamat sa kanya dahil daw kinain nya ang niluto nito. At sya naman parng nawala na sa sarili at naging sunod-sunuran na lang rito. T_T Pag nagpatuloy pa sa kasweetan nito si Shaine ay di na talaga nya alam kung hanggang saan aabot ang pagtitimpi nya! Huhuhu... Ilang araw pa na ganun palagi ang scenario nila. Binibigay ni Shaine ang lahat ng mga bagay na gusto nya kahit di naman nya hinihingi. Stuffed Toys, flowers, chocolates etc. Tinuturuan rin sya nito sa mga subjects nila at ito pa ang palaging gumagawa ng assignments nya. Pag nangangamote sya ay pinapakopya sya nito kahit di na sya magsabi. "Wag kang mag-alala MeiMei. Kung hindi mo talaga ako kayang mahalin di na kita pipilitin. Pero sana hayaan mo na lang ako na mahalin ka. Makasama lang kita masaya na ako." Biglang sabi nito isang araw. Di na sya nagsalita. Tahimik lang sya sa tuwing dumidikit ito sa kanya. Ayaw nyang ipakita rito na ok na sila kahit pa marami na itong nagawa para sa kanya. Hindi nya lang ito tuluyang maitaboy ulit dahil sa totoo lang paunti-unti ay nagugustuhan na rin nya ang mga ginagawa nito para sa kanya. She hates to admit it pero hinahanap-hanap nya ang presensya ni Shaine kapag umaabsent ito para daluhan ang pagmomodel nito. Natatakot lang sya na aminin sa sarili lalo pa na alam nyang bukod sa mali ay siguradong masasaktan rin ang Kuya nya. Lalo pa at huminto na ito sa pag-aaral nung time na nakipagbreak rito si Shaine. Nadisappoint ang Papa at Mama nila dahil huling taon na sana ni Damon sa College ay napahinto pa ito. Alam ng parents nila ang break up nito at ni Damon pero di alam ng mga ito na sya ang dahilan. Gustong gusto pa naman sana ng mga ito si Shaine para sa Kuya nya. Ano na lng ang sasabihin ng mga ito pag nalaman ng mga itong lesbian si Shaine at magiging sila pa? Siguradong itatakwil sya ng ama kaya ayaw nyang mangyari yun. Kahit na kailan hindi pwedeng maging sila ni Shaine. STRANGE LOVE written by: lady_phoenix16 CHAPTER 24: DAMON'S NEW GIRLFRIEND Umuwi si MeiMei na dala-dala pa rin sa isip yung sinabi ni Shaine kanina na kahit hindi sila ay masaya na ito basta kasama sya. Sa totoo lang naguguluhan na talaga sya sa nararamdaman para rito. Alam nyang maling-mali. Sa paningin ng mga tao at sa diyos. Nasa pintuan pa lang sya ay narinig nya nang may nagtatawanan mula sa kitchen. Nagulat pa sya nang makita ang Papa at Mama nila na naroon. Akala nya ay mag-OOT ang mga ito sa Office. "Oh MeiMei andyan ka na pala. Halika at kumain ka na rito anak." Pagyaya ng Papa nya. Pero nakatingin sya sa magandang babaeng katabi ng Kuya Damon nya. "Ah Mei, this is Andrea. She's my girlfriend. Andrea, this is Mei. My little sister." Pakilala ng kuya nya sa babae. Nakangiting inabot naman nito ang kamay na tinanggap naman nya para maging pomal. Saka sila umupo at inobserbahan nya ang babae. Maganda ito pero mas maganda pa din ng sampung paligo si Shaine. Ito ang pangalawang babaeng pinakilala ng Kuya nya sa kanila. Si Shaine ang una. At isa lang ibig sabihin nun. May balak itong seryosohin ng kuya nya. Di nya alam pero naiinis sya rito. Wala namang dahilan pero ewan ba nya basta mainit lang talaga ang dugo nya rito. Dahil siguro sa alam nya na ginagamit lang ito ng Kuya nya para makalimutan siguro si Shaine. Napakadaldal pa nito. Parang wild. Di katulad ni Shaine na mayumi at mahinhin. Pero mukha itong mayaman. May kotse sa labas eh. Lapitin talaga ng mayayaman itong Kuya nya. "Random Question lang Hija ah. Ano nga palang ayaw mo sa isang tao?" Biglang topic ng Mama ni Damon na parang nag-iinterview ng aplikante. HR kasi ang posisyon nito sa opisina eh. Kaya siguro kinikilatis nitong maiigi ang impakta sa harap nya. Pero infairness sa Mama ni Damon. Mataas ang standard nito sa tao kaya nga hindi kataka-takang nagustuhan agad nito si Shaine kasi wala namang dahilan para ayawan ito ng kahit sinong tao. Maganda, matalino, at ang bait-bait pa. At kahit sikat ito ay di lumalaki ang ulo nito. Nakasayad pa rin ang paa sa lupa. Teka nga? Bakit ba kotang-kota si Shaine kanina pa sa isip nya? Kanina pa nya itong pinupuri eh! In love na nga rin kaya sya dito? "Wala naman akong ayaw sa kahit na ano sa mga tao. Nirerespeto ko ang pagkakaiba at opinyon ng iba." Parang pang Ms.Universe na sagot nito. Napaismid naman sya. Plastikada. Pero parang natuwa naman ang nanay nila. "...Pero ayaw ko lang siguro ay yung mga HOMOSEXUALS o naiinlove sa mga kaparehas nilang Babae o Lalaki." Biglang dugtong nito kaya nabilaunan naman sya! Ubo tuloy sya ng ubo! "Mei, anak? Ok ka lang?" Nag-aalalang tanong ng Papa nya. "Opo. Ok lang ako." Sagot nya. Nang mahimasmasan sya ay saka nagpatuloy sa pagsasalita ang babaeng kamukha ni braguda. "Ewan ko po ba kung bakit kinikilabutan ako pag nakakakita ako ng mga homosexuals. I mean, bakit ba nila binabago ang mga sarili nila? Kasalanan sa diyos na hindi tanggapin kung ano ang ibinigay nya sa atin. Hindi ba sila nandidiri sa ginagawa nila? Na nagagawa nilang halikan ang mga kaparehas nila ng kasarian? I really hate those kind of people Tita!" Maarteng sabi nito. Sya naman ay gustong gusto ng salaksakin ito ng hawak nyang tinidor at kutsara. Napakajudgemental nitong tao! Hindi nito alam kung ano ang pinagdadaanan ng mga taong katulad nila. Wait, did she really say nila? Tinatanggap nya ba sa sarili na isa syang homosexual? Oh hindee. "Tama ka dyan Hija! Sa ganyang topic talagang magkakasundo tayo! May kumare ako na naging bakla ang anak! Naku nag-iisang anak na nga lang na lalaki naging ganun pa. Galit na galit ang kumpare ko dahil wala na raw magkakalat ng epelyido nila!" Pagsang-ayon naman ng Mama ni Damon dito na parang nakuha na ang loob nito dahil sa pinag-uusapan. At ewan nya kung bakit kinakabahan sya. Hindi sya kumportable sa pinag-uusapan ng mga ito. Naiisip nya lang si Shaine. "Alam nyo tama na yang pinag-uusapan nyo! Ni walang sense na pag-usapan pa ang mga ganyang tao! Mga salot sa lipunan! Magpasalamat na lang tayo Delia at wala tayong mga anak na ganyan. Hindi ba Damon, MeiMei?" Tanong sa kanila ng Papa nila. Sabay naman silang umuo na lang ni Damon. At sya uminom ng tubig dahil kanina pa syang ninerbyos sa topic. Ewan nya kung bakit. Basta pinagpapawisan sya... Walang duda na kung magiging sila ni Shaine ay hinding hindi matatanggap ng mga ito ang relasyon nila. STRANGE LOVE written by: lady_phoenix16 CHAPTER 25: Does Promises is more important than love? "Kuya mag-usap nga tayo." Biglang pasok nya sa kwarto ni Damon pagkaalis ng babaeng bruha. Nataranta naman ito sa hindi inaasahang pagpasok nya. Ni hindi kasi sya kumatok kaya nataranta tuloy na pinatay nito ang laptop nito. Napailing na lang sya dahil nakita nya ang solong picture ni Shaine roon. Umupo sya sa kama ni Damon. "Kuya sabihin mo nga sa akin. Bakit mo pinakilala sa amin yung Andrea na yun? Hindi mo na ba talaga mahal si Ate Shaine?" Tanong nya na tinawag pa ring ate sa harap nito si Shaine. Wala naman kasing kaalam-alam si Damon na nanliligaw at nakakalapit na si Shaine sa kanya sa school. Hindi nya sinasabi dahil alam nya masasaktan lang ito. "Mahal." "Kung ganun bakit mo ginawang girfriend mo yung aswang na yun Kuya? Ayaw ko sa kanya! Ang yabang-yabang nya kanina. At hinuhusgahan nya pa ang mga homosexuals na akala mo kilala nya sila!" Pagrereklamo nya. "That's exactly the point MeiMei! Homophobic sya kaya sa tuwing kasama ko sya naiisip ko na dapat lang na magalit o mandiri ako kay Shaine dahil lesbian sya! Mas mabuti ng ganun kaysa hindi sya mawala sa puso ko MeiMei!" Pagsigaw na nito kaya tumikom naman ang bibig nya. "Nahihirapan akong magmove-on pero kailangan ko tong gawin para sa pangako ntin sa isa't-isa. Hindi ba ikaw na nga mismo ang nagsabi na kalimutan na natin sya hindi ba? Kaya nga huminto na lang ako sa pag-aaral dahil hindi ko kayang makita si Shaine. Dahil kapag nakikita ko sya nalulusaw lang lahat ng galit sa dibdib ko. Minamahal ko lang sya lalo..." Sabi nito na punong puno ng longing ang tinig. Parang miss na miss nito si Shaine. Kulang na nga lang ay tumulo na ang pinipigilan nitong luha. Talagang mahal na mahal ng Kuya nya si Shaine... Bigla tuloy syang nakunsensya. Tama ito. May pangako sila sa isa't-isa pero sya mismo ang lumimot sa pangakong ginawa nya. Nagpadala sya sa nararamdaman nya kaya hinayaan nya na mapalapit ulit si Shaine sa kanya at tinago pa nya yun sa kuya nya. Anong klase syang kapatid? Mas iniisip nya pa ang sarili kaysa sa pangakong ginawa nya. "Pero hindi ko maintindihan kung bakit binabanggit mo pa rin sya at parang pinagtatanggol pa ang mga katulad nya. Sana lang MeiMei wala kang tinatago na di ko nalalaman." Sabi nito na tumitig sa napapaso nyang mga mata. "...dahil kapag nalaman ko na tinraydor mo ako HINDING-HINDI KITA MAPAPATAWAD." Dugtong nito na tuluyang nagpanginig sa kanya. Saka na ito tumalikod. At sya naman ay Umalis na sa kwarto nito. Pagkapasok nya sa sariling kwarto ay saka sya nag-iiyak sa kama nya. Oo na nga. Talagang mahal nya na rin si Shaine! Pero kahit kailan hindi pwedeng maging sila ni Shaine dahil nasa mundo sila kung saan minamata ang mga katulad nila. At Kahit kailan hindi nya pwedeng traydurin ang pamilya na ngayon nya lang nakasama. Ang Papa, Kuya at ang Mama nito. Matagal nyang pinangarap na magkaron ulit ng pamilya pagkatapos mamatay ng Mama nya. Mag-isa lang sya nun. At natatakot syang mag-isa ulit ngyon. Masaya sya na may pamilya na ulit na nagmamahal at nag-aalala sa kanya. Pero Lahat ba ng bagay na yun kaya nyang talikuran dahil lang sa isang bawal na pag-ibig na pinagsasaluhan nila ni Shaine? STRANGE LOVE written by: lady_phoenix16 CHAPTER 26: DESTRUCTIVE WORDS Maganda ang gising ni Shaine nung araw na iyon. May ibibigay kasi syang couple's necklace kay MeiMei. Alam nya na di naman sila at mukhang wala naman itong balak na sagutin sya dahil parang wala lng rito lahat ng ginagawa nya. Pero nacute-an kasi sya sa necklace na yun kasi pwedeng maglagay ng picture. Syempre pa picture nilang dalawa ang nilagay nya run. Di nya na lang sasabihin na couple's necklace yun kahit halata naman dahil heart shape iyon. Sana na lang hindi ito malisyosa at isipin nito na for friendship lng yun para tanggapin nito. Umabsent pa kasi sya para lang bilhin iyon sa kakilalang may-ari ng jewelry shop. 3 million rin ang halaga nun. Hindi nya na tinext si MeiMei kasi gusto nyang mamiss sya nito at syempre para supresahin ito. Naghantay na lng sya sa labas ng school. Kinakabahan sya. Iniisip nya kung ano ang magiging reaction ng mahal nya. Napangiti sya nang mkita ang prinsesa nya. Pero nawala rin agad yun ng makita nya na kasama nito si Denver at magkaholding hands pa sila. Agad na dumaloy ang sakit sa dibdib nya. Parang nabigla naman si MeiMei at parang sinabi nito kay Denver na saglit lang at kakausapin lang sya. Pumunta na lang muna sa di kayuan si Denver para mabigyan sila ng pagkakataong mag-usap. "Bakit ka umabsent kanina?" Parang walang ganang tanong nito. Saka nya naalala ang necklace na tinatago mula sa likuran nya. Ayaw sana nya iyong ibigay iyon na nandun si Denver kaso wala naman syang maisip na dahilan. "May binili kasi ako para sa atin MeiMei. Ahhm... Ito oh tingnan mo." Kinakabahang sabi nya saka itinaas ang dalawang kwintas. Kinakabahan sya dahil parang iba ngayon si MeiMei. Masyado itong seryoso. Parang katulad nung unang beses na sinupalpal sya nito. "At sa tingin mo tatanggapin ko yan? Ano ba kita Shaine?" Mataray na tanong nito na parang tinarakan sya ng punyal sa dibdib. "Alam mo, pinalalampas lang naman kita dahil ayaw kong sabihin ng mga kaklase natin na masama ako pag pinahiya ko ang idol nila eh. Pero sa totoo lang I can' stand being with you. I hate what you're doing Shaine! Hindi ka ba nandidiri sa sarili mo? Ano b ang dapat kong gawin para lang tigilan mo na ako ha?!" Parang wala ng awang sabi nito. Huminga sya ng malalim. Pinipigilan ang namumuong luha. "Tinataboy mo na naman ba ako ngayon huh MeiMei? I'm sorry for loving you pero hindi ko mapigilan ang sarili ko eh. I really love you. Alam ko ganyan ka lang pero magkakabati pa rin naman tayo hindi ba? Katulad nung dati madadaan pa rin kita sa lambing. I know magkaibigan tayo. Kung may problema ka pwede naman nating pag-usapan yun eh." Sabi nya na pilit pinapakalma ang sarili pero alam nya mukha na syang tanga dahil sa sinasabi nya. Pero wala na syang pakialam. Basta para kay MeiMei handa syang magmukhang tanga. "Pwede ba Shaine wag ka ng umasa! Dahil kahit pakikipagkaibigan ayaw ko ng maging ganun sa'yo! Alam mo ba kung ganong nakakailang na alam kong yung taong nakadikit sa akin ay may gusto sa akin? At ang mga kaklase natin? Alam ko nagpapanggap lang sila na kunwari masaya para sa atin pero alam ko pagtalikod natin nagbubulungan sila! Sinasabi nilang nakakadiri tayo! Imoral! Gnun ba Shaine? Ganun ba ang gusto mong nagiging tingin sa'yo ng lahat?!" Pagsigaw na ni MeiMei na para bang diring diri ito sa kanya. At doon nya nang hindi napigilan ang luha. Ayaw nyang umiyak sa harap nito pero di nya na mapigilan ang sarili. Ang sakit-sakit ng sinabi nito. "Mei, pls naman. Kung galit ka aalis na lng ako. Pero sana wag mo namang sabihin na ayaw mo na kahit maging kaibigan man lang ako. Hindi ko kayang malayo sa'yo. Mahal na mahal kita. Pls naman oh." Para ng kawawa na sabi nya saka hinawakan ito. "Bitawan mo nga ako! Maawa ka sa sarili mo! Wag mong sayangin ang ganda mo sa pagmamahal sa kaparehas mong maganda. Dahil ang prinsesa para sa prinsepe. Hindi para sa isa pang prinsesa. Isipin mo ang maaaring mangyari kung maging tayo. May career ka. Masisira ang pangalan mo kapag nalaman nilang isa kang lesbyana. At ako? Gusto kong magkaroon ng sarili kong pamilya balang araw. Gusto ko ng normal na buhay kaya sana lang maintindihan mo kung anuman yung mga sinasabi ko. Hindi pwedeng maging tayo Shaine kaya itigil mo na to!" Umiyak na rin ito. At sa totoo lang hindi nya na maintindihan pa ang sinasabi nito dahil ayaw nyang malayo rito. Hindi nya kaya. Pakiramdam nya mamamatay sya... "Mei..." "Makinig ka sa sinasabi ko Shaine. Kalimutan mo na ako dahil wala kang mapapala! At boyfriend ko na si Denver at masaya na kami sa isa't-isa kaya kung pwede lang tigilan mo na ako!" Pinakamasakit na salitang sinabi nito saka na ito lumayo sa kanya para puntahan ang nakatingin pala sa kanilang si Denver sa di kalayuan. At napapikit na lang sya nang biglang hinalikan ni MeiMei sa labi nito si Denver. Nabitawan pa nya ang hawak na necklace saka Tumalikod na sya. Hindi nya kayang makita ang eksena na iyon. Parang dinudurog ang puso nya... Sumakay na sa kotse nito si Shaine. Punong puno ng luha ang mga mata nito. Nanginginig ang kamay nito habang nagmamaneho. Halo-halong emosyon ang nararamdaman nito. Galit, selos at panliliit sa sarili. Binilisan nito ang pagmamaneho ng sasakyan na parang wala ng pakialam sa kaligtasan nito. Matulin na matulin iyon na para bang nagpapakamatay na ito. Hanggang sa di nito napansin ang isang biker na nasa gilid na pala nito. Sa pagiging pabaya nya ay muntikan nya na itong mahagip. Pilit na iniliko ni Shaine ang kotse dahil sa pag-alala sa taong nasa motor. Pero dahil dun ay nasalubong ng sasakyan nito ang humaharurot na truck. At doon nagbanggaan ang dalawang sasakyan na nagdulot ng isang malaking trahedya sa kalsada... STRANGE LOVE written by: lady_phoenix16 CHAPTER 27: HINDRANCES "Tama na MeiMei. Wag ka ng umiyak." Pag-aalo ni Denver sa kanina pang humahagulgol na babae. Nandun sila ngayon sa isang restaurant pagkatapos nilang magpanggap na magboyfriend sa harap ni Shaine kanina. "Ang sama-sama ko Denver. Nagawa kong sabihin lahat yun kay Shaine. Alam ko nasaktan sya. Iyak sya ng iyak." Sabi pa nito. Niyakap nya ito. "You just did kung ano ang dapat na gawin Mei. Don't let yourself na mahulog sa kumunoy ng isa't-isa. Dahil sa huli kayo rin ang magsasuffer nyan." Sabi niya. "Pero mahal ko na rin si Shaine, Den. At sa totoo lang parang mas nasaktan pa ako kaysa sa kanya sa mga sinabi ko kanina. Bakit kailangang mangyari to? Bakit sa maling tao pa ako nainlove? Gustong gusto ko syang yakapin kanina pero alam kong mali yun." Hirap na hirap ang kaloobang sabi nito. Hinawakan nya ito ng mariin sa magkabilang pisngi. Saka tinitigan sa mga mata. "Look at my eyes Mei. Makakalimutan mo rin si Shaine. Balang araw marerealize nyo rin na parehas lang kayong naguguluhan para sa feelings nyo sa isa't-isa. Just do this for your family's sake. Para sa ikabubuti ng lahat ito. So pls, stop crying. Dahil nasasaktan rin ako pag nakikita kitang umiiyak." Seryosong sabi nya dahil sa totoo lang ay natutunan nya na ring mahalin si MeiMei. Alam nyang si Shane din ang gusto nya noon pero nakita nya kay MeiMei kung ano rin ang nakita ni Shaine dito. Si MeiMei ang tipo ng babae na di mo agad makikita ng tunay na ganda sa unang tinginan. Pero hindi nakakasawa ang ganda nito. And she's so amazing. Napapatawa sya nito at masarap itong kasama. But it's too late for them. Dahil si Shaine ang mahal nito and he thinks that they're better off as friends. Tumango lang si MeiMei saka naagaw ang pansin nila sa FLASH REPORT na pinapakita sa TV na naroon. "Wala pang isang oras nang matanggap namin ang balitang ito mga kababayan. Si Shaine Lautner po ay naharap sa isang aksidente na naganap sa edsa nitong 6:39 lang ng gabi. Agad syang sinugod sa St.Phoenix Hospital. Anuman ang lagay nya ay hindi pa alam ng kinauukulan." Sabi ng reporter sa TV. Naramdaman nya na nanginig bigla si MeiMei at natulala ito. "Si Shaine! Naaksidente sya Denver! At kasalanan ko yun! Pag may nangyaring masama sa kanya hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko!" Naghisterikal na si MeiMei at pinagtitinginan na sila ng mga tao roon dahil sa pag-iiyak nito. "Huminahon ka Mei. Don't worry walang mngyayari sa kanya. May awa ang diyos." Bulong nya saka na sinakay sa kotse ang babae at sumugod na sila sa ospital. Pero pagdating nila run ay di nila inasahan na maraming fans ng babae ang nagdagsaan roon. Umiiyak ang mga ito. Bagay na ginagawa din ngayon ni MeiMei. Kung sa school ordinaryo na lang halos si Shaine pero sa labas iba ang mundo nito. Marami itong fans dahil marami na ring commercial sa pilipinas ang nilabasan ni Shaine. Dagdag pa na nalilink ang pangalan nito sa iba't-ibang sikat na artistang lalaki na may mga crush raw rito. Crush ito ng mga lalaki sa showbizness sa totoo lang. Madalas nababanggit ang pangalan nito kahit di naman ito singer o artista. "Kailangan po naming pumasok sa loob. Mga kaibigan po kami ni Shaine Lautner." Pakiusap nya sa isa sa mga bodyguards nito. "Maraming fans nya ang nagsasabi na kaibigan rin nila si Shaine. I'm sorry pero di kayo pwedeng pumasok. Kahit nga ang mga reporters hindi pinapayagang mainterview ang doctor nya eh. Kaya umalis na lang kayo dahil wala kayong mapapala rito." Hindi naniniwalang sabi sa kanila ng bantay. Nagpigil sya ng galit. Parang inaakusahan pa sila nitong sinungaling at isa sa mga fans na gusto pumasok. Lalo lang tuloy nanlumo ang katabi nyang si MeiMei. "Pero pwede man lang ba naming malaman kung ano ang kalagayan nya?" Pangungulit pa rin nya alang ala kay MeiMei. "Nasa malubhang lagay sya. Kaya nga ayaw magpapasok ng manager nya. Saka na lang kayo makisawsaw pag magaling na sya!" Pagsusungit pa rin nito. Wala na silang nagawa dahil mahigpit ang security kay Shaine. Dun tuloy nila naramdaman kung gaanong kataas na tao ito. "Paano yan Denver? Hindi ako mapapakali pag di ko makita si Shaine. Baka kung ano na ang nangyari sa kanya." Sabi ni MeiMei na umiiyak pa rin. Di na rin sya makaisip ng paraan. Hindi kasi katulad ng ibang ospital ang St. Phoenix. Puro matataas na tao lamang ng dinadala roon kaya talagang mahirap makapasok lang ang kung sino-sino. Nang Maya-maya ay na napatingin ang lahat sa pumaradang mamahaling sasakyan sa tapat ng ospital. At mula roon ay lumabas ang isang middle aged woman na babae at isang gwapong lalaking na parang myembro ng royal family dahil unang tingin pa lang halata ng pinanganak na may gintong kutsara sa bibig. "Denver. Yung babaeng yun. Sya yung Mama ni Shaine." Naalalang sabi ni MaeMae nang mamukhaan kung sino yung babaeng sa unang tingin pa lang ay parang makakatakot at nakakaintimidate na. Sossy at parang napakaseryoso kasi ng mukha ng babae. "Paano mong nalaman? Kilala ka ba nya?" Tanong nya. "Hindi eh. Pero ang Kuya Damon ko kilala nya at nakwento nya na yan sa akin dati. Ayaw ng babaeng yan kay Kuya kasi mahirap lang daw kami." Sabi naman nito. "Kung ganun mas lalo tayong walang pagkakataon pumasok kapag nalaman nilang kapatid ka ni------" Di nya na naituloy ang sasabihin nya dahil nagulat na lang sya nung lapitan ni MeiMei ang ina ni Shaine. "Hey, wait! Saan ka pupunta?" Wala na ring nagawa na sinundan nya ito. STRANGE LOVE written by: lady_phoenix16 CHAPTER 28: The Truth About the Accident Pilit talaga na nakipagsiksikan si MeiMei para lang makalapit sa Mama ni Shaine. Hinaharang rin ng mga guards ang Mama ni Shaine sa mga fans dahil nagkakagulo rin ang mga ito dahil katulad nya gusto rin ng mga itong malaman ang kalagayan man lang ni Shaine. Sa sobrang pilit nya na malagpasan ang maraming tao ay kahit si Denver tuloy ay di na makalapit sa kanya. Pero desperada sya. Basta para kay Shaine handa nyang gawin ang kahit na ano. Hindi na sya matatakot ngayon. Ipaglalaban nya na ito! Dahil sa siksikan at tulakan ay nagawa nyang lumusot sa guards dahil na rin maliit sya. Pero nangudngod naman ang mukha nya! Dahil roon napalingon tuloy ang gwapong lalaking kasama ng Mama ni Shaine. Lumapit ito sa kanya pero imbes na tulungan ay nginisian lang sya nito? "Fangirl huh? Bakit imbes na nandito ka eh hindi ka na lang mag-aral sa bahay nyo at nang magkasilbi ka naman sa lipunan." Pang-aasar nito na kinalaki ng mata nya. Sino ba ang lalaking ito?! Napaka arogante at akala mo kung sino! Gwapo nga pero para namang demonyo! "Marcel ano ba yan? Bakit ka nag-aaksaya ng panahon sa mga mabababang uri ng nilalang na iyan!" Masungit na sabi ng Mama ni Shaine mula sa di kalayuan. Ibang iba ito kay Shaine na parang anghel kung kumilos. Ang Mama kasi nito ay parang kontrabida sa mga palabas na telenobela. Saka naman nya naalala si Shaine. "You don't have to worry Tita. My Shaine is a strong girl at di isang aksidenteng katulad lang nito ang makakapatay sa kanya." Savi naman nung demonyong tinawag na Marcel. Akmang aalis na sana sya nng bigla syang tumakbo papunta sa harap ng mama ni Shaine. Umiiyak na sya sa sobrang kadesperadahan at marahil nagulat ito na may luha sya sa mga mata nya. "Kaibigan po ako ni Shaine, Tita. Nakikiusap po ako! Kahit saglit lang gusto ko pong makita si Shaine!" Pagmamakaawa nya rito na lumuhod na! At syempre pa nashock ang Mama ni Shaine! "Ganyan talaga ang nagagawa ng mga fans, Tita. They're desperate enough para magpanggap pa na kaibigan ng iniidolo nila." Nakakainisulto pa ring pagsingit nung Marcel. Tumango-tango naman ang Mama ni Shaine. "I'm sorry Hija, but I'm afraid hindi magagawang makipagkaibigan ng anak ko sa isang tulad mo lang. Dahil ang mga nagiging kaibigan nya ay mga rich and famous lang tulad nya. Nice try Hija, but next time, TRY HARDER." Mataray na sabi ng Mama ni Shaine saka na sya nilagpasan ng mga ito. Susunod na sana si Marcel sa Mama ni Shaine nang bigla itong parang may naalala at lumapit ulit sa kanya. "Ahh... May nakalimutan ako." Biglang sabi nito saka may kinuha sa bulsa nito saka inilagay sa palad nya. PISO! "Baka kasi kinulang ang pambili mo ng suka nung inutusan ka ng Mama mo kaya ka naligaw rito! Hahaha... Go away now, little girl." Nang-aasar na sabi nito at tumawa pa ng parang siraulo! Nang tinawag ito ulit ng Mama ni Shaine ay tumalikod na ito sa kanya. Wala na syang nagawa ng hilahin na sya ng guard palayo. Inaway pa sya ng guard at ng ibang fans ni Shaine roon. Ang kapal daw ng mukha nya na nagpanggap syang kaibigan ni Shaine sa harap ng Mama nito. Wala na syang nagawa nang daluhan sya ni Denver para itayo. Ganun ba talaga kataas ang antas ni Shaine sa lipunan para hindi nya man lang magawang lapitan ito? Parang noon lang tinataboy nya lang ito at ito naman ang habol ng habol sa kanya. Pero ngayon pakiramdam nya nasa magkaibang mundo sila. Para vang kasalanan pa na maging kaibigan nya ito. Bakit gnun? Bakit ba parang pinaglalayo sila ng tadhana? SAMANTALA... "What have gotten into you ha, Shaine? Do you really want to kill yourself? Kung hindi ka nakatalon agad sa kotse mo talagang mamamatay ka! And now, we're here. Na kailangang magpanggap sa lahat na may nangyari sa'yo para hindi ka masyadong madiin sa aksidente! Do you know how busy we are? Pagkatapos napilitan kaming umuwi dito sa pilipinas dahil lang sa pag-aakalang may nangyaring masama sa'yo!" Panenermon ng Mama ni Shaine sa kanya. "Sorry po, Ma. I didn't mean to bother you at all. I don't even know na tinawagan ka pala ni Mr. Ben." Nakayukong sabi ni Shaine na nabalian lang ng ilang buto at bahagyang sugat pero wala naman sa panganib ang buhay nito. Nung mga oras na pabangga ang kotse nya sa track ay nakatalon kaagad sya. Ang kotse nya lang ang sumalpok sa track. Mabuti na lamang at walang namatay sa aksidente. Ang driver ay malubha ang lagay pero wala na ito sa kritikal na kalagayan. Nangako naman sila na libre ang lahat ng pagpapagamot nito dahil si Marcel naman ang may-ari ng ospital na yun at magbibigay din sila ng danyos para di na ito magdemanda. Kasalanan nya kasi kung bakit nangyari yun. Naging reckless sya at muntikan nya nang mabangga ang nakamotor sa gilid nya at ng iiwas nya ang sasakyan ay may pasalubong pala syang track. Mabuti pa rin ang diyos dahil kahit na nagcommit sya ng napakalaking kasalanan rito ay nabuhay pa din sya. Kung tutuusin puro minor damage lang naman ang natamo nya. Pero gustong palabasin ng Manager nyang si Mr. Ben na kaawa-awa sya pero di sya madiin. Baka daw kasi mawalan sya ng fans pag lumabas na pabaya sya. Balak kasi nito na gawin syang artista. "Kaya una pa lang tutol na ako sa modelling na yan eh! Gugulo lang ang mundo mo! Kailangan mo pang magsakripisyo para lang maplease ang mga mababaw mong fans! Kaya ikaw Shaine itigil mo na yan ha! Kailangan mo ng matuto sa pagpapatakbo ng negosyo! Hindi purkit na ikakasal na kayo ni Marcel ay iaasa mo na sa kanya ang lahat!" Galit pa rin ang mama nya. Di na lang sya nagsalita. Takot talaga sya sa ina. Simula pa noon sunud-sunuram lang sya rito. Kung hindi pa nga ito kinausap ni Marcel na payagan syang magmodel at maglibang muna as hobby na iyon ay di pa ito papayag noon. Kung tutuusin kasi ay parang mas tinuturing pa nitong anak ang kababatang si Marcel kaysa sa kanya. At pinagkasundo pa sila na magpakasal ng labag sa loob nila. Business partners at matagal ng magkaibigan ang mga pamilya nila ni Marcel. Parehas pa silang solong anak kaya parang halos kapatid nya na si Marcel. "Tita, tama na muna yan. Kakagaling lang ni Shaine sa aksidente kaya sigurado may trauma pa sya. Kung pwede lang pagpahingahin na muna natin sya." Pakiusap naman ni Marcel sa Mama Marlyn nya habang sinusubuan sya nito ng oranges. Bumuntong hininga naman ang Mama nya. "Ok. Titigil ako for a while but I'm gonna leave tomorrow ngayong alam ko ng ok ka naman pala. I still have some business to take care of at ganun din si Marcel. But I have made my decision, you can no longer stay here at dun ka na ulit sa amerika titira kasama namin. And that decision is final!" Seryosong sabi ng Mama nya na pinag-angat nya ng ulo. "Ma----" "No more buts Shaine. Tama na itong laro mo sa pinas. Oras na para harapin mo na ang mga negosyo natin at magpakasal na kayo ni Marcel." Pinal na sabi nito. Wala na syang nagawa pa. Batas ang salita ng Mama nya at kapag may ginusto ito ay walang pwedeng bumali nun. Pero tama nga siguro na umalis na lng sya sa pinas. At kalimutan nya na lang ng sakit na dinulot ni MeiMei sa kanya. - TO BE CONTINUED... Oh? Akala nyo dedo na si Shaine no? No way, nag-uumpisa pa lang ang kwento na to. Hahaha... At wala pong amnesia twist dito. Ilng ulit ko ng nagamit sa ibang mga stories ko yan. hahaha... Libre ang magkomento. Lalala.. STRANGE LOVE written by: lady_phoenix16 Chapter 29: Mutual Feelings Ilang araw ng hindi pumapasok sa school si Shaine. Ilang beses din silang nagtangka ni Denver na makapasok sa ospital pero ni anino ni Shaine ni hindi nila nakita. Patuloy lang kasi silang hinaharang ni Donya Marlene at ni Marcel. Mabuti na lang kahit papano kilala si Shaine kaya napapabalita pa rin ito sa TV. Ayon sa balita ay maayos na raw ang lagay nito at nagpapahinga na lang daw. Nainterview din ang Mama nito at sinabi sa madla na wala daw balak pumasok ni Shaine sa pag-aartista at lalong balak na daw nitong pahintuin sa pagmomodelo ang anak. Napakatipid nitong magsalita at parang napilitan pa nga lang na paunlakan ang interview dito. Nag-aalala pa rin sya kay Shaine pero kahit papaano ay nagpapasalamat sya dahil ok na daw pala ito. Kahit ang Kuya Damon nya nag-alala rin kay Shaine. Kung wala nga siguro itong girlfriend ay baka nagpumilit na rin ito na pumunta sa ospital e. Sa totoo lang papasok sya ngayon pero parang tinatamad na sya. Wala naman kasi si Shaine. Ito lang naman ang dahilan kung bakit nagkaroon ng kulay ang school life nya. Ni hindi sya makatulog kagabi sa kakaisip rito. Iniisip nya kung kumusta na kaya ito. Kung galit ba ito sa kanya o nakakakain ba ito ng maayos? Nalate tuloy sya ng gising at nakaabsent na sya sa dalawang subject. Sa totoo lang parang nawalan ng kulay ang mundo nya. Ngayon naiintindihan nya na kung bakit ganun na lang ang lungkot ni Damon nung bastedin ito ni Shaine. Sa lagay nya ay sya naman ang nambalewala rito. Pero ngayon miss na miss nya na ito. Ang lungkot-lungkot nya na wala ito. Pagpasok pa lang nya sa room ay pinagtinginan na sya ng nga kaklase nila. Wala yatang teacher kaya naupo na lang sya at di na pinansin ang kakaibang titig ng mga ito. "MeiMei! Alam mo ba na nandito si Shaine kanina!" Pagkausap sa kanya ni Jing. Ayaw sana nya itong kausapin dahil alam nya may gusto rin ito may Shaine sa kabila ng kaartehan nitong iyon pero parang nabuhay ang dugo nya pagkarinig sa pangalan ng mahal nya. "Talaga? Nasaan sya? Pumasok na ba sya?" Naexcite na tanong nya. "Hindi. Pumunta lang sya rito para ayusin ang lahat dahil di na daw sya dito mag-aaral. Dumaan lng sya rito para magpaalam sa mga kaklase natin!" Sabi ni Jing na halos ikaiyak nya. Aalis si Shaine? Iiwan na sya nito? "Alam mo, ikaw ang may kasalanan nito e! Kung di mo ginaganun-ganun si Shaine di naman sya maaksidente eh! Ang dami-dami mo kasing arte! Kung sa akin lang nagkagusto si Shaine hinding hindi ko sya sasaktan. Pero ikaw? Anlake mong tanga!" Naiinis na sabi ni Jing na di na pumasok sa isip nya dahil ang sakit na lang ng dibdib nya ang nangingibabaw sa kanya ngayon! Tumayo sya at tumakbo paalis ng room. SAMANTALA... Akala ng mga kaklase nya ay umalis na si Shaine. Pero ang totoo ay nagpunta lang ito sa rooftop. Tama. Ito na ang huling pagkakataon na makakatapak sya sa school na ito. Dahil gusto ng mama nya na sa ibang bansa na lang daw sya mag-aral at pinapaturuan pa sya nito kay Marcel na magmanage ng mga negosyo nila. Gusto pa nga sana ni Marcel na samahan sya nito sa school pero nagkaroon ito ng biglaang seminar sa Korea. After nito sa Korea ay didiretso na daw ito sa States. Sinabi nya kasi na susunod na lang sya pagkatapos niyang asikasuhin ang mga gusot nya sa pinas. Pero ang totoo gusto nya lang talagang makita si MeiMei kahit na sandali lang. Kahit na hindi sya nito pansinin o snob-in lang sya nito ok lang sa kanya basta makita nya lang ulit ito kahit sa huling pagkatataon man lang. Pero wala daw ito at umabsent. Di nya na talaga ito makikita dahil mamaya na ang flight nya papunta sa States. Siguro hanggang ngayon galit pa rin ito sa kanya. Ni hindi ito dumalaw sa kanya sa ospital. Ni hindi man lang ba ito nag-alala na muntikan na syang mamatay? Siguro nga para rito ay wala lang talaga sya. Sya lang ang umaasa na mamahalin rin sya nito. Ang tanga-tanga naman kasi nya. Sa umpisa pa lang alam nya na kasalanan ang mahalin ito pero nagpahulog pa din sya sa kumunoy. Hinayaan nya ang sarili na mas lalo pang mahalin ito. Nanligaw pa sya na parang isang lalaki na malayong malayo naman sa character nya. Andami nyang kagagahang ginawa para lang rito kahit na nagmumukha na syang tanga at kawawa. At ngayong nandun sya sa rooftop di nya maiwasang hindi magreminisce. Naalala nya si MeiMei at ang pagmamahal nya rito. Sa kabila ng lahat wala syang pinagsisihan. Kahit na di sya nito minahal naging masaya sya na kasama nya ito. Natuto sya magmahal. Pero ngayong iniwan na sya ng kaligayahan nya dapat na rin niyang ibaon sa limot ang lahat... At sa kaisipang iiwan nya si MeiMei at hindi nya na ito makikita kahit kailan ay nagdurugo ang puso nya sa sobrang sakit. Di nya alam kung darating pa ang oras na makakalimutan nya ito. At doon di nya na napigilan ang pag-agos ng luha... Si MeiMei naman ng mga sandaling iyon ay umakyat ng rooftop. Naiiyak sya at alam nya na di nya mapipigilan iyon kaya ayaw nyang makita sya ng mga kaklase nya! Aalis ba si Shaine ng dahil sa knya? Gnun kasama ang sinapit nito ng dahil sa knya kaya di na nakakapagtaka yun pero ang sakit-sakit pa din! Ni hindi man lang nya ito nakita bago ito umalis kanina. Bakit kasi nagpalate-late pa sya? Pakiramdam nya wala na syang nagagawang tama! Hanggang sa marating nya ang rooftop kung saan alam nyang mailalabas nya ang mga luha nya ng walang makakakita. Pero nagulat sya nang makita mung sino ang naroroon. Si Shaine! STRANGE LOVE written by lady_phoenix16 CHAPTER 30: Can you be my GIRLFRIEND? Nagulat si MeiMei nang makita si Shaine. Na katulad nya ay umiiyak rin habang nakaupo! Halatang gulat na gulat rin ito ng makita sya. Agad nga nitong pinahid ang mga luha nito at tumayo. Ni hindi ito makatingin ng diretso sa kanya. Halatang napapaso sa pagkakatingin sa kanya. "Hindi ako pumunta rito sa school para guluhin ka pa MeiMei. Hindi mo na kailangang mag-alala. Hindi mo na ako makikita. Wala ng mangungulit sa'yo!" Sabi nito na naiiyak pa rin kahit na pinahid na nito ang luha kanina. Pero hindi nya ito pinansin. Lumapit lang sya rito na blangko ang expression ng mukha. Isa lang ang gusto nyang gawin... At iyon ay ang yakapin ito! "Sorry sa lahat ng nagawa ko sa'yo. Alam ko nagulo ko kayo ni Damon. Patawad. Kaya wag kang mag-alala. Aalis na ako sa pilipinas MeiMei. Malaya mo ng gawin kung ano ang gusto mo..." Sabi ni Shaine na malungkot na malungkot. At nang marinig nya ang salitang aalis ay doon na sya hindi nakapagpigil! Sinugod nya ito ng yakap! "Shaine wag! Nagmamakaawa ako sa'yo. Wag kang umalis! Di ko makakaya na mawala ka! Patawarin mo ako. Hindi ko naman ginusto yung mga nangyari. Sinabi ko lng lahat ng yun sa'yo kasi alam ko na mali ang nararamdaman ko para sa'yo. Pero ngayon hindi na ako papayag na mawala ka!" Humahagulgol na rin na sabi nya sa gulat na gulat na si Shaine. Alam nya na naguguluhan ito na bigla na lang syang yumakap rito pero wala na syang pakialam! Hinding hindi nya ito papayagang umalis at makawala pa sa kanya. Halos ilang segundo rin sila sa ganung ayos hanggang sa parang bumalik na sa sarili nito si Shaine at humiwalay ng pagkakayakap sa kanya at hinawakan sya sa magkabilaang braso. "Teka lang Mei huh. Hayaan mo muna akong huminga." Sabi nito saka ito huminga ng malalim saka muling humarap sa kanya. "Yung sinabi mo kanina, medyo di ko masyadong maintindihan eh. Ang akala ko ayaw mo sa akin----" "Mahal rin kita Shaine!" Biglang sabi nya na di na pinatapos ang sinasabi nito. Gulat na gulat naman si Shaine na biglang pinamulahan ng mukha. Bigla pa nga itong napalunok at parang biglang nagpanic. "Anong sinabi mo?" "Kailangan ba paulit-ulit pa Shaine ha? Gusto mo ba bawiin ko pa yung sinabi ko?" Kunwari ay pagtataray nya na pinahid ang luha sa mga mata. Napakamot naman ito sa ulo nito saka sya may inilabas sa bulsa nya. "Ang sabi mo ibibigay mo sa akin tong necklace pero nilaglag mo lang sa lupa. Buti dinampot ko." Sabi nya. Napatingin naman run si Shaine. Para itong nawawala sa sarili. Parang hindi alam ang gagawin dahil sa sinabi nya. "Oh. Isuot mo na sa akin to." Sabi nya saka inabot rito ang kwintas. Awkward naman na inabot ni Shaine ang kwintas. Malakas na malakas ang tibok ng puso nya. Sabi ni MeiMei mahal rin sya nito. Nanaginip ba sya ng gising? "Huy!" Pag-untag nito sa kanya. "Ayaw mo naman yata eh. Wag na nga lang. Pupunta na lang ako kay Denver kung ayaw mo na sa akin!" Nakalabing sabi nito. Uminit na naman bigla ang ulo nya pagkarinig sa pangalan ng lalaki. Oo nga pala. May Boyfriend si MeiMei. Baka ginugood time lang sya nito! At sya namang tanga naniniwala na magkakagusto rin ito sa kanya! "Kung ayaw mo talaga sa akin di mo na ako kailangang pasakayin pa! Sana di na lang ako nagpunta rito dahil paglalaruan mo lang pala ako!" Inis na sabi nya saka na tumalikod. Pero sa gulat nya ay bigla syang hinila ni MeiMei at hinalikan sa labi! Nanlaki ang mga mata nya! Pero maya-maya ay bigla na ring bumigay sa mapang-akit na labi ni MeiMei. Unti-unting lumalim ang halik na iyon hanggang sa nadala na sya ng tuluyan at gumanti na rin sa paggalaw ng labi nito... Halos di na sila makahinga ng matapos ang napakahabang halik na iyon! Pulang-pula ang mukha nya at di makatingin ng diretso rito pagkatapos nun. Ngumiti lang lalo si MeiMei sa reaksyon ni Shaine na parang natataranta. "Ikaw naman nagseselos kaagad. Di'ba sinabi ko na sa'yo na ikaw ang mahal ko? Sa halik na yan siguro naman naniniwala ka na." Parang mapang-akit na sabi nito na malapit na malapit pa rin sa kanya. Nakahawak ito sa bewang nya kaya halos magkayakap na rin sila. "Eh paano na si Denver?" Nahihiya pa ring tanong nya. "Hindi naman talaga kmi ni Denver. Ginawa lang namin yung pagpapanggap para lumayo ka na sa akin. Pero ako rin yung nasaktan ng husto sa ginawa ko. Akala ko kaya kong mawala ka pero hindi pala. Nagsisi ako sa mga sinabi ko sa'yo lalo nung maaksidente ka. Sinabi ko sa sarili ko na di ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyari sa'yo." Paliwanag nito na kinatataba ng puso nya. Totoong mahal sya nito? Ang saya-saya nya! "At ngayon di na ako papayag na makaalis ka Shaine! Handa na akong tanggapin kahit ano pa ako basta wag ka lang mawala!" Dugtong pa nito. "MeiMei..." "Can you be my girlfriend Shaine?!" Biglang agresibong sabi nito saka sya hinawakan sa dalawang kamay. At sa totoo lang nagulat na naman sya. Nabibilisan sya sa mga nangyayari. "Ah---" "Kung galit ka sa akin Shaine ok lang! Ako naman ang manliligaw sa'yo para mapasagot kita!" Nakangiting sabi nito na ikinangiti na rin nya. Saka nya sinuot ang kwintas rito. At sinuot naman nito sa kanya ang isa. "Di mo na kailangang gawin yun dahil di na ako magpapakipot MeiMei. Yes. From now on, girfriend mo na ako at girlfriend na kita. Thank you for loving me. Di mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon." Nakangiti na rin nyang sabi saka sya yumakap rito "Akala ko magpapakipot ka pa eh. Sayang may pinlano pa naman akong style ng panliligaw para paibigin ka." Natatawang sabi nito saka humiwalay sa kanya ulit at hinaplos ang pisngi nya. "Simula ngayon akin ka na ah! Andami-andami kong karibal sa'yo Shaine! Siguraduhin mo lang na di ka maaakit sa kanila dahil kung hindi papatayin talaga kita! Tandaan mo yan!" Mapag-angkin pero cute na sabi nito. Natatawa na lang sya. Hindi nya akalain na posessive rin pala ito. Pero napakalabo ng sinasabi nito na magkakagusto pa sya sa iba dahil ito lang ang nakikita ng mga mata nya... "Hinding hindi ko gagawin yun. Ikaw lang ang mahal ko Mei. Walang iba." Seryosong Sabi nya saka nya inilapit ang labi rito at muli ay pinagsaluhan nila ang isang matamis na halik... Para kay Shaine iyon na ang pinakamasayang araw pa sa kanya. Bawal man ang pag-iibigan nila ay ipapakita nya sa lahat na karapat-dapat pa rin silang magmahal... - THE END. . . Di joke lang! Hahahaha... Ngayong sila Shaine at MeiMei na mahaharap kaya nila ang mapanghusgang mata ng lipunan? Malalagpasan kaya nila ang mga problemang darating sa relasyon nila? At sino ang mag-aact na TOP (butch) at BOTTOM (femme) sa kanilang dalawa? ABANGAN! STRANGE LOVE ©lady_phoenix16 CHAPTER 31: COCK FIGHTING OVER SHAINE? Kulang siguro ang salitang MASAYA para idescribe ni Shaine kung gaano sya kasaya ngayon. Kagabi di sya nakatulog ng maayos dahil paulit-ulit na bumabalik sa kanya yung nangyari sa kanila ni MeiMei sa rooftop. Yung ginawa nitong pagtatapat. At yung halik nito... Napahawak sya sa labi nya. Nararamdaman pa din nya yung halik ni MeiMei sa kanya. Ang sarap ng labi nito. Hihihi... Nagiging pervert na talaga sya. Ang laki na ng pinagbago nya dahil rito. Nang araw na yun ay pumasok na sya. Sinabi nya sa lahat na hindi na sya hihinto sa pag-aaral at di na sya aalis ng pinas. Nasabi na rin nya sa Mama nya at kay Marcel na di na sya susunod sa mga ito sa States. Di nya na sinabi pa kung ano ang dahilan nya pero hinding hindi na talaga sya aalis sa pinas. Ngayon pa ba at natupad na ang pinakapinapangarap nya sa buhay? Si MeiMei. Siguro nga oa na pakinggan na ito ang pangarap nya pero sya naman talaga yun. Ito lang kasi ang pinangarap nyang di nya madaling nakuha. Simula pa nung bata sya nasa kanya na halos ang lahat. Mayaman sila. Maganda sya, matalino at naging sikat pa. At ang mga lalaki nagkakagusto naman sa kanya kahit wala syang gawin. Pero si MeiMei dumaan muna sya sa butas ng karayom bago sya nito mahalin kaya naman ganun na lang ang saya nya at hinding hindi nya sasayangin yun. Ipaglalaban nya ito sa lahat. Kahit pa sa sariling ina. Nandun sila sa bench ng mga kaklase nya dahil wala na naman silang pasok sa unang subject. Di nya alam pero napapadalas na nga ang absent ni Mr. Facundo eh. Na pinagtataka nila. Pero ok na din yun dahil late na naman ang mahal nya. Tinext naman nya ito at ang sabi ay malapit na raw ito. Habang naghihintay ay naisip nyang lapitan si Jing na busy sa pagpapaganda sa salamin. "Umm... Jing pwede ba tayong mag-usap?" Approach nya rito. Binaba naman nito ang hawak na salamin at humarap sa kanya. "Oh sure beybe. Narealize mo ba vang nakakasawa ang pagmumukha ni MeiMei at ako na lang ang gusto mo?" Sabi nito na ikinatawa naman nya. Mapagbiro talaga ito. Umupo sya sa mahabang upuan run at tumabi dito. "Gusto ko lang sanang magpasalamat kasi kung hindi dahil sa'yo di naman magiging kami ni MeiMei. At masayang masaya ko ngayon kaya salamat talaga ako sa'yo." Paumpisa nya.Nawala ang ngiti nito. "Wag kang magpasalamat dahil ginawa ko yun dahil akala ko lalo syang aayaw sa'yo at magsasawa ka rin sa kakasuyo sa kanya. Ginawa ko yun kasi gusto ko akin ka. Kaso palpak ang plano ko. Nahulog rin sa charms mo ang gaga!" Simangot na sabi nito pero natatawa pa din sya. Lesbian si Jing pero mahilig itong magpaganda at para pa itong bading kung magsalita kung minsan. "Kahit na salamat pa din." Sabi na lang nya. "Ay. Ayoko ng thank you lang. Gusto ko kiss mo ko. Here oh!" Sabay turo nito sa pisngi. "Hoy, tweety bird! Anong kiss kiss pinagsasabi mo dyan?! Baka gusto mong kiskisin ko yang nguso mo!" Biglang sigaw ng isang nakapameywang na babaeng nasa harap na pala nila. Si MeiMei. Simangot ang mukha nito. "Hayy.. Ito na naman yung babaeng unano." Pabulong na sabi ni Jing. "Anong sabi mo?!" Narinig naman iyon ni MeiMei at pumagitna ito sa kanila at nagsumiksik sa mahabang upuan saka niyakap sya! Dahil run muntikan tuloy malaglag sa upuan si Jing at mangudngod ang muka. "Wag ka ngang makalapit-lapit sa girlfriend ko. Iba na lang ang landiin mo, wag na sya dahil sa akin na sya! Maghanap ka ng iyo, mang-aagaw!" Inis na pagseselos nito. "Ang damot mo naman! Pasalamat ka nga nagustuhan ka ni Shaine eh hindi ka naman maganda!" Pagsagot naman ni Jing. "Madamot?! At ano naman ang tingin mo kay Shaine ko? Kuting na pinamimigay? Gamit na hinihiram at pagkain na pinaghahatian?! Inggit ka lng kasi ako ang mahal nya at di ikaw! Gumaganda ka lang naman dahil sa makeup mo, pero pag wala yan pag talikod ko, ang pwet ko kamukha mo!" Parang batang sabi ni MeiMei. "Hmp! Ang sungit mo ah! Di mo ikagaganda yan! And for your information di ako ang lumapit sa GF mo. Sya ang lumapit sa akin! Oh, I'm gonna go. Babalik na lang ako pag nagsawa na si Shaine mylabs sa'yo! Duh. I don't even want to breath the same air as you. Eww!" Maarteng sabi ni Jing na nakalayo na bago pa ito mabato ng tsinelas ni MeiMei. "Ang kapal ng mukha mong tweety bird ka! Wag ka ng babalik dito kung ayaw mong tirisin kita! Bwisit!" Panggagalaiti ni MeiMei na binigyan ng nakakamatay na tingin si Jing habang sya naman ay tawa ng tawa. Masyado itong selosa. Ang cute nitong tingnan habang nakikipag-away na parang bata kay Jing. "Anong tinatawa-tawa mo dyan? Tuwang-tuwa ka naman na pinag-aagawan ka namin ni Jing! Kakainis ka Shaine! Wala pa tayong isang linggo kumekerengkeng ka na sa iba! Sabi ko na nga ba e!" Nakangusong sabi nito na simangot na simangot. Pinigilan nya na ang sarili na tumawa saka umakbay sa girlfriend nya. Ang sarap sa pakiramdam na nagagawa nya ng umakbay ngayon dito. At pinapakita pa nito na nagseselos ito ng dahil sa kanya. Hanggang ngayon pakiramdam nya pangarap pa din ang lahat. "Uy. Selos sya. Wag ka ng magalit. Ikaw lang naman ang mahal ko ih. Wag kang maniwala sa kanya. Mas maganda ka kaya." Paglalambing nya rito na pinopoke pa ang cute na pisngi nito. Unti-unti naman itong ngumiti. Nawala yung pagnguso. Parang kinikilig. Ang cute talaga ng mahal nya. "Talaga? Maganda ako?" Parang batang binigyan ng lollipop ang mukha nito. "Oo naman." Sagot nya. "I love you Shaine!" Saka ito yumakap sa kanya ng mahigpit na mahigpit. Gumanti naman sya ng yakap. Sana ganito na lang sila palagi ni MeiMei. Masaya. Hindi na sana matapos yung mga sandaling ganito. Natatakot na syang mawala ito eh. Nagdadasal sya na sana kung anuman ang nararamdaman ni MeiMei sa kanya ay hindi mawala agad. Dahil alam nya na sya ay mamahalin ito ng habang buhay. Mawala na siguro sa kanya lahat wag lang si MeiMei. Lahat gagawin nya para rito... written by: lady_phoenix16 CHAPTER 32: A Lot of Kisses Nang araw na iyon ay may date sila ni MeiMei. Sabado kasi kaya walang pasok. Yun yung unang weekend na may relasyon na sila. Sa totoo lang medyo kinakabahan sya eh. Di naman kasi sya lalaki kaya di nya alam kung paano bang mag-eenjoy si MeiMei sa date nila. Sana hindi ito maboring sa kanya... Tumingin sya sa relo. Parang ang tagal nya ng naghahantay run sa park pero wala pa rin ito. Halos kalahating oras na pero di man lng ito nagttxt. Bigla tuloy syang tinubuan ng takot. Baka di na dadating si MeiMei. Baka naisip nito na ayaw na pala nito sa kanya. Baka makikipaghiwalay na pala ito kaya ang tagal-tagal. At sa isiping yun natatakot tuloy sya. Na baka magising na lang ito isang araw na wala na pala itong nararamdaman para sa kanya. Baka makahanap ito ng iba at mauntog na lalaki pa din talaga ang gusto nito at hindi isang babae ring tulad nya. Malapit na syang paligiran ng luha sa mga mata nang biglang may tumakip sa mata nya. "Hulaan mo kung sino." Sabi ng boses. Biglang nalusaw ang alanganin nya sa dibdib at Napangiti na sya nang maramdaman ang malambot na kamay ng taong iyon sa talukap ng mata nya. Yung mabangong hininga nito na tumama sa kanya nung nagsalita ito. At yung cute na boses nito na parang pangbaby. "MeiMei." Maluwag ang ngiting sabi nya. "Hihihi... Kilala mo talaga ang boses ko ah. Dapat lang dahil pag may binanggit kang ibang pangalan, bugbugin talaga kita sa halik para maalala mo ako!" Pagbibiro nito saka tumabi sa kanya sa bench at saka ito humalik sa kanya. Napasinghap sya at napatulala ng matapos ang saglit na halik na iyon. Ang mga daga sa dibdib nya nagtatakbuhan lalo nang mapagmasdang maiigi ang ayos nito. "Pasensya ka na kung late ako mahalKo, Nagpaganda pa kasi ako sa parlor para sa date natin eh. Saka bumili ako ng bagong damit para mas cute. Hihihi..." Bungisngis nito na parang bata saka umikot pa na parang nagmodel sa harap nya pagtayo nito. Nagpacurl pala ng buhok nito si MeiMei. Ang ayos-ayos nitong tingnan at nakapalda pa. Sobrang ganda nito sa paningin nya... Parang di sya makahinga habang tinitingnan ito. "Oh. Baka matunaw na ako nyan ah." Pang-aasar nito habang bumubungisngis pa din. Ang cute-cute talaga nitong tingnan lalo pag ngumingiti ito ng ganun. Namumulang nagbaba sya ng tingin dahil sa sinabi nito. "Ay. Ayaw mo na yata akong tingnan eh! Sayang yung effort ko para makapantay man lang sa ganda mo!" Sumimangot na sabi nito saka tumabi ulit sa kanya at sapilitang hinarap ang mukha nya sa mukha nito. "Tingnan mo ko ulit Shaine. Ano maganda ba ako ngayon? Kinikilig ka no? Aminin." Panunudyo talaga nito. Di yata talaga ito titigil hangga't di sya napapaamin. "Hindi. Mas maganda pa din si Jing." Pagsakay nya sa biro nito. "Ahh ganun. Pero mas masarap akong humalik. Sisiguraduhin ko sa'yo na mawawala sa isip mo yung tweety bird na yun! Humanda ka na!!" Makulit na sabi nito saka sya paulit-ulit na hinalikan sa lips, sa noo, sa ilong, at sa buong mukha nya pati sa leeg! Nakikiliti tuloy sya eh! "Hahaha... Tama na nga MeiMei! Nakikiliti ako!" Pagtawa nya na. "Talagang rerape-in kita kapag di mo sinabing mas maganda ako kaysa sa tweety bird na yun!" Pagtawa rin ni MeiMei na patuloy lang sa paghalik sa kanya. Sa sobrang saya ng dalawa di na nila napapansin ang ibang tao na nakatingin na pala sa kanila. "Mahabaging Langit!" Napasign of the cross ang isang matanda. "Eww... That's so gross!" Sabi naman ng isang maarteng babae na napadaan lang. "Mama, anong ginagawa nila?" Tanong naman ng isang bata run sa Mama nitong napapanganga. Natauhan naman ang babae at humarap sa anak. "Wag kang gagaya sa kanila anak! Masama yan!" Saka nito hinila na palayo sa lugar na iyon ang anak. "Oo na, MeiMei! Mas maganda ka na! Tama na!" Paghagikhik pa rin ni Shaine. Sa buong buhay nya ngayon lang sya naging masaya ng ganito. "Talaga? Mas maganda na ko? Baka napipilitan ka lang! Ayaw mo lang ata ako ikiss eh!" Para pa ding bata na sabi ni MeiMei. Pero lumayo na ng konti. "Totoo. Ikaw ang pinakamaganda sa lahat ng girl. Kaya nga minahal kita eh. And god knows how much I love your kisses " Sabi na lang din nya saka ito mabilis na hinalikan sa pisngi. Parang mas lalo itong naging hyper dahil sa kiss na yun. "Mas mahal kita Shaine!" Saka ito yumakap na naman sa kanya. Natatawa na Niyakap nya rin ito. Natupad na talaga ang pangarap nya. Kung panaginip ito sana wag na syang magising. Di nya ito ipagpapalit sa kahit anong bagay sa mundo. Si MeiMei lang ang mahalaga... "Hoy! Ano ba yan! PDA kayo! Kung gusto nyong maglandian wag kayo dito sa park! Di na kayo nahiya parehas pa naman kayong maganda!" Iritableng sabi ng isang malaking tiyan na pulis ron. Doon lang sila natauhan ni MeiMei at naghiwalay sila ng yakap. Nakapameywang na tumayo naman ang parang magtataray na si MeiMei. "Inggit ka lang! Wala ka sigurong lovelife kasi mukha kang bakulaw! Bleeehhhhh!!!!" Pang-aasar na sabi ni MeiMei saka parang batang nilabas nito ang dila nito. "Anong sinabi mo?!" Napikon agad na sabi ng lalaki na akmang lalapit sa kanila ni MeiMei pero agad nya ng hinila run ang girlfriend at tumatawang tumakbo sila habang magkaholding hands! Habol naman ang lalaking mataba para hulihin sila. Hanggang sa nakapagtago na na sila sa isang eskinita roon na walang masyadong tao. "Ayan mahalKo. Wala na yung baboy ramo." Natatawa pa ring sabi ni MeiMei habang nilingon nito sa likuran nila yung lalaki kanina. At sya hindi na yata maalis ang tawa sa labi. Ang hilig-hilig nito sa name calling. Lahat na lang binibigyan nito ng alyas. "Mei. Salamat ah..." Maya-maya ay sumeryoso na sya. "Huh? Para saan?" Inosenteng tanong nito. "Salamat kasi minahal mo ko. Kahit na ganito ako." Sabi nya. Malungkot. Lumapit naman ito at kinulong ang mukha nya sa palad nito. "Dapat lang magpasalamat ka dahil nakuha mo ang maladyosa kong ganda! Kaya wag na wag mo akong sasaktan Shaine! Kahit biro wag na wag mong gagawin na sumama ka sa iba lalo na dun sa tweety bird na yun! Gusto ko sa akin ka lang! Ayaw ko ng nakikihati ako!" Sabi nito na nakanguso. Napangiti na lang sya. "E, Bakit ba parang takot na takot ka?" Panunudyo nya na rin dito. Nahahawa na yata sya dito. At gustong gusto nya pag nagseselos ito. Kinikilig sya. "Masyado ka kasing maganda eh! Nakakainis lahat na lang ng tao nagkakagusto sa'yo. Lalaki man o babae pare-pareho sila. Gusto ka nilang kunin sa akin! Kaya ikaw, wag na wag kang papaagaw dahil kung hindi patay ka talaga sa akin!" Seryoso na ring sabi nito na parang may pinaglalaban talaga. "Hahaha... Ilang beses ko bang sasabihing hindi mangyayari yan? Ikaw lang ang mamahalin ko wala ng iba. Maniwala ka Mei. Hindi ko ipagpapalit ang kahit anumang bagay sa mundong to para sa'yo. Kahit na maghirap ako o makalaban ko man ang buong mundo ikaw pa din ang mamahalin ko." Sabi nya na maraan na tumitig sa mga mata nito. Bumuntong hininga ito at nakipaglabanan ng titigan sa kanya. Hanggang sa unti-unting naglapit ang mga labi nila. Doon ay muli na naman nilang pinagsaluhan ang halik na naantala kanina... Wala na syang pakialam kung ano pa man ang tingin ng mga tao sa kanya ngayon. Kahit sabihin pa ng mga tao na imoral sila o husgahan sila ng mga ito ay wala na syang pakialam. Basta alam lang nila ay mahal niya ito at mahal na rin sya nito. Bawal man ang pag-ibig nila, ang importante masaya sila... Dear Lady Phoenix, If loving her is a sin. Then this must be the sweetest sin... I am definitely a SINNER. - Shaine. STRANGE LOVE written by: lady_phoenix16 CHAPTER 33: Cheesy Date Pagkatapos nilang tumakbo at hingalin knina, natural lang na nagutom sila. Kaya naman pumunta sila sa paboritong restaurant ni Shaine. Pero bago pa man sila pumasok eh hinawakan na sya sa braso ni MeiMei. "Shaine, pwede ba wag na lang tayong pumasok? Nahihiya ako sa itsura ko, magmumukha ata akong basura dun sa loob." Naduduwag na sabi nito. Natawa naman sya. Palabiro talaga ito kahit na kailan. Pkiramdam nya walang boring na oras pag ito ang kasama nya. Nakita kasi ni MeiMei na panay nakaformal halos lahat ng mga tao sa loob. Class na restaurant naman kasi iyon. At pawang mayayaman lang ang nakakapasok dahil sa mahal ng mga menu. "Bakit ka ba natatakot? E nakacivilian din naman ako?" "Eh magkaiba naman kasi tayo Shaine e. Kasi ikaw kahit basahan pa yata ang suotin mo magmumukha ka pa ring prinsesa kasi ang ganda-ganda mo." Nahihiyang sabi nito. Tiningnan lang nya ito. "Dapat ba akong matuwa dahil sobra-sobra kung puriin mo ko o dapat mainis ako dahil pkiramdam ko nilalait mo na ang sarili mo?" Sabi nya. Natahimik naman ito. Nagyuko ng ulo. Sya naman bumuntong hininga saka kinulong sa palad nya ang mukha nito. "MeiMei. Wag mong ikukumpara ang sarili mo sa akin. Dahil di naman kita minahal dahil lang sa maganda ka o ano eh. Naramdaman ko sa sarili ko na mahal kita dahil napapasaya mo ko at yun lang ang mahalaga. Kaya sana wag kang manliliit pag magkasama tayo dahil kahit gaano ka man kaliit sa paningin ng iba para sa akin ikaw na ang mundo ko." Sweet na sabi nya na parang kinakilig naman nito kasi ngumiti ito ng malapad. "Talaga?" Nagniningning ang matang sabi nito. "Ang sweet mo talaga Shaine! I love you, i love you, i love you!" Natawang sabi nito saka na naman sya nito pinugpog ng halik. "Hahaha... Tama na. Yan na naman tayo eh! Tara na baka nagugutom ka na." Pagyaya nya rito saka na hinila ang babae sa loob. Sumunod na rin ito. Walang nagawa e. Ninenerbyos si MeiMei papasok sa loob. Nakakahiya mang aminin pero sa totoo lang ngayon lang sya nakapunta sa ganong kagandang restaurant. Pamilyar pa nga sa kanya ang lugar na yun. Parang nakita nya ng naifeature sa TV ang lugar na yun kung san ubod sa sosyal ang mga foods na nag-ooffer ng iba't-ibang klase ng cruisine depende sa nais ng guest. Agad na binati si Shaine ng mga crew sa restaurant. Ngiting ngiti ang lahat rito na halatang ginagalang. Madalas siguro dun ang mahal nya. Pinaghila pa sya ni Shaine ng upuan pagdating sa table nila at hinubad pa nito ang jacket nito dahil napansin yata nito na nilalamig sya dahil sa lakas ng aircon. Natouch sya sa ginawa nito sa totoo lang. Ngumiti pa ito sa kanya na para bang di ito nakakaramdam ng lamig. "Ms Shaine, may I take your order pls?" Approach ng isang gwapong waiter dun sa knila. Bakit nga ba parang halos lahat ng nagtatrabaho dun eh parang puro gwapo at magaganda? Bawal ba ang panget sa lugar na to? Inabutan sya ng menu ng waiter. At nanlaki ang mata nya sa nakita. ADOBO - P5,499 KARE- KARE - P3,400 CHICKEN CURRY- P6,000 BEEF STEAK- P10,500 WATER- P145 Parang gusto nyang ibato palayo sa kanya ang Menu. Parang malaking joke ang nakita nya. Filipino Cruisine pa lang yun ah. Paano kaya pag tumingin na sya sa menu ng asian at western cruise. At pati ba naman ang tubig may bayad? "Ahhh... Tubig na lang. Hindi naman ako nagugutom Shaine eh." Pinagpapawisang sabi nya. Tiningnan lang sya nito na parang hinuhuli sya. Kanina pa kasi syang nagrereklamo na nagugutom na sya. "Sabi ko naman sa'yo Shaine eh! Mag JOLLIBEE na lang tayo!" Napalakas ang sabi nya nun. Nagtawanan tuloy ang mga waitress dun na nakatingin pala sa kanila. Maging yung ibang foreigner nagpipigil lang ng tawa. At si Shaine parang natatawa na din! Pinamulahan tuloy sya ng mukha. Bawal yata talaga ang mahirap sa lugar na yun. "Di mo kailangang mag-alala dahil di ka naman magbabayad. Simula ngayon ako na ang magiging financer mo." Pagbibiro nito. Nagkamot lang sya ng ulo at hinayaan na ito na ang mag-order. At parang fiesta sa dami ang inorder ni Shaine. Yung iba di nya pa alam kung anong klaseng pagkain yun. Yung iba japanaese food, may korean foods din. "Ang dami naman Shaine. Gusto mo yata akong tumaba e." Reklamo nya pero di naman maiwasang hindi matakam sa pagkain. "Baka naman paglabas natin dito Shaine mamulubi ka na. Ang mamahal pa naman dito. Ano ba namang klase ang may-ari nito, adobo 5499? Nahiya pa sa piso. Para namang ginto ang pagkain." Pagrereklamo nya pero nag-umpisa na rin namang kumain. Tinawanan lang sya ni Shaine. Pati pagtawa nito mahinhin. "You don't have to worry Mei. I own this restaurant kaya we don't have to pay anything. Kain ka lang ng kain. " Nakangiting sabi nito. Muntik tuloy syang mabulunan. "Ikaw ang may-ari nito?!" Halos lumuwa ang mata nya sa gulat. "Well, isa ito sa mga maliliit na business na tinayo ko rito sa pilipinas." Sagot nito. "At tinawag mo pa talagang maliit ah. Big time tapos maliit? Gaano ba kaliit sa'yo ang malaki na para sa akin? Saka Bakit naman di mo sa akin sinabi agad? Nagyayaya pa ako sa jollibee kanina. Nakakahiya, baka sabihin nila isip bata ako!" Pag-iinarte nya. Napakamot na lng ito sa mahabang buhok nito na natatawa kahit di naman makati. Di na sila nagsalita at kumain na sya ng kumain. Minsan lang sya makakain ng masarap eh! Hahaha... Si Shaine naman ng mga oras na yun ay imbes na kumain ay masaya na lang na pinagmasdan si MeiMei habang kumakain. Ang gana-gana nito. Punong puno ito ng buhay. Pagkatapos nila sa restaurant ay nagsine naman sila. Di rin naubos ni MeiMei ang mga inorder nila kaya pinabalot na lang nya yung mga di nagalaw at ng may maipasalubong naman ito sa Mama at Papa nito pati na rin kay Damon. Tuwang tuwa naman si MeiMei habang nasa sinehan sila at kilig na kilig kina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo sa IT TAKES A MAN AND A WOMAN. Kilig na kilig ito habang magkaholding hands sila. Sya naman ay imbes na tumutok sa screen eh si MeiMei na lang ang pinanood nya. Kahit na madilim run naaaninag pa din naman nya ito. Ang expression ng mukha nito habang mataman na nakatutok sa pelikula. And she really loves to gaze at her pretty face. It makes her heart beats even faster. "Nakakatawa talaga si Laida! Bagay na bagay talaga sila ni Miggy! Buti na lang nanood tayo ngayon no?" Excited na pagsasalita ni MeiMei nung nasa kotse na sila. Sya naman ay ngimingiti lang. Di naman kasi sya talaga nanood kaya di sya makapagrespond sa kanina pang nagkukwento na si MeiMei. "Parang di ka naman nakikinig saken Shaine e! Nanood ka ba talaga run?" Paghihinampo nito. Di sya makasagot. Tinuloy na lang ang pagdadrive. "Hmff! Kainis ka!" Pagtampo agad ni MeiMei ng balewalain nyalang ang tanong nito saka na nito tinuon sa bintana ang tingin na nakanguso. Tumahimik na lang sila hanggang sa nakarating na sila sa kanto ng bahay nila MeiMei. Sabi nito dun nalang daw nya ito ibaba. Lalabas na sana ito na may tampo pa rin ng bigla nyang hilahin. "Sa totoo lang di ako nanood sa sinehan kanina e. I'd rather stare at your face kaysa masayang ang oras ko sa panonood. Para saken mas maganda ka pa rin kaysa sa kahit anumang pelikula Mei." Nakangiting sabi nya. Maya-maya ay bigla na rin itong ngumiti. Hyper at kinikilig na naman. "Talagang kumokota ka sa akin ngayon MahalKo ah! Kanina mo pa akong pinapasaya! Pakiss nga baby!" Masayang sabi nito saka ito humalik sa kanya na ginantihan naman nya. Parang silang uhaw na uhaw sa isa't-isa at para bang wala nang katapusan ang halik na yun. Habang tumatagal ang halik nila mas lalo pang lumalalim... At bago pa sila may marating ay lumayo na ito. Nabitin tuloy sya. "Good night MahalKo. Baka mapagalitan na ako sa amin eh. Salamat sa araw na to ah. Nag-enjoy talaga ako. Ang saya-saya ko." Sabi nito ng matapos ang halik nila. "Sigurado ka ba na hanggang dito ko na lang? Pwede ko namang ipasok ang kotse ko sa looban para masiguradong safe ka." Pag-aalala nya rito. "Ok na ako rito MahalKo. Saka ang totoo kase nyan di pa alam sa bahay na tayo na..." Biglang nalungkot na sabi nito na kinalungkot rin nya. "...Pero wag kang mag-alala Shaine! Pag tinanong naman nila ako sasabihin ko naman ang totoo e! Kaya wag kang mag-alala dahil ipaglalaban naman kita! Hinding hindi ako papayag na magkahiwalay pa tayo!" Biglang dugtong nito sa sinabi nito kanina. At yun lang ang kailangan nyang marinig. Ang assurance na di sya nito iiwan at ipaglalaban rin sya nito. Masaya na syang may pinaghahawakan syang salita nito. "Sige MahalKo. Good night." Malambing na paalam nito na lalabas na sana ulit pero hinila nya ito para halikan ulit ng mabilis. "I love you MeiMei." Bulong nya. "I love you more." Sagot naman ito saka nagkiss din sa kanya. Dun na ito lumabas. At nang masigurong nakapasok na ito sa bahay mula sa di kalayuan ay pinaandar nya na ang sasakyan. Hindi pa man handa si MeiMei na aminin sa lahat ang relasyon nila ay ok lang yun. Susundin nya ang kahit anumang gustuhin ng mahal nya. Kahit ano gagawin nya para rito... Ganun nya ito kamahal... - TO BE CONTINUED... Parang kumokonti nagkocomment. Pumapanget na ba ang story o nauumay na kayo sa sobrang dami ng kissing scenes at cheesy moments nila? I want to hear your thoughts guys! Wag po kayong mahiya. Libre magcomment, hindi po sya limited edition :) Hahaha... PS: Imbento ko lang po yung mga presyo ng foods. lol. STRANGE LOVE ©lady_phoenix16 CHAPTER 34: Pagtatakwil Papasok na si MeiMei nang maramdaman nyang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Agad syang nagmadaling makapasok pa sa loob na may ngiti pa din sa labi... Di nya akalain na magiging ganito sya kasaya kay Shaine na para bang ayaw nya ng matapos ang araw para palagi na lang sila nitong magkasama. Dati nangangarap sya ng lalaking mamahalin. Pero ngayon di nya na naiisip yun dahil kay Shaine pa lang kuntento na sya. Napakaswerte nya dahil sya ang minahal nito. Nagulat pa sya nang makitang madilim pa sa sala. Tapos biglang bumukas ang ilaw at si Damon ang nakita nya. Madilim ang mukha nito kaya parang kinakabahan sya. Para bang galit na galit ito sa kanya. "Kuya, bakit nandito ka? Saka bakit gising ka pa?" Kinakabahang tanong nya. "TRAYDOR KA." Mariing sabi ni Damon na may diin at nagpasabog sa tenga nya. Samantala... Nangingiti si Shaine habang nagdadrive. Ang saya-saya nya. Ganun pala ang pakiramdam ng mainlove. Para kang nakalutang sa langit. Wala na syang ibang naisip kundi si MeiMei. Kahit na magkasama lang sila kanina pakiramdam nya namimiss nya na kaagad ito. Kaya naman tinext nya ito at nag-i love you sya. Pero nagulat sya ng makarinig ng msg ringtone sa loob ng sasakyan nya. Hinanap nya yung tumutunog at nakita nga nya sa gilid ng seat yung cellphone ni MeiMei. Naiwan nga nito iyon. At syempre dahil sa kuryosidad ay inusisa nya ang cellphone. Buti na lang walang password. Wallpaper pa lang ng android nito ay natuwa na sya. Dahil picture nilang dalawa iyon. Pagtingin nya sa gallery nito ay may nakita pa syang folder nya na puro solo pictures lang nya ang naroroon. Kinilig tuloy sya. Pinagnanasaan din pala sya ng mahal nya. Hehehe... May nakita pa syang wattpad application. Mahilig pala sa mga romance novels ang baby nya. Pagtingin nya eh puro gawa ni lady_phoenix16 ang nakita nya sa library nito. Pati pala author ay iisa ang paborito nila. Adik na adik sya sa nobela nito noong FOREVER IN MY ARMS at ETERNAL LOVE. Pati sa Fantasy nitong A HOUSE FULL OF ALIEN HUNKS at THE MAN INSIDE A COMPUTER. Kahit na mga one shot horror ay kaya nitong gawin at may horror series na rin itong ang title ay ANG BOYFRIEND KONG MULTO. May Lesbian Stories din itong ang title ay INNOCENT LOVE at STRANGE LOVE kaya naman super relate sya. Sa pagbabasa ng mga nobelang iyon nya natuklasan na isa pala syang les. (*Tama na nga ang pasegway na plugging! Hahaha... View my other works kasi! XD) Pinakailaman din nya ang messaging nito at napasimangot ng makita ang pangalan ni Denver.Syempre pa binasa nya ang nasa loob at napangiti na rin ng malamang puro sya lang naman pala Ang topic ng mga ito. #1 Magkikita kami ng mahalKo sa park. Nagpaganda muna ako sa parlor para kiligin sya pag nakita ako. # 2 Den, dito kami sa resto ni Shaine. Ang sweet nya! Binigay nya yung jacket nya sa akin kanina kahit na nilalamig din sya. # 3 She's staring at me! Kinikilig ako! # 4 Nagkiss kami! Masarap pala humalik si Shaine. Hihihi... Yun yung mga sunod-sunod na txt nito kay Denver kanina. At dahil dun pakiramdam nya may humaplos sa puso nya. Di nya akalain na kung gaano man nya kamahal si MeiMei ay ganun rin pala ito sa kanya. Ang akala nya noon sya lang ang patay na patay rito. Para bigla tuloy gusto nya itong makita kaya niliko nya ang kotse pabalik. She badly wants to see her! Alam nyang sinabi nito na di sya pwede magpunta sa bahay dahil nandun si Damon at di pa rin alam ng mga ito na sila na pero wala naman sigurong masama kung sasabihin nya na nandun lang sya as friend ni MeiMei. Bukod run ibabalik lang naman nya ang cellphone e. Kay MeiMei... "Kuya, ano bang sinasabi mo? Bakit tinawag mo akong traydor?" Kinakabahang tanong nya. Ngumisi naman ito. "At ngayon umaarte ka na parang walang alam?" Panunuya nito. "Alam mo ba na break na kami ni Andrea? We're having sex nang mabanggit ko ang pangalan ni Shaine! Nagalit sya and she even slap my cheeks. It's all because of Shaine, MeiMei! I still love her and yet, di ko sya nilalapitan kahit araw-araw na ginawa ng diyos ay gustong gusto ko syang puntahan! Pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil sa pangako natin sa isa't-isa! Pero traydor ka! Ikaw pa mismong kapatid ko ang umagaw sa kanya sa akin! May relasyon na pala kayo ni Shaine! Ginawa mo ba ang pangakong yun para maagaw mo sya sa akin?! Ang galing mo rin naman ano! Gumana ang plano mo!" Galit na galit na sabi ni Damon na pinapaligiran na ng luha. Kinakabahan sya. Napaiyak na sya dahil alam nyang totoo ang sinasabi nito. Walang kaalam-alam ang mga ito na may relasyon na sila ni Shaine. "Kuya, Sorry..." Yun na lang ang tanging nasabi nya. "At nandyan ka na palang babae ka!" Biglang sabi ng Papa nya na bumaba na mula sa hagdan. Kasunod rin nito ang nakasimagot na Mama ni Damon. At may hawak na maleta ang Papa nya na hinagis sa kanya. Buti na lang nakaiwas sya! "Lumayas ka rito! Wala akong anak na pumapatol sa kapwa nya babae! Hindi ka na nahiya! Binigyan mo ako ng kahihiyan! Lumabas pa sa TV ang mga nakakadiring pinaggagawa nyo sa park!" Galit na galit na sabi ng Papa nya na pinanlaki ng mata nya. Nabroadcast sa TV ang Date nila ni Shaine? "Papa, sorry po!" Umiiyak na sabi nya. Tinangka nyang lapitan ito pero sinampal lang sya nito. Napahawak sya sa pisnging nasaktan habang patuloy pa ring umaagos ang luha. Di sya makapaniwalang nasaktan sya ng pinakamamahal na ama. Ang napakabait nyang ama... "Papatawarin lang kita kung lalayuan mo na ang Shaine na yan at di ka na lalapit sa kanya!" Hinging kundisyon nito na parang nakunsensya. Biglang bumaba ang boses nito. Natigilan sya. Ilang sandali rin syang nag-isip bago umiiyak na sumagot rito. "Pero mahal ko si Shaine, Papa.Di ko sya kayang iwan.Patawarin nyo po ako." Umiiyak na pakiusap nya na lalo lang kinagalit nito. "Kung ganun lumayas ka! Hindi ko kailangan ng tomboy sa pamamahay na ito! Isa kang malaking kahihiyan!" Galit at nagsisigaw na sabi ng Papa nya saka sya kinaladkad palabas ng gate. Sumunod naman ang Mama nila na nakapayong at si Damon na may hawak na maletang hinagis rin palabas ng papa nya sa kanya. "Pa, pls naman! Wag nyong gawin to! Wag nyo akong paalisin wala na po akong mapupuntahan! Parang awa nyo na!" Humahagulgol ng sabi nya habang nasa labas na ng gate. Yun na ang eksenang nasaksihan ni Shaine. Nagulat sya nang makitang nasa labas ng bahay ang girlfriend nya habang basang basa na ng ulan at nagpupumilit na makapasok sa loob ng bahay ng mga ito. Agad nyang kinuha ang payong at pinuntahan ito. "MeiMei, anong nangyayari?" Gulat na tanong nya pagkalapit. "Mang Carding, ano po ito? Bakit nyo to ginagawa sa kanya?" Natatarantang tanong nya. Si Damon naman ng mga sandaling iyon ay napasinghap ng makita ang mukha ng babaeng matagal na nitong inaasam na makita at mayakap. Pero syempre pa dala ng pride ay di na ito nagsalita at nag-iwas na lang ng tingin kay Shaine. "Bakit di mo itanong sa sarili mong babae ka?! Kunwari ka pang naging girlfriend ni Damon pero berde pala yang kulay mo! Nakakadiri kayo! At ikaw MeiMei pumatol ka naman sa babaing ito! Simula ngayon hindi na kita anak! I disown you!" Galit na sigaw na rin nito kay Shaine. Iyak ng iyak naman si MeiMei na parang napatulala sa sinabi ng Ama. "Mang Carding, wag naman po sanang ganito oh. Di naman namin ginusto na mainlove kami sa isa't-isa. Papatunayan ko po sa inyo na kahit parehas kaming babae ni MeiMei karapat-dapat pa rin ako sa kanya. I really love your daughter. Pls, don't do this to her!" Pakikiusap na rin nya. "Kung mahal mo talaga ang anak ko then leave her Shaine! Mas magiging normal ang buhay nya ng wala ka!" Sigaw ng matanda na nagpatigil sa kanya. Makakaya nga ba nyang iwan si MeiMei ngayon pa na hulog na hulog na sila sa isa't-isa? Makakaya nya pa bang mawala sa buhay nya ang babaeng pinakamamahal nya? Umiling-iling si MeiMei na humawak sa braso nya saka na nito kinuha ang maleta nito. "I'm sorry Papa kung nadisappoint ko po kayo. Sorry, kung di nyo inaasahan na naging ganito ako pero mahal na mahal po namin ni Shaine ang isa't-isa. At kung di nyo matatanggap yun ok lang. Pero hinding hindi ko po sya iiwan. Sawa na akong pigilan ang nararamdaman ko para sa kanya. Gusto ko na pong maging masaya. Sana mapatawad nyo po ako. Pero mahal na mahal ko po si Shaine..." Umiiyak na sabi ni MeiMei habang tahimik na nakikinig lang ang lahat rito. At sa sinabi ni MeiMei ay di na nagdalawang isip pa si Shaine. Pinaglaban sya nito kaya naman gagawin rin nya ang ginawa nito. Hinila nya na paalis si MeiMei sa lugar na iyon. At doon umalis sila na di alam kung muli pa silang makakatapak sa lugar na iyon... - TO BE CONTINUED... Anong mga pagsubok pa kaya ang darating kina MeiMei at Shaine? Magiging matatag pa kaya sila kung tutol ang lahat sa pagmamahalan nila? ABANGAN! STRANGE LOVE written by: lady_phoenix16 CHAPTER 35: Two Body as One? Agad na dinala ni Shaine si MeiMei sa mansyon nila. Nagulat pa ang mga katulong sa ayos ni MeiMei dahil basang-basa pa at nanginginig ito. Pinadala na lang ni Shaine ang maleta ni MeiMei sa katulong hanggang sa kwarto nya. Pagkatapos nun ay pilit nyang pinapasok si MeiMei sa banyo para maligo. Kung di nito gagawin yun ay magkakasakit ito. Ilang minuto syang nagpalakad-lakad sa labas ng banyo sa kwarto nya dahil nag-aalala sya na baka anong gawin ni MeiMei sa banyo. Miserable ito kaya iniisip nya na baka lunurin na lang nito ang sarili bigla sa bathub. "Mei? Ayos ka lang ba dyan?" Pag-aalala nya sa babae. Pero walang sumasagot kaya mas lalo syang natakot. "Mei!" Pagsigaw nya na kinakalabog pa ang pinto pero wala pa ring sagot mula rito. Akmang sususian nya na ang pinto ng biglang bumukas yun at muntik pa tuloy syang mangudngod dahil hawak nya ang seradura ng pinto. At nanlaki ang mga mata nya nang makita si MeiMei na nakatapis lang ng tuwalya! "Bakit ba ang ingay-ingay mo MahalKo? Excited?" Parang nang-aakit na ngisi nito. Namula naman sya bigla at halos mapalunok pa sa hitsura nito. Hapit na hapit rito ang tiwalya kaya naman kitang kita ang magandang korte ng katawan nito. Hantad rin ang makinis na balat. Ayaw man nya pero naaakit sya. Siguro kung lalaki lang sya baka may t*m*yo na. Tumalikod na lang sya at nagkunwaring walang epekto sa kanya ang nakita. "Inumin mo muna tong gatas na tinimpla ko para sa'yo MeiMei. Para naman tumangkad ka kahit kaunti." Sabi nya na nagpatiuna na sa table nya na naroon pero halos mabitawan nya yung hawak na baso ng pagharap nya ay nakita nyang nakahubad na si MeiMei at nagbibihis na parang wala lang rito yung ginagawa nito! Pakiramdam nya natuyuan sya ng lalamunan. Nanginig bigla ang kamay nya. Ano ba naman to? "Di na ko tatangkad MahalKo. Kasi nasa lahi talaga ng Mama ko ang maliliit." Walang anumang sabi nito saka sya tumalikod ulit at pilit na pinapakalma ang sarili. Hinga sya ng hinga ng malalim at pinagpapawisan sya kahit de aircon naman dun. "Tapos na MahalKo. Humarap ka na." Ang sabi nito. Pagharap nya ay nakaupo na ito sa gilid ng kama nya. "Ikaw, Shaine. Pakiramdam ko nandidiri ka sa katawan ko! Ayaw mo kong tingnan. Alam ko di naman ako kasing sexy mo pero wala naman akong bilbil!" Pagtatampo nito. Di naman sya makapagsalita. Paano nyang sasabihin rito na naturn on sya sa nakita kaya hindi sya makapagreact? Bakit ba ganito si MeiMei? Parang napakainsensitive. Kung minsan daig pa talaga nito ang bata kung kumilos! Nilapag nya ang gatas sa side table saka sesermunan sana ito dahil sa biglaang paghuhubad nito sa harapan nya ng biglang nagulat sya na makitang umiiyak na pala ito! "Wala man lang ako namanang kahit ano kay Papa. Kahit ang pagiging matangkad man lang nya di ko nakuha. Ngayon ko lang nakasama si Papa pagkatapos ng mahabang panahon Shaine. Ni hindi ako lumaki kasama nya pero bakit ganun? Bakit ganun na lang nya ako kadaling pinaalis? Noon, alam ko na nahihiya lang sya sa sasavihin ng ibang tao kaya kinupkop nya ko. Alam kasi ng lahat na anak nya ko sa labas. Pero kahit ganun tinanggap ko yun. Kahit pa napilitan lang sya na kunin ako ok lang sa akin. Basta makasama ko lng sya. Para magkaroon man lang ulit ako ng pamilya. Akala ko mahalaga na ako sa kanila. Pero bakit ganun Shaine? Naging madali lang para kay Papa ang paalisin ako? Iniisip nya na naman ulit ang masasabi ng ibang tao. Kahit kailan ba di nila ako minahal? Sampid lang talaga ako para sa kanila. Ngayon, hinding hindi na ako makakabalik sa kanila. Di ko na ulit sila makakasama..." Pagkukwento nito sa pagitan ng pag-iyak. At si Shaine ng mga oras na iyon ay parang tinutusok rin ang puso. Parang mas nasasaktan pa sya sa nakikitang pag-iyak ni MeiMei. Kung pwede lang sana na sya na lang ang mahirapan basta wag lang ito. Tama nga ba ang ginawa nya? Tama nga ba na hinayaan lang nya si MeiMei na ipaglaban sya kapalit ng pamilya nito? Karapat-dapat nga ba sya kahit naging makasarili sya? "Mei... Anong kailangan kong gawin para kahit kaunti man lang ay mabawasan yang sakit na nararamdaman mo? Kahit ano. Handa kong gawin." Malungkot na sabi nya na pinapaligiran na rin ng luha at damang dama ang sakit na nararamdaman nito. Hinawakan lang nito ang kamay nya. "Just stay by my side. Yun lang ang hiling ko. Wag mo akong iiwan Shaine. Ikaw na lang ang meron ako. Kaya di ko makakaya kapag mawala ka." May ngiti kahit na malungkot ang mata nito na sabi nito. Natouch sya sa sinabi nito. Di pa rin sya makapaniwala na tinalikuran na ni MeiMei ang lahat-lahat rito para lang sa kanya. Parang noon lang iniisip nya na wala syang halaga rito. Pero ngayon sa kanya na umiikot ang buhay nito. Dahil run niyakap nya ang babae. "Hinding hindi kita iiwan Mei. Kahit mamatay man ako at kahit na mabuhay pa ulit ako ikaw lang ang mamahalin ko. Tandaan mo yan." Bulong nya rito. Gumanti ito ng yakap at doon ay pinagsaluhan nila ang isang matamis na pag-ibig hanggang sa lukuban na sila ng matinding pagnanasa para sa isa't-isa... Lumalim ang halik hanggang sa di na nila kinaya... Doon na naganap ang isang bawal na pagmamahalan sa kalaliman ng gabi. Sa pagitan ng malakas na ulan sa labas ay ang naglalagablab nilang pagnanasa. STRANGE LOVE written by: lady_phoenix16 CHAPTER 36: SWEETEST TEMPTATION Nagising si Shaine dahil sa sinag ng araw na nagmula sa kurtina nila. Napangiti sya nang mamalayang may katabi nga pala sya. Si MeiMei na napakahimbing ng tulog. Kapwa sila hubad sa malambot at malaking kama na iyon at tanging kumot lamang ang nagtatakip sa kanilang mga katawan. Oo nga pala. May nangyari sa kanila ni MeiMei kagabi. Lalo syang napangiti ng maalala ang mga naging kagapan kagabi. Hinaplos haplos nya ang mukha ng babaeng mahal nya at pinakatitigan itong maigi. Kaysarap magising sa umaga na ang mukha nito ang unang bumubungad sa kanya. "Baka matunaw na talaga ako nyan MahalKo." Biglang nagsalita ang nakapikit na mukha nito at gumuhit ang ngiti sa labi nito. Saka ito dumilat. Nagpapanggap lang pala itong tulog. Napaatras tuloy sya at biglang tinanggal ang kamay sa mukha nito. Huling huli sya nito na pinagpapantasyahan nya ito! "Ikaw talaga MahalKo. Ang aga-aga parang gusto mo na agad ng part 2. Hihihi..." Panunudyo nito. Di nya ito pinansin at nagtangkang tumayo na pero hinila sya nito pabalik. "Bakit mo ko iniiwasan? Nahihiya ka ba sa ginawa natin kagabi? Gusto mo isa pa?" Parang batang tanong nito na parang nag-aalok lang ng lollipop sa kalaro nito e. Napapatawa na naman tuloy sya. "Puro ka talaga kalokohan MeiMei. Kailangan na nating tumayo dahil may pasok pa tayo remember?" Paalala nya dahil Monday ngayon. "Ihh... Ayaw ko nga. Wag na muna tayo pumasok ngayon MahalKo. Halfday naman dahil may sportfest sa school e. Dito na lang tayo sa bahay. Gusto ko ulit gawin yung kagabi. Sige na!" Paglalambing nito pero binara nya lang ito. "MeiMei! Di ka ba nahihiya dyan sa sinasabi mo?" Naeeskandalong tanong nya. Hindi sya makapaniwala na nagrerequest na naman itong gawin nila ulit yung ano. Ahh! She can't even put it into words! "Bakit ako mahihiya eh alam ko naman gusto mo din yun. Hihihi... Sige na, Shaine. I love you." Paglalambing nito saka humalik sa kanya. Pinapapak na naman sya. Ang hirap nitong tanggihan pag ganito ito! She's so cute and adorable! TT___TT "Mei. Tama na. Marami akong dapat asikasuhin ngayong araw. Saka kailangan mo na ding pumunta dun sa kwarto na pinahanda ko para sa'yo. Dito ka na natulog kagabi eh!" Pagpipigil nya sa sarili kahit ang totoo gustong-gusto nya rin itong pagbigyan. Ano ba namang klaseng torture to? "Ehhh??!! Papaalisin mo ko dito sa room mo?!" Violent reaction agad nito na napabangon kaya nalantad tuloy ang dibdib nito. Nanlaki tuloy ang mata nya at umiwas ng tingin. "MeiMei! Takpan mo nga yang ano mo!" Nakukunsuming sabi nya. Sumunod naman ito pero simangot pa din. Tinaas ang kumot. "Ayaw ko lumipat ng kwarto MahalKo! Dito na lang ako sa'yo gusto ko magkatabi tayong matutulog palagi! Please? Wag mo na akong palipatin! Shaine ko." Halos magmakaawa na ito saka yumakap sa kanya. Napabuntong hininga na lang sya. Sa totoo lang kasi gusto nya din itong katabi. Kaso pag nandun ito baka gabi-gabi na lang silang magkasala. Ang hirap naman nito. T_T "Mei. Baka magtaka na yung mga katulong kung bakit dito ka natutulog eh andami-dami namang kwarto dito sa mansyon. Di ka ba nag-aalala na baka mag-isip sila ng masama?" Tanong nya. "Hmf! Wala akong pakialam sa mga nararamdaman nila, ang papangit nilang magsiganap. Basta ikaw lang ang mahalaga sa akin Shaine! Yaan mo nga sila. Basta gusto ko dito lang ako sa kwarto mo!" Pagpipilit pa rin nito na parang wala na talagang makakapigil rito. Kaya napilitan na rin sya. "Ok, sige na pero tumayo ka na dyan. Papasok tayo ok? Hindi purkit mahal natin ang isa't-isa ay magkukulong na lang tayo dito. May mga buhay tayo sa labas na dapat nating harapin Mei. At sa tingin ko hindi magiging madali yun." Malungkot na sabi nya. "Kahit aswang pa ang ipaharap mo sa akin wala akong pakialam Shaine. Basta sa akin ka at walang aagaw sa'yo makikipagpatayan ako." Parang batang sabi nito na kinatawa na naman nya. Wala na talaga syang masabi. Pakiramdam nya adik na adik na ito sa kanya. Agad na silang pumunta sa dining area at kumain na ng nakabihis na sila para pumasok sa school. Agad nang nilabas ng mga katulong yung mga pagkain na kanina pa nya pinahanda para sa almusal. May ham, cheese, milk, hotdogs, eggs at halos lahat ng pwedeng kainin sa umaga ay nasa hapagkainan nila. "Shaine! Ganito ba talaga palage rito? Bakit andami-daming pagkain parang fiesta?! Buti di ka tumataba! Ang sexy-sexy mo pa!" Tuwang-tuwa na reaksyon ni MeiMei ng mailapag na lahat ng pagkain sa malaking mesa. "Di lang talaga ako malakas kumain Mei." Sagot nya. "Ayy... Sabagay. Mayaman ka kasi MahalKo. Di mo pa siguro nararanasang magutom ano?" Sabi nito sa pagitan ng pagkain. Parang bigla tuloy syang nalungkot dahil may naalala sya sa sinabi nito. Si Damon. Yun rin ang unang sinabi sa kanya ng lalaki nung unang beses na magkakilala sila. Masaya sya ngayon dahil kay MeiMei. At kung meron syang isang taong gusto sanang pagsabihan kung gaano sya kasaya ngayon ay si Damon sana yun. Ang bestfriend nya. Pero wala ito. At isa pa ito sa mga taong hindi makatanggap ng relasyon nila. Nakakalungkot lang isipin. Sobrang namimiss nya na ito. "Uy, Shaine! Bakit ka ba di sumasagot dyan kanina pa akong daldal ng daldal dito! Baka mamaya may iniisip ka ng iba dyan ah. Baka lalaki! Ihhh!! Ako lang dapat ang iniisip mo eh!" Untag sa kanya ni MeiMei. Nginitian nya na lang ito tulad ng palagi nyang ginagawa kapag nagseselos ito o nagtatampo. Pagkatapos nilang kumain ay sumakay na sila sa sasakyan nya. Nandun ang driver kaya magkatabi sila ni MeiMei sa likod ng sasakyan at nakasandal pa ito sa kanya. Pero di pa sila ganap na nakakaalis ng bahay ay huminto na ang sasakyan. "Mang Mario, ano pong problema?" Nagtatakang tanong nya sa driver. "Hindi po ako makausad Ms.Shaine! Andami pong nakaharang na reporters sa labas!" Natatarantang sabi ng driver nya. Doon na sya napatingin sa bintana ng sasakyan! Marami ngang tao! At para bang di titigil ang mga ito hangga't hindi nasasagap ang latest chikka! STRANGE LOVE ©lady_phoenix16 CHAPTER 37: Positive Outcome Namataan agad ni Shaine na papalapit si Ms. Santi. Isa sa pinakasikat na reporter sa pilipinas na madalas ay dinagdagdagan ang bawat chismis na nasasagap nito. "Shaine. Anong gagawin natin?" Kinakabahang tanong ni MeiMei. "Relax. Akong bahala, MahalKo." Ang sabi nya na pinisil ang kamay nito saka binuksan ang bintana ng sasakyan. Kailangang harapin nya na ang mga taong ito. Di rin naman sila titigil hangga't di nalalaman ang totoo kaya naman ibibigay nya ang hanap ng mga ito. "Ms.Shaine, gaano katotoo ang kumakalat na balita that you're a closet lesbian? Is it true o isa lang paninira sa'yo ang mga kumalat na pictures sa telebisyon kahapon?" Agad na birada sa kanya ni Ms. Santi. Bumuntong hininga siya bago sagutin ang tanong na yun. "Yes. It is true. And I don't know why you guys still care, I'm not a celebrity anymore and I'm free to do whatever I want. I'm a lesbian and the girl beside me is my lover. Are you happy now?" Mariing sabi nya saka pinakita sa harap ng mga ito ang magkahawak kamay nila ni MeiMei. Natahimik ang nga reporters sa pagiging straight to point at pagiging prangka ni Shaine. Iniisip pa naman ng mga itong magdedeny si Shaine katulad ng ibang mga plastikadang celebrities. "If you'll excuse us, kailangan na naming pumasok sa school. Sinagot ko na ang tanong nyo kaya siguro naman titigil na kayo." Parang iritable pang sagot nya saka na sinara ang bintana. Nagsialisan naman ang mga reporters sa dinaraanan nila kaya nakaalis na ang sasakyan nila. Nang umaga ring iyon ay kumalat ang kontrobersyal na balita sa telebisyon. Kahit sa dyaryo at radyo ay si Shaine ang pinag-uusapan ng lahat. Nagkaroon ng iba't-ibang kuro-kuro tungkol kay Shaine Lautner. Di man kasi artista o singer si Shaine ay sikat pa rin ito. Kahit pa na huminto na din ito sa pagmomodel ay marami pa ring humahanga rito kaya isa talagang malaking pagsabog para sa madla ang pag-amin nitong isang lesbian dahil si Shaine pa ang madalas na nananalo sa mga surveys lalo na pagdating sa paunahan ng ganda. Si Shaine rin ang tinaguriang female sweetheart sa showbiz dahil halos lahat ng mga artistang lalaki ay ito ang crush. Maraming bumatikos. Maraming nandiri. Marami ang nanghinayang. Marami ring nag-akusa na gimick lang yun at di naniniwalang lesbian si Shaine. Pero karamihan ay humanga sa katapatan ni Shaine. Lalo pa at walang takot nitong inamin ang isang bagay na pilit na tinatago ng iba at pinagmalaki pa talaga kung ano ito. Kaya naman mas marami pa ang naging fans ni Shaine. Nagkaroon pa ng segment sa mga showbiz news bits sa TV na nagdedebate tungkol sa homosexuality. "Kayo, sang-ayon ba kayo sa homosexuality? Ano ang masasabi nyo sa ginawang pag-amin ni Shaine Lautner tungkol sa sekswalidad nya?" Ang tanong ni Ms.Santi sa isang segment sa TV. "Sa tingin ko mas lalo lang dumagdag ang paghanga ko sa kanya. Hindi ganun kadaling aminin ang isang bagay na alam mong maaring ikasira ng pangalan mo. Pero ginawa nya yun ng walang takot. Kung sino man yung lover ni Shaine napakaswerte nya." Mabait na sagot ng pinakasikat na aktor sa TV na si Keifer Scwazinneger. Isa ito sa mga pinakavocal kung magsabi na may crush ito kay Shaine. (AN: To see Keifer in another story, go to myworks and find MALE YANDERE.) "Tama. Sa tingin ko wala ng masama sa mga ganitong klase ng relasyon ngayon. Kung mahal talaga nila ng isa't-isa ipaglaban nila." Sagot naman ni Freya na isang sikat na female action star. (See Freya in myworks and find THE COMFORT OF NO ONE) "Nakita ko sila sa interview mo Ms. Santi. I think bagay naman sila ih! Nagkacrush din ako sa babae dati at matino na ako ngayon dahil kay Cane mylabs pero sa tingin ko wala namang masama sa ganun!" Sagot naman sa tanong ni Ms. Ivy. Isang sikat na commercial model. (See Ivy in myworks. Just find INNOCENT LOVE) Sa madaling salita ay natanggap naman ng madla ang tunay na pagkatao ni Shaine. Meron mang mangilan-ngilang nagalit at bumatikos ay majority ng nga iyon ay suportado naman kay Shaine. Kaya naman masaya sila ni MeiMei dahil di nila ineexpect yun. Sana tuluyan ng matanggap ng mga tao ang relasyon nila lalo ng mga magulang ni MeiMei. Ngayong positibo naman ang naging reaksyon ng media ay sana naman matanggap na rin ng mga ito ang relasyon nila... Pagdating nila sa school ay chineer pa sila ng lahat. Sinusuportahan daw ng mga ito ang pagmamahalan nila. Pinagsalita pa si Shaine pagkatapos ng sportfest. Sinabi nito na bagama't di naman nito hinihimok ang isang tao na pumasok sa ganung uri ng relasyon ay kahit tanggapin man lang nito sa sarili kung ano ba talaga ito. Nagtilian pa ng mga tao dahil sa speech na yun until that familiar car came from the distance. Napatingin si Shaine sa lalaking lumabas sa sasakyan at ganun na rin ang mga audience sa stage. At mula roon ay lumabas ang isang lalaking may kulay mais na buhok at mala-adonis sa kgwapuhan. Nakashades pa ito dahil sa init ng araw. Pagkalabas na pagkalabas pa lang nito ay nag-umapaw na ang matinding charm na taglay nito kaya naman marami na agad ang nastarstruck. Lalo na nung tanggalin nito ang shades nito ay may mga babae pang nagsitilian. Lumapit ang lalaki sa stage na punong-puno ng confidence. Nakangisi pa ito at lalo lang itong naging attractive dahil sa arrogant look nito. "Good afternoon Shaine. Have you miss me?" Ang tanong ng lalaki. Na Walang iba kundi si Marcel! STRANGE LOVE ©lady_phoenix16 CHAPTER 38: MONEY MATTERS "What are you doing here?" Mahinang tanong nya kay Marcel ng makalapit ito. "Chillax Sweetie. I'm not planning to ruin your little lesbian play. May karapatan naman siguro akong magpakilala as a new owner of this school." Nakangising sabi nito. "Binili mo ang school na to?" Pabulong nyang tanong. "Bingo. At dito na din ako mag-aaral. Ayaw mo nun? We'll be together." Parang pang-aasar pa nito. "Ah excuse me, Ms. Shaine. Kailangan po kasing magsalita ni Mr. Fontanilla in front." Pag-istorbo ng principal sa mini chat nila ng kababata. Wala na syang nagawa kundi ang palagpasin na lang ang mayabang na kababata. Bumaba na lang sya at tinabihan si MeiMei. "Yan yung mayabang na lalaking humarang sa amin ni Denver sa ospital mahal ko! Binigyan nya ba naman ako ng piso! Nakakainis! Ano mo ba sya?" Tanong ni MeiMei pagkalapit nya. Pero sya ay di pa din makaget-over. Alam nyang may plano si Marcel para mapaghiwalay sila ni MeiMei. Nakita nya na kahit nakangisi ang kababata nya ay galit ito. At sa totoo lang natatakot sya pag nakikitang ganun ito. Alam nya ng may naglalaro sa isip nito. Kinakabahan na tuloy sya. Nung mga sumunod na linggo ay tuluyan na ngang nag-aral run si Marcel. MAbuti na nga lang at Business Management ang course nito kaya di nila ito naging kaklase ni MeiMei. Kung hindi siguradong babantayan sya nito. Hangga't maari iniiwasan nya si Marcel. Mabuti na nga lang at medyo busy rin ito dahil sinasabay nito ang pagmamanage ng school at pag-aaral. Sa totoo lang di rin sya sang-ayon sa ginawa nito. Ginawa kasi nitong pangmayamang school ang phoenix university. Pinaganda at pinataas nito ang kalidad ng pag-aaral. Kahit ang mga teachers na sa tingin nito ay di magaling ay tinanggal nito. Maraming nahinto dahil di na afford ng nga ito ang tuition at marami namang mga anak mayaman na nagsienroll don. Yung ibang mga kaklase nila na suportado aa relasyon nila ni MeiMei ay nagsialisan na. Konti na lang ang natitira na pinipilit sumabay sa malaking pagbabago ng school na yun. Pero pinili nya na lang manahimik. As long as di ginagalaw ni Marcel ang pinakamamahal nyang si MeiMei ay di nya ito papakialaman. Kagagaling nya lang sa gym ng school nang bigla nyang makita sa treasury ang pinakamamahal nyang babae. Nagtago sya para marinig ang sinasabi nito. "Parang awa nyo na naman po oh! Hayaan nyo po akong makapag-exam muna ngayon. Pangako, mababayaran ko rin naman yun sa finals. Sige na po!" Pakiusap ng mahal nya sa babaeng nasa finance. "Hindi pwede! Nagpromissory note ka na nung prelim kaya ngayong midterm ay hindi ka na mapapayagan! Di ka makakapag-exam kapag di ka nagbayad! Bakit di ka na lang himingi ng pera dun sa tomboy mo? Namemera ka na nga lang di mo pa nilulubos-lubos!" Mataray na sabi ng treasury. Napuno na rin tuloy si MeiMei. "Eh kung hilahin ko kaya yang dila mo para di ka na makapagsalita ha? Palibhasa ikaw kahit na mukhang paa walang pumapatol sa'yo kasi panget ka na nga eh masama pa yang ugali mo! Hala, sige lumabas ka rito at ng basagin ko yang mukha mo!" Galit na sabi ni MeiMei sa babaeng nasa cubicle. Pinagtitingnan na ito ng mga estudyante roon dahil marami pa naman ang nakapila. At yung babae naman ay lumabas nga at nakipagsapakan nga ito kay MeiMei kaya nagkaron na nga ng gulo roon! Dun na sya lumabas sa pinagtataguan at hinila palayo ang girlfriend nya sa babaeng medyo hindi kagandahan. "Mei, ano ba tama na!" Pagsigaw nya na dahil di nagpapapigil ang mahal nya. Parang gustong-gusto nitong kalbuhin yung kaaway nito. "Mahal Ko?" Natauhan ito nang mapansing sya pala ang humila rito. Bigla ring lumambot ang malatigre nitong mukha. Bumuntong hininga sya saka hinila palayo sa lugar na yun ang girlfriend nya. Napasunod na lang ng tingin ang mga tao run sa kanila at dinala nya to sa lugar na walang masyadong tao. "Mei, bakit kailangan mo pang makipag-away run? Hindi ka pa pala nagbayad ng tuition last sem? Don't tell me na all this time di mo pala ginagalaw yung mga bank accounts, atms at credit cards na ibinigay ko sa'yo? Anong pinanggagastos mo?" Panghuhuli nya sa nakayukong babae. Ito naman ang bumuntong hininga. "Sorry Shaine. Tinanggap ko lang naman yung mga binigay mo na yun kasi ayaw kong magtampo ka sa akin eh. Sa totoo lang yung naiwan sa aking pera ng Mama ko ang ginagamit ko simula nung palayasin ako ni Papa. Pero mauubos na yun ngayon..." Malungkot na sabi nito. "Bakit Mei? Ayaw mo ba na tulungan kita? Pakiramdam ko binalewala mo lang lahat ng binigay ko sa'yo." Nanghihinakit na tanong nya. "Shaine! Di naman sa ganun! Pero ayaw ko naman na may masabi ang iba tungkol sa akin! Alam nila na pinalayas ako sa amin at sa inyo na nakatira. Ayaw ko namang isipin nila na pineperahan kita kaya hangga't maari di ko ginagalaw yung mga binibigay mo. Mahal kita Shaine at di naman dahil sa pera e. Ayaw kong maisip mo na yun lang ang minahal ko sa'yo. At sa tingin ko mapipilitan na akong huminto. Di ko na kayang mag-aral dito. Kailangan ko ng magtrabaho." "Subukan mong gawin yan, MeiMei. Pinapangako ko sa'yo na kahit gaano pa kitang kamahal hihiwalayan kita." Pananakot nya dito. Nag-angat naman ito ng ulo. "Anong sinabi mo?" Parang takot na takot naman na tanong nito. At sa totoo lang nagulat din sya sa sinabi. Paano kung kumagat nga si MeiMei na makikipaghiwalay sya rito at sumunod naman ito? Makakaya nya bang mawala ito? Napakalaki nyang tanga. Dahil dun napahawak na lang sya sa sariling mukha. Di nga nya kaya. Just the thought of losing MeiMei parang ikamamatay na nya. Pilit nya nang pinakalma ang sarili at hinawakan ito sa dalawang kamay. "Please Mei. Wag ka na munang magtrabaho. Mag-aral muna tayo ok? Bakit mo ba iniisip ang sasabihin nila? Ang importante makapagtapos ka at mababalik mo naman lahat ng yun pagdating ng panahon eh. Hindi mahalaga sa akin ang pera. Ikaw lang ang mahalaga sa akin at anumang akin para sa akin sa'yo na din. Kaya sana wag ng maging issue sa atin ang mga bagay na ganito. I really love you Mei. Please kahit ngayon lng sumunod ka muna sa akin." Pakiusap nya saka yinakap ito ng mahigpit. "Sorry Shaine. Promise, di na ako hihinto. Kung saan ka doon rin ako. Basta wag mo lang akong iiwan. Di ko kakayanin yun..." Parang umiiyak rin na sabi nito na mahigpit din ang pagyakap sa kanya. At doon naisip ni Shaine na walang yaman sa mundo ang maihahambing sa pagmamahalan nilang dalawa. STRANGE LOVE ©lady_phoenix16 CHAPTER 39: Love Letters Magkahawak kamay na pumasok sina MeiMei at Shaine sa school. Pagkalabas pa lang nila sa sasakyan ay pinagtitinginan na sila ng mga tao. Alam naman kasi ng lahat na may relasyon sila. Sa totoo lang medyo naiilang si Shaine sa tingin ng mga tao. Alam nyang kilala sya ng lahat dahil sikat naman talaga sya roon pero pakiramdam nya pinapasadahan sila ng mapanghusgang tingin ng mga ito. Bigla tuloy nyang namiss ang mga dating school mates na umalis na sa Phoenix University dahil sa biglaang pagtaas ng tuition fee. Supportive ang mga kaklase at schoolmates nila noon. Hindi katulad ngayon. Para silang nilalamon ng buhay. Kahit si Jing ay nawala na rin. Maging si Denver ay nasa dubai na at nagmigrate kasama ng parents nito. At si Damon? Wala na silang balita rito. Tuluyan ng pinabayaan ng mga ito si MeiMei sa kanya. Ngayong napalitan na halos lahat ang mga estudyante dun ng mga sossy, mayayaman at sikat rin katulad nya pakiramdam nya balik na naman sila sa dating sila. Yung takot sa lahat na kilalanin sila. Sa totoo lang di na sya gaanong nagsa-stand out run dahil bukod sa di na sya model ngayon, karamihan na ng mga students na naroon ay myembro na ng alta sosyedad. Palibhasa alipores ni Marcel ang mga ito. Para silang anino ni Marcel na sunud-sunuran sa lahat ng gustuhin nito. Noon pa man alam nya na ganun ito. Para itong sinasamba ng lahat at napapasunod nito ang lahat sa gusto nito. Maliban na lang syempre sa kanya. Si MeiMei naman ay parang walang pakialam sa mga nakatingin sa kanila e. Todo kapit lang ito sa kanya na para bang pinagduduldulan lang nitong lalo sa lahat na may relasyon sila. Kaya lahat ng pag-aalinlangan, pagkailang at hiyang nararamdaman nya ay nawawala pag pinagmamasdan nya ito e. Proud ito na maging sila kaya dapat ganun rin sya. Hindi nya nakakalimutan na halos itaboy sya nito noon pero ngayon mas matapang pa pala ito kung ipaglaban sya. Sa bawat pagdaan ng araw lalo lng nya itong minamahal kaya naman hindi sya papayag na may humadlang pa sa masayang pagsasama nila. Nagpunta sila sa locker room para mag-ayos ng gamit bago pumasok sa unang klase. At katulad ng palaging eksena sa umaga ay puno na naman ng love letters ang locker nya. Napailing na lang na kinuha nya ang gatambak na love letters at tinapon iyon sa malapit na basurahan. "Wahh! Ang sama mo naman mahal ko! Bakit mo naman tinapon yang mga love letters? Pinaghirapan nilang isulat yang mga yan eh." React agad ni MeiMei nung makita ang ginawa nya. Pinamaywangan nya ang girlfriend. "At anong gusto mo basahin ko isa-isa? Alam nilang girlfriend na kita pero patuloy pa din sila sa pagsusulat. Kung minsan nakakainis na. Yung iba sinasabi pa na hinihintay lang nilang magkahiwalay tayo. Kaya ayaw ko na lang magbasa eh. Bakit di nila ako lapitan ng personal para makita nila ang hinahanap nila?" Nakasimangot na sabi nya. "Natatakot kasi silang lumapit sa'yo mahal ko. Alam nila na makakatikim sila sa akin kapag kahit isang hibla man lang ng buhok mo hawakan nila." Sabi naman nito na kinangiti nya. Nawala tuloy ang simangot nya. Di na talaga nawawala ang kilig nya pag ito ang kasama nya. Kung ang ibang tao naiinis pag possesive ang mga lover nila sya ay hindi. Gustong gusto nya pag nagseselos si MeiMei. Nararamdaman nya na mahal talaga sya nito. "Uy. Kinilig naman daw ang mahal ko." Pang-aasar pa ni MeiMei na yumapos sa kanya. Natatawa na lang na gumanti din sya ng yakap dito. "Alam mo namang ikaw lang ang mahal ko Mei eh. I don't need those letters. Para sa akin ikaw lang masaya na ako." Sabi nya saka humalik ng mabilis sa lips nito. "Alam ko naman yun at syempre dapat lang. Kundi papatayin kita dyan Shaine." Sabi naman nito saka ito naman ang humalik. Para na silang nagtutukaan dun at nakatingin na naman ang mga tao. Naglayo lang sila ng mapadaan amg matandang dalagang teacher nila. Tinaasan kasi sila ng kilay. PDA daw sila. "Pero alam mo sa totoo lang mahal ko, Noon inggit na inggit ako sa'yo." Maya-maya ay sabi ni MeiMei. "Huh? Bakit naman?"Takang tanong nya. Ngayon lang nag-open up si MeiMei tungkol sa bagay na yun. "Wala naman sigurong babaeng hindi naiinggit sa'yo Shaine. Kasi nasayo na lahat e. Ang ganda-ganda mo na ang tali-talino mo pa. Mayaman pa kayo at sikat na sikat ka. Kaya lahat ng lalaki nagkakagusto sa'yo. Kaya nga sobrang nagulat ako nung sinabi mo na ako ang mahal mo. Hindi talaga ako mapakaniwala." Seryosong sabi nito. "Mei, Ito na naman ba tayo?" Nakataas ang kilay na tanong nya. "Naku Shaine hindi! Di ko minamaliit ang sarili ko!" Pag-iling-iling nito. "Gusto ko lang sabihin na napakaswerte ko kasi sa totoo lang pwede ka namang magmahal ng totoong lalaki pero ako ang minahal mo. Salamat Shaine ah? Mahal na mahal rin kita at ipinapangako ko sa'yo na hinding-hindi ka magsisisi na ako ang napili mo." Nakangiti na sabi ni MeiMei na halos ikaiyak nya. Tagos na tagos sa puso nya ang bawat salitang sinasabi nito. "Ako ang dapat nagsasabi nyan Mei. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya na minahal mo rin ako." Pinangingilidan na ng luha na sabi nya. Nagkatitigan sila at Saka sila nagkiss ulit pero this time ay medyo matagal-tagal na. Malalim. Patuloy lang na gumagalaw ang mga labi nila at naglalaro ang mga dila nila sa isa't-isa. Para ba silang uhaw at mauubusan ng sandali... Hanggang sa nagulat sila ng biglang magbell. Hudyat na mag-uumpisa na ang klase. Naghiwalay sila na natatawa na lang sa isa't-isa. "Masyado kang excited Shaine. Pwede naman nating gawin to sa bahay eh." Panunudyo nito. "Ako pa ngayon ang excited? Eh ikaw ngang halik ng halik sakin dyan! Naadik ka na yata sa lips ko eh!" Pagsakay naman nya sa biro nito. "Talaga! Masarap kaya! Isa pa nga mahal ko!" Akmang hahalik na naman ito pero natatawa namang nilayo nya na ang nguso nito gamit ang kamay nya. "Ayy. Ang sama mo mahal ko ah! Ayaw mo na ng kiss ko? Sige ka maghahanap ako ng bagong ikikiss!" Pagbibiro nito. "Heh! Sige MeiMei, subukan mo at ng maranasan mong maikisikis sa pader!" Sabi pa nya saka na nilock ang locker. "Syempre joke lang yun mahal ko. Ikaw lang ang bias ko. Para sa'yo lang tong luscious lips ko. Hehehe.." Nakatawa pa rin ito saka sumeryoso. "Pero ano kayang pakiramdam ng may love letter? Di pa ko nakakatanggap nun e. Sulatan mo naman ako mahal ko!" Paglalambing nito. "Para san pa eh palagi ko namang sinasabi sa'yo kung gaano kita kamahal? Di mo na kailangan yun BabyKo, dahil palagi naman tayong magkasama. Ikikiss na lang kita palagi." Sabi nya dahil tamad talaga syang magsulat ng kahit ano. Much more on action kasi sya kaysa sulat-sulat. "Ihh! Kainis ka naman Shaine eh! Sulatan mo na ko! Sige na! Sige na!" Pangungulit pa din nito na nagpapapadyak padyak pa sa sahig. "Mei, para ka namang bata e!" Nakukulitang sabi nya dahil panay ang yugyog nito sa balikat nya. "Kunin mo na yung gamit mo sa locker mo. Kanina ka pa daldal ng daldal ih." Pag-uutos nya na. "Hmp! Bahala ka nga dyan! Di na kita mahal Shaine! iheytyu!" Parang batang nagpout pa si MeiMei saka na binuksan ang locker nito at nagulat sila sa nakita! Dahil may sulat run na may pulang ribbon na maliit at may chocolate and flowers pa! Agad na umakyat ang selos sa dugo nya. "Kanino galing yan?" Inis na tanong nya. Para namang natutulala si MeiMei. Para pang kinilig sa nakita na pinanlaki tuloy ng mata nya! Tuwang tuwa ang gaga! At inamoy-amoy pa talaga ang bulaklak! Inis na hinablot nya yung bulaklak. "Ayy. Shaine, akina yang red flowers!" Inis na sabi nito saka pilit kinikuha sa kanya ang bulaklak pero di naman nito magawa dahil tinataas nya at mas matangkad sya! "Kung bulaklak lang pala ang gusto mo ibibili kita ng maraming ganito! May mga stuffed toys pa! Bakit nagpapaligaw ka pa sa iba?" Di na mapigilan ang selos na sabi nya. Doon naman ito parang natauhan at napakamot sa ulo. "Oo nga no? Parang imposible naman yata na may magbibigay sa akin nyan eh wala naman akong bagong kakilala. Tama. Baka may nagkamali lang na maglagay nyan sa locker ko mahal ko. Baka nga di sa akin yan." Napag-isip-isip si MeiMei na parang disappointed pa! Gusto nya talagang manggigil sa mga nagiging reaksyon nito e! Halatang halatang kasi sa mukha! Hay naku, asar! "Sigurado ka?" Anas na lang nya dahil ayaw naman nya na mag-away pa sila. "Oo naman mahal ko. Saka palagi tayong magkasama no. Ni wala na ngang nakakalapit sa akin kasi bantay sarado ka." Pacute nitong sabi na kinataas na naman ng kilay nya. Sya raw ang bantay sarado samantalang ito ang parang linta kung makakapit sa kanya. "Kung ganun itapon mo na yan. Di naman pala sa'yo eh." Pagkibit balikat na lang nya. "Wag. Ibigay na lang natin sa totoong may-ari itong sulat. Kawawa naman yung nagbigay e." Sabi nito saka kinuha ang letter at sabay pa nilang binasa ang nakasulat. To MeiMei, You're cute. I like you. Wait for me, I'll come to you baby. Sincerely yours, YourSecretAdmirer Iyon ang nakalagay sa sulat na parang nagpanginig pa ng kamay ni MeiMei. Pulang pula ang mukha nito! "Wala palang nanliligaw ah. Hindi pala sa'yo ang sulat." Pamimilosopo nya. Nataranta naman si MeiMei. "MahalKo! Sorry! Di ko naman kilala tong secret admirer na to e! Kaya nga secret di'ba? Saka baka pinagtitripan lang ako nito! Wag ka ng magalit!" Parang batang nahuling nagmimilagrong paliwanag nito. Di naman sya nagsalita. Nagkunwari syang nagtatampo. Ang kyut tingnan ni MeiMei pag natataranta ito at sinusuyo sya eh :"3 "Hmf!" Pag-iinarte nya na tumalikod pa rito. Sa gulat nya ay bigla nitong hinila ang bulaklak mula sa kamay nya at tinapon iyon sa basurahan. Maging ang sulat ay pinagpunit-punit pa nito into pieces. "Di ko kailangan ng love letter Shaine! Kung di rin lang galing sa'yo!" Sabi nito saka sumugod ng yakap sa kanya. At sya? Muli na namang tumibok ng malakas ang puso nya hanggang sa unti-unti syang gumanti na rin ng yakap rito... Walang duda. Si MeiMei ang taong gusto nyang makasama sa habang buhay. Hindi nila kailangan ang kahit na sino basta magkasama lang sila... STRANGE LOVE ©lady_phoenix16 CHAPTER 40: The King Of Jerks, Marcel. Papasok na sana sina Shaine at MeiMei na magkaholding hands pero biglang umatras si Shaine bago pa sila tuluyang makapasok sa room. "Ahh BabyKo mauna ka na muna sa loob. May nakalimutan kasi ako sa locker e. Babalikan ko lang. Saglit lang ako." Pamamaalam nya. "Sasama na lang ako Shaine." Sabi naman ni MeiMei. "Ah hindi na Mei. Saglit lang ako promise. Sige na mauna ka na sa loob at isave mo na lang ako ng seat. Pls?" Pagtanggi nya. "Hmf. Sige na nga. Saglit ka lang Mahal Ko ah." Wala na ding nagawa na sabi nito saka pumasok na sa room. Sya naman ay dumiretso ulit sa locker at kinuha ang pulang bulaklak na tinapon ni MeiMei run. Ibabalik nya lng sa pinanggalingan nito. Sa hari ng kayabangan na si Marcel! Pumunta sya sa Oval kung saan naroroon ang nakikipagtawanan pang si Marcel kasama ang barkada nito. Inis na hinagis nya papunta sa mukha nito ang bulaklak. "Hey Princess. What's wrong with you? Bkit umuusok yang mukha mo?" Nakangisi at mayabang na tanong nito na tumayo sa mahabang upuan. "Mag-usap nga tayo." Seryosong sabi nya saka lumayo sa kasamahan ng mga ito at pumunta sa lugar na walang makakarinig sa pinag-uusapan nila. Sumunod naman ito. "Hey, bakit naman hinagis mo sa mukha ko tong red flowers? Bakit hindi ba nagustuhan ni MeiMei?" Parang natatawa pang tanong nito. "Pwede ba Marcel! Wag mong pagtripan si MeiMei dahil hindi ka nakakatuwa! Susulat ka na lang ang pangit pa! Akala mo siguro di ko mapapansin ang sulat doktor na hand written mo!" Simangot na tanong nya. Tumawa naman ito ng malakas na parang bang may nasabi syang nakakatawa. Para bang sa loob ng isng taon ay ngayon na lang ito ulit tumawa ng ganun kalakas kaya wagas na wagas at para bang ang saya-saya nito. And she hates to admit it but she really likes to see his laugh. He used to be her crush before after all. Si Marcel kasi ang tipo ng lalaki na kayang dalhin ang sarili nito. Confident ito. Matalino at lalaking lalaki kaya secret crush nya ito noon. But that was before. Iba na ang siwasyon ngayon. Pero syempre di nya ipapahalata yun sa kumag na to. "Ganyan ba ang natututunan mo sa pagsama-sama sa babaeng unggoy na yun Prinsesa ko?" "Babaeng unggoy?!" Hindi makapaniwalang ulit nya sa sinabi nito. "Bakit hindi pa ba sya mukhang unggoy sa pagdikit-dikit nya sa'yo? Para syang linta. Masakit sa matang tingnan prinsesa ko. At isa pa tingnan mo nga yang sarili mo. Nawawala na ang breeding mo. Nagiging mataray ka na. Nasaan na ang prinsesang minamahal ko noon?" Nang-aasar na sabi nito. "Pwede ba wag mong nilalait si MeiMei! Kung wala kang masabing matino manahimik ka na lang! And don't call me a princess because as you can see, I'm a lesbian!" Pang-aasar din nya rito. "Hahaha... At naniniwala ka talagang ganun ka na ha, Shaine? Savihin mo nga sa akin, bukod ba sa MeiMei na yan naaattract ka pa sa iba pang babae?" "Hindi. Pero ano bang pakialam mo?" "And that answers everything, Princess. You're not a lesbian! You're just... Confused. Don't let yourself na tuluyan kang maging ganun. Tutulungan kita. Makakalimutan mo rin ang MeiMei na yan. Marry me Shaine!" Pagkumbinsi nito. Natahimik sya. Ilang segundong namayani ang katahimikan at alam nya na kinakabahan din si Marcel sa isasagot nya rito. "No. Hindi pwede Marcel." Nakayuko at malungkot na sabi ni Shaine. Natigilan tuloy si Marcel at bago pa ito makapagreact ay nakita na nitong may luha sa mga mata nito si Shaine! "Please Marcel. Wag si MeiMei. Mahal na mahal ko sya kaya kung pwede lang wag mo na syang galawin. Leave her alone. Hindi ko na magagawang magpakasal sa'yo because this is what I am now. Hindi ko kakayanin na mahiwalay sa kanya. Sana maintindihan mo yun. I'm a lesbian." Sabi na ni Shaine na pinangingilidan ng luha saka hinawakan ang mga kamay ng kababata nya. Pero binitiwan lang ni Marcel ang paghawak nya. "I don't care." Seryoso na ding sabi nito. "I love you Shaine at wala akong pakialam kung lesbian ka. Kahit na hindi ako magpakasal sa'yo hahanap at hahanap si Daddy ng babaeng ipagkakasundo nyang ipakasal para sa akin. Mas gusto ko ng ikasal sa babaeng mahal ko kahit pa hindi nya ko magagawang mahalin kaysa sa babaeng ni hindi ko naman kilala. Kaya I'm sorry Princess pero hindi ko magagawa ang gusto mo. You're mine. Kaya gagawin ko ang lahat para mailayo ka dyan sa kahibangan mo. Naguguluhan ka lang alam ko. What you feel for her is superficial. Mawawala din agad. Mababaw. At sa oras na makita mo yun gusto ko ako ang nasa tabi mo. Ako ang sasalo sa'yo Shaine." Desidido at seryosong sabi ni Marcel saka na sya nilayuan at umalis sa harapan nya. At sya hindi na makapagsalita pa. Hindi nya alam kung anong sasabihin kay Marcel para tumigil na ito. Nakikita nya rito si Damon. Alam nyang kahit malakas at mayabang si Marcel ay nasasaktan pa rin nya ito. Kung pwede nga lang sanang maturuan ang puso ay ginawa nya na e. Pero wala na syang magagawa. Sa paningin man ng iba ay mali ang taong tinitibok niyon ay para sa kanya ay si MeiMei ang pinakamagandang bagay na nangyari sa kanya. Minahal nga sya nito kahit na parehas sila ng kasarian eh. Kaya gagawin nya ang lahat para ipagtanggol ito. Kahit pa na tutol ang buong mundo... STRANGE LOVE ©lady_phoenix16 CHAPTER 41: Marcel's Point of View Inis na lumakad si Marcel palayo kay Shaine. Nasundan na lang sya ng tingin ng babae nang bumalik na sya sa mga kasamahan nya. Natanaw pa nyang napabuntong hininga si Shaine bago na ito tumalikod at umalis na run. "Boss, ok lang kayo?" Parang tangang tanong ng isa sa mga estudyanteng sunud sunuran sa kanya. Tiningnan ng masama ni Marcel ang lalaki. Saka ito dahan-dahang lumapit at sinuntok sa tiyan ang lalaki. Di pa ito nakuntento at sunod-sunod na suntok at tadyak pa ang pinakawalan nito sa kaawa-awang lalaki. Para bang dito na nito nilabas ang lahat ng sama ng loob nya. "Ngayon itanong mo sa sarili mo kung ok ka lang. Ganyan kasakit ang ginawa sa akin ni Shaine kaya wag kang hangal." Iritableng sabi ni Marcel na parang wala lang rito ang ginawa nito. Napaigtad sa sakit yung lalaking sinuntok nito. Halos maglupasay na ito sa lupa. At kay Marcel Para bang wala lang rito ang ginawa nito habang ang ibang mga kasama nila dun ay nakangisi na tumatawa pa na parang proud pa sa masamang ginawa ng tinuturing nilang hari. Mabigat ang katawan na umupo si Marcel roon at napapagitnaan pa ito ng dalawang babae na parang linta kung kumapit rito. Alam ng mga alipores nya na badtrip sya kaya may nagmasahe pa ng likod nya at nagsindi sya ng sigarilyo. Naikuyom nya ang kamao pagkaalala sa sinabi ni Shaine na hinding hindi ito magpapakasal sa kanya. Kung inaasahan nito na basta basta lang sya nitong maitataboy ay nagkakamali ito. Shaine is his first and true love. Mga bata pa lang sila ay mahal nya na ito kaya naman naging masaya sya nung malaman na ito ang napili ng Daddy nya para ipagkasundong ipakasal sa kanya. Ginawa nya lahat para maging worthy sa paningin nito. Nag-aral syang maigi at ipinakita ang dedikasyon sa malaking kumpanyang pag-aari ng pamilya nya at pamilya nito. Alam nya na walang interes si Shaine sa negosyo kaya sya ang sumalo sa dapat sana ay responsibilidad nito. Mas malapit pa nga sya sa ina nito kaysa sa sarili nyang ama dahil nagpapalakas sya para kay Shaine eh. Gusto nyang may isang bagay syang magawa para kay Shaine na ikatutuwa nito. At nangyari nga iyon ng pumayag si Tita Marlyn sa pakiusap nya na payagang magmodel ang anak nitong si Shaine. Dahil sa kanya kaya natupad ang pangarap nito. Pero pakiramdam nya tinapon nito iyon ng huminto ito sa pagmomodel sa states at nagdecide na sa pilipinas na mag-aral kasama ang bestfriend daw nitong si Damon. Nagpupuyos sya sa galit nun dahil sa sobrang selos. Gusto nya agad sundan si Shaine sa pilipinas pero di nya magawa dahil sa dami ng trabaho. Pero ngayong si Tita Marlyn na mismo ang nag-utos sa kanya na bantayan ang kinikilos ni Shaine sa pilipinas ay hinding hindi nya ito susukuan. Sinong mag-aakala na hindi pala si Damon ang makakaribal nya sa puso ng babaeng mahal nya kundi isang babae rin na katulad nito? Noon sinasaway sya ni Shaine kapag may nakikita itong mali at masamang bagay na ginagawa nya. Di ito nangingiming pagsabihan sya pero ngayon na halos binago nya na ang kalakaran sa buong school ay di man lang sya nito pinansin. At ano pa nga ba ang dahilan? Kahit hindi pa magsalita ang prinsesa nya ay alam nyang pinoprotektahan lang nito yung babaeng unggoy kaya hindi ito umiimik. Para sa kapakanan ng babaeng iyon! Umiinit ang ulo nya lalo kapag naiisip na natotomboy si Shaine ng dahil sa babaeng unggoy na yun! Cute lang ito ng konti pero bukod run wala na syang makitang maganda dito. Sobrang layo nito kung ikukumpara kay Shaine. Kaya hinding hindi sya papayag na matalo lang ng isang babae. Kanya si Shaine at gagawin nyang lahat para maputol na ang kalokohan nito. Magpapakasal sila katulad ng matagal nya ng pinapangarap at babalik sa lungga nito ang babaeng unggoy na iyon! Dahan-dahang pumasok si Shaine sa classroom. Kasalukuyang may sinusulat sa black board ang teacher nila at busy din ang mga kaklase nila kaya di sya napansin ng mga itong pumunta sa tabi na kinauupuan ni MeiMei. Napabuntong hininga pa sya nang makaupo sa wakas. "Mahal Ko. Bakit naman ang tagal-tagal mo? May Long Quiz daw tayo ngayon, hindi ka na tuloy nakarinig ng lesson! Pano yan? Anong isasagot natin?" Parang inip na inip na tanong ni MeiMei at parang medyo inis sa kanya. Nag-isip naman sya ng palusot. "Ah... Kuwan, ano kasi, ah biglang sumakit ang tiyan ko eh! Kaya ang tagal ko sa CR!" Palusot.com nya na parang pinaniwalaan naman nito. "Wahhh! Ikaw kasi Shaine eh! Ang hina-hina mo kumain! Panay ka diet ayan tuloy nalilipasan ka na siguro ng gutom! Ok ka na ba? Uminom ka na ba ng gamot Mahal Ko? Baka masakit pa yang tiyan mo!" Over Pag-aalala nito na medyo hinagod pa ang tiyan nya na ikinakiliti nya. "Mei, ano ba wag mo ko hawakan dyan!" Napaigtad sya kaya tuloy napatingin ang buong klase sa kanila na para bang may ginagawa silang milagro. "Ms. Shaine Lautner! Late ka na nga sa klase ko nakikipagharutan ka pa dyan! Hindi ba kayo nandidiri dyan sa ginagawa nyo? Diyosmiyo, Marimar!" Ala Corazon na sabi ng matandang dalaga nilang teacher! "Hala, sagutan mo itong problem sa board at siguraduhin mong may maisasagot ka sa Long Quiz mamaya dahil kung hindi ibabagsak kita! Mga tomboy na to! Eww!" Maarteng dugtong pa ng teacher. Napapakamot sa ulo na tumayo na lang si Shaine sa seat at pumunta ng board. Kumpyansa naman si MeiMei na makakasagot pa rin ang mahal nya kahit na wala ito kanina. At tulad ng inaasahan ay nasagot nga ni Shaine ng walang kahirap-hirap ang problems sa board at napanganga na lang ang teacher nila. Wala itong masabi eh. Pagdating naman ng Long Quiz ay perfect ang Score ni Shaine. Kung minsan nagtataka na sya sa mahal nya kung san nito hinuhugot yung talino nito. Wala naman ito kanina pero daig pa sila nito na present roon. At syempre pa damay din sya dahil pinapakopya sya nito. Hihihi... CHAPTER 42: Shaine as a Butch Lesbian? Nung araw na iyon ay nagpasama si MeiMei sa kanya dahil may gusto daw itong bilhin sa Odyssey. At sya naman kahit tinatamad ay sinamahan nya na lang rin ito. Excited na kinuha nito ang CD na gustong gusto nito saka parang nagpipigil ng tili. "Uwaa!!! Sa wakas nakakita na rin ako ng CD ni Isabelle de Leon! Talagang inaabangan ko to na mailabas na sa market e!" Kilig na sabi ni MeiMei. (Please look at the right side to watch the video +---->>>>) Napasimangot naman sya. "E sino ba yang singer na yan? Parang kilig na kilig ka." Nagtatampo at may katabangang tanong nya. "Ay naku naman, ang mahal ko nagtampo agad! Bagong singer si Isabelle de Leon! Madalas kong marinig sa brgy LS ang kanta nya kaya naging idol ko sya pero syempre ikaw pa din ang mahal ko. Bili mo to sa akin Shaine. Please?" Halos magmakaawa na pakiusap ni MeiMei na niyakap-yakap pa sya. Tumalikod sya at Nang makita nitong simangot pa din sya ay kiniss naman sya nito sa batok mula sa likod. Nakiliti sya. Doon na sya bumigay. Kahinaan nya talaga ang mga halik ng labidoo nya! "Mei! Nasa public place tayo oh!" Napaharap tuloy ulit sya dito na nakatawa na! "Ayun oh. Mas maganda ka talaga Mahal Ko pag nakangiti!" Pagsasabi ng totoo ni MeiMei na lalo lang nakapagpangiti sa kanya. "Sige na. Wag ka ng mambola. Bibilhin ko na yan sa'yo. Tara na nga." Sumuko na din na sabi nya saka na hinila ito paalis dun. Magkahawak kamay na binayaran na lang nila sa counter ang CD habang pinagtitinginan naman sila ng mga tao. Nakikilala ng mga ito si Shaine. Pagkagaling nila sa oddysey ay napadaan sila sa isang shop kung saan may nakita silang wedding gown. "Wow! Shaine oh! Tingnan mo oh! Ang ganda-ganda nung gown! Siguro pag sinuot ko to gaganda din ako! Kaso ang mahal naman! 3 million? Pangmayaman lang yata ang gown na to e!" Kilig na sabi ni MeiMei pagkalaon ay nadidisappoint sa presyo niyon. Pero sya naman ay di sa presyo ng gown nanlumo kundi sa kaisipan na gustong gusto ni MeiMei na makapagsuot ng gown. Kahit saang anggulo tingnan, kahit na childish kung kumilos si MeiMei ay feminine pa rin ito. Naghahangad na maikasal balang araw. At alam nya na simula ng pumasok ito sa relasyon nila ay isa ang pangarap nitong iyon sa mga tinanggal nya rito. Hindi naman kasi silang pwedeng ikasal kahit na kailan. Kahit pa na gaano nila kamahal ang isa't-isa ay hindi rin sila magkakaroon ng pamilya. At saan ka ba namang nakakita ng same sex relationship na parehas nakawedding gown nung ikinasal? Kahit siguro sa ibang bansa na pwede na ang same sex marriage ay wala kang makikitang ganun. Usually kasi ay butch-femme couple ang recognized. Napabuntong hininga sya. Sa totoo lang kahit na alam na ng lahat na lesbian couple sila ni MeiMei at tanggap na rin naman ng mga ito ay alam nyang iniisip ng karamihan na di magtatagal ang relasyon na iyon. Kahit di magsalita ang mga ito nababasa nya ng iniisip ng lahat na naglalaro lang sila. Na mababaw ang nararamdaman nila para sa isa't-isa ni MeiMei. Na confused lang silang parehas at pagdating ng panahon ay magkakaroon din ng kanya-kanyang pamilya. Katulad ng sinabi ni Marcel. At tulad din ng sinasabi ng lahat na sayang daw ang mga ganda nila. Wala daw sa hitsura nila ang maging tomboy. Does she really have to be a butch lesbian just to be recognized as a real lesbian? Naiisip nya na tuloy na magcross dressing at pagupitan ang mahaba nyang buhok. Kung yun lang ang tanging paraan para maipakita sa lahat na seryoso sya kay MeiMei ay gagawin nya kahit na ayaw naman nyang kumilos na parang lalaki. Lahat gagawin nya para kay MeiMei dahil mahal na mahal nya ito. "Umm." Pagtikhim nya para makuha ang atensyon nito. "Mahal. Nagugutom ka na ba?" Pagpapatigas niya ng boses at tumikas na parang lalaki saka inakbayan si MeiMei. Natawa naman ito. "Hahaha... Shaine ko. Ano ba yang inaarte mo dyan? Hindi kaya bagay sa'yo! Wag ka ngang ganyan! Para kang sira!" Natatawang sabi nito na bahagya pa syang kinurot sa tagiliran. Napasimangot sya ulit saka nilagpasan ulit ito. "Hep,hep,hep! San ka pupunta?!" Nakatawa pa ding paghabol nito saka sya hinila. "Aalis na. Pinagtatawanan mo naman kasi ako e." Nakangusong sabi nya na boses lalaki pa din. Sa inis nya ay lalo lang lumakas ang tawa nito. "Sorry mahal ko. Ikaw kasi eh pinapatawa mo ako! Ano ba kasing nakain mo at bigla ka na lang ganyan?" Trying hard na pagseseryoso nito. Maluha-luha pa. "Wala! Tara na nga at naiinis lang ako sa'yo!" Balik mahinhin na naman ang boses na sabi nya saka na hinila na lang ito paalis sa lugar na yun. Hanggang sa makauwi na sila ng bahay ay inaasar pa rin sya nito. Ginagaya pa yung tono ng boses nya habang nagkekwento ito kay Yaya Elvie sa bahay. Nagboboses lalaki. "Mei! Di ka ba titigil dyan? Naiinis na talaga ako sa'yo!" Gigil na sabi nya dahil nakikitang pati ang Yaya nya na pinasabay na rin nito sa pagkain nila ay tumatawa na. "Mahal naman e! Natatawa lang talaga ako sa ginawa mo kanina! Wag mo na uulitin yun ah? Ang halay mong tingnan! Hindi talaga bagay sa'yo magkilos lalaki! Hahaha..." Patuloy pa din na pagtawa na sabi ni MeiMei. "Ah ewan ko sa'yo!" Pikon na sabi na lang nya saka tumayo sa mesa at iniwan na ang dalawa sa dining area. Inis na umupo na lang sya sa gilid ng kama. Naiinis sya kay MeiMei. Ang lakas nitong mang-asar! Ni di na nito sineseryoso ang galit nya kung minsan. Palibhasa alam nito na mahal na mahal nya ito kaya di nya kayang makipaghiwalay. Kaya naman kinabukasan ay gumising sya ng maaga habang natutulog pa ng mahimbing si MeiMei sa tabi nya. Ipakikita nya rito na seryoso sya at hindi basta nagbibiro lang sa kinilos nya kahapon. Pumunta sya sa salon na pag-aari nya. "Ms. Shaine, sigurado po ba kayo na gusto nyong ipaputol na panlalaki itong mahaba at straight na straight nyong buhok? Ako ang nanghihinayang e! Ang ganda-ganda nyo sayang naman!" Kinakabahang tanong ng bading sa botique nya. "Puputulin mo o mawawalan ka ng trabaho Ricky?" Pananakot nya sa mahaderang bakla. "Sabi ko nga po e. Puputulin ko na. Pero shampoo muna natin ha?" Natakot naman na sabi ng bakla. Umuo na lang sya saka pumikit habang nilalagyan muna nito ng iba't-ibang treatment ang buhok nya. Para bang pinapatagal pa ng bakla ang oras dahil halos dalawang oras na ito sa pag-aayos ng buhok nya ay di pa din nito pinuputol yun! kung ano-ano pang binubutinting nito sa gamit nito na parang may hinahanap ito! "Ricky, ano ba?! Puputulan mo ba tong buhok ko o hindi?" Pagsigaw nya na ikinapitlag naman nito. Halos mabitawan pa nito ang hawak na gunting sa sobrang gulat! "Yes Ma'am! Guguntingin ko na nga po eh! Andyan na!" Pinagpapawisang sabi ng bakla saka na lumapit ulit sa kanya. Nanginginig ang baklang si Ricky. Ayaw kasi nito talagang gupitan ang mahabang buhok ni Shaine. Kahit bakla ito ay naaakit ito sa ganda ni Shaine kung minsan pagkatapos sasayangin lang nito at pipilitin nito ang sarili nito para magmukhang lalaki. Napabuntong hininga naman si Shaine nang maramdaman ang gunting sa batok nya. Sa totoo lang ay ang buhok nya ang isa sa pinakagusto nya sa katawan nya. Maganda, malambot, mahaba at makintab kasi iyon at alagang-alaga pa iyon sa kanya. Pero para kay MeiMei gagawin nya. Para hindi na sila alanganing tingnan. Akmang puputulin na ni Ricky ang unang gahibla ng buhok ni Shaine nang maramdaman nitong may nakatutok ding gunting sa leeg nya. "Subukan mong guntingin ang buhok ng mahal ko kung ayaw mong salaksakin ko yang ngala-ngala mo!" Seryosong sabi ng cute na cute na si MeiMei. Natakot naman na binitiwan ng kaawa-awang bakla ang gunting. "Mei, anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ni Shaine. Nagtatakbo naman na lumayo sa kanila ang bading na si Ricky. "Ikaw ang dapat kong tanungin mahal ko! Ano to? Bakit gusto mong baguhin ang sarili mo?" Galit na tanong din ni MeiMei na nakapamaywang pa. Bumuntong hininga na naman sya. "Kailangan kong gawin to Mei. Nakikita mo ba ang mga tao pag tinitingnan nila tayo? Ang mga di nakakakilala sa atin iniisip na magkaibigan lang tayo pag magkaholding hands tayo. Iniisip nila na naglalaro lang tayo. Gusto kong ipakita sa kanila na seryoso ako sa'yo Mei. Gusto kong ipagngalandakan sa lahat na girlfriend kita at handa kong magbago para sa'yo." Puno ng emosyon na paliwanag nya. "At ako naisip mo man lang ba ako?" Maya-maya ay pagkasabi ni MeiMei na pinangingilidan na din ng luha. "Minahal kita ng ganyan ka Shaine! Hindi mo kailangang magbago dahil lang sa nakaramdam ka ng pagmamahal sa akin. Eh ano ngayon kung pareho tayong babae? Ano ngayon kung pareho tayong nakawedding gown pag ikinasal tayo? Wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba Shaine! Dahil ikaw lang mahalaga sa akin at sana maisip mo yun!" Seryosong sabi nito na ikinatigil nya. Nagtitigan lang sila ng mata hanggang sya na rin ang sumuko at nagbaba ng tingin. Di nya na mapigilan ang luha. Tama ito. Masyado nyang naisip ang sasabihin ng ibang tao to the point na di pumasok sa isip nya kung ano ba talaga ang gusto ni MeiMei. At sa totoo lang ay takot na takot lang talaga sya na mawala si MeiMei sa kanya. Alam nyang attracted ito sa mga lalaki kaya gusto nyang magmukhang lalaki. Gusto nya magkaroon ng dahilan si MeiMei para di sya iwan balang araw... She really loves her! Umangat ang ulo nya nang hinawakan ni MeiMei ang magkabilang pisngi nya. "Wag ka ng umiyak mahal ko. Mahal kita dahil ikaw si Shaine. Maganda ako pero sino naman ang nagsabi na ayaw ko rin sa maganda? Kaya wag na wag mo nang pagtatangkaang baguhin ang sarili mo! Ang cool nga e. Pareho tayong chicks!" Nakatawa ng sabi ni MeiMei na nawala agad ang pagtatampo. At sa sinabi at ngiti nito ay nawala na ang doubts sa dibdib nya. Niyakap niya ito ng mahigpit na mahigpit! "I love you Mei! Please, wag na wag mo akong iiwan ha? Di ko kaya..." Bulong nya rito. "Ayy... Line ko yan e! Wag mo ngang gayahin Shaine!" Nakatawang sabi ni MeiMei na bahagyang inilayo ang sarili sa kanya. "I love you now Shaine, I will love you even until the word is through. I love you forever and ever." Paulit-ulit na sabi ni MeiMei at doon nya na ito hinalikan! Muli ay pinagsaluhan nila ang halik na iyon at di na inisip ang mga tao sa paligid nila na kinikilig at natouched sa eksena nila na parang isang pelikula... STRANGE LOVE ©lady_phoenix16 CHAPTER 43: A Love That Makes You Evil (Marcel's Version) Nailapag ni Marcel ang kopita ng alak nang marinig nya ang katok ng lalaking pinatawag nya sa opisina nya. Ang dating prince sa buong school na si Abet. Ang patpatin at ubod ng bait na first love daw ni MeiMei ayon sa imbestigasyon ng inupahan nya. Di naman ito kagwapuhan pero may dating ito. Maginoo daw kasi at matalino na syang type raw ni MeiMei pagdating sa lalaki. Scholar rin ito kaya di ito naapektuhan ng biglaang pagtaas ng tuition fee sa Phoenix University. "May kailangan daw po kayo Lord Marcel?" Parang kinakabahan na tanong ng lalaki. Napangisi sya sa narinig niyang tinawag nito sa kanya. Patunay lang na alam nito kung sino ang taong nasa harapan nito ngayon. "First love ka daw ni MeiMei? Nagtapat daw sya sa'yo noon pero tinurn down mo sya. Is that true?" Pagkumpirma nya. "Huh? Boss paano nyo nalaman yan? Nabanggit nya ho ba yan sa inyo?" "Sagutin mo ang tanong ko!" Pagsigaw nya sabay hagis ng kopita ng alak sa bandang tagiliran nito. Nabasag ang baso at nagulat ang lalaki. Ang pinakaayaw nya sa lahat ay yung binabalikan sya ng tanong. Lalo pa at mainit palagi ang ulo nya nang dahil kay Shaine. Lingid kasi rito ay sinusundan nya ng lihim ang babae. At nakikita nya kung paano nitong ginagawa ang lahat para kay MeiMei. At hindi nya matatanggap na manatili sa ganoong lagay si Shaine. Kukunin nya ito sa taong dahilan kung bakit ito nagkakasala. At ang lalaking ito ang daan para magawa nya yun. "Ahm, hindi ko po alam kung ako ang first love ni MeiMei pero totoo po na nagconfess sya sa akin nung highschool. Parang batang kapatid lang ang turing ko sa kanya kaya di ko sya tinanggap na maging girlfriend." Parang nauutal na paliwanag ni Abet na yukong yuko at di makatingin sa mga mata nya. "Kung ganon gusto ko ligawan mo sya ngayon." Walang anuman na sabi nya. "Ho?" Gulat na gulat na tanong nito na nag-angat ng ulo. "Bingi ka ba? O nagbibingi-bingihan?" Iritadong tanong nya. "Pe.. Pero tomboy po si MeiMei. Alam ko na girlfriend na sya ni Shaine. Hindi ko na sya maliligawan." Paliwanag nito. "Hah! At natatakot ka sa isang babae?" Pang-uuyam niya na tumayo sa swivel chair nya. "Alam mo ba ang kasabihang first love never dies? Ikaw ang first love ni MeiMei kaya sigurado ako na babalik ang feelings sa'yo ng babaeng yun kapag niligawan mo sya." "Pero may girlfriend po ako at ikakasal na kami." Alanganin pa ding sabi nito. "Then break up with her." "What?" "Ano ba? Puro tanong na lang ba ang ibabato mo sa akin? Scholar ka sa Phoenix University na pag-aari ko kaya kayang-kaya kong ipatanggal ang scholarship mo. Nagtatrabaho rin bilang sales agent sa kumpanya ko ang Daddy mo. Kakaregular lang sa kanya last year kaya madali ko syang matatanggal sa kumpanya ko kapag ginusto ko. Alam ko rin na buntis ang Mommy mo kaya kakailanganin nyo ang malaking pera. I can make your life miserable if I wished." Parang demonyong paglalansi ni Marcel. At alam ni Abet na di nagbibiro si Marcel. Doon napagtanto ng lalaki na totoo ang kumakalat na balita sa Phoenix University na cold at powerful ang bagong may-ari nun. Inaalis nito ang lahat ng taong sa tingin nito ay tinik sa buhay nito at isa roon si MeiMei. "Wala kang magagawa kung hindi ang sumunod sa inuutos ko sa'yo Abet. I want you to break up with your girlfriend dahil simula ngayon gusto ko kay MeiMei lang ang focus mo. Make her fall in love with you again and do whatever it takes para mawala sa isip at puso nya si Shaine. I don't care how you'll do it. Basta gawin mo sa lalong madaling panahon kung ayaw mong mabura ang pangalan ng pamilya mo sa mundong ginagalawan nyo." Matigas at walang awang sabi ni Marcel. Natahimik na lang si Abet. Natatakot para sa posibleng mangyari sa mga mahal nito sa buhay kapag hindi nito sinunod ang gusto ng lalaki. Alam ni Abet na kahit pumatay pa siguro si Marcel ay kayang kayang tapalan ng pera nito ang batas. "Wag kang mag-alala. Sa oras na magawa mo ang hinihiling ko at mapaghiwalay mo sina Shaine at MeiMei bibigyan kita ng malaking gantimpala. Sisiguraduhin ko na mapopromote sa trabaho ang daddy mo at gagawin ko syang sales manager. Bibigyan pa kita ng pera. Wala na rin kayong babayarang hospital bills para sa panganganak ng Mommy mo sa St. Phoenix Hospital at maging ang girlfriend mo maaari mo ng balikan sa oras na maikasal na kami ni Shaine. But as of now gusto kong mainlove sa'yo si MeiMei na makakaya nyang iwan si Shaine para sa iyo. Is that just a simple task to do? Ano bang mahirap dun?" Pangungumbinsi na ni Marcel. At sa totoo lang ay natetemp na rin si Abet. "Kung ganun sige. Lord Marcel, pumapayag na ako. But make sure that you won't do any harm to my family. Gagawin ko lahat para makuha si MeiMei." Pinal na desisyon na ni Abet. "Good. Kung ganun wala na tayong dapat na pag-usapan pa. Makakaalis ka na." Sabi ni Marcel saka na muling umupo sa swivel chair nito at humarap pa sa transparent window ng building. Umalis naman si Abet sa opisina nya na sinundo pa ng mga body guards ni Marcel. Muling kumuha ng alak si Marcel at nagsalin sa baso nya. Napangisi sya na napakadali palang utuin ni Abet. Mabilis lang nya itong napapayag sa gusto nyang mangyari. Napakatanga nito para isipin na makakaya nyang pumatay. He's not a killer or a criminal for pete's sake! Alam nya na masama na ang method nya para makuha si Shaine but he doesn't care at all. Nung una pinlano nya na sya mismo sana ang kukuha sa loob ni MeiMei para mailayo si Shaine rito pero sa totoo lang ay natakot sya sa banta ng babae na hinding hindi na sya kikibuin nito kapag ginalaw nya ang girlfriend nito. At hinding hindi nya makakaya na kamuhian sya ni Shaine. Mahal na mahal nya ito kaya mas maigi nang ang first love ni MeiMei ang umagaw rito palayo kay Shaine. Sa ganoong paraan posibleng si Shaine mismo ang lumapit sa kanya. At bukas palad na tatanggapin nya naman ito kahit na ano pa ito o kahit sinaktan pa sya nito. That's what his love can do. A love that makes you evil... STRANGE LOVE ©lady_phoenix16 CHAPTER 44: Book for Lesbians Medyo malamig at makulimlim ng araw na yun. Kaya nang bakante ang isang klase nila ay nagtambay sila Shaine at MeiMei sa rooftop. Ang favorite place nila sa Phoenix University. Tahimik lang silang parehas. Nagbabasa kasi ng libro si Shaine kaya parang wala itong pakialam sa halatang naiinis nang si MeiMei na kasalukuyang umiinom ng chocolaite. Umurong pa lalo si MeiMei kay Shaine at sumandal sa balikat nito. "Shaine." Parang pusang tawag ni MeiMei. "Mahal mo ko?" Paglalambing pa nito. Napangiti lang ng tipid si Shaine pero di sinagot ang babae. Maya-maya ay binaba saglit ni Shaine ang hawak nitong libro. "Kailangan ko pa bang sagutin yung tanong mo eh ilang beses ko ng sinabi sa'yo ang totoo." Natatawang sabi nya rito. Nag-iisip bata na naman kasi si MeiMei. Halatang kahit ang librong binabasa nya ay pinagseselosan pa nito. Gusto kasi nito na ito palagi ang iniintindi nya. "Eh di sabihin mo Shaine. Sabihin mo mahal mo ko. Sige na!" Pangungulit pa din nito na parang bata. "Ok sige. MeiMei. I love you, i love you, i love you, i love you, i love you!" Paulit-ulit na sabi na lang nya na natatawa na lang sa kakulitan nito. "Parang napipilitan ka lang naman yata Shaine eh. Kasi sinabi ko sa'yo na sabihin mo. Di mo na rin ako tinatawag na mahal ko. Bihirang bihira na lang----" May reklamo pa rin na sabi nito saka nya hinila ang kwelyo ng damit nito saka ito siniil ng halik. Doon ay nanlaki ang mata nito pero maya-maya ay gumanti rin naman sa halik nya... Halos nalalasahan pa nya ang chocolait sa dila nito sa lalim ng halikan nila... but she doesn't care. Nakakaadik na ang halik nito... "Now Mei, ngayon mo sabihin na nagdududa ka pa din sa I Love You ko." Nakangiti at pilya ng sabi nya nang maghiwalay ang mga labi nila na halos ikahingal na nilang dalawa. Doon na muling tinaas ni Shaine ang librong binabasa nito habang si MeiMei naman ay napapahawak na lang sa labi nito. Kahit na naghiwalay na ang labi nila ni Shaine ay parang nararamdaman pa din nya ang halik nito. Napatingin sya sa nagbabasang si Shaine. Nainis na naman sya kaya bigla syang humiga sa hita nito sabay kuha sa binabasa nitong libro at pinatong iyon sa dibdib nya. "Andaya mo Shaine. Parang kiniss mo lang yata ako para manahimik ako eh! Kakainis ka naman eh!" Sabi ni MeiMei na nakanguso na naman. Natatawa na pinitik naman ni Shaine ang ilong nito. "MeiMei, bakit ba pati libro ko pinagseselosan mo? Nakakiss ka na nga eh hindi ka pa din masaya?" Tanong na lang nya rito. Bumangon naman si MeiMei mula sa hita nya na para bang nang-aakit pa na hinawakan ang baba nya. "Gusto ko kasi higit pa sa kiss. Pumayag ka na kasi Shaine! Sige na! Hihihi..." Nakakalokang sabi nito na nanunudyo na naman. May laman ang salita nito. "Puro ka talaga kalokohan MeiMei ha! Ang dumi-dumi na nyang isip mo!" Pagsusungit nya saka tinumba ulit si MeiMei papunta sa hita nya kaya napahiga na naman ito run. "Ihh kasi naman Shaine eh! Ano ba yang binabasa mo?" Saka tiningnan MeiMei ang libro. How to Handle Lesbian Relationship by lady_phoenix16 Book iyon na tumatalakay tungkol sa lesbian relationship. Kung paanong magtatagal ang love between two girls, paano nilang mahaharap ang mapanghusgang tingin ng tao, at kung paano magiging successful ang sex life nila?! Napatawa tuloy sya sa nabasa roon! "Hahaha... Ikaw Shaine ah! Kunwari ka pa na ayaw mo pero mahilig ka rin pala! May pabasa-basa ka pa ng ganito! Kaya pala parang seryosong-seryoso ka eh! Hahaha..." Pang-aasar nya sa babae na ikinapula naman ng husto ng mukha nito. "Because I want to be with you forever MeiMei. At makakatulong ang libro na yan para malaman ko ang gagawin para di ka mawalan ng pagmamahal sa akin." Pagtatapat ni Shaine sa kanya na ikinatigil naman nya sa pagtawa. Sumeryoso tuloy sya. "Hanggang ngayon ba Shaine, nagdudududa ka pa rin sa pagmamahal ko para sa'yo? Ikaw naman yata ang nag-iisip na temporary lang ang feelings ko para sa'yo eh." Biglang nagtampo ang himig ng pananalita ni MeiMei. "Mei, hindi sa ganun. I'm just making sure na magiging successful ang relationship natin. Ayaw ko naman na palagi tayong magtatalo pagdating ng araw dahil lang sa maliliit na bagay." Pagrarason ni Shaine. Tinapon naman ni MeiMei yung libro palayo sa kanila. "Kung ganun, hindi mo na kakailanganin yan Mahal Ko..." Bumangon ng tuluyan si MeiMei at hinawakan sa magkabilang pisngi si Shaine. "... Kasi kahit kailan hinding hindi mawawala ang feelings ko para sa'yo. Ipapakita ko sa'yo na hindi panandalian lang to. Sigurado ako sa sarili ko na ikaw na Shaine. Kaya sana wag mo na akong pagdududahan. Palagi mo na lang iniisip na mas mahal mo ko kaysa mahal kita. Samantalang kung tutuusin hindi naman talaga dapat nagtitimbangan ang kahit sino sa atin kung sino ang mas nagmamahal." Makahulugang sabi ni MeiMei na humaplos na naman sa puso ni Shaine. Lahat ng sinasabi sa kanya ni MeiMei ay umuukit ng husto sa puso nya. Most of the time ay childish nga si MeiMei pero kung minsan ay mas malalim din itong mag-isip kaysa sa kanya. Sya na yata ang pinakamaswerteng tao sa mundo na minahal sya nito. Kaya madalas paranoid na sya sa takot na baka isang araw ay bigla na lang sya nitong iiwan. Di nya kakayanin pag nangyari iyon. Pero ngayong ilang ulit na nitong pinapatunayan sa kanya ang pagmamahal nito sa tingin ay dapat itigil nya na rin ang pagdududa... Strange Love ©lady_phoenix16 CHAPTER 45: Convo about First Love "Ok sige na nga. Magtitiwala na ako sa girlfriend kong super sweet. Upo ka na ulit sa sexy legs ko Baby." Nakangiting sabi na ni Shaine saka hinila na pahiga si MeiMei sa hita nito. Hinaplos-haplos ni Shaine ang malambot na buhok ni MeiMei. Para namang nasasarapan si MeiMei sa bahagyang paghagod nya sa buhok nito. "Sige nga, anong gusto mong pag-usapan natin, Baby ko?" Malambing na tanong ni Shaine. Wala ng pakialam sa libro na nasa malayo. "Gusto ko sabihin mo sa akin ang secret mo Mahal ko!" Biglang sagot naman ni MeiMei. Kunwari naman ay nag-iisip sya ng isasagot. Ang tungkol lang siguro kay Marcel ang bagay na nililihim nya dito. Hanggang ngayon di pa din alam ni MeiMei na fiance nya ang lalaki. At wala syang balak na ipaalam. Ayaw nyang mag-alala lang lalo ang mahal nya... "Umm... Nasabi ko na ang secret ko sa'yo eh. Matagal ko ng nasabi na mahal kita. Yun lang naman ang tinatago ko MeiMei." Nasabi na lang nya. "Talaga? Yun lang mahal ko?" Pangungulit pa din nito. Tumango na lang sya. Bumangon naman si MeiMei at may kinuha sa bag nito. "Kung ganun ano ito?" Tanong ni MeiMei na itinaas ang picture nito na ninenok nya nung gabing unang bumisita sya sa bahay nito at ni Damon! "San mo nakita yan?" Nagulat at nanlaki ang mata na tanong nya sa ngiting aso na girlfriend. "Saan pa? E di sa lagayan mo ng undies. Hihihi..." Pilyang sabi nito na nangialam pala sa gamit nya! "At anong hinahalungkat mo sa drawer ko? Wag mong sabihing manghihiram ka ng panty? O baka naman..." Nagugulat na tanong nya saka biglang natigilan sa lalabas sana sa bibig nya. "Baka naman ano Mahal Ko?" Inosente at nakangiting tanong ni MeiMei. Mukha lang talaga itong inosente tingnan pero polluted na ang utak nito sa kabastusan! Gusto pa talaga nitong dugtungan nya yung sasabihin nya sana. "Wala!" Namumulang pagsusungit nya. "Hahaha!!! Iniisip mo yata na inaamoy ko ang-----" Tinakpan nya na ang bibig nito bago pa nito mabanggit yung napakahalay na salita. "MeiMei. Kung di ka titigil dyan sa pagiging naughty mo ililipat kita ng kwarto." Pagbabanta nya saka inalis na ang kamay sa malambot na bibig nito. "Ihh! Ayaw ko! Gusto ko katabi kita Shaine!" Pagtanggi agad ni MeiMei habang sya naman ay kinuha ang libro na hinagis nito. "Magbabasa ka na naman Shaine? Nagkekwentuhan pa tayo e! Tama na yan!" Pagrereklamo nito. "Kung ganun ayusin mo yang mga topic mo. Palagi ka na lang nang-aasar e." Pagsusungit nya. Napakamot na lang si MeiMei sa buhok nito kahit na wala naman itong kuto. "Masaya lang naman ako kasi nakita ko yung picture ko na tinatago mo pa pala. Mahal na mahal mo talaga ko no?" Pangungulit na naman nito. Parang paulit-ulit na lang sila. Parang gusto nito palagi sya nag-ailove you minu-minuto. Binigyan nya na lang ito ng boring look. "Sige na nga hindi na ko mangungulit mahal ko. Pero sagutin mo yung itatanong ko sa'yo." Nakangiting sabi nito na kumapit sa braso sabay sandal sa balikat nya. "Ano?" Tanong na lang nya. Di na daw ito mangungulit pero dumadaldal na naman. "Umm... Sino ang first love mo Shaine? Gwapo ba sya?" Parang naeexcite na tanong nito. "Wala. Ikaw pa lang ang minamahal kong tao sa mundong ito." Pagsagot nya na parang walang gana pero parang kinilig pa din ito. Si Marcel naman kasi ay first crush lang nya. Malayo sa Love ang Crush. "Ayiiiee... Sabi ko na nga ba e. Ako talaga ang first love mo. I love you too, Shaine." Kinikilig na sabi MeiMei saka pinapak na naman ang pisngi nya. Nakikiliti tuloy sya. Kinikilig na din tuloy sya sa ginagawa nito kasi pati leeg nya kinikiss na nito. Nang bigla ay para itong may naalala. "...Pero teka, ang Kuya Damon ko ba, kahit na kailan hindi mo minahal Shaine? Sya ang naging first boyfriend mo di'ba?" Biglang inatake ng kunsensya na tanong ni MeiMei. Natigilan sya sa pagkaalala kay Damon. God knows how much she misses her bestfriend. Di tuloy nya naitago ang lungkot sa mukha. "I love Damon. He's my bestfriend pero hanggang dun na lang yun. Sinubukan ko syang mahalin kaya nga naging kami pa noon pero wala eh. I can't love him back. Because of you. Ikaw lang yata talaga ang kayang mahalin nitong puso ko eh." Seryoso ng sabi nya. Seryoso din si MeiMei. "Umm... Shaine, may aaminin ako sa'yo. Pero sana pag sinabi ko to sa'yo eh wag magbago ang tingin mo sa akin at wag mong isipin na mahalay ako." Sa halip ay sabi ni MeiMei. "Why should I think that? Bakit? Ano ba yun Mei?" Nagtatakang tanong nya. "Alam mo kasi. Sa totoo lang in love ako kay Damon noon eh." Pag-amin na nito na yumuko pa. Sya naman ay nagulat! She had that kind of incestrous feelings towards her own brother? "...Sa totoo lang kinaibigan lng kita noon kasi gusto malaman ni Kuya kung sino yung pinaghihinalaan nyang crush mo noon e. Ako naman pumayag sa gusto nyang kaibiganin ka kasi gusto ko naman na siraan si Kuya Damon sa'yo para bastedin mo sya. Pero nagbago naman ang isip ko nung naging magkaibigan tayo noon mahal ko. Nalaman ko kasi na mabait ka pala kaya hinayaan ko na lang na maging kayo at kinalimutan na rin ang feelings ko. Di ko naman akalain na ako pala yung mahal mo." Paglalahad nito na ikinatuwa nya. Sa kanila palang dalawa ay si MeiMei ang maraming tinatago. But she's glad na nagagawa na yung aminin sa kanya lahat ng mahal nya. "No. Hinding hindi magbabago ang tingin ko sa'yo Mei. Pag inisip ko na mahalay ka dahil lang sa nainlove ka pala kay Damon noon para ko na ding sinabi na wala rin akong karapatan na mahalin mo kasi parehas tayong babae. At masaya ako kasi ikaw rin ang minahal ko. Di ka marunong mangmata ng kapwa mo Mei. Papatunayan ko sa'yo na kahit hindi man ako lalaki kaya kitang mahalin at respetuhin na mas higit pa sa kayang ibigay ng isang lalaki. I love you Mei." Saka nya dinampi ang labi rito. Isang mabilis na halik lang ang pinagsaluhan nilang muli saka sila ulit umayos sa pagkakaupo. Nakasandal na itong muli sa balikat nya at magkahawak kamay pa sila. "Shaine... Sana palagi tayong gnito no? Gusto ko palagi tayong magkasama. Palaging masaya..." Nangangarap na sabi ni MeiMei na nakatingin sa malayo. Parang namang anghel sa pandinig ni Shaine ang boses ni MeiMei habang sinasambit nito ang mga salitang pinapangarap nyang marinig noon pa. Alam nyang kasalanan sa diyos ang bawal na pag-iibigan nila. Pero hindi nya maiwasang hindi maidasal na sana nga ay magkaroon ng exception sa pagmamahalan nila ni MeiMei. Wag sana pahintulutan ng diyos na magkahiwalay pa sila... "Mei... First love mo din ba si Damon?" Naisipan nyang itanong. Ewan nya pero parang biglang naging uncomfortable bigla si MeiMei kasi nag-angat ito ng ulo. "Hindi. Hindi si Kuya Damon ang first love ko." Sagot naman nito. "Talaga? Kung ganun sino? Gwapo ba sya?" Tanong nya na ginaya pa ang sinabi nito kanina. "Abet ang pangalan nya. Di sya gaanong gwapo pero mabait saka matalino sya." Maikling kwento ni MeiMei kaya parang nanibago sya bigla. Napakadaldal kasi nito kaya di nya maintindihan kung bakit parang ayaw nitong pag-usapan yung Abet. At di nya maintindihan kung bakit pero parang may nabanaagan syang lungkot sa kislap ng mga mata nito. Imagination nya lang ba yun? "Paano kayo nagkakilala? Nagkikita pa rin ba kayo?" Muling tanong nya. Di nya alam pero parang nakakaramdam sya ng bahagyang selos kahit pinag-uusapan lang naman nila ang first love nito. Bakit ba ganun? Sya ang nagtatanong pero bakit parang sya nasasaktan sa nakikitang reaksyon sa mukha nito? "Estudyante sya ng Mama ko dati bago sya namatay. Sa Phoenix National High School sya nag-aaral nun. Kasing edad nyo lang sya ni Kuya Damon. Di na kami nagkikita Shaine saka may girlfriend na sya kaya pwede ba wag na lang natin syang pag-usapan?" Parang umiiwas talaga na pakiusap ni MeiMei. Nagkibit balikat na lang sya at di na inisip pa ang kakatwang kinikilos nito. Anuman ang past nito at ng Abet na yun ay wala na syang pakialam. Basta ang mahalaga lang sa kanya ay sa kanya na ngayon si MeiMei at di na sya makapapayag pa na may umagaw pa rito. Lalaban sya sa kahit na sinumang tao na magtatangkang mang-agaw sa mahal nya... STRANGE LOVE ®lady_phoenix16 CHAPTER 46: The return of Mei-Mei's First Love? Pababa na ng rooftop sina Shaine at MeiMei. Napagpasyahan nilang dalawa na maghalf day na lang dahil biglang sumakit ang tiyan nya ng dahil sa pesteng chocolait na ininom nya kanina. Parang nasobrahan yata sya. Ayaw naman ni Shaine na di sya samahan pauwi kaya pati ito mag-aabsent na lang daw ng ilang subject. Nang bigla na lang may mga school mate sila na humarang sa kanila. Ang mga leading players ng Volleyball Team at nakiusap kay Shaine na kung maari daw ay tulungan ang mga ito ng babae dahil may biglang bisita ang school na dumating at nagyaya ng laban bilang practice sa tunay na laban ng mga ito sa national competition. May gap ata ang team nila at ang rival school nila dahil may kayabangan ang mga myembro ng kabilang panig kaya ayan ayaw magpatalo ng mga ito. Magaling kasing magvolleyball si Shaine at minsan itong nagtry out kaso nagback out rin dahil naging tight na ang schedule nito noon sa modelling. AN: Ganyan kaastig si Shaine. Maganda na, matalino, mayaman at magaling pa sa halos lahat na ata ng sports. Yun nga lang. TOMBOY. hahaha... "Please Ms. Shaine! Nagmamakaawa kami sa'yo! Kahit ngayon lang sana! Mas malaki ang chance na matalo namin sila kapag andun ka e! Kung hindi lang sana nainjured si Ms. Josie di ka sana namin kukulitin kaso kulang kami ngayon ng players! Sige na naman! Pumayag na you. Naiexcuse ka na naman namin sa mga teachers. Please Ms. Shaine. Huhuhu..." Halos maglumuhod na sa pagmamakaawa si Betty. "Hindi kasi pwede. Kailangan naming umuwi ng maaga ngayon ni MeiMei. As you can see, medyo masama ang pakiramdam nya. Pasensya na." Ang sabi naman ni Shaine na parang nahihirapan ding magdesisyon. Halata namang nalungkot ang mukha ng tatlong babae. Bumagsak ang mga balikat ng mga ito kaya parang sya tuloy ang nakunsensya. Tinanggihan ng mga ito ni Shaine kahit na alam nya na gusto rin naman talagang maglaro ng mahal nya. Hilig nito iyon pero para sa kanya tinatalikuran nito. Ganun si Shaine. Sya palagi ang priority. "Ahh.. Mahal, Ok lang. Tulungan mo na sila. Kaya ko namang umuwi mag-isa e. Tatawagan ko na lang ang driver at sasabihin na sunduin na lang ako. Di mo na ako kailangang ihatid. Pagbigyan mo na sila." Sabi nya na pinagliwanag naman ng mukha ng tatlong babae. "Sigurado ka? Di ka ba nahihilo Mei?" Nag-aalala pa ring tanong nito na hinawakan pa ang mukha nya. "Ok lang ako Mahal Ko. Sige na samahan mo na sila." Nakangiti nya nang sabi para di na ito mag-alala. Bumuntong hininga si Shaine. "Sige na nga. Pero mag-iingat kayo ha. Wag ka munang aalis sa school hangga't wala pa si Mang Ben." Tukoy nito sa driver. "Yes mahal!" Masiglang sabi nya saka pa sila nagkiss ng mabilis sa harap ng tatlo bago umalis ang mga ito. Ayun mag-isa na tuloy syang naglalakad palabas ng school. Pero maya-maya ay pinakiramdaman nya ang sarili. Parang bigla yatang nawala ang sakit ng tiyan nya. Nahiya atang lumabas. Weird. Naglakad na lang ulit tuloy sya pabalik. Baka panoorin nya na lang siguro sa paglalaro ang mahal nya. Parang tinatamad na din sya pumasok e. Sa likod na lang sya dumaan para di mapadaan sa classroom at mahuli pa ng teacher na magkacutting sya. Hehehe... Nang bigla na lang ay may napansin syang magjowa sa likod ng OVAL. Walang masyadong tao at tahimik sa lugar na iyon kaya rinig na rinig nya ang boses ng mga ito. At nanlaki ang mata nya nang makita kung sino ang guy. Si Abet! Ang first love nya na pinagnasaan nya na simula pa lang ata na natuto syang maglandi! Ang long time crush nya simula elementary hanggang 4th year highschool! Nagtago sya sa damuhan. "I'm sorry Cristina. But I have to end our relationship. I can't do this anymore. I'm already in love with someone else." Malungkot na sabi ni Abet sa umiyak na babae. "Bakit Abet? May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan? Saan ba ako nagkulang? Bakit nagawa mong magmahal ng iba?" Mababa ang tinig pero puno ng paghihirap na tanong ng magandang babae. "I'm sorry..." Ang nasabi na lang ni Abet na di naman talaga sinagot ang tanong ng babae. Ilang segundo rin na hinuhuli ni Cristina ang mga mata ni Abet pero nakayuko lang ang lalaki. Hanggang sa pinakawalan ni Cristina ang galit nito sa pamamagitan ng pagsampal sa lalaki. "I hate you Abet! Simula ngayon kakalimutan na kita! Wag na wag ka ng lalapit sa akin ulit dahil hinding hindi na kita papatawarin!" Ang sigaw ni Cristina sa pagitan ng paghagulgol. Tahimik pa rin si Abet hanggang sa nakatakbo na palayo si Cristina. Maya-maya pa ay malungkot na lumapit si Abet sa isang puno at pinagsusuntok iyon! Para bang galit na galit din ito sa sarili nito! Nataranta tuloy si MeiMei. "Wag!" Malakas na pagsigaw nya na nakaagaw sa pansin nito. Tuluyan na syang lumabas sa pinagtataguan. "MeiMei?" Parang takang-takang sambit nito. At di naman nakakapagtaka yun dahil ngayon na lang ulit sila nagkita. Lumapit sya sa lalaki at kumuha ng panyo sa bulsa at itinali sa nasugatan nitong kamao. "Wag mong saktan ang sarili mo Kuya Abet. Kung kailangan mo ng kausap nandito ako." Mabait na sabi nya. Umupo sila sa isang bench doon. Tahimik pa rin ang lalaki. Nilabas nya ang bag. Buti na lang girl scout sya at may baon syang betadine, bulak at bondage. Nakasanayan nya ng magdala ng ganun dahil leader ng Frat ang Kuya Damon nya dati kaya madalas ay napapabasag ulo ito at sya nagiging nurse. "Ummm... Kuya Abet. Pasensya ka na pero di ko naman gustong makinig sa usapan nyo e. Napadaan lang ako kanina." Paggawa nya ng conversation habang ginagamot ang sugat nito dahil masyado itong tahimik. Ngumiti lang ang lalaki. Yun yung ngiti na matagal-tagal rin nyang kinabaliwan dati. "Ayos lang Mei. Alam ko naman na di ka tsismosa at napadaan ka lang talaga." Mabait na sabi nito. "Umm... Totoo ba na nakipagbreak ka kay Ate Cristina kasi di mo na sya mahal? Pero di ba ikakasal na kayo?" Bigla nya naitanong dahil sa pag-aalala. "Yeah. Mahal na mahal ko si Cristina at alam mo yan. Pero Bigla na lang akong nagising isang umaga na wala na yung pagmamahal na yun e. Hindi kasing perfect ang Love na inaakala mo MeiMei. May mga bagay na akala mo permanente na but everyrhing changes at kasama na run ang pagmamahal. Siguro ngayon mahal mo ang isang tao pero bukas makalawa maaring wala na pala ang pagmamahal na iyon..." Seryosong sabi ni Abet na nagpaisip sa kanya. Bigla nyang naisip si Shaine. Yun rin kaya ang dahilan kaya parang takot na takot si Shaine na baka mawala ang love nya rito? Mangyayari rin kaya sa kanya yung nangyari kay Abet na bigla na lang nawala ang pagmamahal sa babaeng pinakamamahal nito? Parang isipin pa lang nya na mawawala ang feelings nya kay Shaine ay parang natatakot na sya. Pakiramdam kasi nya ay ito na ang matagal nya ng hinihintay. Marami na silang pinagdaanan at sinakrapisyo para sa isa't-isa pagkatapos sa paghihiwalay lang hahantong ang lahat? Ilang oras pa nga lang nyang di nakakasama si Shaine ay atat na atat na agad syang makita ito e. Posible pa nga kaya na mawala pa ang feelings nya kay Shaine kahit na baliw na baliw sya rito ngayon? Pero Kilala nya si Abet. Hindi ito ang tipo ng lalaking manloloko at nakita nyang seryosong seryoso pa ito kay Cristina noon pero ngayon nawala na lang ang feelings nito ng ganun-ganun na lang? "Ikaw MeiMei? Kumusta ka? Nabalitaan ko na kayo na ni Shaine." Usisa naman nito. "Ah oo." Maikling sagot nya. Di nya alam kung bakit pero parang bigla syang nahiya na alam nito ang relasyon nila ni Shaine. Di naman nakapagtataka dahil sikat si Shaine pero parang hindi nya lang talaga gusto na malaman ni Abet na isa na syang lesbian. Parang bigla syang nahiya sa magiging reaksyon nito. "Alagaan mong maigi ang relasyon nyo Mei. Dahil di madaling bagay yang pinasok mo. Maraming tao na huhusgahan kayo pero kahit ano pa man ang desisyon mo palagi mo lang tatandaan na susuportahan kita." Mabait na sabi nito sabay hawak sa kamay nya. Hindi na naman nya maintindihan pero parang nakaramdam sya ng kaba sa ginawa nito. Napatingin sya sa kamay nila na magkahawak at para bang ayaw nyang tanggalin nito iyon sa kamay nya. Ano na bang nangyayari sa kanya? STRANGE LOVE ©lady_phoenix16 CHAPTER 47: Captive Hearts Nanalo sa practice ng magkalabang school ang team phoenix. At yun ay dahil kay Shaine. Alam ni MeiMei na masayang masaya si Shaine sa paglalaro. Lalo pa at ito ang pinakanagpapanalo sa grupo. Ilang araw pa ay inalok ulit si Shaine kung gusto ba raw nitong opisyal na sumali na sa grupo. Alam nya gusto din ng mahal nya pero nag-aalangan na naman ito ng dahil sa kanya dahil mababawasan lang ang mga oras na magkasama sila. Madalas nababasa nya na din ang iniisip ng mahal nya. "Shaine, kung gusto mong sumali sa volleyball team ok lang naman sa akin e." Nasabi nya rito nung pauwi na sila. "Eh sino ang maghahatid sa'yo pauwi?" "Ih kaya naman ang sarili ko e. Di naman na ako bata. Saka kung iniisip mo naman na mababawasan ang mga oras na magkasama tayo eh ano ba naman yung ilang oras lang na practice nyo after class Wag mo ikulong ang mundo mo sa akin Shaine. Gusto ko mag-enjoy ka naman. Nagstop ka na nga sa modelling eh. At alam ko namang dahil rin sa akin yun. Kasi gusto mo kong makasama. Ayaw ko naman na pati mga school activities iwasan mo na ng dahil sa akin." Pagpapaintindi nya rito kahit na sya ay parang ayaw din naman talagang pasalihin sa team si Shaine dahil sigurado mas lalo lng itong sisikat sa school pero alam naman nya na yun ang gusto ni Shaine kaya ayaw naman nyang humadlang. "Sigurado ka ba Mei? Ok lang talaga sa'yo?" Muli pang tanong nito. Ngumiti naman sya saka kumapit sa batok nito sabay halik dito sa lips. "Pwede naman nating sulitin ang mga oras na magkasama tayo pag nasa bahay na tayo eh." Mapang-akit na sabi nya at sa tingin nya ay nakuha nito ang ibig nyang sabihin dahil bigla itong napatawa. "Bastos ka talaga." Mahinhin pang sabi nito. "Anong bastos? Ang iniisip mo ang bastos. Kaw huh. Mahal ko, your so naughty. Hihihi..." Malanding sabi nya na nagpatawa lang rito lalo. Pero maya-maya ay sumeryoso na ito. "Thank you Mei huh? Napakasupportive mo. I'm really blessed to have you in my life. I love you so much Mei." Nakangiting sabi nito. "I love you more." Sabi nya saka humalik muli rito. Kaya ang ending palagi na syang mag-isa after class. Si Shaine kasi ay madalas eh gabi na kung umuuwi at pagod pa ito pagbalik kaya di na sya masyadong nalalambing dahil parang mas gusto pa nitong matulog. Nung mga oras na iyon ay uwian na. At as usual ay hinila na naman palayo sa kanya si Shaine nung mga team mates nito. Wala naman syang magawa dahil pinayagan naman nya si Shaine sa gusto nitong gawin. Napaupo sya sa isang bench roon sa OVAL ng nakasimangot. Parang ayaw nya munang umuwi at makita si Mang Ben. Mas lalo lang nyang maiisip na mag-isa lang sya. Nang bigla na lang may tumakip sa mga mata nya mula sa likod. "Mahal Ko?" Excited na tanong nya. Para madisappoint lang ng makitang hindi pala si Shaine yun kundi si Abet. "O bakit parang disappointed na disappointed ka na hindi pala si Shaine ang pumiring sa mata mo at ako? Parang dati lang eh gustong gusto mo na sinusupresa kita ng ganito." Pagbibiro nito na tumabi sa kanya sa upuan. Totoo rin naman kasi ang sinabi nito. Si Abet ang nagpauso sa kanya ng mga piring-piring sa mata bilang pagsurprise kaya ginagawa nya na rin iyon sa iba kahit pa kay Shaine. Naaalala pa nya kung gaano syang kapatay na patay noon kay Abet. Lahat ng klase ng pagpapapansin ay ginagawa nya para rito. Grade 6 sya nung una nya itong makita nang minsan syang isinama ng Mama nya sa Phoenix National High School at estudyante nito sa star section si Abet. 2nd year high school na ito noon at ang tali-talino nito kaya nagkacrush agad sya rito. Lalo pa at palagi sya nitong tinuturuan sa assignments at madalas pang kurutin ang pisngi nya ng parang bata. Halos araw-araw na syang sumasama noon sa pagtuturo ng Mama nya sa klase para lang makita ito. Kung ano-ano pa ang binibigay nya rito para lang mapansin nito na crush nya ito pero sadyang manhid si Abet nun. Nakita nya na parang bata kung ituring sya nito kaya naman nung tumuntong sya noon sa high school ay nahilig sya sa mga blind dates dahil gusto nyang kalimutan na ito. Kaso malas yata talaga sya pagdating sa lalaki kaya puro palpak ang mga lalaking nakakadate nya. Karamihan babaero, mukhang pera at basagbulero. Meron pang isa na nagtangkang kumuha ng virginity nya at mabuti na lamang at dumating si Abet noon para iligtas sya. Nag-alala noon para sa kanya ang lalaki kaya kulang na lang ay maging bodyguard nya ito sa kababantay nito sa kanya. Ang sweet at sobrang bait sa kanya ni Abet kaya akala nya nagkakagusto na rin ito sa kanya kaya nagtapat sya ng love dito. Para malaman lang pagkatapos na may girlfriend pala ito at yun na nga si Cristina. Ang sabi nito parang nakababatang kapatid na babae lng daw talaga ang tingin nito sa kanya. Sobra syang nasaktan that time dahil si Abet ang first love nya. Iniwasan nya na ito noon. Di na sya dumadaan sa 4th year section nito nung highschool kagaya ng nakasanayan nya na para lang masilayan ang mukha nito. Hanggang sa nalaman nga nya na sa Phoenix University na rin pala ito nagcollege. Di nya na rin ito pinuntahan sa IT department kahit na kailan hanggang sa nagkausap na nga sila last week nung nakipagbreak ito kay Cristina. Alam naman nyang hindi kasalanan ni Abet kung talagang di sya nito nagustuhan noon. Di naman napipilit ang pagmamahal at sinabi naman nito ng maayos sa kanya noon na mahalaga pa rin sya rito kahit na di sa paraan na gusto nya. Sya lang talaga ang lumayo pero alam nya na mabuting tao ito kaya naman kahit kailan ay di nawala ang respeto nya sa lalaki. Sa totoo lang, isa sa dahilan kung bakit minahal nya noon si Abet ay dahil nakita nya na iba ito sa lahat ng lalaki. Dahil malinis ang puso nito at sobra talagang bait. Yun nga lang. Hindi sya minahal. "Mei, ayos ka lang?" Tanong sa kanya ni Abet. Dun naman sya natauhan at bumalik sa realidad mula sa paggunita ng nakaraan. "Ah oo. Ok lang ako." Sagot nya. "May problema ba kayo ni Shaine?" Tanong nito. Saka nya naisip na wala naman sigurong masama kung mag-open up sya rito. "Si Shaine kasi e. Pinayagan ko syang sumali sa volleyball team. Alam ko naman na masaya sya kaso ewan ko ba. Parang nababawasan yung time namin para sa isa't-isa. Magkaklase nga kami pero after class maghihiwalay na agad kami kasi kailangan nyang pumunta sa practice. Hindi naman ako dapat magtampo sa kanya dahil ako naman ang nagsabi na wag nyang ikulong ang mundo nya sa akin pero ewan ko ba. Di ko lang talaga maiwasang hindi malungkot. Pag umuuwi kasi sya sa bahay nagpapahinga na lang sya. Pakiramdam ko paunti-unti nawawala na sya sa akin..." Ang nasabi nya. Tumahimik naman ito saglit at para bang tinitimbang ang nararamdaman nya. "Dahil ba dyan gusto mo na lang makipaghiwalay?" Biglang tanong nito na ikinagulat nya. "Hindi! Di pumasok sa isip ko kahit kailan na hiwalayan si Shaine! Masyado ko syang mahal para gawin yun!" Todo iling na sabi nya. "Kung ganun, selos ang dahilan mung bakit nagkakaganyan ka?" Tanong nito. Natigilan tuloy sya. "Iniisip mo na masyado syang magaling at mahal ng tao para itago lang sa mundo mo hindi ba? At dahil dun di mo maiwasang hindi mainsecure kung deserving mo nga bang kainin ang lahat ng oras nya." Malalim at may kahulugang sabi nito. Para bang nababasa nito ang iniisip nya. "Siguro. Pag tinitingnan ko kasi si Shaine naiisip ko na hindi siguro sya para sa akin. Maraming nagmamahal at humahanga sa kanya. Nagiging inspirasyon sya ng iba at kung tutuusin dapat malawak ang mundo nya pero nang dahil sa akin lumiliit yun. Kung minsan pakiramdam ko gusto ko syang ikulong sa hawla. Para di na sya makita ng buong mundo at sa akin lang sya. Pero alam ko na mali yun. Pakiramdam ko kasi pag-aari sya ng buong mundo e. Parang isang kasalanan na ikulong sya sa mundo ko. Sa tingin mo ba Kuya Abet napakasama kong tao? Kasi napakamakasarili ko pagdating kay Shaine..." Nag-aalalang tanong nya. "Di ka masama Mei. Isa ka sa pinakamabuting taong nakilala ko. Talagang mahal mo lang talaga si Shaine kaya ka nagkakaganyan. Yang pagiging makasarili at lungkot na nararamdaman mo ay nagpapatunay lang na walang taong perpekto. Nakakaramdam tayo ng inis, galit o pagseselos kahit na ayaw natin. Pero Kung talagang mahal mo si Shaine iintindihan mo sya. At alam ko naman na mahal na mahal ka rin nya kaya alam ko malalagpasan nyo rin yan. Hayaan mo, nandito lang ako palagi para pasayahin ka." Mabait na sabi ni Abet na ginulo pa ang buhok nya na parang bata. Nahawa na tuloy sya sa ngiti nito. Talagang naiintindihan at nababasa sya nito na parang isang libro. Kaya di kataka-takang minahal nya rin ito noon... "Salamat ha? Buti andyan ka at may nalalabasan ako ng sama ng loob." Sabi nya at sa gulat nya ay biglang hinila sya nito payakap rito. "Basta ikaw Mei. Kahit ano para sa'yo gagawin ko..." Malumanay na sabi nito na humaplos tuloy sa puso nya. Maya-maya ay di na namalayan ni MeiMei na gumanti na rin pala sya ng yakap sa lalaki. At yun na ang eksena na nasaksihan ni Shaine! "Mei?" Pagtawag ng kadarating lang na si Shaine. Biglang naghiwalay ang nagulat na sina Abet at MeiMei. Nakita ni MeiMei ang nasasaktang mukha ng mahal nya... STRANGE LOVE © lady_phoenix16 Chapter 48: Break Up "Anong ibig sabihin nito MeiMei?" Nakasimangot na tanong ni Shaine sa kanya. Umalis tuloy sya sa tabi ni Abet at lumapit kay Shaine. "Ahh, Shaine. Akala ko may practice kayo?" Nagulat pero nagawa pa nyang magtanong. "Di natuloy." Sagot nito na masama pa rin ang tingin kay Abet. "Ahh, Kaibigan ko sya dati. Si Kuya Abet. Kuya Abet, sya naman si Shaine. Kilala mo na sya di'ba?" Parang natatarantang sabi ni MeiMei. Napataas naman ang kilay ni Shaine pagkarinig sa pangalan na binanggit ni MeiMei. Ito nga ba yung Abet na sinabi ni MeiMei na first love daw nito? "Hi, Shaine. Ako si Abet. Dating kuya-kuyahan ni MeiMei. Marami na akong narinig tungkol sa'yo. Totoo pala ang sinabi nila. Napakaganda mo nga." Sabi ni Abet na inabot pa ang kamay nito pero tiningnan lang iyon ni Shaine. Para tuloy napahiya si Abet. "Ahh MeiMei. Mauna na ako ah. Mukhang kailangan nyo munang mag-usap eh." Paalam ni Abet saka na umalis at tumango na lang si MeiMei. "Sya ba yung sinasabi mong first love mo?" Halatang nagseselos na tanong ni Shaine nang makaalis na ang lalaki. "Oo sya nga." Matipid na sagot nya. "Eh bakit magkasama kayo? Nanliligaw ba sya sa'yo?" "Hindi. Di sa ganun yun." "Gusto kong iwasan mo na sya. Ayaw ko nang lumalapit pa sya sa'yo." Pag-uutos nito. "Di ko pwedeng gawin yun Shaine! Magkaibigan kami at isa pa wala naman kaming ginagawang masama e!" "Kahit na! Baka bumalik ang feelings mo sa kanya kapag sumasama ka pa sa kanya!" "Hindi mangyayari yun! Wala ka bang tiwala sa akin? Si Kuya Abet na nga lang ang sumasama sa akin pag wala ka eh pagkatapos gusto mo pa syang paalisin sa buhay ko!" "Ah ganun? E sino bang nagsabi sa akin na sumali ako sa team? Di'ba ikaw naman? Pagkatapos ngayon maghahanap ka ng iba?" Naiinis na din na tanong ni Shaine. "Hindi sa ganun pero unfair ka na kasi! Wala namang basehan yang pagseselos mo!" "Walng basehan eh ano yung nakita kong yakapan nyo kanina?" Di na tuloy makasagot si MeiMei. Paano ba nyang ieexplain kay Shaine na inaalo sya ni Abet dahil sa lungkot nya na di nya na ito masyadong nakakasama samantalang sya naman ang nagpasali rito sa volleyball team? "Di ka na nakasagot. Sabihin mo nga sa akin MeiMei. Mahal mo pa ba ako?" Biglang tanong ni Shaine na natatakot rin sa isasagot ng babae. "Ano ba namang klaseng tanong yan Shaine? Masyado ka ng selosa!" Parang nairita lang lalo tuloy si MeiMei. Dahil sa reaksyong yun nalungkot tuloy si Shaine. Pinipigilan lang nya ang sariling luha dahil alam nya na may basehan naman talaga ang selos nya. Di lang siguro aware pa si MeiMei pero nakikita nya sa mga mata nito na may bakas pa rin ito ng pagkakagusto sa lalaking iyon. Ni hindi nito masagot ang simpleng tanong nya kung mahal pa ba sya nito. "Magkiquit na ako sa volleyball team kung yun lang ang magiging dahilan para malayo ka sa akin. Mas importante ka sa kahit anumang bagay para sa akin sa mundong ito MeiMei. Hindi ko kayang mawala ka." Tuluyan ng pumatak ang luha ni Shaine. "Pwede ba Shaine? Wag ka ngang masyadong paranoid! Kung minsan yan din ang kinaiinis ko sa'yo! Masyado mong pinapaikot ang mundo mo sa akin na kung minsan nakakasakal na! Magkuquit ka sa team para ano? Para bantayan ako ganun? At wag na wag mo akong uutusang layuan ang mga taong mahalaga sa akin! Kung wala kang tiwala sa akin mas mabuti pa siguro kung maghiwalay na lang tayo!" Tuloy-tuloy na sabi ni MeiMei na di na iniisip pa ang mararamdaman ni Shaine. Uminit na rin ang ulo nito dahil sa sagutan nila. Dun na lumayo paalis sa harap nya si MeiMei. Pumunta si MeiMei sa isang Bar at nagpakalago sa alak. At ang kasama nya? Walang iba kung hindi si Abet. "Bakit sya ganun Kuya Abet? Kahit ilang beses ko ng sinabi sa kanya na mahal ko sya parang di sya naniniwala? Parang palagi nya akong pinaghihinalaan na magtataksil ako sa kanya! Hik!" Lasing na lasing ng pagkukwento ni MeiMei. "Mei. Tama na yan. Intindihin na lang natin si Shaine. Nagselos lang talaga siguro sya sa nakita nya. Wag ka ng magpakalasing ok?" Pakiusap ni Abet na hinihila palayo sa babae ang alak. Pero di naman ito pumapayag. "Tumigil ka nga dyan! Eh sa gusto kong uminom eh ano bang pakialam mo?" Iritadong sabi ni MeiMei na lasing na lasing na talaga. Tinangka pa nitong tumayo pero natumba naman at mabuti na lang at nasalo nya ito. Binuhat nya ang babae at sinakay sa sasakyang pinahiram sa kanya ni Marcel. Di nya alam ang bahay ni Shaine kaya sa condong pinahiram lang din sa kanya ni Marcel dinala nya ang babae. Kumuha sya ng bimpo at bahagyang pinunasan ang mukha ni MeiMei nang maihiga nya na ito sa malambot na kama. Hindi nya maiwasang hindi matitigan ang maamong mukha ng babae. Hinaplos haplos pa nya iyon. Sa totoo lang ay hindi naman talaga sya manhid noong high school pa lang sya. Crush nya rin naman noon si MeiMei at alam nya na patay na patay ito noon sa kanya pero pinigilan nya lang ang nararamdaman nya. Masyado pa kasi itong bata nung mga panahong iyon at para bang kasalanan na magkagusto sya dito. Dagdag pa na binalaan sya ng Mama nito na wag liligawan ang anak nito dahil nga masyado pa itong bata. Kaya sumunod sya at pinangako sa sarili na hihintayin nya na lang na magdalaga ang babae. Pero di rin nasunod ang panata nya. Ang totoo kasi ay di sya kasing bait at kasing perpekto gaya ng inaasahan ni MeiMei. Naisip nya na puppy love lang sya ng babae at masyado sya nitong tinitingala na parang Kuya kaya di rin naiwasan na naakit din sya sa ibang babae katulad ni Cristina. Nung maghigh school na si MeiMei at nalaman nya na nakikipag blind date ito sa iba't-ibang lalaki ay pakiramdam nya noon ay sasabog sya sa selos. Kaya halos idikit nya ang sarili noon rito kaya nahalata rin siguro nito na gusto nya rin ito. Pero nung nagconfess sa kanya ito ay tinurn down nya lang ito. Yun ay dahil may girlfriend na sya. Naduwag sya na masabihang manloloko ng iba kaya mas pinili nya si Cristina. Pero nagsisi sya nang marealize na mas mahal nya pa din pala si MeiMei kaya handa na sana syang makipaghiwalay kay Cristina nang si MeiMei naman ang lumayo. Dahil run inisip nya na kalimutan na lang ito. Ang sabi nya noon sa sarili ay siguro nga hindi sila para sa isa't-isa. Napamahal na rin naman sa kanya si Cristina pero ngayong nasa harapan nya si MeiMei ay para bang bumabalik na naman ang feelings nya rito. Nung una ay nakukunsensya pa sya na paghiwalayin ito at si Shaine pero ngayon na narito ito sa harap nya parang nawawala na lahat ng kunsensya nya. Ni wala na rin syang pakialam sa kasunduan nila ni Marcel. Ginagawa nya ng lahat yun para sa sarili dahil alam nyang mahal pa rin pala nya si MeiMei. At ngayong nagkaroon sya ng pagkakataon para maangkin ito ay sa tingin nya ay di nya na papakawalan pa iyon... Siniil nya ng halik ang natutulog na babae at gumapang ang halik na iyon sa buong katawan nito. Wala mang malay si MeiMei ay napapaungol ito na para bang ramdam pa din nito ang kahalayang ginagawa niya. 'I'm sorry Mei. But I have to do this...' Bulong nya saka gumalaw sa ibabaw ng nakapikit pa rin ang mga matang babae. STRANGE LOVE ©lady_phoenix16 CHAPTER 49: Ang Babae ay para sa Lalake Dahan-dahang nagmulat ng mata si MeiMei. Napahawak sya agad sa sentido nya dahil kumikirot iyon sa sakit. Di rin naman nakapagtataka dahil lasing na lasing sya kagabi. Nang biglang mapatingin sya sa katabi nya. Oo may katabi sya! Ang natutulog pa ring si Abet at kumot lang ang tumatakip sa mga hubad nilang katawan! Agad na tiningnan ni MeiMei ang ilalim ng kumot at nagulat sa nakita. Meron ngang bahid ng dugo roon! Hindi na napigilan ni MeiMei ang luha. Nawala na sa kanya ang isang bagay na pinakaiingatan nya! Nang dahil roon ay nagising tuloy si Abet. "Mei?" Bumangon si Abet pero malakas na sampal ang binigay ni MeiMei rito. "Hayop ka! Akala ko iba ka sa mga lalaki pero katulad ka rin pala nila! Sinamantala mo ko!" Pagtatalak ni MeiMei na pinagsusuntok sa dibdib ang lalaki. "Mei, listen! I'm sorry! Willing naman akong pnagutan ka kung magbunga ang nangyari at isa pa we're both drunk and----" Isa na namang malakas na sampal ang nakuha nito kaya di na nito naituloy pa ang sasabihin. "Drunk-drunkin ko yang mukha mo! Wag na wag ka ng lalapit sa akin kung ayaw mong manghiram ng mukha aa aso!" Galit at iyak pa din na sabi ni MeiMei sabay tayo na hinila pa ang kumot. Dahil run bumuyangyang tuloy ang pagkalalaki ni Abet pero di na yun nkita pa ni MeiMei dahil kinuha na nito ang mga damit sa sahig at pumasok sa CR. "Damn!" Pagmumura ni Abet na naihagis pa ang unan sa sahig. Hindi sya makapaniwala sa nagawa nya kagabi ng dahil sa kalasingan. nang dahil run ay siguradong di na sya mapapatawad ni MeiMei. Talagang balewala lang para rito ang nangyari sa kanila. Iyak naman ng iyak sa loob ng banyo si MeiMei. Pilit nyang sinasabon ng mariin ang katawan sa pagnanais na baka kahit papaano mabura nun ang nngyari sa kanila ni ABet. Pero alam nya na khit ano pang gawin nya ay wala na ring mangyayari. Nangyari na ang di dapat at ang tanga-tanga nya dahil nagtiwala sya kay Abet. Nang dahil rito napagsalitaan nya na naman ng masakit si Shaine. At ngayon nakapagtaksil sya nang di nya sinasadya! Agad na syang umalis sa condo at di na pinansin ang pagtawag ni Abet. Isa lang ang gusto nyang gawin ngayon. At yun ay ang makita si Shaine at humingi ng tawad rito. Pagbaba nya ng taxi ay nagulat pa sya nang makitang nasa labas na ang mga gamit nya. Nasa maleta na ang mga iyon. "Hey, Yaya Elvie! Ano pong ibig sabihin nito? Bakit nilalabas nyo ang mga gamit ko?" Nagtataka at natataranta na tanong nya paglapit sa mga ito. "Bakit di mo tanungin ang sarili mo? Sinaktan mo ang alaga ko!" Halatang galit na sabi nito na pinagtaka nya. Ganun ba talaga kagalit sa kanya si Shaine dahil lang sa mga sinabi nya kahapon? Oo nasabi nya na makikipaghiwalay sya pero wala naman syang balak seryosohin yun. Mahal na mahal nya si Shaine at di nya kakayaning mawalay rito. Nabigla lang rin sya sa nasabi dahil naiirita na sya sa pagiging paranoid nito. Maya-maya ay lumabas ng gate si Shaine. Agad syang lumapit rito. "Mahal Ko, anong ibig sabihin nito? Papalayasin mo na ako? Makakaya mo ba talagang maghiwalay tayo?" Umiiyak na tanong nya. Humarap ito sa kanya na walang expression ang mukha. Stoic. "Kahapon ka pa nakipaghiwalay di'ba? At sumampa ka na agad sa kama kasama ang isang lalaki!" Galit na sabi ni Shaine sabay hagis sa mukha nya ng dala nito na nalaglag pa sa sahig. Nagulat sya nang makita sa sahig ang mga pictures. Mga pictures nila iyon ni Abet na magkatabi sila sa kama habang natutulog na magkayakap at nakaunan pa sya dibdib ng lalaki! "Alam ko na first love mo ang lalaking yan at may feelings ka pa sa kanya kaya nakipaghiwalay ka sa akin MeiMei! Pero dapat ba na may mangyari sa inyo agad pagkatapos na pagkatapos pa lang na makipagbreak ka sa akin? Ang bilis mong makuha!" Pagsigaw ni Shaine na tuluyan na ring tumulo ang pinipigilang luha. "Shaine, hayaan mo akong magpaliwanag!" Natatarantang sabi nya na hinawakan pa sa kamay ang babae pero tinabig lang nito iyon. "Wala ka ng dapat ipaliwanag pa! Bakit, MeiMei? Paano mong nagawa sa akin to? Minahal naman kita ah? I know wala akong ganun katulad ng sa isang lalaki pero kaya kitang respetuhin at galangin! Pero hindi lang pala ganun ang gusto mo. Ang sakit-sakit ng ginawa mo! Para mo na ring pinamukha sa akin na hindi kita kayang paligayahin dahil lang sa parehas tayong babae! Siguro nga hindi tayo para sa isa't-isa! Malaya ka ng gawin ang gusto mong gawin. Pero simula ngayon ayaw ko ng makita pa ang pagmumukha mo kahit na kailan!" Umiiyak na sabi ni Shaine. "Shaine, sorry! Maniwala ka sa akin di ko ginustong mangyari yun! Wag mo akong paalisin, wala na akong mapupuntahan! Maawa ka sa akin, mahal na mahal kita!" Pagpapaliwanag nya pero nagmistula na itong bingi at di na naririnig pa ang sinasabi nya hanggang sa makapasok na ito ulit sa loob at isinara na ng mga ito ang gate. Umiiyak na kinuha na lang ni MeiMei ang maleta nya at wala na ring nagawa kundi ang umalis. Sa loob ay iyak ng iyak rin si Shaine at nang makita nito si Marcel ay agad itong sumugod ng yakap sa lalaki. "Sss... Don't worry princess. Everything will be alright. Makakalimutan mo din sya. Hindi sya karapat-dapat mahalin mo." Pandedemonyo naman ni Marcel na tuwang tuwa dahil yakap-yakap nito ngayon ang babaeng pinakamamahal. Nagtagumpay ito sa plano nito. Talagang nawala na rin sa wakas ang tinik sa landas nya at kanyang kanya na si Shaine. "Ang sakit-sakit Marcel. Sa kabila ng ginawa nya alam ko mahal na mahal ko pa rin sya." Umiiyak na sabi ni Shaine. "Look into my eyes Baby, nagawa kang pagtaksilan ngayon ni MeiMei sa kabila ng pagmamahal mo sa kanya. Uulitin at uulitin nya lang yun kapag pinagbigyan mo pa sya. Hayaan mo na lang sya Shaine. Hindi pa huli ang lahat para magbago." Saka humiwalay sa pagkakayakap sa kanya si Marcel at hinawakan pa sya sa baba. "I'm here. Ako ang mas nagmamahal sa'yo. Isipin mo na lang na isa syang malaking pagkakamali sa buhay mo. Dahil ang babae ay para sa lalaki. Tama nang naging parte sya ng nakaraan mo. Pero ako? Handa akong maging parte ng past, present at higit sa lahat ng future mo. Papatunayan ko sa'yo na di ko gagawin sa'yo ang ginawa ng babaeng yun sa'yo. Dahil mahal kita Shaine." Pagkatapos nun ay saka siniil ng halik ni Marcel si Shaine na ginantihan naman ng babae... STRANGE LOVE ©lady_phoenix16 CHAPTER 50: Home Sweet Home Hindi malaman ni MeiMei kung san sya pupunta. Ngayong pinalayas na sya ni Shaine ay wala na syang ibang bahay na matutuluyan dahil ngayon naisip nya na wala naman pala talaga syang mga kaibigan bukod rito. At hindi rin naman sya makabalik sa bahay nila dahil tinakwil na nga sya sa kanila. Wala pa naman syang naipong pera dahil naubos na ang sarili nyang pera nung mga oras na bago pa lang sila ni Shaine at nahihiya syang galawin ang pera nito. Pumila sya sa ATM kahit napakaraming taong nakapila. Nang naandun na sya sa wakas ay nagulat sya nang makitang nakablock na ang card nya! Paulit-ulit pa nyang pinabalik-balik ang card nya sa machine sa pagbabakasakaling bumalik ang 50 thousand na nilagay dun ni Shaine. Sinubukan din nyang gamitin ang mga credit cards nya pero wala ding laman at nang pumunta sya sa bangko para gamitin ang 3 million na nasa bank book nya ay dun nya napag-alaman na pinablock na daw iyon lahat ni Shaine. Dahil dun lalo syang nasaktan. Ganun ba talaga ito kagalit sa kanya na pati ang mga bagay na ibinigay nito ay binawi pa nito? Ganun nya ito nasaktan sa mga pictures na nakita nito. Akala nito talaga ay nanlalake sya. Nawalan na tuloy sya ng gana. Gutom na gutom na sya at di pa sya kumain ng umagahan at tanghalian simula nung umalis sya sa condo nung rapist na si Abet. Yung 200 na natitirang pera nya sa bulsa ay naipangtaxi nya pa papunta sa mansyon nila Shaine dahil wala namang jeep o trycicle na nadaan doon dahil pangmayamang lugar iyon! Naisip nya tuloy na mamalimos na lang kaya sya? Pero sino namang maniniwala na pulubi sya eh mamahalin pa yung damit na suot nya na si Shaine rin ang bumili. "I'm really nothing without Shaine! Huhuhu..." Pagsigaw nya na parang nababaliw na. Nang bigla-bigla na lang ay may naramdaman na syang kutsilyo na nakatutok sa tagiliran nya. Saka nya napagtanto na nasa eskinita nga pala sya ngayon kung saan walang tao masyado at pagabi na rin! Kung minamalas ka nga naman! Huhuhu... "Ibigay mo sa akin ang maleta at mga pera mo kung ayaw mong mamatay." Pananakot ng holdaper na mabaho ang hininga. Hilo na nga sya sa gutom mas lalo pa syang nahilo gawa ng umaalingasaw na fresh breath nito. "O ayan manong! Kunin nyo na! Wag nyo lang akong papatayin!" Takot na binigay nya na rito ang maleta, alahas, bag at cellphone nya. "Kulang pa to! Akina pera mo!" Reklamo pa ng lalaki. "Manong! Wala akong pera! Isasanla ko nga sana yang mga gamit ko eh para may makain ako kaso dumating na kayo! Wala na akong maibibigay sa inyo!" Sabi nya sa lalaki na nagsasabi ng totoo dahil kahit sya hindi nya na alam kung san sya pupulutin ngayon. Mas mahirap pa sya sa daga. "Ganon? Wala kang pera? Weee..." Parang Rene Requestas na sabi nito saka biglang gumapang ang tingin nito sa kanya mula ulo hanggang paa. "Pero cute ka ah. Gusto mo katawan mo na lang ang ibayad mo." Nakangising sabi nito na parang nakakaloko. Kinilabutan sya ng papalapit na ito. Kakarape lang sa kanya ng first love nya pagkatapos ngayon may gusto na agad sumunod? At isang katulad pa nito. Yak! Kadiri! Ewwwwwww!!! "Waggggg!!!! Shaine, tulungan mo ko!!!" Pagtili nya at sigaw sa pangalan ng babaeng minamahal nang bigla syang hilahin ng lalaki sabay sandal sa kanya sa pader at akmang ilalapit na ang nakakadiri nitong bunganga palapit sa kanya. Pero bago pa mangyari iyon ay may humablot na rito at sinapak ito sa bunganga. Di pa nakuntento ang nagligtas sa kanya at pinagsusuntok pa nito at pinagtatadyakan ang lalaki. "Tama na yan!" Pag-awat nya dahil baka mapatay na nito ang holdaper/pulubi. At nagulat sya nang makita kung sino ang saviour nya. Walang iba kundi si Damon! "Kuya?" Gulat na anas nya saka biglang umiiyak na yumakap sya sa lalaki. "Kuya, sorry! Patawarin mo ko! Hindi ko sinasadyang masaktan ka!" pAghagulgol nya na ng iyak sa dibdib nito. Yung pulubi naman na muntik na syang halayin ay nagtatakbo na palayo sa kanila. "Sss... Wag ka ng umiyak Mei. Wala na sa'kin yun. Matagal na kitang pinatawad." Pag-aalo ni Damon na hinahagod pa ang likod nya. Nang maghiwalay sila ay napansin nito ang mga dala nya. "May nangyari ba sa inyo ni Shaine?" "Wala na kami Kuya..." Ang nasabi nya na nagdulot lang lalo ng sakit sa kanya. Napaiyak syang lalo. "Hayaan mo na MeiMei. Nandito na ako. Uuwi na tayo. Patawarin mo ako kung naging masama akong kapatid sa'yo at inuna ko pa ang sarili ko kaysa sa mararamdaman mo." Paghingi nito ng tawad na ikinailing iling nya. "Hindi Kuya. Ako ang may kasalanan. Di ko napigilan ang sarili ko na mahalin rin si Shaine. Dahil dun nasaktan ka tuloy---" Sabi nya na di natuloy sa pagsasalita dahil tinakpan na ng daliri nito ang labi nya. "Past is past MeiMei. Wala na akong feelings kay Shaine kaya wala ka ng dapat pang alalahanin. We're family at dapat na iniintindi natin ang isa't-isa pero tinaboy ka pa namin. And I'm sorry for that." "Pero paano sina Mama at Papa?" Nag-aalalang tanong nya. "Matagal ka na nilang gustong sunduin kina Shaine pero pinipigilan lang sila ng pride nila. Mga magulang natin sila MeiMei. Di ka nila matitiis kahit ano pa man ang mangyari." Pagpapaintindi sa kanya ni Damon na hinahaplos pa ang mukha niya. At nang oras na iyon ay bumalik nga sila sa tahanan na matagal rin nyang hindi nasilayan. Napapaiyak pa sya habang tinitingnan ang buong kabahayan dahil ngayon lang nya narealize kung gaano nyang namimiss ang lugar na iyon. Nagulat pa sya nang makarinig sya ng yabag pababa ng hagdan. Ang Mama at Papa nila iyon ni Damon. Kinakabahan sya sa reaksyon ng mukha ng Papa nya nang papalapit ito sa kanya dahil seryoso ito pero bigla na lamang ay lumuluhang sinugod sya ng yakap ng Ama. "Patawarin mo ako anak! Naging napakawala kong kwentang ama sa iyo! Anak, wag ka ng aalis. Pangako, kahit na dito mo pa patirahin si Shaine tatanggapin namin sya. Patawarin mo kami kung kami pa ang unang humusga sa inyo imbes na umintindi. Kahit ano ka pa, anak pa rin kita at di na magbabago pa iyon!" Hingi na patawad ng Ama nya na nagpahagulgol na rin ng iyak sa kanya. Niyakap rin sya ng Ina ni Damon at nakangiti na hinila sya ng mga ito papunta sa hapagkainan at masaya na pinagsaluhan nila ang pagkain na bagama't di nga kasing rangya ng mga kinakain nya kina Shaine ay alam naman nyang pinaka the best na dinner na naranasan nya. Dahil muli ay tanggap na ulit sya ng pamilya at nakalimutan nya kahit na kaunti ang sakit na idinudulot ng paghihiwalay nila ni Shaine. Dito rin sya bumalik sa pamilya na totoo palang nagmamahal at handang tumanggap kahit na sino pa sya... STRANGE LOVE ©lady_phoenix16 CHAPTER 51: Damon VS Abet Naikwento ni MeiMei kay Damon ang lahat ng nangyari sa kanila ni Shaine kung bakit sila naghiwalay nito. At dahil yun kay Abet at alam nya na gustong gusto na naman manuntok ng kuya nya sa narinig nito. "Hayop na Abet na yun! Dapat sa kanya idemanda natin MeiMei! Nirape ka nya! Pinagsamantalahan ka nya na wala kang malay!" Galit na galit na sabi ni Damon. "Kuya, tama na. Hayaan na lang natin sya. Gusto ko na lang kalimutan ang lahat. Ayaw na rin sa akin ni Shaine kaya wala na rin namang maibabalik kahit na ipakulong pa natin si Kuya Abet." "At wala kang planong gawin sa rapist na yun?!" Lalo lang nagalit si Damon sa reaction ng kapatid. "Ayokong mapahiya Kuya. Pangit na ang tingin sa akin ng tao nung naging kami ni Shaine. Paano na lang pag nalaman pa ng lahat na rape victim ako? Ayaw ko na Kuya. Gusto ko na lang na matahimik ang buhay ko." Hindi nya na napigilan pa ang umiyak. Tahimik naman syang niyakap ni Damon. "Kuya pls? Wag mo na lang kasuhan si Abet. Kasalanan ko naman kasi nagtiwala ako sa kanya at dahil run kahit kailan di na sa akin mababalik pa si Shaine." Ang sabi nya. Di naman nagsalita ang kapatid at tahimik na inalo na lang sya nito. Ang akala ni MeiMei ay nakinig na sa sinabi nya si Damon pero nagulat sya nang pagbaba nya ay nakitang wala na ito. Kinutuban sya sa plano nitong gawin. Kilala nya ang Kuya nya. Normal na rito ang makipagbasagan ng ulo at ayaw nito sa lahat ay yung nakikitang inaapi sya kaya agad syang nagpunta sa bahay nina Abet. At tama nga sya ng hinala! Dahil naabutan nya na binubugbog ng kapatid nya ang lalaki sa harap mismo ng mga magulang nito na wala rin namang magawa dahil sa lakas ng KuyaDamon nya! "Kuya, tama na yan!" Pag-awat nya sa kapatid dahil duguan na halos si Abet. "Tama? Ayaw mo ng demanda hindi ba? Kung ganun papatayin ko na lang ang lalaki na to!" Galit pa din na sabi ni Damon pero sa gulat nya ay nasampal nya tuloy ito! "Tama na Kuya! Wala namang halaga sa akin ang nangyari sa amin ni Abet! Si Shaine ang mas importante sa akin at wala ring mangyayari kahit na patayin mo pa sya." Napaiyak na sya roon. Natahimik tuloy si Damon at si Abet naman ay pinilit tumayo kahit na paika-ika ito. Halos duguan ito dahil di man lang ito lumaban kay Damon. Dahil nakukunsensya ito sa ginawa kay MeiMei. "I'm sorry MeiMei. Handa naman kitang pasalan kahit ano pa man ang mangyari. Sana mapatawad mo ako sa nagawa ko. Kung alam mo lang kung gaano kong pinagsisisihan na nababoy kita. Pero yung nangyari sa atin? Gusto ko lang na malaman mo na kahit na wala lang sa'yo yun ay napakahalaga nun sa akin. Dahil mahal kita MeiMei." Ang sabi ni Abet na para bang nakukunsensya talaga ito sa nagawa nito. "At may gana ka pang magtapat sa kapatid ko pagkatapos ng ginawa mo? Ang kapal rin naman ng mukha mo!" Mainit pa rin ang ulo na sabi dito ni Damon pero pinigilan nya na ito sa braso. At sya ang lumapit kay Abet. "Mapapatawad lang kita kung magiging akin ulit si Shaine. Pero kung hindi mangyayari yun, wag ka ng umasa! Dahil isusumpa kita habang buhay Abet!" Galit na sabi nya na halos sigawan na ito sa mukha. Masamang masama ang loob nya. Di nya matanggap na wala na sa kanya si Shaine. Saka na sya tumayo para talikuran ang lalaki pero tiinawag pa sya nito. "Meron pang paraan para mabalik sa'yo si Shaine." Ang sabi nito. Napahinto tuloy sya sa paglalakad at muling napatingin rito. "Si Marcel. Sya ang may kasalanan kung bakit nilapitan kita ulit MeiMei pagkatapos ng maraming taon. Gusto nyang mapasakanya si Shaine kaya ginamit nya ako para mapaghiwalay kayong dalawa." Pag-amin ni Abet. "At nakikipagsabwatan ka sa gago na yun!?" Muling umakyat ang init ng ulo ni Damon. Nilapitan nitong muli ang lalaki at kinuwelyuhan. "I have no choice. He threatened me and my family's life kapag di ko sinunod ang gusto nya! Mawawalan ako ng scholarship at pati ang daddy ko mawawalan ng trabaho kung susuwayin ko sya. I only did that to survive!" Pagsigaw na din ni Abet saka na ito pabalyang binitiwan ni Damon. "But believe me, MeiMei. Lahat ng nangyari sa atin at ang feelings ko sa'yo totoo lahat yun. Matagal na kitang mahal pero naduwag akong sabihin sa'yo yun noon. Sana maintindihan mo ako Mei. Mahal na mahal kita." Pagpapaawa ni Abet. Pero di nya na pinansin pa ang sinabi nito. Nagmamadali syang umalis sa lugar na iyon na nabuhayan ng pag-asa kahit na papaano. Ngayong alam nya na si Marcel pala ang totoong dahilan kung bakit napalapit sya ulit kay Abet ay pwede nyang gamitin iyon para magpaliwanag kay Shaine. Pag narinig nito ang totoo baka malipat ang galit nito kay Marcel. Alam nya na maliit lang ang possibility na matanggap pa sya ulit ni Shaine pagkatapos ng nangyari. Alam nya na galit talaga ito dahil nakaya nga nitong palayasin sya sa bahay nito at pati ang mga perang ibinigay na nito sa kanya ay binawi pa nito. Pero handa syang igrab kahit gaano pa kaliit ang chance. She'll do anything para makuha ulit ito. Mahal na mahal nya si Shaine at sa isang linggo na di nila pagkikita ay pakiramdam nya ay unti-unti syang namamatay. Gustong gusto nya ulit ito makita. Mayakap at mahagkan. Sana mapatawad na sya nito. Gagawin nya ang lahat kahit lumuhod pa sya sa harap nito para lang magkabalikan sila! STRANGE LOVE ©lady_phoenix16 CHAPTER 52: The Middle Aged Woman From Hell Kinakabahan man si MeiMei ay pinilit nya na magdoorbell sa gate ng mansyon nina Shaine. Matagal bago may lumabas pero bumukas din iyon at iniluwa si Yaya Elvie. "Yaya Elvie please naman oh. Wag nyo kong paalisin. Gusto ko lang pong makausap si Shaine!" Pakiusap nya ng pinigilan nitong isara ulit ang gate nang makita sya. "At ano pang pag-uusapan nyo? Niloko mo na nga ang alaga ko eh. Alam mo ba kung gaano syang nasaktan sa ginawa mo?" Paninisi ng matanda. "Gusto ko lang malaman nyo Yaya Elvie na si Marcel po ang may kasalanan ng lahat. Tinakot at ginamit nya po si Abet para agawin ako kay Shaine at wala po akong malay nung may nangyari sa amin! Di ko rin po ginusto yung nangyari! Maniwala po kayo. Mahal na mahal ko po si Shaine. Di ko sya kayang pagtaksilan." Umiiyak na pakiusap nya. "Sigurado ka ba sa sinasabi mo?" Naninigurong tanong nito. Umuo naman sya. "Kung ganun pumasok ka! Kausapin mo si Shaine at nang magkaayos na kayo Hija. Sigurado matutuwa sya kapag nalaman nya ang totoo na hindi mo pala sya niloko!" Biglang bumait na sabi ng matanda saka sya pinapasok sa mansyon. Pero nasa malaking sala pa lng sya at paakyat na ng biglang parang reyna na bumaba ang Mama ni Shaine! Si Tita Marlyn! Kaya napaatras tuloy sya at agad naintimidate sa lakas ng aura nito. Napakaganda pa din nito sa kabila ng edad. Mukhang sossy, mataray at para syang lulununin ng buhay. "At sinong nagsabi sa'yo na pwede kang magpapasok ng hampaslupa sa pamanahay ko ha Elvie?" Galit agad na sabi ng senyora na tinitingnan sya mula ulo hanggang paa. "Senyora kaibigan po sya ni Shaine. Gusto nya lang pong makausap ang senyorita." Parang natatakot rin na sabi ni Yaya Elvie. "Hmmm... Kaibigan huh? O baka naman kaIBIGAN?" Mataray na sabi sa kanya ni Senyora Marlyn saka sya pinausukan ng hinithit nitong sigarilyo. Napalunok sya sa kaba. Para itong si Senyorita Angelika sa Marimar. Kontrabidang-kontrabida ang peg! "Sige, Elvie lumayas ka na! Madali!" Biglang panigaw na utos ni Senyora Marlyn. "Yes Senyora! Masusunod po!" Natatarantang pagsunod ni Yaya Elvie saka ito tumakbo paalis sa kanila. Lalo lang nadagdagan ang kaba ni MeiMei ng sila na lang ng Senyora. Paano nyang haharapin ang isang tigresa? Si Shaine mukhang anghel. Pero ang Mama nito parang galing sa impyerno! Huhuhu... "Kung ganon, ikaw pala ang kinahuhumalingang babae ng anak ko. Hindi ko talaga maisip ang dahilan kung bakit sya pumatol sa parang batang katulad mo! Hahaha..." Pang-iinsulto nito. "Di po ako pumunta rito para makipagmatahan senyora. Nandito po ako dahil gustong kong makausap si Shaine." Pagmamatapang nya na ikinataas ng kilay nito. Sa totoo lang ay nanginginig sya sa takot pero kailangan nya iyong harapin kung gusto nya talagang mabalik sa kanya si Shaine. "Bweno, alam ko naman ang dahilan ng pinunta mo rito e." Sabi nito na di na pinansin pa ang pagsagot nya at kinuha na nito ang check sa pouch nito. Nagsulat ito roon at binigay nito sa kanya iyon. "20 Million?" Nagulat at nanlaki ang matang tanong nya nang makita ang nakalagay sa tseke. "That's right Hija. Marunong ka naman sigurong magbasa. 20 Million kapalit ng paglayo mo sa anak ko. Yan lang naman talaga ang habol mo sa kanya kaya ka pumatol sa kapwa mo babae hindi ba? You just want her money. Good for you. May napala ka na rin sa ginawa mo." Nakangising sabi ni Senyora Marlyn. Marahas na binalik nya rito ang tseke. "Nagkakamali kayo ng iniisip! Hindi ko pineperahan si Shaine!" Pagtanggi nya. "Talaga lang huh? Kaya pala nababawasan ang mga savings ng anak ko ng dahil lang sa'yo. Alam ko na marami syang binibigay na mamahaling gamit sa'yo kaya wag kang magsinungaling. Dito ka pa nga tumira sa mansyon dahil tinaboy ka na sa inyo. You're nothing but a trash!" Sabi nito na dinuduro pa sya kaya naman napapaatras sya habang papalapit naman ito. "Aminado po ako na maraming binibigay sa akin si Shaine pero kahit kailan hindi ako ang nanghingi sa kanya. Mahal po namin ang isa't-isa Tita Marlyn. Maniwala po kayo!" Naiiyak na sabi nya. Parang ang baba-baba ng tingin nito sa kanya. "And you want me to believe your crap? Dream on little girl! Paano mong masasabi na kaya mong mainlove sa kaparehas mong babae? My daughter is not even a butch lesbian! I know that you're just using her at ayaw mong tanggapin ang inaalok ko because you want something bigger! You're such a social climber slut!" Paninigaw na ng senyora na lalo lang nagpaiyak sa kanya. Minamata na nito ang pagkatao nya ay di pa nito pinaniniwalaan ang pag-ibig nya. "Hindi ko na po kayo pipiliting maniwala sa akin Tita. But please, hayaan nyo po akong makita si Shaine at makausap kahit na saglit lang. Mahal na mahal ko po sya." Pagpapakumbaba nya na halos maglumuhod na sa harap nito. Alam nya na wala ring mangyayari sa paglaban nya rito. "Iniisip mo ba talaga na mahal ka ng anak ko?" Nang-uuyam na sabi nito na nagpatingala sa kanya. "She's just playing with you. There's no way na magagawa nya talagang magpakalesbian para sa'yo. Nagliliwaliw lang ang anak ko because she's bored at ikaw ang nakita nyang paraan para magkaroon ng thrill ang buhay nya. You know that she gets whatever she wants right? At bago sa kanya ang pumasok sa isang lesbian relationship kaya I'm sure marerealize din nya na hindi sya ganun. She's just BI curious and you took advantage of that." Sabi pa nito na parang tumarak sa dibdib nya. May point ang senyora sa sinasabi nito kaya ngayon nakakaramdam na sya ng takot. Dahil sya ay siguradong sigurado na sa feelings nya para kay Shaine. She doesn't want anyone else but her. "Pagsasawaan ka rin nya. Kaya kung talagang mahal mo ang anak ko at ayaw mong masaktan layuan mo na sya. She's better off without you. Hindi mo ba nakikita? Maraming tinalikurang bagay ang anak ko para sa'yo. She became miserable lalo pa na kahit ang career nya ay pinagpalit nya pa para sa'yo. Malawak ang mundo ng anak ko pero nung naging kayo nakulong na sya sa mundo mo. Sya ang nag-iisa kong anak kaya hinding hindi ako papayag na sa'yo sya babagsak!" Seryosong sabi pa nito na pinamukha pa talaga na di sya nakakabuti para kay Shaine. At alam nya rin sa sarili na totoo iyon. Kahit sya mismo ay ganun ang iniisip pero binalewala nya dahil sa sobrang pagmamahal nya kay Shaine. "If you really love my daughter then don't be selfish. Sa ganung paraan mo lang makukuha ang respeto ko babae. She's belong to the world at hindi lang para sa'yo. And besides, she's getting married to Marcel kaya wala ka ng magagawa pa." Sabi nito na nagpagulat bigla sa kanya. "Ikakasal na si Shaine?!" "At mukhang wala ka talagang alam. Matagal ng magfiancee sina Shaine at Marcel at matagal ng nakaplano ang kasal nila simula pa noon. Sinabi ko naman sa'yo little girl, laro lang para kay Shaine ang lahat. Laruan lang ang tingin sa'yo ng anak ko at ngayong ikakasal na sya at handa ng bumuo ng pamilya ay hinding hindi ako papayag na sirain mo yun. Why don't you just get yourself a boyfriend? Tanggapin mo na lang ang perang ito at magsimula ng panibagong buhay." Ang sabi ng senyora saka muling inabot sa kanya ang tseke. Sya naman ay parang nawawala sa sarili na kinuha na lang ang ibinigay nito at halos wala na syang mailuwa pa dahil sa kanina pang pag-iyak. Wala na nga yata pang pag-asa na makuha pa ulit nya si Shaine. Dahil ikakasal na ito. At sa tunay pang lalaki... STRANGE LOVE ©lady_phoenix16 CHAPTER 53: Senyora Marlyn's Past Pabalik-balik ng lakad si Shaine sa room nya. Di sya mapakali. Sa araw-araw na ginawa ng diyos ay naiisip nya si MeiMei. Parang bigla syang nagsisi na tinaboy nya ito at nagawa pang palayasin. Alam nyang wala ng matutuluyan ang babae dahil hindi na naman ito pwedeng umuwi kina Damon dahil tinakwil na ito. Pagkaalala sa bagay na yun ay naisuklay nya ang mga daliri sa sariling buhok. Saka nya narealize na parang ang tanga-tanga nya. Bakit nga ba di nya binigyan man lang ng benefits of the doubt si MeiMei? Tinalikuran nito ang pamilya nito para sa kanya pagkatapos naiisip nya na basta-basta na lang syang ipagpapalit nito. Pero anong ibig sabihin ng mga pictures na nakita nya? First love nito si Abet at baka nga nagkaroon ng feelings ulit si MeiMei dito. Pero sa ganung kabilis na panahon nakalimutan na agad sya nito? Nagtatalo ang isip at puso nya. Sinasabi ng isip nya na niloko sya ni MeiMei pero sinasabi naman ng puso nya na binigyan nya sana ito ng pagkakataon na magpaliwanag pero di nya na ginawa yun. Masyado na syang nilamon ng galit at selos nung mga panahong yun. Pero mahal pa rin nya si MeiMei at puro ito lang ang tumatakbo sa isip nya. Ni hindi sya makatulog. Iniisip nya kung nakaupa kaya ito agad ng bahay para matutuluyan gamit ang mga savings na binigay nya rito o bumalik kaya ulit ito kay Abet at nakisama na sa lalaki? Bumalik na naman ang selos sa dibdib nya pagkaalala sa lalaki. Anong laban nya rito? Tunay na lalaki si Abet at sya naman ay babae rin. Tama lang si Marcel na dapat na lalaki rin ang mahalin nya. Pero para na syang mababaliw. She badly wants to see her! Naalala nya ang mga halik nito at mga yakap nito. Ang paglalambing nito. Ang childish nitong pagkilos at ang mga pagseselos nito. Dun na sya nagpasyang lumabas ng kwarto. Para makita lang ang nakabantay palang si Marcel! Napaatras tuloy sya nang lumalapit na ito. "Where are you going, my beloved Shaine?" Seryosong tanong nito na halatang naghihinala. Sa loob ng isang linggo ay halos bakuran na sya ni Marcel. Masyado itong natuwa ng magrespond sya sa halik nito at sinabi na pumapayag na syang magpakasal dito. He's so eager na makasal na sila kaya para bang minamadali na nito ang preperasyon sa kasal habang sya ay di nangingialam sa mga detalye niyon. Madalas syang bantayan ni Marcel at para bang nasasakal na sya rito. Di man nito hayagang sabihin ay alam nya na sinusuguro na nito na hindi na sya makakawala pa. He's so obsessed with her. "Umm... Dyan lang magpapahangin sa labas." Pagpapalusot nya. "I'll go with you." Alok nito. "Ahh hindi na. Ahhmm. Magpupunta pa kasi ako sa botique papaayos ako ng buhok. Saka may pag-uusapan pa kayo ni Mommy about sa business di'ba? Ako na lang." Nakangiting sabi nya na lihim na hinihiling na sana ay kagatin nito. Pero lalo lang nagdilim ang mukha nito at marahas na hinawakan sya sa braso. "I know what you're planning to do! You're going to see that monkey girl!" Pag-aasik nito. "Ouch. Let go of me, Marcel! It hurts!" Sabi nya na nagpupumilit na kumawala rito but he's too strong for her. "I won't let you! You're mine and you must forget about that ugly woman! Niloko ka na nga nya pagkatapos gusto mo pa ring maghabol? Are you insane?!" Galit na sabi nito habang sya naman ay tinodo ang lakas ng pwersa para maitulak ito. "I don't care! Walang akong pakialam kung niloko o hindi nya na ako mahal Marcel! I'm willing to do anything to get her back! Sya ang mahal ko kaya di na ako magpapakasal sa'yo!" Pagsigaw nya rito na kinatigil naman nito. Pagkatapos ay unti-unting kumalat ang sakit sa mukha nito. Gustuhin man nyang maawa rito ay sya naman ang hindi magiging masaya. Alam nya na kay MeiMei nya lang matatagpuan ang kaligayahan na hanap nya. "Anong kaguluhan ito?" Biglang tanong ng sosyal na Ina ni Shaine na si Senyora Marlyn. Papalapit na pala ito sa kanila. "Your daughter, Tita! Gusto nyang puntahan ang karelasyon nyang lesbyana sa kabila ng panloloko nito sa kanya!" Pagsusumbong ni Marcel. Naramdaman naman ni Shaine na tinititigan na sya ng mapanuring mata ng Mommy nya. Ina nga nya ito pero kahit kailan hindi sya naging malapit rito. Hindi ito naging ina sa kanya at madalas dinidiktahan lang sya nito sa dapat nyang gawin. "I'm not going to marry him, Mama! Si MeiMei ang mahal ko! This is what I am! I'm a lesbian kaya wag nyo ng ipilit sa akin na magpakababae ako dahil dito ako masaya! Kay MeiMei ako masaya kaya kung di nyo matatanggap yun kalimutan na lang ninyong anak nyo ko!" Umiiyak na sabi nya. Doon ay nakatikim sya ng malakas na sampal mula sa ina. Para namang nagulat rin ito at napatingin pa sa sarili nitong kamay. Doon na lumapit si Yaya Elvie. "Tama na ho yan Senyora! Wag ninyong sasaktan si Shaine! Mahal nya si MeiMei at hayaan nyo na lang sila!" Pagmamatapang ng matanda. "At sino ka sa tingin mong katulong ka? Isa ka lang muchacha!" Iritadong sigaw ni Senyora Marlyn na para bang gustong kalbuhin ang maid dahil sa pagiging atribida nito. "Katulong o Muchacha nga siguro ako pero mas naging ina pa ako kay Shaine kaysa sa'yo!" Pagsigaw na din ni Yaya Elvie na nakapagpasupalpal sa Mama nya. "Wag na wag mong kakalimutan kung saan ka nanggaling Marlyn! Dati ka ring katulong na naging asawa ni Reynaldo! Pero nagpasilaw ka sa salapi at nakalimutan mo na ang pagiging ina mo kay Shaine at inasa sa akin ang pag-aalaga sa kanya. Pagkatapos ngayon nagtataka ka kung bakit nagkaganito ang anak mo? Ikaw ang may kasalanan Marlyn! Naramdaman ni Shaine kay MeiMei ang pagmamahal na di nya nakita sa pamilyang ito! Bakit hindi mo magawang tanggapin na lang kung ano na ngayon ang anak mo? Dito mo na lng mapapakita sa kanya ang pagiging ina mo!" Madamdaming sabi ng katulong na nakapagpatahimik ng labis sa malditang senyora. Si Shaine naman ay napaiyak na lang. Ni hindi nya alam na may ganoong klaseng nakaraan ang sariling ina. Buong akala nya anak mayaman rin ito na naipagkasundo sa Daddy nya noon. "Shaine, anak. Kagagaling lang ni MeiMei rito. Gusto nya na makausap ka. Mahal ka pa rin nya anak. Habulin mo sya. Hindi pa sya nakakalayo." Mabait na sabi ng Yaya Elvie nya. Yumakap sya rito at nagpasalamat saka sya tumakbo paalis at nilagpasan ang Mama nya at si Marcel. Kailangan nyang mkita si MeiMei! Kailangan nitong malaman na pinapatawad nya na ito at mahal na mahal pa rin nya ito! STRANGE LOVE ©lady_phoenix16 CHAPTER 54: Bitter Sweet Romance Halos lumipad na si Shaine para maabutan lang si MeiMei. Mula sa itaas ng mansyon ay natanaw pa nya ang babae kanina na naglalakad. Kaya naman bumaba sya at tumakbo ng mabilis para lang makahabol dito. "MeiMei!" Pagtawag nya sa babae na hinihingal. Nang lumingon ito ay nakita pa nya na lumuluha ang babae. Doon na sya hindi nakapagtimpi at sinugod nya ito ng halik na agad naman nitong tinugunan. Sabik na sabik sila sa isa't-isa. Wala silang pakialam kahit na nalalasahan na nila ang sariling luha dahil sa pag-iyak nila. Basta ang importante lang ay ang matamis na halik na pinagsasaluhan nila. Malalim iyon at halos magkapalitan na sila ng laway. Mainit at naglalagablab sa apoy ang paglalaro ng dila ng bawat isa. Nang bigla na lang ay tinulak ni MeiMei si Shaine. "What's wrong MeiMei? Sinabi na sa akin ni Yaya Elvie na mahal mo pa rin ako. Pero bakit tinulak mo ako?" Sobrang pagtataka ni Shaine gayong nagsalo na nga sila sa isang napakatamis na halik. "Dahil hindi na ako malinis Shaine! Kahit kailan di na ako magiging karapat-dapat sa'yo! Saka akala ko ba galit ka sa akin? Kaya nga pinalayas mo ko saka binawi pa yung mga perang nilagay mo sa savings ko di'ba?" Umiiyak na sabi nya na ikakinunot ng noo ni Shaine. "Anong sinasabi mo? Kahit na kailan hindi ko na binabawi sa isang tao ang mga bagay na ibinigay ko na! Wag mong sabihin na nawalan ng laman yung nga savings mo?" Paghihinala ni Shaine. Kung ganun wala pala itong alam? Hindi ito ang nagpatanggal ng pera sa mga savings nya? "Di na mahalaga yun. Hindi na pwedeng maging tayo Shaine." Pag-iwas nya rito na tatalikod na sana pera hinawakan nito ang mukha nya. "Listen to me Mei. Hindi ako ang nagpatanggal ng pera sa bank accounts mo. Sigurado ako na si Mommy ang gumawa nun. God, saan ka tumuloy nung pinaalis kita? Na ni wala ka palang dala kahit na magkano." Nagsisising sabi ni Shaine saka sya niyakap at hinaplos-haplos ang buhok nya. "My poor MeiMei. Wag kang mag-alala. Kahit na kailan di na kita hahayaang maghirap ulit. I won't let that happen again. I'm sorry for what I did. I still love you and I don't care kahit ano pa ang nagawa mo. Kahit ano pa ang dahilan mo wala na akong pakialam. Basta mahal kita. Kaya kong tanggapin ang lahat sa'yo MeiMei." Umiiyak na sabi ni Shaine pero muli sya humiwalay rito. Tiningnan sya nito ng may pagtataka pa din sa mga mata. Dun sya bumuntong hininga. "Kanina nung pumunta ako dito desperado na akong makuha ka ulit Shaine. Pero nung nakausap ko ang Mommy mo, napag-isip-isip ko ang mga sinabi nya. Nag-iisa ka nyang anak Shaine. At ayaw ko na ako ang maging dahilan para magkasira kayo. Alam mo kung gaano kahalaga sa akin ang isang pamilya." Paumpisa nya. "Bakit? Anong bang sinabi sa'yo ni Mommy?" Biglang sumimangot si Shaine. Para bang handa nitong sugudin ang sariling ina para lang sa kanya. "Ang sabi nya ikakasal na daw kayo ni Marcel. At kahit kailan hindi mo nabanggit sa akin na enggaged na pala kayo." Hindi nya maiwasang maghinanakit pagkasabi nun. "Mei, di ko lang sinabi sa'yo because I know that there's no reason for you to know. Kahit na fiance ko si Marcel wala naman akong balak na magpakasal sa kanya e. Dahil ikaw ang mahal ko, but because of those things that happened this last few days napilitan akong umuo sa proposal nya. Pero hindi na matutuloy yun ngayon na nasa harapan na kita. Ikaw lang ang gusto kong makasama Mei habang buhay. Wala ng iba pa. I love you. Don't you see that?" Para bang desperada ng sabi ni Shaine. Natatakot ng mawala pa sa harap nito ang babaeng pinakamamahal na isang linggo din nitong di nakita. "Yun mismo ang dahilan Shaine. Mahal rin kita at masyado na tayong lubog sa isa't-isa to the point na kung minsan dumedepende na ako sa'yo. I hate being like this. Ayaw kong maging mahina Shaine. Ayaw kong umasa sa'yo. Mahal na mahal rin kita kaya gagawin ko ang lahat para mapabuti ka. Tama ang Mommy mo. Si Marcel ang dapat mong makatuluyan at hindi ako. Di nga siguro tayo para sa isa't-isa Shaine. Patunay lang na parehas tayong babae. Matagal na tayong nagkakasala sa mata ng diyos at ng mga tao kaya itigil na natin ito. Ayaw kong masira ang buhay mo dahil mahal na mahal kita!" Umiiyak na sabi nya. "Mei---- "Magpakasal ka na kay Marcel, Shaine. Gusto kong magkaron ka ng normal na buhay. Ng totoong pamilya. Gusto ko magkaron ka ng mga anak. Gusto ko sumaya ka at dun pa lang ako magiging masaya. Tama na to. Hanggang dito na lang tayo. I'm sorry..." "Mei, please? Wag mo namang gawin sa akin to. Alam mo na ikaw lang ang makakapagpasaya sa akin." "Pero hindi lang ikaw ang makakapagpasaya sa akin! Tama nga siguro ang Mama mo. Hindi sapat sa akin na ikaw lang. Maluho ako. Kapag tinakwil ka na ng Mommy mo mawawalan ka na rin kahit isang kusing. Maghihirap lang ako kasama mo! Alam mo ba na tinanggap ko na ang 20 million na binigay nya? Sapat na to para kalimutan kita! Kaya tigilan mo na lang ako Shaine. Parehas lang tayong mahihirapan. Ayaw ko na! Sawang-sawa na ako!" Pagsisinungaling nya na para lang tumigil na ito. "Mei, alam ko nagsisinungaling ka! Kilala kita. Kahit na kailan hindi ka naghangad ng pera. Bakit mo ba ginagawa to? Ayaw mo bang maging masaya tayo? Alam ko mahal mo rin ako." "May mga bagay na kahit gusto natin ay di natin pwedeng ipilit Shaine. Magpakasal ka na lang kay Marcel. Alam ko masama ang ugali nya pero mahal na mahal ka nya. Kung sa kanya ka mapupunta magiging masaya na rin ako. Tama na. Napapagod na ako sa mga tao sa paligid natin. Kahit na kailan hindi nila tayo matatanggap. Dito na lang magtatapos to. Paalam Shaine... Sana maging masaya ka..." Saka na mabigat ang loob na lumayo na sya rito. Hindi na ito nakasunod pa at doon na sya pagsakay sa taxi naglabas ng sobrang pag-iyak. She loves Shaine but she have to do this. Ito ang makakabuti para sa lahat... Si Shaine naman ay malungkot na bumalik na lang sa mansyon. Pag-akyat nya ay naroon pa din si Marcel. Nakaupo sa sofa at halatang kanina pa syang hinihintay. "Ituloy na natin ang kasal Marcel. I'm sorry sa mga nasabi ko sa'yo kanina..." Malungkot na sabi nya. Tumayo naman ito at lumapit sa kanya at sinugod sya ng yakap. "Salamat, Shaine! Hindi mo alam kung gaano mo akong pinasaya. Itutuloy natin ang kasal sa lalong madaling panahon! I love you!" Parng desperadong sabi ni Marcel habang yakap-yakap sya saka siya nito siniil ng halik. Kung ito ang gusto ni MeiMei na mangyari ay wala na syang magagawa. Hinihiling na lang nya na sana balang araw ay matutunan din nyang mahalin si Marcel... STRANGE LOVE lady_phoenix16 Final Chapter: Strange Love Nung araw na yun ay walang ginawa si MeiMei kung hindi magmukmok sa kwarto nito. Nakatulala lang ito sa labas ng bintana habang kinakausap palagi ang sarili. Hindi malaman ni Damon kung nababaliw na ba ang kapatid nya o ano. Umaga. "Shaine..." Narinig ni Damon na sambit nito. Tanghali. "Shaine..." Sambit na naman nito nang hatiran nya ito ng pagkain na di naman nito pinapansin. Gabi. "Shaine..." Bulong nito kahit sa pagtulog nung silipin nya ito. At kinabukasan? "Shaine..." Same scenario na naman sa kwarto nito ang hitsura nito! Tulala na naman sa bintana habang Shaine ng Shaine. Sa inis nya ay malakas na batok sa ulo ang pinalasap nya sa kapatid! "Aray! Ano ba kuya, bakit ka na lang biglang nambabatok!" Nawala ang pagkatulala ng kapatid nya. Mahiwagang batok lang pala ang kailangan nito para lang matauhan na ito! "Para ka kasing tanga! Ano ba talagang plano mong gawin sa buhay mo, magpakabulok na lang dito sa kwarto mo? Puro ka Shaine, Shaine, Shaine! Rinding rindi na ko sa'yo!" Iritadong sabi nya. Doon naman bumalik ang lungkot kay MeiMei at bigla na lang itong nagngangawa ng mabanggit nya ang pangalan ni Shaine. "Wala na akong ganang mabuhay Kuya! Wala na sa akin si Shaine! Ikakasal na sya kay Marcel mamaya! Mas mabuti pa mamatay na lang ako! Huhuhu..." Pag-iinarte nito. "O sige subukan mo! At ako pa ang papatay sa'yo! Kasalanan mo yan dahil shunga-shunga ka! Binigay ko na nga sa'yo si Shaine pagkatapos pinakawalan mo pa! Hinayaan mo pa syang mapunta sa demonyong Marcel na yun! Nakikipagbalikan na sa'yo si Shaine andami mo pang arte! Pagkatapos ngayon iiyak ka at sinasabi na gusto mo ng magpakamatay? Baliw ka rin ano?" Inis na inis na sabi ni Damon. Ngayon lang nakita ni MeiMei na ganun kairitable sa kanya ang Kuya nya. Kulang na lang sabihin nito na sya ang pinakaTANGA at BOBOng tao sa balat ng lupa. "Ginawa ko lang naman yun dahil alam ko yun ang makabubuti para kay Shaine e. Gusto ko lang magkaron na sya ng sariling pamilya balang araw." Umiiyak pa rin na sabi nya. "Mabuti para sa kanya? At sino ka para sabihin kung ano ang makakabuti para sa kanya? Ni hindi mo lang din ba naisip na yang pamilyang sinabi mo na gusto mong magkaroon sya ay nakita nya na sa'yo? Ikaw ang minahal ni Shaine pero kung hindi mo pipigilan ang kasal nila ngayon para mo na ring pinatunayan na dapat nyang pagsisihan na ikaw ang pinili nya!" Galit na talaga si Damon. Sinisigawan na sya nito! "Kuya?" Anas nya. "Ano na naman ang idadahilan mo ngayon huh, MeiMei? Iisipin mo na naman ba ang sasabihin ng ibang tao kapag pinigilan mo ang kasal nila? Yan ang problema sa inyong dalawa! Mahal nyo ang isa't-isa pero mas iniisip nyo pa ang sasabihin ng ibang tao. Ni wala kayong tiwala sa isa't-isa pagkatapos magtataka ka ngayon kung bakit kailangan nyong magkalayo?!" Patuloy pa rin na paninigaw ni Damon. Natahimik sya. At napag-isip-isip na tama ang sinabi nito... Bakit nga ba palagi na lang nyang tinataboy palayo si Shaine? Bakit ba ang tanga-tanga nya? Huminga ng malalim si Damon saka ito umupo sa tabi nya. "Habulin mo ang oras MeiMei. Dalawang oras mula ngayon matatapos na ang kasal nila. Wag mong sayangin ang pagkakataon mo. Dahil kapag pinalagpas mo pa ang araw na to na wala kang gagawin pagsisihan mo habang buhay yan. Bestfriend ko si Shaine at alam ko kung gaano ka nyang minamahal. Hinding hindi ka nya matitis. Sigurado yan." Malumanay na si Damon saka ngumiti at hinawakan ang kamay nya. Dun na sya tumayo at yumakap muna sa kapatid saka nagmamadaling tumakbo palabas. Nakapambahay pa sya at di bagay para sa suot ng mga tao sa simbahan pero wala na syang pakialam kahit nakashort na maikli lang sya. It's now or never! Pero sa kamalas-malasan ay traffic pa sa daang tinahak ng taxi na sinakyan nya. Gapagong ang daloy ng kalsada! Napilitan tuloy syang bumaba at tumakbo na lang papunta sa simbahan! Paano syang makakaabot sa kasal nito? Huhuhu... Malakas naman ng tibok ng puso ni Shaine habang naglalakad sa aisle. Hindi dahil sa excited sya at in love kundi dahil sa nakakaramdam sya vigla na parang gusto nya ng umatras pero preperado na ang lahat. At nandito na sya at kumpleto na ang mga bisita! Magarang magara ang suot ni Shaine sa kasal na iyon nila ni Marcel. Talagang pinili nito ang pinakamagandang disenyo para sa pinakaespesyal na araw para rito. Kumpleto rin ang parents nila. Nandun ang Mommy at Daddy ni Marcel at maging ang Mommy Marlyn at Daddy Rodrigo nya na masayang masaya para sa kanya. Umuwi para sa espesyal na araw na iyon ang Daddy nya na busy sa business palagi. Masayang-masaya ito dahil akala nito mahal nya talaga si Marcel. Ni wala itong alam sa lesbian status nya... Maging ang media ay kumpleto. Nakabroadcast din sa TV amg kasal na iyon at maraming natuwa na tinahak nya na raw ang tamang landas. May kumalat pang tsismis sa media na si Marcel daw ang nagpalambot ng puso nya. Ang gwapong lalaki daw ang bumuhay ng pusong babae nya. Bagay na di nya na pinabulaanan pa. She's not in the industry anymore that's why she doesn't need to explain anything. Magarang simbahan, mayayamang bisita. At gwapong groom. Yun na yata ang wedding na pinapangarap ng lahat ng babae sa mundo. Maging si MeiMei ay ganito ang inaasahan na happy ending. Napangiti sya ng mapait pagkaalala sa babaeng pinakaiibig. Si MeiMei ang may gusto na magpakasal sya. Ito ang may gusto na magkaroon sya ng happy ending kasama si Marcel kaya kahit masakit para sa kanya ay gagawin nya. Pipilitin nya na mahalin si Marcel. Lalaki ang dapat na mahalin nya. Ito ang batas ng diyos ayon sa simbahan, ito ang batas ng tao. "Ikaw Lalaki, handa ka bang ibigin at mahalin ang iyong magiging asawa habang buhay? Mangangako na magsasama sa hirap man o sa ginhawa?" Ang pagtatanong ng pari. "Yes! Yes, Father!" Atat na sagot ni Marcel. Lalo lang lumakas ang tibok ng puso ni Shaine nang balingan sya ng pari at sya naman ang tinanong nito. "Ikaw babae, handa ka bang ibigin at mahalin ang lalaking ito? Nangangakong makasama sa hirap man o sa ginhawa?" Parang slow motion na tanong ng pari na nag-eecho pa sa tenga nya. Parang nawalan ng dila si Shaine. Nag-umpisa ng magbulungan ang mga tao. Nakakaramdam na rin ng kaba si Marcel sa inaasal ni Shaine. "Shaine, please. Wag mo akong pahiyain." Pakikiusap ni Marcel. Para na itong maiiyak. Huminga sya ng malalim saka mag-a 'I DO' na sana nang biglang may sumigaw mula sa pintuan ng simbahan! "Wag mahal ko! Hindi ako makapapayag! Sa akin ka lang! Di ka pwedeng magpakasal sa demonyong yan! Buti hindi ka nasusunog na nandito ka sa simbahan Marcel!" Panggugulo ni MeiMei na pinagtitinginan na ng mga tao! Nakapokus na ang atensyon ng mga tao rito pero nagawa pa nitong mang-asar! Muli ay nandun na naman ang isip nya na parang gustong-gusto nya sugurin ng yakap si MeiMei! Miss na miss nya na ang kakulitan nito! Doon parang sakang na naglakad palapit sa kanila si MeiMei. Pero bago pa man ito tuluyan nang makalapit ay dalawang bodyguards ni Marcel na parang nga bouncer sa club ang humawak sa dalawang braso nito at parang papel lang na nabuhat ang babae saka ito nalayo sa kanila. Akmang aalis sya sa harap nang bigla syang pinigilan ni Marcel. "Wag mong kalimutan na pumayag ka ng makasal tayo. Wag mo akong pahiyain Shaine. Not this time please? Nakikita mo ba na pinaglalaruan ka lang nya? She acts so childish at wag mong hayaan na paulit-ulit ka lang nyang saktan. Gawin mo to, hindi lang para sa akin kundi para na din sa sarili mo. Please? I'm begging you." Pakikiusap na ni Marcel na kitang kita ang takot sa mukha nito. Bulong lang iyon pero naririnig iyon ng pari. Pero wala na itong pakialam roon dahil alam nito ang mga nangyayari sa mga taong kumakalaban kay Marcel. "Hoy, Marcel! Animal ka talaga! Wag mong demonyohin ang mahal ko! Shaine, wag kang maniniwala sa kanya! Mahal na mahal kita Shaine! Please wag mong itutuloy ang kasal! Paderrr, tutol ako! Tutoooollllll!!!!!" Patuloy na pagsasalita pa rin ni MeiMei habang buhat-buhat ito papalayo ng dalawang mukhang goons. Mukhang katawa-tawa ang itsura ni MeiMei kaya hindi ito sineryoso ng karamihan. Kahit ang Daddy ni Shaine ay nag-iisip na parang batang naligaw lang si MeiMei. Para daw nagkaroon ng biglaang commercial sa kasal. Nakakatawa daw si MeiMei. Nang wala na si MeiMei ay muli silang humarap sa pari at pinagpatuloy nito ang pagtatanong sa kanya. "Ikaw babae, handa ka bang ibigin at mahalin ang lalaking ito? Nangangakong makasama sa hirap man o sa ginhawa?" Muling tanong nito na di na masyadong naaabsorb pa ng isip nya. Lumilipad ang isip nya kay MeiMei. Miss na miss nya na ang kakulitan nito. Yung mga paglalambing nito sa kanya... Nagflashback din sa isip nya yung mga masasayang araw na magkasama sila. Yung oras na sinabi din nito na mahal din sya nito. Yung pagseselos nito kay Jhing. Yung PDA nila sa park, yung date nila at kahit yung mga lambingan nila sa rooftop. Dun nya narealize na napakatagal na pala simula nung huli syang tumawa. Si MeiMei ang nag-iisang tao na napapangiti sya kahit na wala pa itong ginagawa. Ito ang taong kumumpleto at nagbigay ng kulay sa buhay nya. Ang taong sumuporta sa kanya at nagmahal sa kanya sa kabila ng kaparehas nilang kasarian. Ito ang babaeng mahal nya... At sa tingin nya ay hindi pa sya handang mawala ulit ito... Mahal nya ito. Kaya wala ng ibang taong mas nararapat pa para sa kanya kundi ito lang at wala ng iba pa. Doon na lumuha si Shaine. "Shaine, don't tell me---" "I'm sorry Marcel. But I really can't do this. Mahal ko talaga sya. Patawarin mo ako pero di ko kayang ituloy ang kasal na ito. I'm sorry." Humahagulgol na sabi nya saka na ito tinalikuran. Natulala na si Marcel nang bigla na syang tumakbo palayo rito. Nasa pintuan na sya ng simbahan nang bigla syang tawagin ng Mommy nya. "Anak. Patawarin mo ako. Pero binibigyan kita ng basbas. Gawin mo kung ano ang ikasisiya ng puso mo..." Umiiyak na sabi ng Mama nya mula sa isa sa mga upuan ng simbahan. Nakangiti ito habang tumutulo ang luha. Pinagsisihan na nito ang ginawa nito at muli na syang tinanggap. Isang nakakaunawa at nagpapasalamat na ngiti ang binigay nya sa Ina bago na sya umalis at humabol kay MeiMei. Samantala kay MeiMei... "Aray! Ano ba bitiwan nyo nga akong mga kalbo kayo! Mga bwisit! Pabalikin nyo ako sa simbahan! Kailangan ako ng mahal ko!" Pagpupumiglas ni MeiMei sa pagbuhat sa kanya ng dalawa. Pabalya na binagsak naman sya ng mga ito sa lupa at nauna pa ang pwet nya. "Dyan ka nararapat kutong lupa ka! Gusto mo pang sirain ang kasal! Di ka magtatagumpay! Mwahahaha!!!!" Paghalakhak ng unang lalaki. "Kutong lupa? May kutong lupa ba na maganda? Ano gusto mo suntukan? Ano ha? Tara!" Pang-aasar pa nyang lalo saka umaktong magboboxing. "Kutong lupa na nga siraulo pa. Ang lakas ng loob. Fan ka siguro ni Ms. Shaine ano? Nakakadiri ka! Tomboy!" Pang-aasar pa ng lalaki na halatang walang TV sa bahay dahil di sya nito kilala. "Tara na nga sweetheart. Wala tayong mapapala sa babaeng to. Tara dali at panoorin natin ang nakakilig na kasal ni Ms. Shaine at Boss Marcel! Bagay na bagay sila!" Kinikilig na sabi ng pangalawang lalaki na bakla pala saka ito kumapit sa braso ng matipunong lalaki. NapaOMG na lang sya ng umalis na ang mga ito. Anlalaki ng katawan pero mga bading naman pala! Lakas ng loob pang sabihing tomboy sya. Di kaya sya tomboy. It just happen na babae rin ang minahal nya. Pero back to reality, paano nga ba syang makakabalik ulit sa simbahan? Gayong gwardyado na yun ng media at mga alipores ni Marcel. "Wahhh!!!! Mahal ko! Wag kang magpapakasal kay Marcel parang awa mo na! Huhuhuhu..." Parang mababaliw na nasigaw nya na sabunot pa ang sariling buhok! "Sinong kinakausap mo dyan, mahal ko?" Biglang narinig niyang tanong ng isang tinig. "Nababaliw na ba talaga ako Lord? Natuluyan na ba ako na kahit ang boses ng mahal ko naririnig ko na? Is this what they called a 'HALLUCINATION?'" Patuloy pa din na pagkausap ni MeiMei sa sarili nito na kinatatawa na lang ni Shaine. Akala ng mahal nya nag-iilusyon lang ito. Biglang hinila paharap ni Shaine si MeiMei at doon ay biglang hinalikan ng malalim na malalim. Nanlaki ang mata ni MeiMei sa gulat pero tumugon din naman sa halik nya. Torrid kung torrid! Masyado na silang sabik sa isa't-isa! Literal na hinihingal sina Shaine at MeiMei pagkatapos ng napakatagal na halik na iyon. Kung pwede lang silang maghalikan every minute o every second ay ginawa na nila para lang maipakita ang pagmamahalan sa isa't-isa ay ginawa na nila eh. Pero hindi pwede kase ikamamatay nila yun. Hehehe... "Anong ginagawa mo dito Shaine? Akala ko nasa simbahan ka? Akala ko tinuloy mo na ang pagpapakasal kay Marcel?" Sunod na sunod na tanong ni MeiMei. "Bakit gusto mo bumalik ako run?" Pang-aasar nya sa babae. "Eh ikaw gusto mo ng kurot? Subukan mo lang Shaine at ikukulong na kita sa hawla para di ka na makawala sa akin!" Pananakot pa nito na ikinatawa lang nya. Maya-maya ay bigla na lang nagngangawa ito. "Hey, Mei? Bakit?" Nagtatakang tanong nya. "Ang ganda-ganda mo kasi eh! Para ka talagang prinsesa lalo na ngayong suot-suot mo yang mismong wedding gown na nakita natin noon sa shop! Bagay talaga sa'yong maging bride Shaine. Alabyu! Huhuhu..." Childish na sabi nito. Natawa na naman sya. "If this is what you like, ok then, I will let you have this. Huhubarin ko na lang para ikaw na ang magsuot." Natatawang biro nya saka akmang maghuhubad ng pinigilan sya nito. "Wag Shaine! Gusto pa kitang makitang ganyan! Feeling ko ikaw ang bride at ako ang magiging groom mo. Hihihi..." Nakokolakang sabi nito na ito naman ang umarte at kumilos na parang lalaki katulad ng ginawa nya nun. Kuntodo pagpapatigas din ito ng boses pero Hihihi naman ang bungisngis. "Stop it MeiMei mukha kang clown! Hahaha..." Sabi nya na tumatawa na naman. Ito lang talaga ang taong kayang magpatawa sa kanya ng ganun. Her sweet, innocent MeiMei. Maya-maya ay lumungkot na naman ito. "I'm sorry Shaine. Ako ang nagsabi sa'yo na magpaksal ka na kay Marcel pero di ko pala kaya. Mahal na mahal kita kaya sorry kung naging makasarili ako at pinigilan ko ang kasal nyo." Nakayukong sabi nito. "Sss..." Anas nya saka hinawakan ito sa baba at inangat ang mukha nito para magkatitigan sila. "Wag na nating isipin ang mga nangyari na. Ang mahalaga magkasama tayo ngayon at kahit kailan hindi na ako papayag na may humadlang pa ulit sa pagmamahal natin. Please, MeiMei. Hindi madali ang klase ng relasyon na pinasok natin kaya I want you be brave and fight for our love dahil ganun din ang gagawin ko. From now on, hinding hindi na ako kakawala sa pagkakakapit ko sa'yo. You're all that matters to me. You are all I need. No one else but you." Sinserong sabi nya na kinangiti na naman nito. Nandito na naman yung kilig nito na bakas na bakas sa cute na mukha nito. "I love you too Shaine. Pangarap kong maikasal sa simbahan at umaasa ako na balang araw magiging bukas rin ang mata ng mga tao at hahayaan nilang magpakasal ang dalawang nagmamahal na parehas nakawedding gown. Pero kahit hindi pa mangyari yun ok lang. As long as kasama kita magiging masaya na ako! I really, really, really love you Shaine!" Sabi naman ni MeiMei na sinugod sya ng yakap ng mahigpit na mahigpit! Nang bigla na lamang silang masilaw sa sunod-sunod na kuha ng camera! Nasundan na pala sila ng media! At maging ang ilang mga guest na nasa simbahan kanina ay naroon na rin! "Everyone, I want to say something. Na ang babaeng pinagtatawanan nyo kanina ay ang babaeng pinakamamahal ko! Wala akong pakialam kung maging masama o maging nakakadiri man ang tingin ninyo sa amin. Sabihin nyo man na makasalanan kami pero totoo ang nararamdaman namin para sa isa't-isa. Kahit gaano pa kamali sa paningin nyo ipagsisigawan ka sa buong mundo na si MeiMei ang babaeng pinakamamahal ko!" Pagsasalita nya sa harap ng maraming tao saka hinalikan si MeiMei! Doon na lalong nagflash ang iba't-ibng klase ng camera sa kanila. But they doesn't care. PDA na kung PDA pero kung yun lang ang paraan para maipakitang seryoso sila ay wala na silang pakialam. Mahal nila ang isa't-isa at yun ang mahalaga. Di nga siguro sila katulad ng mga pangkaraniwang couple na makikita mo sa mga fairy tales. Di nga siguro sila magkakaroon ng pamilya at habang buhay silang huhusgahan ng mga taong hindi nakakakilala sa kanila. Lalaitin, kukutyain. Maraming magsasabi na walang magtatagal sa ganoong klase ng relasyon pero handa nilang harapin lahat iyon. Gagawin nila ang lahat para mapanatili ang alab ng pag-ibig sa kanilang mga puso. Dahil ang pag-ibig ay walang pinipiling edad, status sa buhay o kasarian. Ang pag-ibig ay patuloy na mabubuhay sa iba't-ibang klase ng tao sa mundo. At ang pag-ibig nila ni MeiMei ah isang pag-ibig na maituturing nga sigurong STRANGE LOVE ngunit ito ay tapat, walang bahid at wagas... Strange Love ©lady_phoenix16 EPILOGUE "Happy Birthday, ShaiMei! Happy birthday Shaimei! Happy birthday, Happy Birthday, Happy birthday Shaimei!" Sabay-sabay na pagkanta ng lahat sa 1 year old baby nina MeiMei at Shaine. Yes. Nagbunga ang kahalayan ni Abet noon kay MeiMei kaya naman nabuntis ito. Pero sa kabila nun ay di na iyon pinagmulan pa ng pag-aaway nina Shaine at MeiMei.Masyado na silang maraming pinagdaanan at sobrang mahal nila ang isa't-isa para magpadala pa sa panibagong pagsubok sa buhay nila. Hindi rin itinuring na iba ni Shaine ang Baby ni MeiMei. Para sa kanya isa itong biyaya mula sa diyos. Dahil parehas silang babae ni MeiMei ay malabo pa sa pagputi ng uwak na magkaanak sila nito. Pero natupad iyon sa pamamagitan ni Abet. Di man nya tunay na anak ang bata ay masaya syang maging ina o ama para rito. At ngayon ay isang 1 year old birthday party para sa Baby ni MeiMei na si ShaiMei ang pinaghanda nila. Invited ang lahat. Nandun ang Mommy Marlyn at Daddy Rodrigo nya. Nung una ay nagalit ang Daddy nya sa kanya nung umatras sya sa kasal nila ni Marcel dahil kabusiness partners pa naman nito ang mga magulang ng lalaki pero dahil sa pakiusap ng mabait nyang Mommy ay natanggap na rin sya nito at ang relasyon nila ni MeiMei. Ganun rin ang mga kwelang mga magulang nina MeiMei at Damon. Kahit na di kasing yaman ng mga magulang ni Shaine ang mga ito ay napapatawa nito ang mga parents nya. Umaattend din sa birthday party ang kakabalik lang galing Dubai na si Denver. Isang taon lang ito roon dahil namatay sa sunog ang Mommy at Daddy nito kaya naman bumalik na lang daw ito sa pinas para ibaon sa limot ang sakit at trahedyang nangyari sa pamilya nito. Nakilala nito si Jhing na naging ganap na babae na ng ligawan ito ni Denver. Ngayon ay magjowakels na ang dalawa. At si Marcel? Hindi ito pumunta kahit na pinadalhan nila ng Invitation. Naging malamig na ito sa kanya simula nung iwan nya ito sa ere ng kasal at di rin naman nya ito masisisi. Nasaktan nya ito ng sobra-sobra. Kahit pa ba pinlano nitong sirain sila ni MeiMei ay kababata pa rin nya ito. Pakiramdam nya naging woman hater na rin ang lalaki ng dahil sa kanya. Nawalan na ng ganang ngumiti ang lalaki. Lahat takot pa rin rito. Mas lalo lang itong nagalit sa mundo. "Mahal Ko. Tikman mo tong cake na ginawa ko para sa'yo. Say ahhh..." Paglalambing sa kanya ni MeiMei nang kunin na muna ni Yaya Elvie pansamantala ang bata. Nakangiti naman na binuka na lang niya ang bibig. Sweet na sweet pa rin si MeiMei sa kanya. Kahit na nanay na to di pa rin nawawala ang pagiging childish nito. Hindi pa rin kasi tumitigil ang ibang lalaki na nanliligaw sa kanya. Kahit na naglilive-in na sila ni MeiMei ay marami pa ring umaasa na magiging babae pa din talaga sya lalo pa at nagkaanak na ang babae. Pero di naman nagpapatalo si MeiMei dahil inaaway nito ang lahat ng manliligaw nya. Kulang na lang itali sya nito para lang walang makaagaw sa kanya. At wala naman syang balak na magpaagaw pa kahit na kailan. Si MeiMei lang ang nagbibigay ng buhay sa kanya... "MeiMei, may bisita kayo." Biglang pag-abala sa kanila ni Damon kasama ng girlfriend nitong si Andrea. Nagkabalikan na ang mga ito nang marealize na mahal pa rin nito ang lalaki. Di na sila nakapagsalita pa nang bigla nang lumitaw sa pintuan si Abet kasama ang girlfriend nitong si Cristina. Sumimangot tuloy ang mukha ni MeiMei bigla. "Anong ginagawa mo rito?" Mainit agad ang ulo na tanong ni MeiMei. Bahagya tuloy na napaatras ito. "Ahh... Mahal Ko. Siguro alis muna kami ni Cristina para makapag-usap kayo saglit ni Abet." Biglang tayo si Shaine pero hinila ito pabalik ni MeiMei saka niyakap. "Ayaw ko mahal ko! Baka aagawin na naman nya ako sa'yo gusto mo ba yun?" Pagpapaawa ni MeiMei. "Mei, nakita mo na nga na kasama nya na yung girlfriend nya eh mag-iilusyon ka pa. Saka isa pa kahit baligtarin mo man ang mundo sya pa rin ang ama ni Shaimei at di mo pwedeng alisin yun sa kanya." Pagpapaintindi pa din ni Shaine kaya di na sya nakapagsalita pa hanggang sa tumayo na ito ulit at niyayang lumabas si Cristina. "Kung inaakala mo na ibibigay ko sa'yo si ShaiMei nagkakamali ka! Kami ni Shaine ang magulang nya at ikaw wala kang magiging papel sa buhay nya kaya lumayas-layas ka na dito! Naiinis ako sa pagmumukha mo!" Nanggigigil pa din na sabi nya. Bumuntong hininga lang ang lalaki. "Naiintindihan ko kung bakit ganyan nalang ang galit mo sa akin but I just want you to know that I'm not here to take away our daughter from you, I just want to see her kahit ngayon lang. Pagkatapos nun di ko na kayo guguluhin pa. Hahayaan ko na lang na kayo ni Shaine ang maging ama at ina nya. Magpapakasal na kami ni Cristina at balak naming sa states na tumira. Please, pagbigyan mo na akong makita sya. At sana balang araw mapatawad mo din ako." Seryoso at halos maiiyak ng sabi nito. Nag-isip sya saglit. Saka biglang inatake ng kunsensya kaya pinagbigyan nya rin ito. Sabik na sabik na binuhat ni Abet ang 1 year old baby nito. Kung titingnan ang lalaki ay bagay na bagay talaga ritong magiging tatay. Napakagwapo nitong tingnan lalo. Nang biglang naramdaman nya na may humawak sa kamay nya. Si Shaine. At nakangiti ito. "Mabuti at pinagbigyan mo si Abet. Matagal na ang nangyari sa inyo MeiMei. Bakit di mo na lang sya patawarin?" Mabait na sabi nito. "Hindi bagay sa aswang na yan na patawarin ko. Dahil sa kanya naging madumi ako. Kung hindi ko naagapan baka nawala ka na rin sa akin ngayon. Kaya hinding hindi ko sya mapapatawad!" Matigas pa din na sabi nya. Ngumiti-ngiti na lang si Shaine. Alam nya na di masamang tao si MeiMei. Naniniwala sya na di magtatagal ay mapapatawad rin nito si Abet. "Pero tandaan mo na si Abet rin ang naging dahilan kaya nagkaroon ng anghel sa buhay natin Mei. Kung hindi sya dumating sa buhay natin hindi masusubok ang pagmamahal natin para sa isa't-isa. Sya ang bumuo sa pangarap nating maging pamilya dahil kay ShaiMei." Muling sabi ni Shaine na nagpaisip ng husto kay MeiMei. "Abet!" Biglang pagtawag ni MeiMei bago pa man makasakay sa kotse ang lalaki. "Good luck sa kasal nyo." Nakangiting sabi nya. Ngimiti na rin ang lalaki bilang pagpapasalamat. At ngayong napatawad na ni MeiMei ang lalaki ay mabubuhay na sila ni Shaine na wala nang kahit anumang pag-aalinlangan sa dibdib. Magiging mapayapa sila kasama ng anghel nilang si ShaiMei. Parehas man silang babae ni Shaine ay ipagmamalaki nila sa buong mundo na hindi naging hadlang iyon para mapatunayan nila ang pagmamahalan nila sa isa't-isa...