Angel in disguise Kim So Eun Kim Bum As As Sofia Lavender Jimenez Cyrus Dean Sebastian Goo Hye Sun Lee Min Ho As As Alexandra Jan Santiago Dwayne Larete Prologue maganda daw ako. well... bakit naman may DAW pa? eh totoo naman yun! kaso daw, MASAMA ugali ko. di ako na masama ugali. hiyang-hiya naman ako sa kanila! i'm SOFIA LAVENDER JIMENEZ. sa totoo lang, wala akong pake sa sinasabi nila. nahinto na kong makinig ng narinig ko yung MAGANDA. hahaha. so ako na masama. hindi ko na itatanggi. and to that STUPID guy to fall, di mahulog ka. walang sisihan kapag nasaktan ka. i'm the ANGEL in DISGUISE, remember?! Chapter 1**Ako si LAVENDER **wake up** **wake up** >_____________________________________< Umaga na agad?! Anak ng tinapa naman oh. Hindi ako morning person kaya ayoko talaga sa umaga. Malamang. Hindi nga morning person tapos gusto ko umaga?! *wake up* *wake up* Pakingteyp na alarm clock! Eto na! Babangon na! ** School. O____________________________________O – ganyan mukha ng karamihan ng nakakakita sa’kin. Ghad! Kung kasalanang maging maganda, ako na makasalanan! Hahaha. Ngayon lang kasi sila nakakita ng magandang nilalang na tulad ko. Bago ko malimutan, magpapakilala na ko. I’m Sofia Lavender Jimenez. 17 year old Business Management student. Ayoko ng course ko!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Bakit?! UNA: sobrang exercise ng brain cells mapapala ko dito. PANGALAWA: no choice. One and only ako. Ako lang at wala ng iba na pwedeng magtake-over sa family businesses namin. Hahaha. Kami na mayaman! LASTLY: mukhang nerd karamihan ng tao sa department namin! Siomai! I don’t belong! *krrrrrrrrrrriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnnnnnggggggggggg* >___________________________________< Oh crap! Late na agad ako?! Oh well. I don’t care. Ano bali? Patatakbuhin nila ko? Nakikita ba nila itsura ko? Naka-heels ako oh! And I look so d*mn good para pagpawisan lang. Maghintay kang professor ka. 9 na ng dumating ako sa room. 8:30 kasi klase namin. At wala pa yung prof. Kitams. Kung tumakbo ako di sayang ganda lang ako. Pero yun. Isang upuan na lang natitira. Nakalaan na lang para sa’kin. Hahaha. May isa pa pala akong nadiskubre sa department ko. Tama nga ako. Karamihan mukhang nerd. Nyahahaha. Tuloy lahat sila nakatingin sa’kin. Di ako na talaga maganda. *blag* “Aray naman!” “S-Sorry m-miss…” Nabagsakan kasi ako ng libro sa paa. Yung tipong one thousand pages. Hahaha. Hindi. Mga nasa-700 lang siguro. Encyclopedia o atlas ba yun sa laki. “Sorry? Kapag ako may kukong paglalamayan, isusunod kita!” “H-Ha?” “Unli? Uulitin ko? Ano ko? Uto-uto?! Ihulog mo pa yang libro mo, ihuhulog din kita mula sa rooftop ng building na to.” Nainis talaga ko eh. Paa ko pa talaga binagsakan. Hindi ba pwedeng yung paa ng katabi niya?! Tiningnan ko yung shupampam na lalaking nakasakit ng paa ko. Kung hindi lang tahimik sa room, tatawa na ko. Hahaha. Oo aircon yung rooms pero wagas naman! Dapat naka-jacket pa din? Pinupulmonya ba to? Hahaha. What’s with that outfit?! Mas mukhang siya pa yung professor namin. Khaki pants tapos long sleeves?! What da. Pero in all fairness naman, kulang lang sa fashion sense… May itsura naman. At mukha naman siyang fresh… O________________________________O Fresh?! Ano yan?! Gulay? Prutas? Tokwa! Lumilipad na naman utak ko. “Good morning 1a1-3 (section namin). I’ll be your professor…” ** So ayun na nga. Na-exercise na brain cells ko. At may break pa ko ng one hour before next class ko. “Miss?” “Yes kuya?” Instinct ko na talaga na kapag may tumatawag sa’kin na MISS eh masasagot ko ng ‘kuya’ o ‘ate’. Syempre depende sa kasarian di ba. Mga tao kasi sa’min MISS tawag sa’kin. Kay mama, MADAM. Paglingon… PAK! Yung shungengot palang nakabagsak ng libro sa paa ko! “Oh? Hindi ka pa masaya? Gusto mo pang bagsakan yung isa kong paa ng libro?!” “Ha? Hindi… Hindi ko naman sinasadya. Na-off balance lang siguro sa desk…” “Nerd…” “Ano yun?” “Sabi ko, NERD! Ano pa bang kailangan mo?” “Mag-so-sorry na nga ako… Tsaka aalukin sana kita dun sa bagong bukas na bubble tea shop sa labas ng campus…” “Yung sorry, pwede pa. Pero yung tea?! Blech! Mukha ba kong nag-tsa-tsaa?!” Iniwan ko na siya diyan. Gasgas na linya niya. Naku. Ano? Mag-tsa-tsaa kami tapos hihingin niya number ko tapos magigng textmate kami tapos magiging kami tapos maghihiwalay din? Pare-pareho lang sila… “Ako nga pala si CYRUS! Ikaw?!” Sumigaw pa talaga dapat?! Nasa hallway oh! Nilingon ko nga with matching panlilisik ng mata! “My name is none of your business!” Chapter 2**Stalker Cyrus’ POV Ano kaya pangalan ng babaeng yun? Kung nandun ka sa department namin, talagang siya ang una mong mapapansin. Ang amo-amo kasi ng mukha niya. Pero bad shot na agad ako sa kanya. Tss. Hindi ko naman sinasadyang mabagsakan yung paa niya. Kinabukasan. “Oi Cyrus! Bigla kang nawala kahapon ah.” “Ah. May babae kasing…” “Babae? Sino? Maganda ba? Sexy?” Wala na yatang ibang alam sa buhay tong taong na to maliban sa babae. Si Dwayne Larete. Kaklase ko simula pa ng highschool. “Oo… Maganda.” “Anong pangalan?” Pano ko nga ba sasagutin yung tanong niya? ‘Hindi ko alam kasi umalis na siya’ o ‘None of my business’ daw kasi yung pangalan niya? O________________________________________O “Mister-whatever-your-name-is, kailangan ko tong kaibigan mo. Thanks.” Kung kaladkarin naman yung damit ko… Kaya ko naman maglakad. “Miss… Excuse me. Bakit mo ko kinakaladkad?” Ayos lang sana kung kamay ko hawak niya kaso hindi. Yung manggas pa ng damit ko. “Wag mo kong tawaging MISS. Hindi naman kita katulong. Hindi kita driver. Lalong hindi ka naman empleyado namin. Ako si Lavender. Sofia Lavender.” “Sofia…” >____________________________________< Muntik na kong mabangga sa kanya. Bigla kasi siyang huminto. Ako kasi yung nasa likod na kinakaladkad niya. “LA-VEN-DER. Wag mo kong tawaging Sofia.” “Bakit?” “Ang hilig mo ding magtanong nu? It’s none of your business.” Tuloy lang uli siya sa paglalakad. Hawak pa din ako sa manggas ng damit ko. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. At hindi rin makatanong kasi baka sabihin na naman niya na ‘it’s none of your business’. “Ikaw si Cyrus di ba? Tama?” “Oo. Bakit?” “Ako lang magtatanong. Saan ba yung sinasabi mong bubble tea shop?” “Sa tapat lang ng gate ng campus.” “Great. Tara.” “Teka. Anong gagawin natin dun? Akala ko ba hindi ka umiinom ng tsaa?” “Nagsasayang ka ng laway. Alam mo ba yun? Walang tanong-tanong.” Parang dehado naman ako sa kanya. Gusto kong humindi at sabihing ayokong sumama pero may parte sa’kin na gustong sumunod lang sa kanya. Ewan ko kung curiosity pero habang hinahatak niya ko, siguro mas nagiging intersado ako kay LAVENDER. Ano bang pangalan yan. Ang ganda. Bagay na bagay sa kanya. Nang nakarating na kami sa patutunguhan namin, tsaka lang niya ko binitawan. “Umorder ka na.” “Ha?” “Bingi ka ba? Order na nga sabi! Tapos ibili mo ko ng tubig.” Ako naman si sumunod sa kanya. Ano bang kapangyarihan meron ka Lavender at nagagawa mo kong pasunurin sayo? Tiningnan ko siya. Nakapalumbaba tapos medyo naka-pout pa yung lips. Tss. Kahit anong anggulo ang ganda niya pa rin. Simple lang siya pero iba talaga. “Sir? What can I get you?” “Her.” “Ano po yun?” >__________________________________< Psh. Sht. My bad. ** “Magkano yung tubig?” Dinukot na ni Lavender yung wallet niya. Ang ungentlemanly naman kung pababayaran ko pa sa kanya yun. Sabi ko wag na niya bayaran. Ayos lang naman. “Buti na lang nakita kita kanina. Naiistress na kasi ako kung ano gagawin ko eh.” “Ano bang nangyari?” “May stalker kasi ako.” O_______________________________O Stalker?! Seryoso?! Buti nalunok ko na yung iniimon ko kundi… Tsk. Stalker?! “Mukhang hindi ka pa diyan naniniwala.” “Stalker? Kelan pa yan? Bakit may stalker ka?” Ngumiti lang siya sa’kin. Nasura na yata sumagot sa mga tanong ko. Pero nakikita ko na kung bakit may stalker siya. “Well, buti na lang talaga nakita kita. Wala ka namang klase ngayon di ba?” “Sa totoo lang…” “Wala di ba?” Ngumiti na naman siya. Napalunok na lang ako. Bahala na. “Wala.” Chapter 3**Friends LANG Isang buwan na din lumipas simula ng buhay college ko. Hanggang ngayon medyo nangagapa pa rin kasi naa-adjust yung schedule ko. Pano ko nga ba ipapaliwanag… Sabihin na lang natin na kapag nandyan si Lavender, wala ng schedule. Kapag siya, siya lang. Hindi ko rin naman kayang tumanggi sa kanya. “Dwayne, pahiram nga ng notes sa entrepreneurship.” “Absent kasi ng absent. Tsk. Oh yan.” “Dami pang satsat, pahihiramin din naman ako.” “Masama din impluwensya niyang Lavender sa’yo eh. Ang dalas mong umabsent ng dahil sa kanya.” “Magagawa ko eh kailangan niya ko?” “Ah. Oo. Tulad na lang nung isang beses na nauuhaw siya kaya binili mo siya ng tubig at personal na pinaakyat sa’yo sa 6th floor? O nung pinahiram ka niya ng libro sa library kasi umabsent siya at kailangan niya yun sa report niya? Ah… Di kaya…” “Oo na! Minsan hindi masyadong mahalaga pero kailangan niya pa din ako.” Bumuntong hininga na lang si Dwayne. Hindi naman niya maiintindihan. Hindi naman kasi siya yung madalas makasama ni Lavender. ** Lunch na. Wala pa kong balita sa prinsesa ko. Oo. Prinsesa ko si Lavender. Kung prinsipe ba niya ko eh sana nga. Hahaha. Hindi ko naman kasi alam schedule niya. Madalas na lang kasi siyang sumusulpot. At wala din akong number niya. **if you ever leave me baby, leave some morphine on my door Cause it will take a whole lot of medication To realize what we used to have we don’t have it anymore…** “Hello?” Sino naman tatawag sa’kin? At number lang? Hindi naman kasi ako madalas makatanggap ng tawag. Parents ko lang tumatawag sa’kin. At kapag emergency lang. “Asan ka?” “Lavender?” Napatigil sa pagkain si Dwayne. Nagulat na din siguro na tinawagan ako ni Lavender. “Hindi. Ako ang iyong konsensya. Asan ka nga?” “Nasa cafeteria. Bak—” CALL ENDED O sige. Pano nalaman ni Lavender number ko? Pagkakaalam ko hindi ko naman binigay sa kanya. At asa namang ipagtanong niya number ko. Tinuloy ko na lang yung pagkain ko at hindi pinansin yung sign language ni Dwayne na ‘you’re dead’. Siraulo lang din to. Hindi naman sinisira ni Lavender buhay ko. “Cyrus! And you are Dwayne Larete. Nice to meet you.” Sabi sa inyo bigla-bigla talagang sumusulpot to eh. Nilahad niya yung kamay niya na inabot din ni Dwayne. Swerte mo tol! Ako nga ni maamoy kamay niya, hindi ko pa nagagawa. “Nice to meet you too. Pero pano mo ko nakilala?” “Kaibigan mo nga si Cyrus. Madaming tanong. Cyrus, tara na.” Pareho na kami ngayon ni Dwayne na may question mark sa ulo. Pano niya nakuha number ko? Pano niya nakilala si Dwayne? Saan kami pupunta? Kapag nagtanong naman ako, panigurado ‘it’s none of your business’ na naman ibabato niya sa’kin. “Naku naman. Wala akong panahon para dito!” Kinaladkad na naman po niya ko. Tss. Ayos lang. Pero sana kamay ko na lang hawakan mo. >_________________________________________< “May garden tea party yung isa sa mga kaibigan ni mama. Sumama daw ako. Kaya sasama ka.” On the way na kami. Siya nag-d-drive. Kotse niya gamit namin eh. Sabi ko may kotse naman ako ayaw naman niya gamitin. Nung inabot ko yung susi, binato lang niya sa lupa. “Ha? Bakit?” “Kasi mas mabuti ng kahit pano may isa akong kilala dun.” ** Dumiretso na kami dun sa kung anong party yun. Kinakaladkad pa din niya ko papasok dun. Pero hindi na ko naiilang. Sanay na nga ko eh. O_______________________________________O Garden?! Eto?! Medyo nakakagaan nga kami sa buhay pero hindi naman yung ganito! Parang isang lote na ng bahay yung garden! At mukhang ako lang din nagulat. Parang sanay na sanay na nga si Lavender sa ganito. “Hahanap na ko ng pwedeng maupuan. Kumuha ka na lang ng pagkaen o tea o whatever.” Pagkabalik ko sa kanya, pinuputakte na siya ng tingin. Kung pwede ko lang basagan ng mga mukha tong mga tumitingin na to, nagawa ko na. Pero mukha namang hindi siya nababahala kaya hindi ko na lang din pinansin. “Bakit ang tagal mo? May pila ba sa kung saan ka man pumunta?” “Wala naman.” “…” May himala yata. Si Lavender. Nananahimik? Nakapalumbaba na naman siya. Tapos tingin ng tingin sa relo niya. “Ano bang ginagawa natin dito?” “Attendance.” “Attendance?” “Gaya-gaya naman to ng sinabi. Oo. Attendance.” “Para san?” “Hai~ Basta attendance. Kailangan na makakita sila ng isang representative mula sa pamilya namin. Potential business partner kasi tong pamilya na to. Wala man akong pake pero wala akong magagawa.” “Pwede naman tayong umalis. Nakita ka na naman nila.” “Buang. Maiinsulto sila. Di sira yung pangalan namin.” Wow. Revelation sa’kin to. Ngayon lang yata naging seryoso si Lavender sa’kin. Medyo bagay. Hanggang kailan kaya siya magiging ganito? Kasi parang hindi rin ako masasanay. Hahaha. “Ikaw ba? May isang bagay ka bang ayaw pero kailangan mong gawin?” Tumingin siya sa’kin. Ang ganda rin ng mata. Maamo. Kaya prinsesa ko to eh. Walang mali. Wala akong makitang mali sa kanya. Yung mata niyang maamo. Yung ngiti niyang maganda. Yung buhok niyang sumusunod sa galaw niya. Kung titingnan, simple lang naman talaga siya. Pero ibang-iba talaga dating niya. Sa’kin, perpekto siya. “Oo. Ayaw ko ng course ko.” “Talaga?! Eh ano gusto mo?” Ikaw. Hehehe. Malamang kaya kong sabihin. “Photography sana…” “Talaga? Ako gusto ko ng Fine Arts pero sabi ni lolo wala akong mapapala dun.” Lavender. Future artist. Bagay. Hahaha. Pangalan ba naman niya eh LAVENDER. KULAY. Malamang na bagay sa kanya. “Excuse me… Ikaw si Lavender Jimenez di ba?” May babaeng lumapit sa’min. Mukhang mayaman. Siya siguro yung anak ng kung sinong may-ari ng garden na to. “Oo. Bakit?” “Wala lang. Curios. So you brought your boyfriend?” Sabay pang tumingin sila sa’kin… O____________________________________O Ano? Boyfriend? Sino? Ako? Syete! Swerte ko naman! “Hindi. We’re just friends.” Sa ganung paraan gumuho pangarap ko. FRIENDS. FRIENDS LANG Chapter 4**Kampai! Sabado ng gabi. Nandito kami ni Dwayne sa isa sa mga bar na hawak ng pamilya namin. Lulunurin ko na lang si Lavender sa alak. “Alam mo kasi pare… Sinisira ka lang ng babaeng yan. Pero ikaw. Si uto-uto. Hahaha.” “Hindi ako uto-uto. Gustong-gusto ko lang talaga siya.” “Eh gusto ka ba niya? Ang daming babae diyan! Yang ganyan pa napili mo.” “Nandito tayo para makalimutan ko si Lavender. Hindi para alalahanin siya.” “IKAW ang nandito para kalimutan siya. Nandito ako para humanap ng chicks.” Yung isang baso naging dalawa… Tatlo… Apat… Hanggang hindi ko na alam kung anong nangyayari sa paligid ko. Lavender’s POV Linggo ng umaga. Nagising na lang ako sa amoy ng kandila at bulaklak. Paglabas ko ng kwarto, nakita ko na lang si mama. Naka-itim. “Goo-Good m-morning *sob* anak…” Ano na namang drama yan Ma?! Umagang-umaga… Oh my siomai. O_____________________________________O It’s that time of the year na! Bumalik ako sa kwarto ko. Nagpalit. Kinuha ang wallet at susi ng kotse. “Sa-san ka *sob* pupunta nak?” “Kahit saan.” Ayoko talaga ng araw na to ng taon. Eto naman si mama ginagawa lang miserable yung sarili niya. Buti na lang full tank pa kotse ko. Drive lang ng drive. Bahala na kung saan makapunta. Basta makalayo. Cyrus’ POV $#%@! Ang sakit ng ulo ko! Tss. Nakauwi pa pala ako. Akala ko sa bar na ko nakatulog… >______________________________________< HANGOVER!!!!!!!!! *tok tok tok* Sino naman sasadya sa’kin sa condo ko? *blag blag blag* “Nandyan na!” Tss. Hindi maganda sa hangover ko tong ingay na to eh… O________________________________O Lavender?! “Cyrus! Ayos ahh. May sarili ka palang condo unit. Ang ganda ng location. Pasok ako ah.” Yung babaeng kakalimutan ko, nandito. Pano naman niya nalaman na nandito ako? Tsaka ayos lang ba siya? Alas nueve pa lang ng umaga pero nandito na siya. Nilalagok diretso sa bote yung wine. “Wow! Ganda din ng loob! Hoola~ Ang laki naman ng TV mo! May cable ka ba? Nood tayo fairly odd parents…” “Lavender… Hindi kasi maganda yung dating mo…” “Bakit? Hindi ka naman busy. Bilis na. Asan na ba yung remote?” Si Lavender ba talaga tong taong nasa sala ko? Nakalahati na niya yung bote. Tss. Nag-almusal man lang ba to? “Ano… Hindi nga… Pero kasi… May hangover ako…” Napatigil siya sa pag-inom tapos tinitigan ako ng masama. “Hangover?! *hik* Sho… Uminom ka? Bakit ka *hik* uminom? Mashama yun!” “Psh. Masama? Eh ikaw nga tong umiinom din diyan.” “Ah. Oo nga nu? *hik* Ang tali-talino talaga ni Shyrush oh… Hahaha.” Ngayon ko lang narinig tumawa si Lavender pero iba sa pakiramdam. Hindi ko mapaliwanag. Mali. At parang nasasaktan ako na nakikita ko siyang ganito. “Tss. Amin na nga yan. Lasing ka na.” “Lasheng? Hindi kaya ako lashing. *hik* Tipshy lang.” “Tsk. Kumain ka na ba? Magtitimpla ako ng kape. Gusto mo din ba?” Paglingon ko, umiiyak na siya. Hala. Para tinatanong ko lang siya kung gusto niya ng kape. “Death anniver *hik* shary ng tatay ko.” “Death anniversary? Sorry…” “Bakit? *hik* Ikaw ba pumatay sha kanya?” >____________________________________< Mukha ba kong mamamatay tao?! “Hanggang ngayon… Umiiyak pa din mama ko…” “Hindi mo naman siya masisisi. Mahal niya eh.” “Hindi sha dapat mahalin! Grade four ako nung iniwan niya kami para sha *hik* ibang babae. Buti sha’min kampi si lolo. *hik* Bawat okasyon, pinapadalhan niya ko ng *hik* cactush… Baliw lang?! Mapapalitan ba sha ng cactush?! Ibato ko sha *hik* kanya yun eh. Two yearsh ago… Death by car acshident… Pero bakit hanggang ngayon, iniiyakan ni mama yun?! Bakit ba kayong mga lalake, hindi na lang makuntento sa isha?!” “Hindi naman applicable sa lahat yun…” “Wushu. Pinagtatakpan mo pa uri mo! Nung third year kaya ako, pinagpalit ako ng boyfriend ko para *hik* sha ‘kaibigan’ ko. Ikamamatay niyo ba maging shtick-toone?!” Umiyak siya ng umiyak. Tss. Ayoko ng ganitong view. Nawala na hangover ko sa sobrang pag-aalala sa kanya. “Kaya mo pa ba maglakad Lavender? Mahiga ka na kaya muna sa kwarto. Ipagluluto na kita ng almusal.” “Sh-Shofia.” “Ano?” “Tawagin mo kong Shofia shabe ko. Binge!” “O sige. Sofia. Kaya mo pa ba maglakad?” “Oo. Kashe may paa ako. Hahaha! Ayoko! Buhatin mo ko!” ** Tong lasing na to. Ang ingay. Pero mabuti na yun kesa umiyak siya. Kumakanta pa wala naman sa tono. Ang likot-likot pa. Mamaya mabitawan ko to eh. Pero syempre joke lang yun. Mabagsak ko na lahat wag lang siya. “Shyrush…” “Oh?” “Ngiti ka nga.” “Bakit?” “Bashta! Hala! Ngiti!” ^__________________________^ Yan? Sapat na ba yan? Grabe tong lasing na to. Makademanda wagas. “Shabe na ba mash gwapo ka pag nakangiti eh. Taposh may dimple ka pa. Pinanganak ka ba talagang gwapo?” O/////////////////////O Yung prinsesa ko? Pinupuri ako? Ganito ba talaga to kapag lasing? Nambobola? Pagkalapag ko sa kanya sa kama, automatic na nagtaklob na siya sa ilalim ng kumot. Iniwan ko na din siya para mapagluto ko na. Gwapo daw ako. Hahaha. Di ako na gwapo. Tapos maganda siya. Bagay kami. Hahaha. Chapter 5**TAYO na nga kasi... Lavender’s POV ^O^ Ang bangooooooo~ Anong meron sa kusina na nakakapangkalam ng tiyan ko? Hoola~ Bakit ako nahihilo?! Tsaka kelan pa naging black and white kwarto ko? **Odd parents… Fairly odd parents…** O______________________________________O T-Teka. Wala ako sa bahay namin. At bakit may lalake sa sofa?! Sino kang bruho ka?! Nasan ba ko?! Nilapitan ko yung sofa. At tinaob ko. *blag* “Punye—Sofia! Gising ka na pala. Gutom ka na ba? Pinagluto kita.” “Hoy Cyrus! Anong ginagawa ko dito? Tsaka ilang ulit ko bang sasabihin sa’yo na wag mo kong tatawaging Sofia?” “Pumunta ka dito. Malay ko ba kung pano ka nakapunta dito. Pinapasok mo na nga lang sarili mo eh. Ikaw din nagsabi na tawagin kitang Sofia.” Loading… Loading… LOADING COMPLETE! Tsk. Di ako na mali. Tao naman. Maganda lang. Naalala ko na. Sobrang ayaw ko sa bahay kaya pinuntahan ko tong taong to. Wala ng bawian. Nasabi ko ng pwede niya kong tawaging Sofia. NAMAN! “Ah. K. Fine.” “Hindi ka man lang ba mag-so-sorry?” “San? Kung ayaw mo na nangyari lahat to, di sana pinaalis mo na ko agad. Pero hindi, kaya bakit ako mag-so-sorry?” “Ahh. Hindi. Ano. Oo nga. Tama ka.” “I know.” ** Ala-una na. Sinabayan na ko kumain ng breakfast/lunch/meryenda ni Cyrus. Kesyo malungkot daw kumain mag-isa. Palusot niya! If I know, gutom na din siya at nainggit lang siya sa’kin kasi ang sarap ng kain ko. Well… Masarap naman kasi talaga yung luto niya kaya masarap kain ko. >____________________________________________< Tsk. Alam ko na ngang bagong gising ako. Dapat tititigan pa talaga ako?! Eh pano kapag natunaw ako? Mabubuo ba ko ng taong to?! “Bakit kaya hindi mo na lang ako picturan ng matapos na?!” “Pwede ba?” Ay anak ng pitong tupa. Alam mo yung binabara kita tapos… Eh! Ewan sa taong to! “Sebastian last name mo di ba?” “Oo. Bak—” Nahinto yan kasi alam niya na ayaw kong tinatanong niya ko lagi. Buti naman natuto na. Ang tagal na naming magkakilala eh. “Just so you know, lolo ko ang director ng school natin. Dahil dun, may free access ako sa information mo. Kaya nakuha ko number at address mo. Yun din dahilan kaya nalaman ko pangalan ng kaibigan mo.” “May pagka-stalker ka ba?” “Gusto mong buhusan kita ng kumukulong tubig? Dama much?!” Napainom ako ng tubig dun ah. Bakit naman ako magiging stalker ng taong to?! Sure. He’s cute. Pero asa namang stalker material ako. ** Alas-dos. Katatapos lang namin kumain. Ako nanonood pa din. Siya kaharap niya yung laptop. May tatapusin daw kasing kung anong report. “Cyrus, get up.” “Ha?” “Tatagalugin ko. TAYO! Wag mo ng ipatranslate sa ibang lenggwahe. Ayokong duguin tenga ko.” “San naman tayo pupunta?” “Ayoko na ng vibes ng unit mo. At may ilang oras pa kong pwedeng patayin. Let’s go.” “Saan nga?” “Do you trust me?” “Oo.” “Di wag ng magtanong!” Cyrus’ POV Saan naman kaya kami ngayon pupunta ni Sofia? SOFIA. Hahaha. Ang sarap sabihin. Kotse niya uli gamit. Iba na nga ngayon eh. Mercedes SLR na. Eh di siya na mayaman na laging nagpapalit ng kotse! O_______________________________________O “Problema mo? Tara na.” Kahihinto lang namin. At nasa perya kami. PERYA. Sa lahat ng lugar, perya talaga? Pano niya nalaman naman na meron nito dito kung nasan man kami? Parang lahat naman alam ng prinsesa ko. “First time mo ba dito?” “Oo.” “Ako hindi. Nung grade six ako pumunta din kami sa ganito ng lolo ko. Pero ngayon kasi medyo busy na sila ni mama sa pagpapatakbo ng business kaya…” Sa ganda. Sa yaman. Lahat yun nasa kanya. Maliban na lang siguro sa atensyon at pagmamahal ng pamilya niya. Eh kung sa’kin na lang kaya niya ibigay yung atensyon at pagmamahal niya? Hahaha. “Whoa! May bingo dun oh! Tara sali tayo!” Hatak na naman niya yung sleeves ng damit ko. Kahit naman hindi niya ko hatakin, susunod ako sa kanya. Kahit sa impyerno, langit, o purgatoryo man. ** Alas-sais. Sa may ferris wheel. Palubog na yung araw. Pero yung kasiyahan ko hindi lulubog. Ngayong araw, may bago akong baso at pinggan dahil kay Sofia. Hahaha. Kakalaro sa mga pakulo ng perya na to. At siya may malaking chichirya. Kung nakita niyo lang yung ngiti niya nung hawak niya yun, pati kayo mahahawa. Mapapangiti din kayo. “Sofia, salamat nga pala ah. Sa baso at pinggan.” “Hahaha.” ^__________________________________________^ Yan ang tawang totoo. Ang sarap sa tenga! Hinding-hindi ko pagsasawaan pakinggan yun! “Para baso’t pinggan. Wag mo sabihing may condo ka tapos baso’t pinggan eh wala ka?” “Meron naman.” “Buang.” Nandito na kami ni Sofia sa tuktok ng ferris wheel. Di ba eto na yung mga pagkakataon sa mga palabas na maglalambingan yung dalawang bida? Eh anong gagawin ko? Aakbayan siya? Hahawakan yung kamay niya? “ARAY!” >______________________________________________< Tss. Ang sakit! Kagatin ba naman kayo ni Sofia bigla… “Masakit?” Tiningnan ko yung kinagat niyang parte ng braso ko. Tss. May bite mark pa. Tapos tinatanong niya kung masakit. As a matter of fact… >___________________________________________< Pano ko naman ngayon sasabihing masakit?! Kulang na lang tangayin na ng langgam yung ngiti niya sa sobrang tamis. “Hindi naman.” “Lapit ka nga sa’kin.” Lumapit naman ako sa kanya tapos… *pak* >_________________________________________< Kanina pa ko nasasaktan ah! Kanina, nilaglag niya ko sa sofa. Tapos kinagat niya ko. Ngayon sinampal. Tss. Bakit walang men’s abuse sa batas?! “Masyado kang mabait.” Pagkababa ng ferris wheel, nakatingin lang siya sa’kin. Masyado ba kong mabait? Hindi naman. Sapat lang di ba? ** Alas-otso. Nakarating na kami sa bahay niya. Hindi na rin ako nagulat. Expect ko ng malaki bahay nila. “Lavender!” “Ma.” Halata mo sa mata ng mama ni Sofia na umiyak lang yun ng umiyak maghapon. Naka-itim pa. Bumabati din sa ilong mo yung amoy ng kandila at bulaklak. Tapos wala ka na ding ibang makikita kundi katulong. Kaya pala ayaw ni Sofia dito. “Buti naman umuwi ka na. Sino siya?” “Boyfriend ko. Tara na sa loob ma. Pagod na ko eh. See you tomorrow Cyrus.” O__________________________________________O BOYFRIEND? Ako? Kelan pa? Masaya ako pero… Kelan pa nga nangyari yun? Pano? Bakit? Hindi ko naman matatanong si Sofia kasi sinaraduhan na niya ko ng pinto. BOYFRIEND? SERYOSO? **vibrate vibrate** UNKNOWN NUMBER Magpahatid ka na lang sa driver namin. Ingat. To: UNKNOWN NUMBER (malamang si Sofia to) Sige. Salamat. Eh ano yung sinabi mo sa mama mo? Boyfriend? **vibrate vibrate** Oo. Boyfriend kita. Sige. Wag ka ng mag-reply. Kay mama tong cellphone. Wala akong load. Boyfriend nga talaga niya ko! Papalag pa ba ko eh gusto ko rin. Hahaha. Chapter 6**ALEX Dwayne’s POV Monday na uli. At may report kami ngayon sa English 1. Oo nga pala. Ako si Dwayne Larete. Kaibigan at kaklase ko na si Cyrus simula highschool kami. Sabihin na lang natin na kung may mayaman at may-kaya, nandun kami sa gitna. Pareho kaming business management students. Mga future tagapag-mana din kasi kami ng mga kumpanya ng magulang namin. At saan pa nga ba ang pinaka-magandang university kundi sa Seymour (Say-more)? Dito walang uniform. Wala ding block sections kaya kung anong subject lang gusto mong kunin eh ayos lang. Malaya ka ring makakapili ng gusto mong schedule. Kumpleto sa facilitites. Wag niyo lang tatanungin kung magkano yung tuition. Hahaha. 9 AM Room ***. Nag-ca-cram na si Cyrus. Hindi pa kasi niya tapos yung report niya. Wala na kasing inatupag kundi si Lavender. Yan ang mahirap sa mga inlove. Hindi na nakakapag-isip. Buti na lang ako. Unattached. 9:30. Dumating na yung prof. Si Cyrus, kabado. Hahaha. Palibhasa kasi hindi pa niya talaga natatapos yung report niya. Siya pa naman unang magrereport. You are so dead Sebastian. “Okay let’s have our first reporter…” *tok tok tok* “Thank you Lord!” =_______________________________________= Wala ng pag-asa to si Cyrus. Kanina pa type ng type sa laptop niya. Wala ng makakasalba sa’yo. Hahaha. What a friend ako. XD O_________________________________________O Yun yung pinapantasya ni Cyrus ah! Ginagawa niya dito? Hindi naman namin siya kaklase. “Tol, ginagawa ni Lavender at kinakausap niya yung prof natin?” “San?” “Yun oh.” “Mr. Sebastian. A word?” Hahaha. Patay kang bata ka. Sabi sa inyo sisirain lang talaga ng Lavender na yan buhay niya eh. ** “That is all. Thank you.” “Great job Mr. Sebastian! I expect everyone will do great like your classmate next week. Dismissed.” Break time. Puro papuri nakuha ni Cyrus sa report niya. Hindi ko din alam kung pano nangyari yun samanatalang hindi pa nga niya natatapos yun at kulang na lang maglakad siya ng nakaluhod mula Cubao hanggang Quiapo makaligtas lang talaga siya sa report na yan. “Anong milagro ginawa mo? Kanina lang hindi ka pa tapos sa ippresent mo kay sir.” “Ah. Yun ba? Si Sofia gumawa nun.” “Sofia? Sinong Sofia? May bago ka ng babae? Tss. Ang tinik mo pre!” “Si Lavender. Sofia Lavender. Tss. Bakit ko naman ipagpapalit yung girlfriend ko?” “GIRLFRIEND?!” Nung kailan lang ng nag-iinuman kami dahil sa babaeng yun tapos ngayon, girlfriend niya na yun? Pano nangyari yun? “Cyrus! Tara na! Ililibre mo pa ko ng lunch! Hi Dwayne.” Sila na ba talaga? Parang hindi naman. Baka nangangarap lang to si Cyrus. Hahaha. Sky is the limit ang pangarap ah. Hindi na lang sinabing asawa niya ng mas mataas pa. “Ahh. Oo nga pala. Kasama ko yung bago kong buntot. Si Alex.” “ALEX?!” “Oo. Alex. Sabi ni mama i-tour ko daw siya sa campus kasi new enrollee daw yun. Psh. Kelan pa ko naging tour guide?!” “Ano mo si Alex? Kababata? Pinsan? Kinakapatid?” “Naka-drugs ka Cyrus?! Sandali nga. Baka naligaw na yun. Tawagan ko muna.” Pagkaalis ni Lavender, kulang na lang mantika pwede ng pagprituhan si Cyrus sa sobrang init ng ulo. “Tss. Alex. At tatawagan pa talaga. Ako ngang boyfriend…” “Hindi din halatang nagseselos ka. Hahaha.” “Shut up Dwayne.” “Wow! Kapag nagseselos ba nakakapang-ingles?” Nanahimik na lang si Cyrus. Kung sino man yung Alex na yun, kawawa na yun. “Bakit ba ang kupad mo? Di ba nga, student center. Saang dictionary naman nakasulat na cafeteria na ang student center aber?!” “G-Gomenasai…” “Wag ka ngang maghapon diyan! Nasa Pilipinas tayo!” Akala ko ba ALEX? Eh bakit babae kasama niya? At hindi rin basta-bastang babae. Medyo simple pero maganda. At alam ko ang meaning ng maganda. Medyo mahinhin kumpara sa war freak na si Lavender. Aakalain mo ngang anghel at demonyita na nagkasabay eh. Hahaha. Jk. Girlfriend DAW yan ni Cyrus. “Guys, si Alex. Alex, si Dwayne at Cyrus. Boyfriend ko.” “Boyfriend mo silang dalawa?” “Sira! Ano ba yang utak mo. Parang cloak ni Harry Potter. Invisible. Tss. Si Cyrus yung boyfriend ko. O siya. Maglu-lunch pa kami. Diyan ka na.” “Lavender, di ba itou-tour mo pa ko?” “Hindi naman ako um-oo kay mama. Tsaka mag-lu-lunch pa nga ako. Kapag tinour ba kita mabubusog ako?” “Hi-Hindi.” “Kitams. Dwayne. Ikaw na bahala diyan. Bye.” “Ha? Bakit ako?” “Kasi sabi ko. Wag ng puro satsat. Kaya mo yan. Wag ka lang gagawa ng kababalaghan, nananapak yan.” “Tss…” “Halalala. Ayaw maniwala? Bahala ka. Itour mo na yan. Kapag na-late si Cyrus sa next class niyo, hindi na siya papasok.” “Ha? Hindi! Papasok ako!” “Hindi rin. Let’s go sagooooo!” =___________________________________________= Ano ba naman tong Lavender na to. Kung manduhan kaming lahat sa gagawin namin eh. Tss. Wala naman na kong choice di ba? Buti na lang magandang babae kasama ko kung hindi iniwan ko na to. “Alex di ba? Tara. Ako na mag-tour sa’yo. Busy si Lavender eh.” “I don’t go with strangers.” “Pinakilala na ko ni Lavender di ba? Ako si Dwayne Larete.” “Larete? Hmm… I’m Alexandra Jan Santiago. Alex for short. Uhm… Si Lavender, ganun ba talaga siya?” “Ata. Hindi ko alam. Siguro. Si Cyrus kasi madalas nun makasama.” “Ahh. Ok.” =_________________________________________= May Maria Clara pa pala sa panahong to. Simple. Mahinhin. Hindi palasalita. Likong-liko sa hilig ko sa babae. Mamamatay naman ako sa boredom kasama si ALEX! Chapter 7**First date Cyrus’ POV Routine. Alam niyo na. Hatak na naman ako sa manggas ni Sofia. Off-campus daw kami kakain. “Sofia. Joke lang yun di ba? Papasok ako sa next subject.” “Depende. May utang ka sa’kin kaya bayaran mo ko ngayon.” “Utang? Ano?” “Yung report mo.” Flashback** “Mr. Sebastian, a word?” Tss. Gisa na ko nito. Kulang na lang bawang at sibuyas. Ano naman sasabihin ko kay sir kaya wala akong mapresent ngayon? Hindi ko naman pwedeng idahilan si Sofia. Kinailangan niya ko ng araw na yun. Aish. Ano ba namang buhay to! Ayaw mo na nga sa course mo, nahihirapan ka pa ng ganito! “Nandito si Ms. Jimenez kasi naiwan mo daw yung report mo sa bahay nila. Hindi ka naman daw niya mahanap kaya dito na lang niya binigay. Mr. Sebastian, I suggest…” “Sir. It’s not his fault. Pre-occupied lang siguro siya. Anyway, Cyrus, eto na yung report mo. Pinaghirapan mo to kaya ayusin mo lang pagpresent ok? Sir, thank you at sorry po uli sa abala.” “It’s nothing.” *________________________________________* Report ko? Naiwan ko kanila Sofia? Eh… Di ba… Alam ko… **vibrate vibrate** UNKNOWN NUMBER Ayusin mo yang report na yan. Pinagpuyatan ko yan. Wag ka ng magreply. Nakitext lang ako. Wala bang cellphone to si Sofia? Laging nakikitext? Pero swerte rin. Kasi pinagpaguran niya yung report ko. Sabi na nga ba nag-aalala rin to sa’kin eh. Kasi kung hindi, hahayaan niya lang akong bumagsak dito. Mali si Dwayne. Hindi sinisira ni Sofia buhay ko. Pinagaganda nga niya eh. End of flashback** “Yun… Natuwa nga pala yung prof namin dun.” “Dapat lang. O siya. Sakay.” O_______________________________________O Sasakay kami sa motor?! Di ba may kotse naman siya? Tsaka may kotse naman ako. “Ha? Dun na lang tayo sa kotse ko. Accident-prone kaya ang mga motor.” “Tch. Sumakay ka na nga kasi sabi. Accident-prone accident-prone ka diyan. Ayokong maglakad papunta sa patutunguhan natin.” “Eh san ba tayo pupunta? Sabihin mo na lang tapos ipag-d-drive na lang kita.” “Aish. Sige. Bahala ka diyan.” *vrrrrrrrrrrrrrrrr* Hala! Inistart na yung motor! Tss. Aalis at aalis siya kasama man ako o hindi! Matitiis ko ba naman siya? Kinuha ko na yung helmet at umangkas. Nagdasal na rin ako na sana mabuhay pa ko. “Sasakay lang din naman…” “Bakit ba kasi hindi na lang kotse ginamit natin?” “Wala lang. Para masaya naman. Hahaha. Ano ba Cyrus? Hindi ka ba nabobore sa buhay mo?Walang ka-thrill-thrill!” Pinakapit niya ko sa bewang niya. Tss. Gusto lang yata magpayakap nito kaya motor ang dinala at hindi kotse. Hahaha. LOL. Sa totoo lang, hindi naman kasi ganito talaga buhay ko dati. Simpleng tao lang ako na may simpleng kasiyahan sa buhay. Nakatadhana na na mamanahin ko yung kumpanya namin pagka-graduate ko. Siguro dahil din sa kagustuhan ng magulang ko kaya naging ganito ako. Nakatutok sa pag-aaral. Boring. Pero nag-iba yun ng makilala ko si Sofia. Parang may roller coaster lagi kapag siya yung kasama ko. Hindi mo alam kung anong susunod na mangyayari. Sa totoo lang, hindi ko nga din alam kung kailan ko naumpisahan maramdaman yung nararamdaman ko para sa kanya. Sa ngayon, siya yung nagbibigay kulay sa buhay ko. And being with her is definitely an adventure I’ll never forget. Dwayne’s POV =__________________________________________= Penge ngang papag! Kahit banig. Masaya kapag kutson. Tss. Natapos yung lunch break ko sa kakatour ko sa kaibigan ni Lavender. Hindi ba to napapanisan ng laway? Bilang sa daliri yung mga salita niya. Tss. BORED! “So yan. Nalibot na natin yung university. Oo nga pala, saan kayo nagkakilala ni Lavender?” “Sa tea party.” “Ahh… Matagal na ba kayong magkakilala?” “Hindi.” Tss. Kausapin niyo nga to! Libre lang naman magsalita tinitipid pa. Ang ganda pa naman ng boses niya. Malambing na mahinhin. “Whoo~ Bilis pa! Ang kupad mo Cyrus!” “Pasensya naman…” Nandyan na yung mag-syota. At pasan-pasan pa ni Cyrus si Lavender. Kakaiba din stamina ng lalaking to. Pano niya kaya natiis mabugbog sarado sa girlfriend niya? Talo pa niya under sa lagay niya eh. “Lavender!” “Bakeeeet? Cyrus, baba mo na ko.” “That’s PDA.” “Ngayon English naman? Kanina Japanese. Ano mamaya? French? Italian? German? Korean? Kung ano pa mang may an.” “That’s still PDA.” “Pasensya na Alex. Na-offend ka ba? Masakit kasi paa ni Sofia.” “Tama. Tsaka sabi sa gate, NO ID NO ENTRY. Hindi PDA NO ENTRY.” “You’re unbelievable.” “I know right? Anyway, manonood kami ng sine after school ni Cyrus, sama ka.” “What? No.” “Yes. Nagpaalam na ko sa parents mo. Whether you like it or not, you will like it.” “Mag-da-date lang kayo eh.” “Psh. Di isama natin si Dwayne para masaya.” >_____________________________________< Walang… Nadamay na naman ako?! Lagi na lang akong nakikita nito ni Lavender. Dahil ba sa matangkad ako? “Hintayin ko na lang kayo o hintayin niyo ko. Kung ano man mauna. Uwian. Come Alex. May klase pa tayo. Bye boys.” Sabi nga ni Alex, she’s unbelievable. Lahat na lang ng gusto niya nasusunod. Ano bang kasabihan yun? Utos ng hari… Nababali… Aish. Basta yun! ** Uwian. Kami palang ni Alex nandito. Tss. Nasan na ba yung dalawang yun?! **my heart’s a stereo… it beats for you so listen close…** / **I don’t know what I want so don’t ask me…** “Hello?”/ “Hello?” “Ano? Bakit?” / “Ano? Bakit?” CALL ENDED “Hindi matutuloy si Cyrus.” / “Hindi matutuloy si Lavender.” >________________________________________< Ano na namang kalokohan to?! Maiiwan kaming dalawa? Ayos lang. Maganda naman siya. Kaso baka magkapanisan lang kami ng laway. “I should just go.” “Ihahatid na kita.” “No thanks.” “I insist. Don’t worry. Hindi ako nangangagat.” “Pffffftttttt…” “May nakakatawa ba?” “Yes. I don’t mind if you bite. Basta handa kang madala sa ospital.” Whoa! Humahaba na linya niya. Teka. Ano daw? Ospital? Bakit naman ako maoospital? “Ano uli yun?” “Wala. Let’s go.” “Hindi nga. Ano?” “Hahaha. Nothing.” “Alex.” “What?” Alam niyo ba yung kahinaan naming mga lalake? Yung ngiti niyong mga babae. Lalo na kung kita sa mata na masaya talaga kayo. Pero nakaka-curious lang. Bakit siya, simple lang? Bakit siya, hindi agad nahulog sa’kin tulad ng mga babaeng nakilala ko? “Okay lang ba… Na mas makilala pa kita ng lubusan?” “Pag-iisipan ko.” Si Alexandra Jan Santiago. Sa kanyang simpleng ganda, ako ay nahalina. Hindi siya yung tipong lolokohin. Siya yung tipong mamahalin. Kahit mukhang OUT OF MY LEAGUE siya, try and try until you (a/n: die?! XD) succeed! (ayoko pa mamatay! Tsk.) Chapter 8**Sebastian Family Cyrus’ POV “Kyaa~ Nandyan na yung power couples!” “Grabe! Ang perfect nila nu?” “Sana magkaron din ako ng ganyang lovelife.” “Ang swerte naman nila sa isa’t isa.” >__________________________________< Isang buwan na naman lumipas pero hanggang ngayon ganyan pa din bati nila sa’min. Kami na daw yung POWER COUPLES ng Seymour. Si Dwayne kasi nililigawan na si Alex. Sa tinagal-tagal kong kilala to, hindi pa to nagseryoso sa babae. Pero ngayon, kulang na lang lumuhod siya sa harap ni Alex mapasagot lang. Kung nakikita niyo lang kung pano siya pagsilbihan ni Dwayne. Sabi na ba makakakita ng katapat to eh. Kami ni Sofia. Yun. Kami na parang hindi kami. Hanggang ngayon nga hindi ko pa din alam kung anong tunay na number niya. Ni hindi ko pa nga nahahawakan yung kamay niya. Alam kong kami pero wala lang. Parang hindi rin kami nag-celebrate ng araw namin. Malapit na kami sa main building ng… O_____________________________________O O_____________________________________O “Tol, kotse ba yan ni tita?” Kinilatis ko. Yung kulay. Yung lisensya. Yung brand at type. Pati interior parang kay mama talaga. Imposible namang kanya yan di ba? Gagawin niya naman dito? O_______________________________O O_______________________________O “Cyrus? Dwayne? What a nice surprise!” “Hi tita. *beso*”-Dwayne “Ma? Anong ginagawa mo dito?” “Well, inexcuse lang naman kita for the day. Umuwi na si dad.” Hindi naman bihira umuwi dad ko. Parang lang kasi galing si dad sa isang merger abroad. Tuwing may merger lang naman nagiging big deal ang pag-uwi ni dad. “Ahh. Sige po. Susunod na lang po ako.” “Why? Come. Now. Bring your pretty girlfriend na din para makilala ni dad.” Lavender’s POV Girlfriend? Saan? Sino? May girlfriend pala si Cyrus. Eh nasaan? Pretty daw. Hahaha. Akalain mong may nagkamali. Nilingon-lingon ko pa nga kung sino yung tinutukoy ng mama niya eh. “Lav (chaka di ba?! Ewan ko diyan sa babaitang yan. Ang haba daw kasi ng LAVENDER. Kaya Lav na lang. Nag-away pa kami ng dahil diyan. Yung tipong muntikan kami makalbo. Walang halong joke. Napagod na lang kami… Kaya yan. Lav tawag niya sa’kin. SANDY tawag ko kay Alex. Mwahaha! Pero in private lang yang tawagan namin. O sige. History ng nickname namin ni Sandy.), hinahanap mo? Eh ikaw yung girlfriend di ba?” ~_____________________________~ Ghed. Oo nga. I totally forgot. Pasensya naman. Maganda lang, nagkakamali din. “Sofia, ano? Ayos lang bang sumama ka?” “Sure. Teka.” Kinuha ko yung cellphone ko tapos tinext ko yung secretary ni lolo. < KUYA, AABSENT AKO NGAYON. BAHALA KA NA OKIE? > SENT! Syempre para saan pa na apo ako ng director kung hindi ko lang din gagamitin minsan yung kapangyarihan nila? Sila na bahala mag-excuse sa’kin sa mga prof ko. Hehehe. “Come. Sa iisang kotse na lang tayo.” “Ma, may kotse naman ako. Dun na lang kami ni Sofia.” “No. I want my son and his pretty (hahaha. Ako na nga maganda!) girlfriend to come with me in one car. Ipapakuha ko na lang sa driver yung car mo.” “May kotse din si Sofia.” “No problem.” Labas uli si cellphone. < To: kuya manong family driver : Pa-pick up po ng kotse ko sa univ. Salamat. > SENT uli! “Ginawa mo?” “Tingin mo?” “Bakit sa iba may pantext ka samantalang sa’kin wala?” “Bakit din. Nagttrabaho ka ba para sa’min?” Sumakay na yung mag-nanay sa kotse. Nababanas ako sa mukha ni Cyrus eh. Bakit ba ganun yun?! Pasahan niya ko ng load para matext ko siya! Badterp eeh. Tsaka bakit ko naman siya itetext? Ahh. Oo nga pala. Boyfriend ko siya. Heehee. “Bye S—Alex. *beso* Bahala ka na dito Dwayne ah?” “Oo naman. Hindi ko pababayaan yan.” Kawawang Dwayne. Hindi niya rin kasi alam… Tsk three times. Pumasok na ko sa kotse sa tabi ng nakasimangot na si Cyrus. ** Dumiretso kami sa isang classy restaurant. I’m sure pagmamay-ari nila to. Syempre sure ako kasi ni-research ko siya eh. Pero hindi niya talaga ako stalker promise. Curious lang. “Hi dad. Sorry late kami. Grabe yung traffic eh.” “Ayos lang yun ma. Cyrus! Ang laki mo na ah!” “Dad. Two months ago lang tayo nagkita.” Dad nga yun ni Cyrus. Kitang-kita mo yung pagkakahawig nilang dalawa. Lalo na nung ginawa nila yung weird way na pagyakap ng guys. “Who’s your friend?” =__________________________________= Nemen oh. Lahat ba ng tao sa pamilya ni Cyrus eh spokening dollar?! Mauubos na dugo ko kaka-ingles nila sa’kin eh. Pero dahil malakas ang loob ko, sasabak ako sa gyera. Wish ko lang hindi ko kailanganin yung Red Cross after nito. “Good evening sir. I’m Sofia Lavender Jimenez…” “Jimenez? Are you in any way related to Carl Joseph Jimenez?” “Yes. Lolo ko po siya.” >________________________________< Tss. Pagod na pagod na ko sa kakadugtong nila sa’kin sa lolo ko. Bakit pa kasi ako pinanganak akong isang JIMENEZ? Lagi ko tuloy pakiramdam na hinuhusgahan nila ko dahil sa apelyidong yan. At hindi na dun iba ang pamilya ni Cyrus. Siguro natutuwa sila ngayon kasi may magandang koneksyon yung anak nila… blah… blah… blah… “Talaga? Hindi mo siya kamukha. Anyway, let’s eat. Gutom na ko.” Yun na nga. Kumain na kami. Katabi ko si Cyrus. Nakakatuwa silang panoorin kasi parang ang close talaga nilang pamilya. Puro sila tawanan at kwentuhan eh panigurado nag-uusap din naman tong mga to gamit ang kung anong networking site. Aaminin ko, medyo naiinggit ako. Kasi hindi naman ako nagkaron ng ganyang klaseng pamilya. Simula ng nawala si papa, hindi na nauso sa’min yung term na ‘family’. Naging super hands-on na din si lolo sa business. Si mama, close pa naman kami. Pero hindi tulad ng dati. Enebe. Magdrama daw ba?! Hindi ko role ang magdrama! “So iha, ano ka ni Cyrus?” “Girlfriend po.” O__________________________________O O__________________________________O Bakit naman sila nagulat? Eh kanina nga sabi ng mama niya ako yung ‘pretty girlfriend’ ni Cyrus. Tapos ngayon may shock effect silang nalalaman?! “Girlfriend? For real? But I was just joking… I thought… Oh my…” “Iha, are you really my son’s girl?” “Siya lang naman po kilala kong Cyrus Dean Sebastian. So I’m sure I’m his uhm… girl.” “No way! Ang anak ko… Binata na! Waaaaaah! I’m so proud of you Cyrus!” “And he has good taste. You’re really pretty iha. And I’m sure you’re smart as well.” “Thank you po.” “So when’s the wedding?” Ayun. Umulan sa loob ng restaurant. Nagpaulan si Cyrus. Hahaha. Nasirit niya yung iniinom niyang iced tea. Praning lang di ba? Bakit… WEDDING?! WHAT DA! “Ma! Ano ba naman yan. Wedding agad?” “Hoy Cyrus! Gusto ko ng magka-apo kaya dapat ng makasal ka!” “Bata pa kami ni Sofia. Tss. Kasal naman kasi agad…” Nagtalo ng nagtalo sila tungkol sa kasal namin. Grabe. Hassle pala maging girlfriend tong taong to. Makakasal ka ng wala sa oras. Hahaha. Ang ingay na nila pero ang saya pa rin nila tingnan. “Nakita ko na kung bakit nagustuhan ka ng anak ko. You have a very pretty smile.” >////////////////////////< Naman tong dad ni Cyrus. Di ko nga namalayan na bigla na lang akong nangiti eh. Ako naman si namula na lang. Aba’t ako si Sofia Lavender Jimenez! Kelan pa umatras dila ko?! “Thank you po.” “Why don’t you just call me tito Anthony?” “Ako tita Dinah. Okay?” “Okay po.” “So Sofia…” “Ma, don’t call her that.” Naks! Umiingles na din ang Cyrus oh! “Call her Lavender.” ** Time for dessert. Parang time na din yata para magisa kami ni Cyrus. “I’m sure sa university kayo nagkita pero pano? May sparks na ba agad? Pano ka niligawan ng anak ko?” “Uhm… Teka po. Try ko sagutin lahat. Ahh… Magkaklase po kami sa isang subject tapos binagsakan niya ko ng libro sa paa…” “Hindi kaya sinasadya yun. Tsaka nag-sorry kaya ko.” “Ssh! Nagkkwento ako kay tita Dinah!” “Look dad. Ang cute nila magtalo oh. Tapos tinawag niya pa kong tita. Ang sarap sa tenga naman nun. Sige iha. Tuloy lang. Hayaan mo yan si Cyrus.” “Uhm… Wala naman po yata agad sparks. Mas slow pa nga yata sa pinakaslow si Cyrus. Pakipot pa eh halata namang may gusto naman sa’kin kaya sinabi kong girlfriend na niya ko.” “Ano? So technically hindi ka niya niligawan?”-tito Anthony “Hindi po.” “CYRUS!” “Ano?” “Hindi mo niligawan si Lavender?” “Teka po tito… Ayos lang naman. Tsaka pagsisilbihan naman niya ko buong buhay niya eh…” “Kyaa~ I hear wedding bells!” Hehehe. Hindi rin po wedding bells. More like, he’ll be my own personal slave. Nyahaha. Kaso kapag sinabi ko yun, paktay ako. O_________________________________O Biglang hinawakan ni tito Anthony tsaka tita Dinah yung kamay ko. Baket yun? “Iha, thank you for coming into our life. Cyrus, alagaan mo to kundi…” “Gagawin ko naman yun dad. Hindi na kailangan pang sabihin.” “Magmahalan kayo forever okay?” MAGMAHALAN? FOREVER? Pano… Kaya ko ba… “I’ll try po.” Ngayon lang yata ako naka-encounter ng ganitong klaseng pamilya. Grabeng experience. Mga dalawang oras din siguro kami sa restaurant pero kahit minsan hindi naungkat tungkol sa family background ko. Bongga nga eh. Siguro hindi naman kasi sila tulad ng inakala ko di ba?! Chapter 9**JIMENEZ “Hahahaha. Huwat da. Hindi nga Lav? Nangyari yun?” “Oo nga sabi di ba?” “Hahahahahaha.” “Sige tumawa lang ng parang walang bukas. Malay mo nga naman wala ka na talagang bukas…” “Hui! Ikaw na babae ka! Magagawa ko kung nakakatawa talaga? Ikaw kasi eh.” >____________________________________< Bruhaha din talaga tong si Sandy eh. Kinuwento ko kasi sa kanya yung nangyari nung kumain ako kasama yung parents ni Cyrus. Yan na nangyari sa kanya. Kulang na lang lumabas na yung lalamunan niya sa kakatawa. “Nandyan na si Dwayne, Sandy!” “Shoot!” “Nyahahaha! Echos!” “Lav! Nakakainis ka!” “Oh? Anong gagawin mo? Baka gusto mong i-back flip uli kita diyan. Ikaw diyan nauna eh. Echoserang froglette.” “Psh.” “Kelan mo balak sagutin yun?” “Yun? Tss. Lav, hindi siya yung tipong sineseryoso. Alam kong notorious playboy siya. Ano kayang mangyayari kapag siya naman yung napaglaruan?” “Hindi ka ba natatakot sa karma Sandy?” “Nope. You?” “Tinatanong pa ba yan…” “See. That’s why we’re friends.” So nakita niyo na nga po yung other side ni Sandy. Ganyan yan. Medyo player din yan eh. Tapos kung ako, mixed martial artist, siya, taekwando. Kaya kawawang Dwayne. Hindi mo talaga alam kung ano nakatapat mo. **I’m the best damn thing that your eyes have ever seen** Wala lang. May nag-text lang. Galing kay… MAMA?! “Hi Alex! Sofia! Sorry ang tagal namin. Ayaw pa ata kasi kami palabasin… Sofia? Ayos ka lang? Namumutla ka yata.” “Kailangan ko ng umuwi. Bye guys.” “U-Ui… Teka.” >______________________________________< Sheyt. Wala pala akong dalang sasakyan ngayon. Coding. Amp. “Cyrus, ipag-drive mo ko.” “H-ha? Di ba may next class ka pa? Bakit ka uuwi?” “Bwiset. Kung ayaw mo, di wag! Mag-co-commute na lang ako!” “Wala naman akong sinabing… Hai. Dwayne, hatid ko na muna si Sofia.” “Sige lang tol.” ** LAVENDER, ANAK, MAG-LUNCH KA DAW DITO SA BAHAY SABI NI LOLO. – Mama >_________________________________< Ang daming alam ng lolo ko! Tsk. Labag man sa loob ko, walanjo, anong laban ko?! Ayos lang naman si lolo eh. Kaso ng nangyari na nga yung alam niyo na, parang nawala na din siya. Actually, parang nawala na nga silang lahat eh. Kita niyo, malalaman niyo kung bakit ayaw kong kumain kasama si lolo. Cyrus’ POV Nahatid ko na si Sofia sa kanila. Buong trip parang kabadong ewan lang siya. Hindi ko naman alam kung bakit. “Ma? Nandito na ko.” “Lavender. Tara na. Nandyan na lolo mo.” “Sige. Cyrus, balik ka na sa school.” “Wag na. Dito ka na rin mag-lunch.” “Ma! Ayoko!” “Wag mo na kong kontrahin Lavender. Lika na. Hinihintay na tayo dun.” O_____________________________________O Kamoteng kahoy! O.A. naman sa laki tong bahay nila Sofia! Hindi naman kasi ganun kahalata na malaki siya sa labas. “Hi lo. *beso*” “Lavender. Finally. We can start… Sino yang kasama mo?” “Da, si Cyrus yan. Boyfriend ni Lavender.” “Cyrus? Cyrus Dean Sebastian?” “Yes sir.” “Son of Dinah and Anthony Sebastian, founder and owners of Sebastian Industries. Not a bad choice Lavender.” “…” O_________________________________O Si Sofia? Walang comment? Walang pambabara? Walang masamang komento? Akala ko pa naman walang sinasanto to. May takot din pala. Eh sandali nga, ‘not a bad choice’? Anong sinasabi ng lolo niya? Psh. Hindi naman ako peperahan ni Sofia. Sa yaman niyang yan. “The merger with the Ocampo’s are a success. Finally makaka-reach out na tayo across Europe. Blah… Blah… Blah…” Lunch?! Lunch meeting yata to eh. Bakit business pa din pinag-uusapan? “How was school Lavender?” “Doing great.” “Great. Business?” “Sales went up 3% this month.” “Good. Good.” @____________________________@ Nahihilo na ko. Ganito ba normal na lunch sa kanila? ** Nung natapos na yung lunch (meeting), nauna na tumayo yung mag-nanay. Nung tumayo na ko, pinigil ako ng lolo ni Sofia. Seryoso yung mukha. Mas seryoso kesa kanina. “Iho, boyfriend ka ba talaga ng apo ko?” “Yes sir.” “Please wag mo kong tawaging sir. Hindi ka nagtatrabaho para sa’kin. So, how is she?” Hindi ba kayo nagkita kanina? Tss. “Ayos naman po siya.” “Elaborate. Kumakain ba siya sa oras? Masyado ba siyang nagpapagod? Tumatawa at ngumingiti ba siya?” “Opo. Hindi naman siya nagpapalipas. Hindi din naman niya pinipilit yung sarili niya kapag pagod na siya (lalo na’t ako naman yung bugbog sarado kapag magkasama kami) tsaka pala-ngiti naman po siya pero bihira ko lang siyang marinig tumawa.” “Sabi ko na nga ba. Iho, do me a favor and treat my granddaughter well.” “I will.” “Mabuti naman. Gusto ko lang naman na maging masaya ang apo ko. Pero wala na kong ginawa kundi ang i-disappoint siya. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Just… Take care of her…” Umalis din yung lolo ni Sofia pagkatapos nun. Grabeng damage ng pamilyang to naman. Tsk. Teka nga. Nasan na nga ba si Sofia? Baka makahabol pa kami sa klase. “Sofia?” “Nandito ako *hik* Shyrush!” >________________________________< Lasing ka na naman?! Bakit ba ang hilig niyang tunggain yung wine? Meron namang baso. “Tss. Yan ka na naman. Amin na nga yan.” “Di sha’yo na. *hik* May isha pa naman… Hoy! Bakit mo kinuha lahat?!” “Lasing ka na naman.” “Hindi nga ko lasheng.” “Tss. Mahiga ka na lang. Tama na.” “Punta tayo sha inyo.” “Ng ganyan ka? Hindi.” “Shunget!” Anak ng tokwa naman. Ang cute pa din niya kahit lasing. “Akyat na ko *hik* sha kwarto ko…” “Sofia!” >________________________________< Tss. Muntikan tumigil tibok ng puso ko dun ah. Muntikan na kasing lumagapak sa sahig. Binuhat ko na siya papunta sa kwarto niya. Mamaya gumapang pa to eh. “Yan. Magpahinga ka ha. At wag ka na ngang maglalasing sa susunod.” Tumalikod na ko kasi palabas na ko ng kwarto niya. Hawak ko na nga yung doorknob eh. “Shyrush…” Chu~ (a/n: chu~ = kiss ^^) O_____________________________O “Sofia…” “Bakit aking Shyrush?” “L-Lasing ka…” “Oo. Lashing sha *hik* pagmamahal mo. Hehehe.” Bakit ako kinikilig ngayon? Tss. Nalasing daw sa pagmamahal ko eh. Hahaha. “Shyrush.” “Oh?” “Wag mo ko iiwan ok?” “Hinding hindi.” “Good. Lapit ka sha’kin.” “Bakit?” Chu~ Kanina pa ko ninanakawan ng halik ah. Nakakahalata na ko. Hahaha. Pero gusto rin. XD Chapter 10**It's complicated Lavender’s POV Tengenengeneng… Hangover! Hai~ Naglasing nga pala ako sa sobrang frustration. San ka pa kasi nakakita ng pamilya na ang lunch ay nagiging lunch meeting?! Tss. Umaga na. Buti na lang wala kong pasok. Kahit naman meron, hindi ako papasok. **She's cold and she's cruel but she knows what she's doin' She pushed me in the pool at our last school reunion She laughs at my dreams but I dream about her laughter Strange as it seems She's the one I'm after…** P.S. may FB na po yung characters dito. add niyo na lang po. mabait naman sila. promise.> May tumutugtog ng piano namin! Wala namang ibang gumagamit nun maliban sa’kin eh… Hoola~ Anong kababalaghan meron dito? Kung yung tatay ko to na nagmumulto, paliliguan ko yun ng holy water! **Cause she's bittersweet She knocks me off of my feet and I can't help myself I don't want anyone else She's a mystery She's too much for me But I keep comin' back for more She's just the girl I'm lookin' for…** Si Cyrus?! Tss. Ginagawa niya dito eh ang aga pa. 8 AM to be exact. Iba naman yung damit niya sa kahapon. Actually, bagay sa kanya. Ang gwapo nga niya eh… O.o GWAPO?! **She can't keep a secret for more than an hour She runs on 100 proof attitude power And the more she ignores me the more I adore her What can I do? I'd do anything for her…** Mukhang timang tong lalaking to. Alam niyo yung pinahirapan ko siya, sinasaktan physically pero ako lang talaga gusto niya. Ang ganda ko di ba?! Magpapagupit na ko bukas kasi ang haba ng buhok ko GRABE! “S-Sofia? Kanina ka pa diyan?” “Malamang. Bahay ko to eh. Ginagawa mo dito?” “Eh dinadalaw kita… Kasi kahapon…” Hala siya. Bakit siya namumula?! Kahapon… Lunch. Tapos uminom ako. Nalasing. Tapos… Tapos… O/////////////////////O “Get out!!!!!!!!!!!” “Bakit?” “It’s none of your business! Get out!!!!!!!” “Pano kung ayaw ko?” “Aba! At marunong ka ng lumaban ngayon?!” “Hindi kita lalabanan. Mahal kita eh.” >//////////////////////////////< What da eff. Mahal?! Eh bakit naman ako mamumula dito?! “Sebastian!!!!!!!!!!!!!” “Aalis na po.” Tsk. Problema ng siraulong yun?! Ano naman problema ko? Hai~ Hindi na po talaga ako maglalasing promise! Naalala ko namang hinalikan ko siya. Bakit ko ginawa naman?! First kiss ko yun! Hindi naman niya mababalik yun… Grrrrrrrr! Inis! ** Pagkatapos ko mag-almusal, tsaka ako lumabas ng bahay. Alam ko nasa labas pa din si Cyrus kasi yun ang sabi ni yaya. Kumain na kaya ng almusal yun? Bahala siya. Choice niyang pumunta dito at maapi ng isang tulad ko. “Hoy Sebastian!” “Sofia! Hi. Hindi ka na ba galit sa’kin?” “Ang daldal mo. Bwiset!” Sumakay ako sa kotse niya. Shocked na shocked pa siya dun. Tss. Buhusan ko kaya to ng malamig na tubig?! “Aalis ba tayo o aalis?!” “Sige. Sige. Ahh… Saan tayo pupunta?” “Ghad! Kahit saan!” “Eh sa puso ko, pwede ba dun?” “Seryoso ka niyan?! Tss. Nga pala, sa’yo na yan.” “Camera? Para san?” “Kainin mo.” “Ha?” “Tanggapin mo na lang.” Tch. Ang daming tanong eh. BUSET! ** “Sofia?” “Mmmm…” “Sofia…” “Anak ng… Patulugin mo nga k—” O___________________________________O Homyghad! “B-Bakit ang la-lapit m-mo?! L-Lumayo ka nga!” “Bakit ka nauutal Sofia?” Bakit nga ba ko nauutal? Para ang lapit lang naman niya sa’kin… Kitang-kita ko yung mata niyang may mahabang pilikmata, yung ilong niyang matangos, yung labi niyang… Tug dug. Tug-dug. “LUMAYO KA NGA SA’KIN!!!!!!!!!!!!!!!” “Aw. Ang lapit mo lang sa’kin, bakit ka ba sumisigaw?” “It’s none of your business!” Lavender naman. Ano bang problema mo?! Si Cyrus Dean Sebastian lang yan. Ano ba naman kasi si ako. Nawawala naman yung control ko sa buhay ko ng dahil sa bwisit na to. Amp! “Sofia. Hui. Ano bang nagawa kong masama? Sorry na…” Ay tokwa! Bakit ba ko sinusundan neto?! I better run. Run. RUN! “Sofia! Sandali!” “Bakit ba?! Lech—” Tug-dug. Tug-dug. **blag** “Gamitin mo na nga lang yang puny€T@ng camera na yan and STAY AWAY FROM ME!” Batas ako eh. Tinulak ko lang naman siya. Hopefully, wag na niya kong sundan. Yung feeling na pinapanood ko siya sa malayo tapos sana nasa tabi niya ko pero kapag nandun na ko, hindi ko na makayanan yung pakiramdam. Hindi ko na talaga maintindihan tong nararamdaman ko! Isa lang ang sigurado ako sa ngayon: hindi ko MAHAL si Cyrus. Imposible. Nakita ko na ang nagagawa ng love sa tao. At hindi ako makiki-join sa mga shungengot na nasaktan, umiyak, at naging miserable ng dahil sa pagmamahal na yan. I WILL NOT SING OF LOVE IF IT DOES NOT EXIST. ** Eto. Pauwi na kami. Tahimik. Na-badtrip siguro siya sa’kin. Ganun talaga. Hindi pa siya masanay. “Patingin ng pictures na kinunan mo.” “Wag na.” “Eh may choice ka ba? Titingnan ko.” O__________________________________O Ako na nakatulala. Ako na nakapalumbaba. Ako na naka-pout. Ako. Ako. AKO!!!!! Puro ako yung subject ni Cyrus sa bawat slide… “Tama na yan. Akin na.” “Cyrus, mahal mo na ba ko?” Napa-break siya ng wala sa oras. Buti na lang naka-seat belt ako kundi, talsik na ko. “Kapag sinabi ko bang oo, sasabihin mo bang ‘I love you too’?” “You’re so stupid. Tingin mo magagawa ko yun? Akala ko pa naman… Hai~ Break na tayo.” “Ano? Bakit? Hindi. Ayoko.” “Wala ka namang magagawa di ba? Goodbye Cyrus.” Lumabas na ko ng kotse niya. Matagal rin bago siya umalis. Nagpasundo ako sa driver namin at kung kelan siya dumating, tsaka lang umalis si Cyrus. Hindi ko naman sinasadyang mahalin ako ni Cyrus. Hindi ko siya kayang mahalin pero bakit ngayon, pakiramdam ko pinupunit yung puso ko? Chapter 11**Not over you Cyrus’ POV Ano bang nagawa kong kasalanan? Ano naging pagkakamali ko? Eh ang ginawa ko lang naman eh mahalin siya tapos… Eto pa ba magiging sukli?! Bawat parte ng condo unit ko, nakikita ko siya. Naaalala ko yung ngiti niya. Yung tawa niya. Kung pano niya ko tingnan. Kung hindi niya lang din naman ako mahal, bakit niya ko ginawang boyfriend niya?! Kinabukasan… “Cyrus? Is that you?” “Hi Alex.” “You look terrible. Ayos ka lang ba?” “Alex! Good morning aking… Whoa! Tol, nangyari?” “Lavender broke up with him.” “Oh? Parang kelan lang ang ganda ng takbo ng relasyon niyo ahh…” “Ganun talaga eh.” “Don’t worry Cyrus, kung kayo, kayo naman di ba?” Kahit naman anong sabihin nila sa’kin, hindi gagaan pakiramdam ko. Kahit anong gawin ko, mahal ko pa rin si Sofia. At hindi niya ko kayang mahalin. Ano siya? Paasa lang? Tss. “Hey guys! Kamustasa?” >_________________________________________< Ang babaeng kumuha at nag-murder ng puso ko, ngayon, nandito. Ako lang naman talaga apektado ng paghihiwalay namin di ba? Tss. Ang ganda pa rin niya. Isang araw pa lang lumilipas, na-mi-miss ko na agad siya. “Lavender? Ginagawa mo dito?” “Wow ah. Good morning din Dwayne. S—uhm, Alex, pahiram naman ng kotse mo oh. Susunduin ko si Chris.” O______________________________O Chris? Sinong Chris?! “Sige. Teka, di ba nasa California si Chris?” “Yup. Na-miss na ko. Umepekto na ang gayuma ko kaya uuwi na siya dito. Nyahahaha.” “Sira! Iniinom ang gayuma di ba?” “Oo. Pina-package ko. Hehehe. Oh siya. Alis na ko. Alam mo naman yun…” “Ikamusta mo ko.” Chris?! Gayuma?! Tss. Kaya naman pala… Hindi niya ko talaga mahal o mamahalin kasi may iba na. Panakip butas lang ako. Salamat Lavender ah! Ang sayang experience na masaktan ng isang tulad mo! Chapter 12**Insensitive?! Ganito yun… Binabara niya ko. Pinapahiya. Pinapagawa ng mga bagay na hindi ko akalaing magagawa ko. Hinihila niya ko sa manggas ko. Kinakagat sa braso ng biglaan. Pero eto pa rin ako. MAHAL pa rin siya. Lunch break. Hindi ko na nakikita si Lavender. Bihira ko na nga lang siya makita eh. Siguro, ikabubuti na rin yun na hindi kami magkita. “Chris naman eh…” “Sige na nga. Naku kung hindi lang kita mahal…” “Hehehe… Oh. Andito pala kayo?” Alex’s POV Anak ng pekwa! Nandito na si Chris. At nakakapit sa braso niya si Lav. Bruha din tong babae na to eh. Alam ko namang hindi ako santa pero mas wagas naman tong babaeng to. Talagang hinarap pa si Chris kay Cyrus? “Chris, lika. Pakilala kita. Yan. Si Alex, si Dwayne tsaka si Cyrus. Classmates at friends ko.” “Oh? Hindi ba kayo pinahihirapan ni Lavender?” “Di naman kaya. Behave kaya ako.” “Hahaha. Oo na. Nice to meet you all.” “Oo nga pala, pupunta kami ni Chris mamaya sa karaoke hub. Parang welcome back celebration. Sama kayo?” Natural ako um-oo. At kapag kasama ako, eh kasama si Dwayne. Ang ganda ko din kasi eh. Hahaha. Ang wagas kaya ako niyan ligawan. Expect ko ng hindi sasama si Cyrus kasi nga di ba… “Sasama ako.” O___________________________________O Seriously?! Humahanap yata to ng papatay sa kanya. “Ok. Mamaya na lang. Ililibre pa ko ni Chris ng lunch eh.” ** Eto. Papunta na kami sa karaoke hub. Kotse ni Chris ang dala namin. Sa harap natural nakaupo si Lavender. Ewan ko kung ako lang nakakadama ng masamang presensya mula kay Cyrus. Weee~ Katakot! Pagkarating dun, parang may awkward… Ay. Wag ko na i-PARANG. SAGASAAN ko na! AWKWARD talaga yung pakiramdam! Di yung pader, tapos ako, si Dwayne, si Cyrus, si Chris, si Lav. Good luck talaga kung hindi magsapakan tong dalawa mamaya. Nagpanggap namang masaya yung si Cyrus. Pakikisama na lang siguro. Ako kasi nasiyahan talaga. Kantahan ba naman ako ni Dwayne ng LUCKY eh malamang. Walang inggitan sa long long hair ko. Hehehe. AM I FALLING FOR THIS PLAYBOY? SECRET! XD **Dreams, that’s where I have to go to see your beautiful face any more I stare at a picture of you and listen to the radio Hope, hope there’s a conversation People admit we had it good but until then it’s alienation I know that much is understood And I realize…** Tss. Ano bang song choice yan Cyrus? NOT OVER YOU ni Gavin Degraw? Hindi naman niya maaapektuhan niyan si Lav. Kasi busy siyang naglalaro ng temple run sa iPhone4s ni Chris. **If you ask me how I’m doing I would say I’m doing just fine I would lie and say that you’re not on my mind But I go out and I sit down at a table set for two And finally I’m forced to face the truth No matter what I say I’m not over you…** “Sht! Ano ba yan! 3 million points lang! Ayoko na! CR muna ko!” Ang hilig talaga gumawa ng eksena ni Lav eh. Napatigil tuloy silang lahat dahil sa kanya tapos ako sumunod sa kanya sa CR. “Lav, ayos ka lang ba?” “Oo naman. Bak—ARAY! BAKIT MO KO BINATUKAN?!” “Check lang kung nakakaramdam ka pa. Mukhang nasaktan ka so it means hindi ka manhid.” “May segway to no? Sige. Ano?” “Inaamin ko namang hindi naman ako ganun kabait pero torture naman ginagawa mo kay Cyrus.” “Choice niya lahat ng nangyayari Sandy.” “Choice din ba niyang maging boyfriend mo? Choice ba niyang makipag-break?” “Bakit ba apektado ka diyan? Kung gusto mo, i-comfort mo si Cyrus. May basbas ko kayong dalawa.” Binatukan ko nga uli! Tong babaeng to akala niya comedy siya eh. Pero wag kayo, hindi siya umaray. Naging manhid na nga yata talaga. “Hindi naman ako santa eh… Hindi ako mabait… Bakit ba kasi ako pa pinili niya? Dahil saan?” “Malay mo love.” “Love? Sandy…” Tapos pinaliwanag na ni Lav sa’kin yung mga nangyari. Kung bakit siya nakipag-break. Kung bakit si Cyrus yung napili niyang maging boyfriend. Naglabas na talaga siya ng lahat ng sama ng loob niya pero kahit isang patak ng luha wala. BAD GIRLS DON’T CRY nga siguro. Mabuti na rin yun. Makita pa siyang namumugto mata, lagot ako kay Chris. Nung pauwi na kami, ganun pa din naman yung pakiramdam. AWKWARD. Pero kahit pano, ako nalinawan sa mga bagay-bagay. Nakamit ko ang nirvana. XD Hindi ko nga lang masabi kay Cyrus yung pinag-usapan namin ni Lav kasi secret daw yun. Mabuti na daw na limutin siya ni Cyrus. Na magalit siya sa kanya. Ano ka teh? Martir?! Pasan mo ang mundo?! Hai naku. Crazy little thing called LOVE. Chapter 13**Ang pagseselos ay pakiramdam, hindi karapatan Room ***. Management subject. Sabi ng prof namin kailangan daw namin gumawa ng business plan na siyang magiging finals na namin. Grabe. Isang buwan lang namin gagawin yun. Suicide?! At wag kayo. Groupmates pa kaming apat. Maganda talaga yan. “San tayo gagawa niyan? Grabe naman kasi…” “Wait. May maganda akong location!” Tapos sinulat na nga ni Lav yung location. Address ng hotel. Wala na ring nagtaka sa’min. Normal na yun. Eh anak mayaman di ba? Tsaka matic na kung bakit ayaw niya sa bahay nila kaya yan. After nun umalis na din siya. Tapos nila maghiwalay ni Cyrus, hindi na talaga yan palasama sa’min. ** 9 AM. **tok tok tok** “Hey. Morning.” O_______________________________O CHRIS?! Nandito si Chris? Ginagawa niya dit—Ommo! Topless siya! Jusmiyo! A-Abs ba yan? One. Two. Teka. Ba’t dumilim? “Ano tinitingin mo diyan?” >___________________________________< Anak ng fishball naman to si Dwayne! Ano pa nga ba ginagawa ko? Di inaadmire yung view! Tss. “Oh. Diyan na pala kayo eh. Hoy Chris! Papasukin mo na nga sila!” “Ah. Oo nga. Hahaha. Tara. Pasok kayo.” Ako lang yata nakakapansin kay Cyrus dito. Grabe yung masamang aura na nilalabas niya. Yeeeee~ Scary! “Nag-almusal na ba kayo? Pagawa tayo kay Chris…” “Lavender kumain na naman kami…” “Ssh! Kung kayo kumain, ako gutom. Tympers lang Alex. CHRIS!” “Bakit Lavender?” >_________________________________< Hindi ba talaga uso kay Chris yung term na sando o t-shirt o kung ano pa mang top pwede?! Hindi ba niya napapansin na nakakatakot na yung dating dito ni Cyrus?! Ako pa naman katabi niya. Mamaya manapak to, gumanti pa ko. “Breakfast please.” “Ano gusto mo?” “Uhm… Steady lang kayo diyan guys. Walang gagalaw. Walang hihinga. Check ko lang kung ano merong breakfast.” Pagkaalis nung dalawa kulang na lang ihagis na ni Cyrus lahat ng nakikita niya dito sa sobrang SELOS niya. Sabagay, kaselos-selos naman kasi si Chris. Matangkad at gwapo. Mabait. Parang lahat na nga nasa kanya. Kaya sige Cyrus. Go lang. Magselos ka lang. Hindi kita pipigilan. “Tss.” “Okay ka lang tol? Pwede namang huminga. Libre yun.” “Ano bang nakikita niya sa Chris na yan? Bwisit eh.” “Well. He’s cute…” “Cute?” >_________________________________< Hala. Bakit naman ako yung biglang balak awayin nito ni Dwayne? Nagsasabi lang naman ako ng totoo eh. Kelan pa ba naging masama magsabi ng totoo? Eh totoo namang cute si Chris tapos… “AAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!” “Sofia!” Boyscout? Laging handa?! Karipas kaming lahat papunta kay Lavender eh. Nawindang lang naman kami sa lakas ng tili niya. O_____________________________________O Ghed. You are dead Christoper Argus Violago. Pano naman kasi. Si g@g@ng Lav eh… Let’s just say na ginawa niyang kutson ang topless na si Chris. Agad-agad naman din siyang tumayo. Kaso syempre kami shocked pa din. “ANO BANG NANGYARI SOFIA?!!!!” “Excuse me? Bakit naman ako magpapaliwanag sa’yo? Grabe ka din makasigaw eh nu? Abot hanggang lobby.” “Tss. Oo nga pala. Ano nga ba naman ako sa’yo di ba? Eh pinaglaruan mo nga lang naman ako. Salamat nga pala dun.” “You’re welcome!” Battle of the exes?! Umexit din naman agad si Lav. Tapos nagkulong sa kwarto. Hindi na siya lumabas kaya umuwi na lang kami. In short, wala kaming nagawa sa business plan namin. Cyrus naman kasi inaway pa si Lav. Yan na nga lang bala natin sa business plan natin. “Bwiset!” Si Cyrus pa nag-drive. Wee~ Gusto ko pang makauwi ng buhay! “Bwiset! Ano bang meron yang Chris na yan na wala ako?! Lagi na lang Chris… Tss.” “Gusto mo malaman?” “Alex.” “Bakit? Nagtanong siya eh. Anong meron sa kanya na wala sa’yo? Si Lavender. Obvious ba?” >___________________________________< Ay pechay! Muntikan na yung mukha ko dun ah! Pwede namang magbabala kapag magbebreak Cyrus! “Sila na ba?” “Hindi nu.” “Mahal ba niya si Lavender?” “Sobra.” “Alex.” “Ano ba? Eh siya tong tanong ng tanong ako inaaway mo.” “I-consider mo naman yung nararamdaman ng tao.” Nararamdaman?! Mas maayos pa nga siguro kung naging manhid o something to si Cyrus. Seriously. Mukha siyang naglalakad na patay. ZOMBIE. Magtatanim na lang kami ng pea shooter sa lawn para di niya makain brains namin. XD Ano gusto niyo sabihin ko? Na nakakaawa si Cyrus?! Sows! Ang daming taong nagugutom sa mundo! Yun ang mas kawawa. Kung na-realize at nalaman lang niya na… Chapter 14**CHRIS Chris’ POV Ako nga pala si Christopher Argus Violago. Siguro sa ngayon alam niyo na yun. Nasa business trip for the month ang lahi ng mga Jimenez kaya ako ngayon ang babysitter ni Lavender. “Chris, may sayad kaya yun?” “Sino?” “Yun.” “Sino ngang yun?” “Yun nga. Kilala mo na yun.” “Sino ba? Ex mo?” “Tse! Ex ka diyan…” “Hindi ba?” “CHRIS…” “Hai naku… Lika nga dito…” Talo ko pa butler sa tindi ng pag-aalaga ko sa babaeng to. Minsan ako driver niya. Tapos bodyguard. Chef. Lahat na. All-in-one. At ngayon, therapist pa. Isang linggo na nga yan ganyan. “Chris?” “O?” “Maligo ka na. Amoy lalake ka eh.” “Malamang. Magulat ka amoy babae ako.” “Eeeeeh. Chaka ng amoy mo! Tsupi!” “Kanina lang nag-eemote…” “Hindi ako emotera! Ewan ko sa’yo!” Yan. Sa ganyang paraan niya ipakita sa’kin yung pagmamahal niya. Inaaway ako. Dati, binubugbog ako. Tuloy nag-aral akong mag-self defense. ** Hapon. Naisipan na naming magmeryenda kasi ayaw daw ni Lavender magpa-room service. Sa labas kami kumain. Sa bubble tea shop sa tapat ng Seymour. Nagulat nga ako ng nalaman kong dito niya gusto. Alam ko hindi naman pala-inom ng tsaa to. At talagang alam ko kasi simula kinder kami magkasama na kami. “Sandy. Tapos na yung hanggang chapter 3 sa… Dito sa bubble tea… Wala nam… ALEXANDRA JAN SANTIAGO! Patapusin mo ko bruha ka! Daanan mo na lang dito pwede? Good. Nadadaan ka naman pala sa sindak. Bye. Grabe. Nakaka-stress tong babaeng to.” “Si Alex ba yun?” “Malamang. May iba ka pa bang kilalang Alexandra Jan Santiago sa mundo?” “Bakit ang sungit mo?” “Eh bakit ang engot mo? Order ka na nga lang ng strawberry milk tea. Matuwa pa ko sa’yo.” >_________________________________________< Wala eh. Takot din po ako kay kataas-taasang Lavender. Maya-maya dumating din yung mga kaibigan niya. At siguro kung nakamamatay yung tingin, kanina pa ko patay. Psh. Nadawit pa ko sa kalokohan ni Lavender. “So kayo na bahala sa ibang chapters okay? Yun lang. Chris, mag-go-grocery pa ba tayo mamaya?” “Ikaw. Ano?” “Ahh… Teka. CR lang saglit.” Lalo kaming nagmukhang husband and wife ni Lavender. Tss. Mukhang t@ng@ magselos yung ex nito. Buti na lang napoprotektahan ako ng kapangyarihan ni Lavender. Hahaha. “Chris, sa suite mo pa din ba nag-i-istay si Lavender?” “Oo.” *bsssssssssssssssggggggggggggghhhhhhh* Psh. Kung makapagdabog. Mabasag niya yang baso, hindi ko yan babayaran. “Sayang hindi ka sinamahan ni Brianna nu?”-Alex “May studies pa kasi yun. Tsaka alam mo namang hindi natitiis ng girlfriend ko si Lavender.” *bsssssssssssssssggggggggggggghhhhhhh* “Tinoo-two time mo si Sofia?!” SOFIA?! Himala ata at hinayaan nun na may tumawag sa kanya na Sofia… Sandali. TWO-TIMER?! AKO?! “Sinong two-timer?” “Si Chris.”-Dwayne “Talaga? Nyahahaha. Lagot ka kay Brianna!” “Kilala mo yun?” “Ay hindi. Kaya nga sinabi ko yung pangalan niya kasi hindi ko siya kilala eh.” “Ikaw na Chris! Dalawa na girlfriend mo, magkakilala pa.”-Dwayne “Oh? Potek. Ang daya mo Chris! Sino yung isa mo pang gf? Wala ka namang kwentang pinsan! Di ba no secret—” “PINSAN?!” “Dapat duet pa talaga?! Hindi ko yan pinsan. COUSIN lang.” “Mag-pinsan kayo?!” “Hindi. Mag-COUSIN lang.” Hinatak na ko palabas ni Lavender. Ang lamig ng kamay… Nanginginig pa. Pasmado ata. LOL. “Tss. Ang daming t@ng@ sa mundo. Nakakahawa yun siguro.” “Ah oo naman. Nahawa ka nga eh.” “Ako na naman?! Hindi ba pwedeng ikaw muna?” Tinitigan ko ng masama yung pinsan kong sira yung tuktok. Kahit ganyan naman yan, may kaunting takot pa yan sa’kin. Then I smirked. Lavender’s POV “CHRIS!!!!!!!!!!” >____________________________________< GRRRRRRRRRRRR! BANAS MUCH KAY CHRIS! Masamang pangitain kasi kapag nag-smirk yung mokong na yun. Meaning, MASAMA na, PANGIT pa. Buti na lang ako… MAGANDA. Lels~ Balik sa problema. IWAN DAW BA KO DITO?! Phone. Wallet. Nasa kotse niya. At ako, NGA-NGA. PANO KO UUWI?! “Lavender? Akala namin umuwi na kayo.”-Dwayne “Sir@ulong Chris, iniwan ako. Pasabay sa inyo.” “Ano… May pupuntahan pa kasi kami ni Alex…” “So uunahin niyo pang maglandian?! Psh…” Hinubad ko na yung sapatos ko. Naka-heels din kasi ako. Lalakarin ko na lang yung hotel. PAPASLANGIN KO YUN SI CHRIS PAG-UWI KO! O____________________________________________O “S-Sebastian! Ibaba mo ko!” “…” Potek! Pwedeng magsalita! Libre lang yun! Kamalas-malasan naman sa lahat ng malas! Binuhat lang naman kasi ako ng lalakeng to at sinakay sa kotse niya! Tch. Kung may choice lang… HUMANDA KA TALAGA SA’KIN CHRIS! ** Sa hotel. Nakarating din! “Oh. Nandyan ka na pala Lavender.” Ngiti pa. Mamaya wala ka ng ngipin!!!!!!! “Sa susunod pwede wag mong iwan ng ganun si S—” “Eh ano naman sa’yo?! Tara Chris. Bubugbugin pa kita.” Ayoko pong tingnan si Cyrus! Ayoko talaga! Wag niyo kong pil… CYRUS DEAN SEBASTIAN!!!!!!! BAKIT KA NAKASIMANGOT?!!!! “Habulin mo na.” “Psh. Bakit? Naghahabulan ba kami? Ako taya?! Ikaw na lalaki ka, lagot ka sa’kin talaga! Iniwan mo ko…” “Lavender… Pinsan mo ko… Easy lang… Peace tayo… Maawa ka…” “At kelan pa ko naawa? TAKBO NA CHRISTOPHER ARGUS VIOLAGO.” Chapter 15**GAME OVER Day 10. Minimum: 14 days. Ano pinagsasasabi ko? Malamang na yung panliligaw ni Dwayne sa’kin. Playboy siya di ba? At interesado lang yung tulad niya sa’kin kasi hard-to-get ako. Kabisado ko na uri niya. Kasi ganun din ako. HAHAHA. Ngayon, inaya niya kong lumabas tulad ng araw-araw na ginagawa niya. Nagpapakipot ako natural. Dama-ers naman niya masyado kung nadalian siya sa panliligaw sa’kin. “Movie?” “Hmm…” ASA KA! Bakit ako sasama sa’yo sa sinehan?! Mamaya gumawa ka pa ng kalokohan, ilipat ko yang ilong mo sa noo mo! “Dinner?” “Nope.” Magpapa-impress ka, ganun? Ipapa-order mo yung pinakamahal tapos magaasta kang rich guy? Naku. Bilhin ko pa yung restaurant para sa’yo! Grr. Tusukin kita ng tinidor eh! “Saan mo gusto pumunta?” Tiningnan ko siya at kamuntikan na kong matawa. Yung mukha niya kasi parang expect na ang isasagot ko eh, “kahit saan basta kasama kita.” OO NIYA. Hindi ako ganun kadaling bilugin oi! “I’m bored. Uwi na tayo.” “Ha? Eh kaaalis lang natin sa inyo.” “So? Take me back. Malinaw na wala kang plano ngayon.” Lumabas ako sa kotse niya. Tingnan natin kung anong gagawin mong lalaki ka. You messed with the wrong girl. “Alex. Teka.” >//////////////////////< H-Hawak ba niya kamay ko?! How dare… “May dalawang tickets ako para sa isang major basketball game. Ewan ko kung gusto mo yun pero I want to spend this day with you. Alex. Please.” Oh…Kay… Seryoso ba siya? Kasi parang… NOPE. Bahala siya. Mukhang kawawa. Pagbigyan. HAHAHA. “Fine. Tara.” O.O WHOA~ MAJOR NGA! MAJOR-MAJOR! Ang daming tao tapos front row seats kami. Adik yata sa past life tong Dwayne na to. Date ba matatawag mo dito?! “So Alex, anong favorite sport mo?” TAEKWANDO. Kaso hindi pa panahon na malaman mo. MWAHAHAHA! “Wala eh. Ikaw ba?” “Wala din. Hahaha.” “Huh? Eh bakit may tickets ka?” “Kay Cyrus to. Hayaan mo yun. Tickets lang yan. Bumili uli siya. Hahaha.” “Baliw ka. Alam mo ba yun?” “No. Ngayon alam ko na.” I just rolled my eyes. Mga lalaki talaga. Nakow Dwayne Larete. Sayang ka eh. Gwapo ka sana. Kung hindi kita kilala, maniniwala na kong sincere ka. Kaso kilala na kita eh. At hindi ako magtitiwala sa’yo. “Whoooo! TECHNICAL FOUL! Psh. Anong klaseng referee ba yun?!” “Akala ko ba hindi ka fan ng game na to?” “Di nga. Nakakainis lang eh. Hindi patas yung referee.” “It’s just a game Dwayne.” “Is it fun?” Muntikan na kong mabilaukan. Ang sarap pa naman ng papak ko sa Lay’s na binila niya tapos babanat siya ng ganun? Malay ko ba sa kanya kung ako o yung basketball game tinutukoy niya. “What?” “You know what I mean Alex.” Nagpaltig yung tenga ko sa sinabi niya. So alam na niya? Malamang. I know what he means nga daw di ba?! Ang kapal din ng muscles niya ah. Makaastang malinis… He’s a playboy too dammit! Kaya wag niya kong magamitan ng linyang yan. Choice niya na ligawan ako. “Kelan mo pa nalaman?” “Na ano? Na nilalaro mo lang ako? Na paaasahin mo lang ako? Na sasaktan mo lang ako? Crap. Seryoso ako sa’yo Alex! Bakit ba hindi mo ko seryosohin?” “Hindi mo sinagot yung tanong ko.” “Mahalaga pa ba yun? FINE! Kahapon! HAPPY?!” “Yup. Pinadali mo trabaho ko. And just so you know, all games are fun. Until it’s game over.” Nilayasan ko siya. At baka hindi ka informed Dwayne Larete, basted ka na. GAME OVER. Chapter 16 **Trust “How dare him! Sino ba siya sa akala niya?!” “Ah… Dwayne Larete?” “Lav… Hindi ka nakakatulong.” “Anong gusto mo? Tawagan si Dwayne at bugbugin?” “No. I want him to suffer more!” “Haaaa~ Ano bang nagawa ng tao sa’yo?!” “Ikaw… Sino ka at anong ginawa mo sa bestfriend ko?!” Tinawagan ko si Lav at ngayon nasa bar kami. Sa pagkakaalam ko kasi siya lang sa ngayon ang nakakaintindi sa’kin. Pero mali ako. Kampi pa yata kay Dwayne tong bruhang to. “Ghad. I hate him.” “Bakit ba? So nahuli niya yung intension mo. So what?” “Isa siya sa mga lahi ng lalaking manloloko. Gusto ko siyang magdusa!!!!!!!!” “Ok. Uwi na tayo Sandy. Lasing ka na.” “Lav! Hindi mo naiintindihan!” Napahinto ko si Lav. Alam ko kung anong kaya niyang gawin pero badtrip talaga ako. Ang sama ng pakiramdam ko sa di ko malamang dahilan. “Alexandra Jan Santiago, pupunta ba ko dito kung hindi ko naiintindihan? Tingin mo hindi ko alam kung anong nangyayari dito, sa’yo?” Yumuko na lang ako at naiyak. Bakit ba ang talino niya kasi?! Oo… Nagsimula lahat two years ago. Baliw na baliw ako sa boyfriend ko nun. Kung ira-rate sa 10 yung pagmamahal ko sa kanya, siguro nandun ako sa 100. Malay ko naman na mahal niya din pala bestfriend ko? Di pa siya nahiya nu? Lahatin na kaya niya populasyon ng Pilipinas?! Naghiwalay kami at nagkatuluyan sila ng ‘bestfriend’ ko. Bilang pasasalamat sa kanya, nagpaganda ako para makita niya yung kawalan niya. Sorry, nakipagbalikan siya sa’kin. Binalikan ko kahit alam kong hindi pa sila hiwalay ng ‘bestfriend’ ko. Para ibalik din sa kanya yung sakit na binigay niya. Tinuruan ako ng good manners eh. Dapat di ba share your blessings? Eh di sampal sa kanila yung nangyari! Mga matitinong lalaki kasi… EXTINCT na. “Lav… Sorry…” “Ayos lang. Diyan ka lang muna k? CR lang saglit.” Nagpunas ako ng luha ko at sakto namang may sumulpot na panyo sa harap ko. Tss. Hindi ko kailangan… DWAYNE?! “Ginagawa mo dito?” “Tinawagan ako ni Lavender.” Psh. Yung babaeng yun talaga pati buhay ko pinapakialaman… Kaya mahal ko yun eh! “Ah. K.” “Alex…” “OH?! Anong kailangan mo?! Puso ko?! Wala na! Binenta ko na!” “Di bibilhin ko uli. One more chance please? Gustong-gusto kita. Sige pahirapan mo ko pero bigyan mo naman ako ng pagkakataon na patunayan yung sarili ko sa’yo.” Lasing na ba ko? Hindi pa naman. Eh bakit gusto ko ng maniwala sa kanya? Hindi ko mapigilan… I really want to trust him. “One chance.” Ngumiti siya. Pagsisisihan ko to bukas ng umaga paggising ko pero what the hell?! Niyakap ko siya tapos nakita ko naman si Lav na nag-thumbs up. Bruha talaga yun. Dahil sa kanya, mapapatino pa ko ng wala sa oras. At magtitiwala kay Dwayne ng wagas Chapter 17 **Alex+Dwayne=AleYne Alex’s POV “Miss Alex, sulat po para sa inyo.” “Iwan mo na lang. Salamat.” Umpisa na ng sem break. Sa wakas! KALAYAAN! Nakaraos din kami sa business plan. Highest pa kami. Hanggang ngayon, bitterness to the nth level pa rin si Cyrus kay Lav. Si Lav… Malay ko sa abnormal na yun kung ano balak niya sa buhay niya. Yung letter na natanggap ko? Kanino pa nga ba galing kundi kay Dwayne. LOVE LETTER daw. Hindi naman ako bago sa ligawan process na yan pero kasi… Saan pa kayo: Flowers? Binigyan niya ko ng cauliFLOWER. Chocolates? Dinalhan niya ko ng CHOCNUT. Alahas? JELLY BRACELET na may pangalan ko. Hindi ko tuloy maiwasang matuwa kasi alam namin sa isa’t isa na madali lang makuha yang mga materyal na bagay na yan tapos wala lang. Ang simple lang ng paraan niya ng panliligaw. Pero syempre, wais ako nu. Alam ko reputasyon niya. Kaya nag-hire ako ng P.I. (private investigator) para sure na wala siyang nilalandi o walang lumalandi sa kanya. Mahirap na nu. I’m an only child and I don’t do sharing. Surprisingly, the PLAYBOY became a ONE-WOMAN MAN. Sagutin ko na ba? Hahaha. Ayoko pa. Pilitin niyo ko. XD ** September 11. Birthday ko na! At gaya ng lahat ng party ko, hindi naman ako papakabog. Kasi hindi naman ako may pakana nito. Magulang ko. Hehehe. “SANDY!!!!!!!!!!! My gash! 17 ka na! Ang tanda mo na! White hair ba yan?” “Saan?” “Joke. Hahaha.” “Ikaw talaga. Birthday ko tapos hindi ka man lang umayos kahit konti.” “Hindi pa ba ko maayos? Bulag ka ba?! Ang gondo ko oh…” “Tss. Feel naman…” “LADIES AND GENTLEMEN!” O_______________________________O Nanyare?! Bakit dumilim bigla? Nasa program ba to?! “ALEXANDRA JAN SANTIAGO…” Hoy! Alexandra daw—Teka, ako yun ah! Sino naman… Parang ka-boses ni Dwayne… “Wag kang maniniwala kapag sinabi kong mahal kita…” O_____________________O Wag maniwala?! Akala ko pa naman nagbago… “Kasi gusto kong patunayan sa’yo na totoo ang sinasabi ko.” Pagkatapos nun, nagka-spotlight sa’ming dalawa lang… Oha. Di kami na sikat. “Happy birthday Alex.” Inabutan niya ko nung heart candies na may mga nakasulat. Actually, isang balot nga eh. Ako na naman si kinilig.xp ** It was a night like no other! Partida. 17th birthday ko pa lang. Actually, the best part ng party ko… Secret lang to. Si Dwayne! Hehehehe. All eyes are on us pero kami wala kaming kahati sa paningin ng isa’t isa. Literal na may pagtingin kami sa isa’t isa. . Nagsiuwian na lahat ng bisita ko. Maliban kay Dwayne. Sabi ko steady lang siya eh. At dahil malakas ako sa kanya, sumunod siya. “Sorry Dwayne… Madami kasing bisita…” “Hindi. Ayos lang.” “Dwayne…” “Bakit?” “Don’t lie. Don’t cheat. Don’t make stupid excuses. Don’t overpromise.” “Hindi ko naman gagawin yun…” “GOOD.” Nilahad ko yung palad ko at dinampot niya yung isa sa mga candy na binigay niya sa’kin. Ano nakalagay? Two words. BE MINE. Wala naman sa plano na magustuhan ko siya. Plano kong laruin siya since PLAYER nga siya di ba? Parang gusto ko na ako na ang pinakamalaking KARMA niya sa buhay. Sa huli, nakuha niya ko eh. Dahil sa TYAGA at SINCERITY niya. Sa totoo naman kasi, wala yan sa tagal ng panliligaw o sa pera o sa dating ng tao pero sa EFFORT. “Sinasagot mo na ba ko Alex?” “Di pa ba halata?” “TOTOO?! YES! YES!” Hala. Nagtatatalon at nagsisisigaw pa. Sige lang. Diyan ka masaya. Di naman ako pamatay ng trip. Lumapit siya sa’kin. Ano na naman gagawin nito?! Yayakapin ako? Hahalikan? Lels~ Kakasagot ko pa lang sa kanya! Sisipain ko mukha nito, subukan niya! “Tatratuhin kita ng may respeto at kahit kelan, hindi kita sasaktan…” Yun. Lumapit lang naman siya sa’kin. Binigyan lang ako ng mas magandang view ng gwapo niyang mukha. Assume naman kayo diyan?! ALEXANDRA JAN SANTIAGO status: in a relationship with DWAYNE LARETE . Chapter 18**Maglandi ka pa,uupakan na kita! Lavender’s POV O_________________________________O A-Ano to?! Si Sandy in a relationship with Dwayne Larete?! Akala ko ba hindi yun yung tipong seseryosohin? Parang timang lungs. Tutal sembreak na naman, gagala muna ko. Tss. Ang lungkot din pala kapag wala yung timang na hinihila ko sa manggas na si Cyr— STOP. “Number ko?” Boses niya yun oh! Ginagawa niya dito?! “Oo kuya. Sige na.” Sandali nga. Boses ng babae yun ah! @#$@%*! Naglalandian pa talaga dito?! Tss. Leshe! Bwiset siya! Ikakaen ko muna to. Baka sanhi lang ng gutom yung inis ko. Kapag busog na ko tsaka ko mambabali ng buto. ** “Kuya ano ba kasi pangalan mo?” “May facebook account po ba kayo?” Tss. Guess who. Hanggang dito sa ***** naghahabulan sila ng mga fan girls niya?! O______________________________O Hala. Nakita ako. TAGO! Tago?! Bakit ako magtatago? Bahala siyang makita yung maganda kong mukha! “Sandali ah. Pwede kakain muna ako?” “Sige kuya. Ililibre ka pa namin!” Psh. Libre daw eh mas mapera pa yan sa inyo. At ikaw naman SEBASTIAN DE LANDI, gusto mo rin eh nu?! SURA! “Waiter, bill!” Tinitigan ako ng lahat ng tao dun. LIKE HELL I CARE! “Pakidala na din yung bill nila *tingin-tingin kayong mga fan girls diyan! Alam kong maganda ako!*” ** “Sofia…” Who da hell is calling me SOFIA?! “Tss.” Binilisan ko lalo lakad ko. Bwisit na Cyrus! EVAPORATE ALDREADY! “Sofia!” “Ano ba?! At tigil-tigilan mo nga kakatawag sa’kin ng Sofia!” “Bayad pala namin kanina…” “NAMIN?! Ng mga fan girls mo?!” “Fan girls?” Ay hindi. FAN BOYS! Tss. Lalo lang akong nasura! Dumampot ako ng mga bato na makikita lang sa gilid ng kalsada. At ano pa nga ba magagawa ng BATO?! “Aray! Ano ba… Tama na…” “Leche! Ang landi landi mo! Nakakasura ka!” “Tek—Sanda—MASAKIT!” “Aba’t sinisigawan mo pa ko eh ikaw nga tong… HOY! KAMAY KO NAMAN!” Yung kamay ko… Yung kamay ko… Hawak niya… HAWAK NIYA TALAGA! >//////////////////////////////////< “Ang gulo mo din eh. Di ba nakipag-break ka na sa’kin? Tapos ngayon, ganyan ka? Ano bang gusto mong mangyari?!” “Gusto ko? Gusto kong wag kang lumandi! Ayokong may kasama kang iba. Subukan mo kong suwayin, uupakan kita!” “Psh.” “Ganun?! FINE!” Hinatak ko yung kamay ko tapos nilayasan ko siya. PSH daw eh. Psh niya mukha niya! “Di ka na mabiro. Matitiis ba naman kita?” ^______________________________________^ I WIN. Akala mo diyan… In the end, tinangay na naman niya kamay ko at ako mismo. “Kung hindi lang talaga kita mahal…” Narinig ko yun! Pakipot ka pa kasi. Kunwari pa… Ilang buwan na nga ba? Pero walei. Ako pa din talaga mahal niya! I looooooooove it! O________________________________O I LOVE IT?!! Chapter 19**Sofia+Cyrus=SofiRus ^____________________________________^ Good morning world! And good morning CYRUS. Tinext ko siya ng good morning. Hindi kami magkasamang natulog. Nililinaw lang. Kasi mahirap na. Baka may T.H. diyan. XD **I’m the best damn thing that your eyes have ever seen** 9:48 AM From: CYRUS PANGET Sino po sila? >_______________________< Booset! Sa lagay na yan, hindi pa niya ko kilala?! 9:50 AM Reply: panget 10:00 AM Same to you. 10:10 AM Kaya pala. So PANGET pala type mo. Pano yan?! Eh maganda ako. 10:15 AM I don’t think so. Homyghas naman katext tong Cyrus na to! Nakakanosebleed! Tsk. Naubos na naman load ko tuloy. Kasi naman. Ang tamad ko din talaga mag-load. Load-an mo nga ko Cyrus. Ikaw umubos ng load ko eh. ** **ding dong** Marian? Lels~ “Lavender?” “Good morning tita Dinah! Tito Anthony!” “Good morning din iha. Tara pasok ka.” “Si Cyrus po?” “Si Cyrus lang ba pakay mo? :33” “Syempre hindi po. Kaya nga po may dala akong cake para sa inyo eh.” “Aww. Ang sweet talaga ng daughter-in-law ko.” Daughter-in-law?! Papalag sana ko eh. Kaso dumating si Cyrus. Mukhang B.V. “Tita malapit na po mag-lunch. Gusto niyo ipagluto ko kayo?” “Naku naman. At marunong pang magluto?! Pwede na talaga mag-asawa Cyrus oh.” Cyrus’ POV Mag-asawa?! Psh. Asa. Siya na nga mismo nakipaghiwalay saikin. Sa totoo nga, awkward surprise na nandito siya sa’min. Eh ano pa nga ba gagawin niya dito? Balak pa niyang mag-lunch dito. Hindi naman sa ayaw ko… Eh hindi na naman kami. Hindi rin naman kami magkaibigan. Pero ang makita siya dito sa kusina namin, SANA GANITO ANG FUTURE. “Ano bang ginagawa mo dito?” “Matutulog. Kaya ko nasa kusina kasi matutulog ako.” “I mean, sa bahay namin.” “Masama ba?” “Tss. ARAY!” >______________________< Tama bang kagatin na naman ako?! Mamaya ma-rabies ako nito eh. “Ang sama mo sa girlfriend mo.” “Girlfriend?!” “Hindi. Boyfriend. Unli?!” “ANO BA?!” >__________________________< Binato lang naman sa’kin yung pot holder. “Malamang na ako ang girlfriend mo. Sira! Kaya tumigil ka na sa kalalandi.” “Ano? Sofia… Hindi naman pwedeng aalis at babalik ka kung kelan mo gusto. Ano ko? Baggage counter?!” “You belong with me Cyrus. So just. SHUT UP.” She’s possibly bipolar. Crazy. Rude. Arrogant. Sometimes that makes me hate her. But most of the time I love her. Because being with her is the happiest and craziest I have ever been. . Chapter 20**The other side Alex’s POV “Kyaa~ Nandyan na yung SofiRus!” “Nakakainggit. Sana may ganung type din ako ng boyfriend… Gwapo. Mayaman.” “Higit sa lahat, buhay lang siya sa panaginip mo. You wish.” “Basta ako AleYne pa din.” “Ako proud SofiRus.” @____________________@ SOFIRUS?! ALEYNE?! Wat da eff na naman ang pinagtsitsismisan ng mga schoolmates kong to?! “Weh. Pagkalat mo Cyrus!” “Sofia.” Welcome new school sem! And welcome to the still at war Lav and Cyrus! Grabe. Medyo malayo kami sa kanila pero dinig mo pa din na nagtatalo sila. Ngayon, medyo naaaninag na namin sila. Habulan MAX pa din. “Sorry na nga.” “Ayoko ng SORRY. Gusto ko hug.” O_______________________________________O HUG?! FOR REAL?! Si Lav? Hug? What! Ommo! At niyakap nga siya ni Cyrus! Pakisampal nga ko. Now na. Pero wag malakas. Baka magmarka. “D-Dwayne… Si Lavender at Cyrus ba yun?” “Saan?” “Ayun oh…” Nung nakita na niya, may kakampi na kong gulat na gulat. Di ba break na sila? At kung nagkabalikan man sila, HUG? Si Lav pa nag-request?! Anong kababalaghan nangyayari dito? “Morning AleYne.” “Aleyne?!” “Naman. Alex plus Dwayne equals AleYne. Yan kaya yung bagong tsismis dito.” “Speaking of, ikaw… Aminin mo nga sa’kin, nagkabalikan na ba kayo?” “Oo. Hindi ako matiis ni Cyrus eh.” “Ako na naman.” “Bakit? Papalag?!” “…” Well, good to know na may mga bagay pa palang hindi nagbabago sa dalawang to. Pero saan pa kayo. Talagang nanghingi ng hug si Lav? Hindi kaya sinisinat lang tong babaeng to?! ** Lunch. For the first time, sabay sabay kaming apat kakain. Syempre yung food ko sagot ng boyfriend ko of one month and counting. ^^* At ang pagkaen ni Lav, sagot ng boyfriend niya na patay na patay sa kanya. Ang gulo din ng dalawang to. Nakakasakit ng BANGS! Sila yung tipong SINGLE, IN A RELATIONSHIP at IT’S COMPLICATED ng sabay-sabay. Minsan naaawa na din ako kay Cyrus kasi yung kakaunting oras at panahon ni Lav para sa kanya eh pinagkakasya na lang niya. Grabeng low maintenace na boyfriend to. Parang pulubi lungs?! “Lav?” “Baket?” “Ano bang gusto mong tawagin ko? Doktor o pari? Choice mo.” “Ano? Di kita magets diyan.” “Lav! May sakit ka! Nasasapian! Makikipagbalikan ka ba kung hindi?!” “INGAY!” Tss. Inaaway na naman ako. Palibhasa bumili yung mga boys ng tubig kaya wala na naman akong kakampi. “Normal ako nu. Ikaw ang hindi. Ikaw tong mahal si Dwayne… ARAY! AMPOTEK ALEXANDRA! BATUKAN MO PA KO ULI, BIBINGO KA NA!” “Normal ako kasi ako nagmamahal. Ikaw ba? May minahal ka na ba?” “Nananadya ka?!” “Sinasabing hindi mahal si Cyrus pero binalikan…” “Masama mag-trip?! Trip kong balikan siya eh. Bakit ba?!” “Sira ka talaga.” “Mas sira si Cyrus. Magustuhan ba naman ako. Siya naman kasi… Hindi naman dapat magbabago ang kahit ano pero one kiss changed everything…” “KISS?!” Tama naman dinig ko di ba?! Kiss talaga sinabi niya? Kiss as in halik? “Eto na yung tubig niyo…” “Halika nga babae ka.” “Sandy! Teka. Pagkain ko! ALEXANDRA!” Kahit anong sigaw mo diyan, hindi kita titigilan. Leshe. Ano akala nito sa puso nung tao? Playground?! Aminado naman akong kahit ako eh naglaro na din ng ganyan pero syempre iba na kapag may nakita ka ng katapat mo. “Ano bang plano mo?! Hindi ka ba naaawa kay Cyrus?” “Tss. Nakakaibang vibes pala kapag may love life? Iwan na kita Sandy. Naiwan pagkaen ko dun.” “LAV!” “Ano ba?” “Paaasahin mo lang ba siya? Mahal ka naman niya. Bakit hindi mo suklian? Kelan mo siya seseryosohin?” “Sandy. Kung siya nga hindi ako tinatanong ng ganyan eh. MASAYA naman kami. Pwede na yun.” “Iba naman yung masaya sa nagmamahalan.” “Eh bakit ba kasi?! Hindi ko siya mahal. Ayoko…” **pak** Sorry Lav. Hindi ko sinasadya. Kampi naman ako sa’yo. Ikaw kaibigan ko eh. Kaso naman kasi ikaw… Pinagkakait mo sa sarili mo yung chance na sumaya at kinakarir pagiging t@ng@. Andyan na oh! Nandyan na si Cyrus. Kung ahas yan, natuklaw ka na. Nandyan na yung chance mong sumaya pero CHOOSY pa talaga teh?! “Hindi ko kailangan ng LOVE Sandy. Sakit lang yan eh. Ayoko ngang mahawa.” Iniwan niya kami nun. Hindi na din niya binalikan yung pagkain niya. And for three days, hindi siya nagparamdam. Ewan ko kung nagtatampo siya sa’kin. Pero sana naman hindi. Sana pinag-iisipan lang niya yung sitwasyon niya ngayon. Chapter 21**MOM-ents Lavender’s POV WALANG PASOK. Badtrip naman oh. Ang lamiiiiiiiiiiiiiig!!!!!! Pano kasi may bagyo. Signal number four. Kasi naman eh. Kamustasa naman yun?! Hihintayin pa talaga mag-signal number four bago suspension ng classes ng college? Ano tingin nila sa’min?! WATERPROOF?! **He told me he’d wait here patiently but I wonder if he’s kidding Well maybe he can be serious now… Maybe not… Maybe not…** Tss. Yan na naman si Cyrus sa kakatawag sa’kin eh. Mahirap bang intindihin na ayoko siyang makausap?! Ayoko siyang kausap. Siya at si Alex. Idawit na rin natin si Dwayne para patas. Tatlong araw na nga kong hindi nagpaparamdam… PARAMDAM?! Ano ko?! MULTO?! Tsk. Ganda ko namang multo. **tok tok tok** “Walang tao!” “Lavender. Baby?” >__________________________________< Naman si mama. Kakatok ka pa eh nasa loob ka na ng kwarto ko! Panira ng moment ko sa tabi ng bintana eh. “Di ka pa ba mag-di-dinner?” “Wala kong gana.” “Kaya hindi ka nataba eh.” “Mama naman. Pati timbang ko…” “Baby…” >____________________________< Kinilabutan bahagya. Tinabihan kasi ako ni mama bigla. Tsaka hindi na niya ko tinatawag na BABY since… Alam niyo na. “Are you okay?” “Ewan ko din Ma.” “Lavender, I’m sorry.” “Para san naman?” “Kasi nangyari to.” “Ang ano? Ma naman eh. Ang labo mo.” “Alam mo Lavender, minsan sinisisi ko sarili ko kung bakit ka nagkaganyan. Parang walang pakialam lang sa mundo. Banggain kung sino man humaharang sa’yo. Higit sa lahat, gwardiyado yung puso.” “Hindi naman kaya… :33” “Hindi ka diyan. Ako pa niloko mo. Mama mo kaya ako. Baka nakakalimutan mo yun Lavender.” Natulala na lang ako sa malalaking patak ng ulan sa labas. Ang lakas ng ulan talaga. Pero mas malakas yung sama ng loob ko. Kelan nga ba huli kaming nag-usap kami ng ganito ni mama? Hindi ko na rin maalala. Pero mama ko pa rin siya. Kahit naman bali-baligtarin ko mundo siya lang mama ko. Anong sinasabing wala akong puso? Na hindi ako marunong magmahal? MAHAL KO KAYA SI MAMA. “Do you hate him?” “Him?” “Si… Papa.” “Ah. No.” Waaaa~ Walang pang-five seconds sumagot na agad?! Wala ng isip-isip?! “Ikaw, do you hate him?” “Ewan. Siguro. Iniwan niya tayo. Iniwan ka niya.” “Baby…” ^_______________________________^ Ang sarap naman ng may hug! Nabawasan yung lamig! “Wag ka ng magalit sa kanya. Papa mo kaya yun. Tsaka actually, okay nga na umalis siya eh.” “Okay?! Anong okay dun?!” “Kasi dun siya masaya. Alangan namang kasama ko siya tapos miserable lang siya, di nadamay pa niya yung mood ko? Ayos lang yun. Kasi iniwan ka naman niya sa’kin.” May hug na naman ako! Hohoho. Keri lang pala na may bagyo. Sumeesweet mama ko eh. Lab it! “Well, tama na sa drama. Kumain ka na dun.” “Susunod na po.” “Anong susunod? Hindi. Ngayon—” ** He told me he’d wait here patiently but I wonder if he’s kidding Well maybe he can be serious now… Maybe not… Maybe not…** CALLING: Cyrus panget “Baby tumatawag si Cyrus oh.” “Wala lang yan Ma. Yaan mo lang.” “Anong hayaan? Boyfriend…” “MISS! MADAM! MAY TAO PO SA GATE. CYRUS DAW. BASANG-BASA SA ULAN.” CYRUS?! Si Cyrus Dean Sabastian?! Takbo naman kami ni mama kasama yung maid. Tumatawag lang siya sa’kin kaya kanina tapos ngayon basang-basa siya sa ulan?! O____________________________________O “CYRUS!” Chapter 22**The Only Exception “CYRUS!” Pakinteyp yan oh! Biglang bumagsak si Cyrus! Anong basang-basa?! Eh parang kapag piniga mo siya makakapag-supply ka na ng tubig sa buong kaMaynilaan eh. Sir@ulo kang tao ka. Ano bang ginagawa mo dito?! “Miss nababasa po kayo.” “Sht. Mukha ba kong may pake?! Leshe. Tumawag ka ng tutulong dito! Ano akala niyo?! Maton ako?! Kaya ko si Cyrus buhatin?!” “Y-Yes miss.” Leshe kang abnormal ka Cyrus! Kapag ikaw napahamak dahil sa kalokohan mong to talaga… Asan na ba yung maid na yun?! Lalo lang si Cyrus nababasa dito eh. ** “Nandito nga po siya. Sorry po. Hindi. Ayos lang po. Bye.” “Sino yun Lavender?” “Parents ni Cyrus. Kanina pa pala yan wala sa kanila. Adik. Tama bang sumugod sa bagyo?!” “Tama na. Atleast ngayon, safe na siya. Iwan na kita ha. Good night.” “Good night.” Adik talaga tong taong to. Hindi ko maintindihan kung ano tumatakbo sa isip niya. Alam ba niyang signal number four ngayon?! Ano bang gusto niyang mangyari?! Mamatay lang ako sa pag-aalala? Genen?! Yan. Nandyan sa ngayon sa guest room. Malamang na present ako sa tabi niya. Ang taas-taas lang naman kasi ng lagnat niya. :3 I hate you Cyrus! Tss. Mas baliw ka pa pala kesa sa’kin eh. Wait lungs mga pips. May hawak siyang papel sa kamay niya. Basa na din natural. Pero medyo mababasa mo pa naman yung nakasulat… Nobela?! Tch. Sofia: I CAN’T PROMISE TO FIX ALL YOUR PROBLEMS, BUT I CAN PROMISE YOU WON’T HAVE TO FACE THEM ALONE. – Cyrus Naman Cyrus… Naka-drugs ka ata. “When I was younger I saw my daddy cry and curse at the wind He broke his own heart and I watched as he tried to reassemble it And my momma swore that she would never let herself forget And that was the day that I promised I’d never sing of love if it does not exist…” Kung bakit ang tindi ng kapit ng tao na to sa’kin, hindi ko maiintindihan. Handa na nga ba kong itigil ang pangangarir sa pagiging t@ng@ at gantihan yung love na binigigay ni Cyrus sa’kin? “Well darling you are the only exception You are the only exception… You are the only exception… You are the only exception…” Oras lang ang nakakaalam kung panahon ko ng magmahal pero we can defy that time for simply loving someone unexpectedly… “Well maybe I know somewhere deep in my soul that love never lasts And we’ve got to find other ways to make it alone or keep a straight face And I’ve always lived like this keeping a comfortable distance And up until now I had sworn to myself that I’m content with loneliness because none of it was ever worth the risk…” Wala naman sigurong masama kung mamahalin ko na rin si Cyrus di ba?! Wala namang dahilan para pigilan ko pa sarili ko. Wala namang masama kung susugal na ko sa love. May tiwala naman akong hindi niya ko sasaktan… “I’ve got a tight grip on reality but I can’t let go of what’s in front of me here I know you’re leaving in the morning when I wake up Leave me with some kind of proof it’s not a dream…” Siguro panahon na para sumaya naman ako. THERE MAY NEVER BE A NEXT TIME. Bibigyan ko na siya ng chance… “Well darling you are the only exception You are the only exception… You are the only exception… You are the only exception… And I’m on my way to believing…” Naniniwala pa din ako na LOVE IS A SICKNESS. IT’S CONTAGIOUS. IT CLOUDS YOUR JUDGEMENT. Pero IT MAKES THE WORLD A BEAUTIFUL PLACE TO LIVE IN. And Cyrus is the ONLY EXCEPTION. Chapter 23**Sorry =________________________________= Morneeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeng. Tsk. Hindi ako nakatulog ng normal. Si Cyrus kasi pauso. Naisipan pang magkasakit. Onga pala, signal number three na lang yung bagyo. Eh alangan namang pumasok kami ng may sakit siya? Kamusta na kaya yun?! Hindi rin ako mapalagay eh. Syempre naman pinaalagaan ko siya sa doktor. Yung family doctor namin. Mahirap na kapag pinaubaya ko sa nurse o maid namin. Mamaya magkaron pa ko ng kaagaw, sibakin ko sila sa trabaho nila. Mwahahahaha! **kreeeeeeeeeeeeeeeeeee** >_______________________________< Anak ng tokwang pintuan! Walang pakikisama?! Bakit ka umiitit?! Ssh! Wag kang maingay! Pinapasok ko kasi yung kwarto ni Cyrus eeh. “Ang aga mo namang mambulabog.” “Ay siomai! Tss. Wag ka ngang manggulat diyan! Humiga ka nga uli. Abnormal kang tao ka. Ginawa pa kaming ospital…” “Ayaw mo kasing sagutin mga tawag ko eh.” “Pinag-alala mo kaya sila tito’t tita.” “Nagpaalam ako sa kanila.” “Wushu. Kaya pala tinatawagan nila ko gamit phone mo.” Bumalik na lang uli siya sa kama niya. Akala mo ka. Nagpaalam daw. Pasalamat ka may nakakita sa’yo kahapon kundi… “Hindi ka ba babalik sa kwarto mo? Alas-tres pa lang ng uma—” “ALAS-TRES?!” Kaya pala madilim pa. Tss. Bakit ba kasi hindi nauso yung orasan sa kwarto ko?! Alas-tres pa lang?! Lagooooot. Pano ko neto?! “Palit tayo ng kwarto. Dun ka. Dito ako.” “Bakit?” “Eeh… May mumu daw dito sa bahay kapag alas-tres eh.” “Naniniwala ka dun?” “Oo. Dali na. Alis na.” Umakyat na ko sa kama niya. Sinipa-sipa ko na nga siya eh. Wala kong pake kung may lagnat siya. Multo na usapan dito oi! Mababanatan ko ba yun eh tatagos lang ako dun? Ayoko! “Hindi ka aalis?” “May lagnat ako.” “Bahala ka. Basta ako hindi aalis.” Kumuha ako ng unan tapos nilagay ko sa gitna namin. Ayoko talagang bumalik pa sa kwarto ko. Pasikatin ko na lang yung araw tapos tsaka ko babalik. 3:30 AM “Cyrus.” “Mmmm.” “Tulog ka na ba?” “Mmmm.” “Gumising ka!!!!!!!!” ^___________________________^ Woopa! Mambulabog ng may lagnat! Hinampas lang naman ng unan. Yan. Gising. Teehee. “Bakit ba?” “Nagugutom ako.” “Tss. Di kumain ka.” “Samahan mo ko sa kusina.” “Sofia, masama pakiramdam ko.” “Eh nagugutom ako…” “Psh. Sige na. Tara na nga.” So eto na nga. Papunta na kami sa kusina. Kapit na wagas ako kay Cyrus. Eeh may multo naman kasi daw dito. Si Cyrus parang zombie lang eh. Muntimang maglakad. Tss. Kung kaya ko namang pumunta dun mag-isa, di ko na siya isasama nu. ** “It's always been about me, myself, and I I thought relationships were nothing but a waste of time…” ..Lalalala… Roast beef sandwich at fresh milk… SARAP! “I never wanted to be anybody's other half I was happy staying out of love, it wouldn't last That was the only way I knew 'til I met… Nagandahan ka na naman sa’kin?” Srsly. May dumi ba ko sa mukha?! Kanina pa ko tinititigan nito eh. Gondo ng kanta ko dito… “I do.” “Ha?” “Let’s get married.” “BALIW! Kasal ka diyan.” Nilayasan ko nga. KASAL?! Ang bata pa kaya namin. Tsaka kahit naman medyo tumanda ko konti… KASAL?! Wala pa yun sa isip ko. Kumanta lang ng I DO kasal na agad?! Hindi ba pwedeng mahalin kita muna? Lels~ **kreeeeeeeee** O____________________________O A-Ano yun?! **kreeeeeeeee** >______________________________< WAAAAAAAAAAH! Sabi na ba may mumu talaga sa bwisit na bahay na to eh! Takbooooooo!!!!! **blag** “Aray…” “Cyrus… Sorry… May kreee kasi ng kreee… Eh natakot ako… Sorry…” “First time.” “Ang ano?” “Na nag-sorry ka sa’kin.” Tinitigan ko lang siya. Onga nu?! First time. Actually first time na nag-sorry ako sa kahit na sino. Wala namang pumilit sa’kin na mag-sorry ako sa kanila eh. Ewan ko ba. Ngayon dito kay Cyrus, parang nababawasan yung sungay ko. Nagiging ANGHEL na ko?! Havei~ ** Bumalik kami sa kwarto niya. Oo. NIYA. Medyo malayo pa kasi yung kwarto ko at inaapoy na naman si Cyrus ng lagnat niya. Galing ko kasi eh. ^^v “Sige. Tulog ka na diyan. Good night.” “Dito ka na sa kama. Sa sahig na ko.” “Tss. Ikaw ang may sakit Cyrus. Subukan mong alisin ako sa sahig itatali kita diyan!” Sa sahig talaga ako matutulog. Kung hindi lang ako natatakot sa leshe na multo na yan eeh. Pero okay lang yun. Kahit medyo malami— “C-Cyrus! Ano… Ibaba mo ko!” “Malamig sa sahig. Wag ka ng magulo.” >///////////////////////////////< M-Matutulog kami sa iisang kama?! Huwat?! Hi-Hindi pwede! Syempre echos lungs~ May unan sa gitna namin. Baka gusto niyang matikim ng FLYING KICK kung ginawan niya ko ng kasamaan?! Chapter 24**Nurse Umag— “Ah!” “Anong nangyayari?” O//////////////O B-Bakit katabi ko na si Cyrus? Di ba may unan sa gitna namin? Saan na napunta yun? “N-Nasan na yung mga unan sa gitna natin?” “Sinipa *hikab* mo. Ang kulit mo pala matulog…” “Eh bakit hindi mo binalik?!” “Kasi…” “Mr. Cyrus, good morning po. Breakfast… M-Miss? Nandito po pala kayo…” “Ai hindi. Wala ako dito. Ilusyon lang. Sino nagsabi sa’yong pwede kang magdala ng almusal dito?” “Uhm… Ano po… Kasi…” “From now on, NO ONE is allowed here without my permission. At tatawagin niyo siyang Mr. SEBASTIAN. Am I clear?!” “O-Opo miss. Si-Sige po. Alis na po ko.” Tss. Ang haharot din ng mga katauhan dito sa’min eh! Sarap kalbuhin! Grrrrrrrr! Ang aga-aga, ginugulo niyo si Cyrus. Tsk! “Landi, wag mong kakainin yan. Ako magdadala ng pagkain mo.” “Ako na naman malandi.” “Hindi ba?! Tss. Bakit ba nilalapitan ka pa nila?! Ano pa gusto nilang mangyari?! Lagyan kita ng PRIVATE PROPERTY OF SOFIA LAVENDER JIMENEZ?!” “Selos ka naman…” “Oo. Bakit? Papalag ka ba?” O__________________________O – Cyrus “Problema mo?!” “Nagseselos ka nga?” “Oo na nga sabi di ba?! Ulit-ulit?! Tss. Diyan ka lang. Kuhaan kita pamalit, almusal, at gamot.” Cyrus’ POV Nagseselos siya?! Nakakataba naman ng puso yun. ^^* Sa ngayon, nakakalamang na yung pakiramdam na umaasa na kahit kaunti eh pinagbibigyan niya na kong hayaang mahalin siya at ang mahalin niya ko pabalik. Hindi naman ako humihingi ng kapalit sa pagmamahal na binibigay ko sa kanya eh. Pansinin niya nga lang ako, ayos na sa’kin. Pero iba na ngayon. Nung gabing inabutan ako ng lagnat, narinig ko siyang kinakantahan ako ng THE ONLY EXCEPTION at walang paglagyan yung kasiyahan ko nung oras na yun sa ideya na SHE’S ON HER WAY TO BELIEVING… ** “Uminom ka na ng gamot!” “Ayoko!” “Uminom na sabi!” “Ayoko Sofi—gulp. TUBIG!” >___________________________< Tss. Ayoko nga sabi eh. Wagas lang. Pinilit talaga ni Sofia na ipainom sa’kin yung gamot. “Gamot lang eh. Ikamamatay mo ba yun?!” “Oo. Kapag overdose.” “Inoverdose ba kita?! Psh.” Hanggang ngayon maulan pa din yung panahon. Wala nang storm signal pero maulan pa din talaga. Hinanap na din ako ng magulang ko pero ayaw pa kong sunduin. Psh. Kesyo mas gagaling daw ako sa piling ni Sofia. Hindi ko naman sila kinontra. Kung gusto nilang dito lang ako, ako din gusto ko. LOL. Hindi ko inakalang maalaga din pala si Sofia. Kadalasan kasi bugbog at sakit ng katawan napapala ko. Eh ngayon, siya yung purong nag-aalaga sa’kin. Medyo bumaba na nga yung lagnat ko pero hanggang ngayon hindi niya ko pinapalapit sa mga staff nilang babae. Lalandiin lang daw kasi nila ko. Psh. Asa namang magpapalandi pa ko eh simula’t sapul si Sofia lang naman ang gusto ko. Sa nangyayari tuloy, pakiramdam ko ang gwapo ko masyado. “I’ve never been sick.” “Ha?” “Kahit kelan hindi pa ko nagkakasakit.” “Pwede ba yun?” “Malamang. Nangyari na nga sa’kin di ba?! Tss.” “Sorry naman…” “Pero ayos lang. Parang ang tibay ko talaga di ba?! Kaya yun. Lagi ako yung nagaalaga kay mama tsaka kay lolo pag may sakit sila.” “So ano? Hindi mo pa nararanasan ang maalagaan?” “Ganun ba yun? Hahaha. Ewan. Masaya naman na ako yung nag-aalaga eh. Pero hindi naman ibig sabihin nun gusto ko ng maging NURSE.” “Wag kang mag-alala. Aalagaan naman kita may sakit ka man o wala eh.” “Ano yun?” “Ah… Wala.” “Kala ko may sinasabi ka eh. Siya. Magpahinga ka na. Chu~” O///////////////////////O D-Did she just… Is this just my imagination? HINALIKAN BA TALAGA NIYA NOO KO?! “S-Sofia!” Humarap lang uli siya sa’kin. Tapos ngumiti. Tumatama yung sinag ng araw sa buhok niya. Ghad! Do you have to be so pretty?! “Matulog ka na. Paggising mo, nandito pa rin naman ako.” Chapter 25**Mr.Photographer Matapos ang tatlo at kalahating araw kanila Sofia, hinatid na niya ko sa’min. Sabi ko ayos lang kahit sa driver na eh ayaw niya. Di wag. “Iwan na kita. Sa susunod, wag ka ngang sumugod sa bagyo. Para kang t@ng—” “LAVENDER!!!!!!!” >__________________________________< Ow! My eardrums! Tss. Si mama sumugod lang naman sa’min. Kay Sofia pala. “I missed you iha! Bakit hindi ka na dumadalaw? Ah. May bagyo pala. Kamusta naman alagaan si Cyrus ko? Hindi ba pasaway? Napainom mo man lang ba ng gamot? Ayaw niyan ng gamot kasi. Mas gumanda ka yata ngayon. Tara sa loob.” Ang daldal naman ni mama. Pasensya na kayo. Ganyan lang talaga yan. Lalo na kung gustong-gusto niya yung tao. At naiintindihan ko naman si mama dun kasi kahit ako GUSTONG-GUSTO ko rin si Sofia. Higit pa sa gusto. MAHAL NA MAHAL. ** “So????????” “So ano?” “Anong nangyari sa three day stay mo with my daughter-in-law?” “Daughter-in-law? Ma, hindi naman kami kasal ni Sofia.” “Dun din ang hantong niyo. Ano na nga?” >________________________< Tss. Dapat pala hindi ko iniwan si Sofia sa sala eh. Di sana hindi ako ginigisa dito ni mama. NANGYARI? Eh wala namang nangyari. Tabi lang naman kaming natulog. Inalagaan ako nung tatlong araw na yun. At hinalikan niya sa noo. WALANG NANGYARI. “My God! My God! My God! Anong nangyari? May nangyari talaga nu? Ano? Ano?” “Ma! Sssshhh! Marinig ka ni Sofia!” “Eh sabihin mo na nga kasi kung ano yung nangyari!” “Tss. Eh wala naman kasi talaga eh. Inalagaan niya ko…” “Tapos?” “Tapos, tapos na.” “Cyrus Dean Sebastian! I’m you’re mother and I demand to know kung anong nangyari nun!” “Wala nga kasi. She… She just kissed my forehead and we slept on one bed…” “KISS?! ONE BED?! ANONG WALANG NANGYARI?! DEFINE WALANG NANGYARI!” “Ssssssh! Wag kang maingay ma!” “Magiging lola na ba ko? Kyaa! I’m so excited!!!!” “Lola?! Imahinasyon mo ma! Tingin mo sa’kin?!” “Oh… So hindi pa? Sayang…” Adik lang. Anong apo?! Kung hindi lang naman natakot si Sofia nun sa sinasabi niyang multo eh malamang na hindi yun magtya-tyaga na tabihan ako at…at… Hmm… Mahal na kaya ako ng prinsesa ko? Pfffttt… Ang sarap lokohin ng sarili ko! “Medyo unfair naman ang daughter-in-law ko…” “Hindi mo nga siya daughter-in-law. At bakit na naman ba?” “Bakit ikaw tawag mo sa kanya Sofia tapos kami Lavender?” “Eh malay ko. Psh. Ako ba si Sofia?” Iniwan ko na si mama sa kwarto ko. Tss. Ano kayang sapi meron to ngayon? DAUGHTER-IN-LAW… APO… At ngayon pati PANGALAN ni Sofia… “Cyrus? Ano to?!” Lavender’s POV “Cyrus? Ano to?!” Yung DSLR camera na binigay ko kay Cyrus yun di ba? Eh bakit hawak ni tita? Tapos bakit parang galit siya? Hala… Ako na naman ba may sala? Tss. Lagi na lang ako. >.< “Bakit mo hawak yan ma? Akin na yan!” “Camera? Cyrus… Akala ko ba…” Akala mo ano tita? Anak ng tinola naman oh. Lagi na lang epic fail si ako. “Tita I’m sorry.” “Huh? Bakit Lavender my dear?” “Ako po yung nagbigay ng camera kay Cyrus. Sinabi niya kasi sa’kin na gusto niyang maging photographer. Gusto ko lang naman po na maranasan niya yung maging photographer kahit isang araw lang… Wala po siyang kasalanan dito. Ako lang po may pakana. Hindi ko naman po alam na bawal siya magkaron ng ganyan. Pero just so you know, magaling si Cyrus. May future siya at sa tingin ko po kahit pano bigyan niyo naman siya ng chance na mafulfill yung dream niya…” “Sofia… Tama na…” “Hindi Cyrus. Tita, wag niyo po sayangin yung talent ni Cyrus sa business management. Kung ako nga naniniwala na may mararating siya as photographer, di ba dapat po MAS kayo kasi pamilya kayo eh.” “O. Anong nangyayari dito?” Tss. Kumpleto na ang pamilyang Sebastian. Lagot na ko lalo pero I DON’T CARE. Dapat nilang malaman at tanggapin na photography ang gustong course ni Cyrus. At kung hindi ako ang magsasabi, sino pa? Kung hindi ngayon, kelan pa? Lels~ I just killed the moment. XD “Dad…I…” Eto na. Lagot na ko. Sorry tita Dinah. Tito Anthony. Cyrus. TT_____________TT “I’m so happy!” O______________________________O He?!! Hanu daw?! Happy???? Eh di ba… Bakit parang galit at naiiyak si tita kanina? Ano ba yun. “Bakit? Anong nangyari?” “Sabi kasi ni daughter-in-law may future daw si Cyrus na photographer. Binigyan pa niya ng camera.” “Totoo ba yun Cyrus? Lavender?” “Opo…” “Bakit ngayon mo lang sinabi?” ** A cup of tea later… “Alam niyo po na gusto ni Cyrus ang photography?” “Oo naman. Nung papasok na siya sa college tinanong namin siya kung ano yung gusto niyang course. Expect namin na photography ang isasagot niya. At susuportahan namin siya ng 100% …” – tito Anthony “Eh pano kapag yun ang kinuha kong course? Pano na yung business…” “Yan. Kita mo na. Iniisip kasi niya yung kapakanan namin. Well, ayos lang yun. Pero syempre may sarili naman siyang buhay at napaka-selfless talaga ng batang yan kaya imbis na sundin ang gusto, ginawa niya yung ayaw niya which is business management.” – tita Dinah “Anak ng tokwang sakit ka sa ulo Cyrus! Pa-martir effect?! Grr! Akala ko pa naman… Badtrip ka eh alam mo yun? Sinusuportahan ka na’t lahat lahat ayaw mo pa?!” “Yung family business nga kasi…” “Shuddap! So tito, tita, susuportahan niyo pa din ba si Cyrus ngayon sa course niyang gusto?” “Oo naman.” “Thank you po!!!!” Bumeso ako sa kanila tapos hinila ko sa manggas si Cyrus. Naririnig ko pa nga sa background na tumatawa si tito Anthony at tita Dinah. Ang kulit at cute daw kasi namin tingnan. Keri lang. Bagay naman talaga kasi kami di ba?! ^___________________________________________^ “S-Sofia… Sandali… San ba tayo pupunta?” “Sa Seymour.” “Ano? Bakit? Gagawin natin dun?” “Mag-da-drop ka ng subjects at mag-shi-shift sa photography.” “Ha?! Kalagitnaan ng sem ngayon. Hindi pwede yun.” “Sabi mo. Eh sabi ng apo ng school director, ako yun, pwede. Wag ng makulit. Bagay ka dun!” “Tss. Parang pinamimigay lang ako…” O.O – mukha ni Cyrus nung hinarap ko siya. Kamuntikan na namang mabunggo siya sa’kin. Hohoho! “Simula ngayon, photography student ka na. Iba na yun sa pagiging business management student. Posibleng bihira mo na ko makita pero hindi ibig sabihin nun hindi na ko ang girlfriend mo. Bawal na bawal na kumuha ng pictures ng ibang babae maliban sa’kin ok? Kung hindi…” “Kung hindi, ano?” “Kung hindi, hindi na kita love.” “Ah oka—LOVE?!” “Ang ingay mo talaga! Tara na nga!” Ako si Sofia Lavender Jimenez. And I admit I’m not perfect. May mga flaws din ako. At madalas akong nag-uumpisa ng gulo at mas madalas na wala akong pakialam sa iniisip at nararamdaman ng mga tao sa paligid ko. And today, I just created the perfect crime. Because I just stole Cyrus Dean Sebastian’s heart and he has stolen mine. ... Chapter 26**Sofia.Sofia.SOFIA! Cyrus’ POV Second day ko na ngayon bilang isang photography student. Hindi naman sa pagmamayabang pero mas madali pa pala to kesa sa una kong course. Hindi rin naman hassle sa’kin na humabol sa mga subjects na na-miss ko kasi napakasupportive ng girlfriend ko. Teka. Ulitin ko lang. GIRLFRIEND. Hahaha. Mababaliw na ko. Ang sarap kasi ulit-ulitin tapos ang lagay, mahal na niya ko. Ano pang mahihiling ko? Walang tutol sa pagkuha ko ng course na to. Gusto ko ang ginagawa ko. At suportado ako ng babaeng pinakamamahal ko. Yan pa nga humabol sa mga prof ko. **If you ever leave me baby leave some morphine on my door Cause it will take a whole lot of medication…** CALLING: 09********* < unknown number > Pustahan si Sofia to. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung ano number niya. Tss. Lagi kasing iba-iba. >.< “Hello?” “Cyrus!!!!” “Sofia? Bakit?” “San ka?” “Papasok na sa room. Business math.” “May business math ka pa rin? Hayaan mo na yan. Dito ko sa gate. Dalian mo. May five minutes ka para marating ako dito.” “Five minutes? Teka…” “Four minutes and fifty-eight seconds…” Psh. Screw it. Ngayon pa lang naman ako aabsent sa subject na to. ** Four minutes and fifty-eight seconds eksakto yung dating ko sa may gate. Buti na lang! Tsk. Nakakatakot ma-late kay Sofia eh. Talagang pinaparusahan ako. Pinapabalik-balik ako sa school building ng hindi gumagamit ng elevator, patatakbuhin sa quadrangle… Kapag siya talaga kasama ko, hindi ako kinukulang sa exercise. “Kotse mo?” “Ha?” “He? Kotse mo nga?” Kotse ko?! Ayun. Naiwan sa univ. Malay ko bang dapat dalhin yun. Hindi ako kinalabit eh. Nalimutan ko tuloy na dinala ko pala. Tss. “Nevermind. Tara.” “San tayo pupunta?” “Sa puso mo. May space pa ba?” “Wala na.” “ANO?! BAKIT?!” “Kasi sinakop mo na yung space dito.” “Tss. Ayus-ayusin mo lang sagot mo diyan Cyrus… May bagong bukas na art gallery malapit dito. Gusto kong makita.” “Tayo lang?” “Malamang. May nakikita ka bang ibang tao? Wala di ba?” :33 Kanina pa ko barado dito ah. May mga bagay yatang hindi na magbabago. Buti na lang mahal na mahal kita… “May date si Alex at Dwayne. Palibhasa monthsary…” Psh. Monthsary nila. Mabuti pa yung dalawa na yun… Eh kami kaya, kelan mauuso yung ganun? Pakiramdam ko kasi ang tagal ko ng kilala at nakakasama si Sofia tapos parang hindi rin official. ** Nung nakarating na kami sa art gallery, kitang-kita na excited talaga si Sofia na makapasok na dun. At nang makapasok na kami, kulang na lang sumigaw siya sa tuwa. Gustong-gusto talaga niya yung art pero naligaw siya sa business management. Pwede rin naman siguro siyang mag-shift tulad ko di ba? Pinanood ko lang siya na tingnan at mangiti sa mga nakikita niya. Kislap na kislap yung mata niya eh. Hai~ I love you! Bawat kurba, porma, at kulay na nandun sa art gallery, parang pinag-aaralan niya. Kaso yung kamay niya, galaw ng galaw. Tss. Malamig medyo kasi dito. Ewan ko kung bakit. Nilapitan ko siya… At hinawakan yung kamay niya. Ngayon lang ako nagkaron ng lakas ng loob gawin to. Wala naman sigurong masama… Kasi tinitigan lang niya ko ng nakanigiti. ^^ “Ang ganda nu?” “Oo nga eh.” “CYRUS!” “Ano?” “Psh. Sa’kin ka nakatingin eh!” “Maganda naman kasi talaga.” “Hmph… Tara. Libre mo ko meryenda. Nagugutom ako eh.” Pumunta kami sa Coffee Bean and Tea Leaf < a/n: endorsement! Lels~ Bongga dito! Libre niyo ko! Hohoho > at nanibago na naman ako kasi tsaa ang inorder niya. Hindi kape o juice o tubig. TSAA. “Makatitig wagas.” “Ah. Sorry. Ganda kasi ng view eh.” “Kanina ka pa diyan ah! Hindi ka pa ba nakukuntento?!” “Na ano naman?” “Kanina ko pa narating yung quota ko ng kilig Cyrus. Sasabog na ko. Awat na.” “Sofia.” “Ye—” O.O – mukha niya. Hahaha. Nakaganti din! Ang lapit din kasi ng mukha ko sa mukha niya. Malay ko ba namang magugulat siya. “Dumikit ka pa, hahalikan kita diyan!” Lumapit ako lalo. Hahaha. Akala niya ba matatakot ako? “Gusto mo din eh nu? Tss.” “Hindi ah. Akala mo sa’kin?” Ngumiti lang uli siya. Ngayon ko lang siyang ngumiti ng higit sa isang beses ngayong araw. SANA AKO ANG DAHILAN. Sofia ko… Ibang-iba siya sa’kin. Polar opposites ika nga. We don’t have to kiss to have fireworks go off. Kasi pakiramdam ko, laging may fireworks sa puso ko. “Sofia.” “Ano na naman?” “Curious lang. Bakit nga pala nung una tayong nagkita, ayaw mo na Sofia ang itawag ko sa’yo? Karamihan ng nakakakilala sa’yo Lavender ang tawag sa’yo. Bakit?” “Sofia kasi tawag sa’kin ni ano… Kaya yun. Sinusumpa ko yung pangalan na yun.” “Sinong ano? Eh kung sinusumpa mo, bakit Sofia tawag ko sa’yo?” “Si ano… Yung tatay ko. Eh ikaw din kasi… Kundi lang kita crush nun, babawiin ko yung sinabi ko na pwede mo kong tawaging Sofia.” “Yung tatay mo? Eh di… CRUSH?! AKO?!” “Ai hindi. Crush ko sarili ko.” “Kelan pa? Pano nangyari yun? Boyfriend mo na ba ko nun?” “Matagal na. Ewan ko din. Oo. Let’s go. Ubos na milk tea ko.” Crsuh?! Ako?! Hindi nga?! Tss. Hindi halata… Pano… Ano ba!!!!! Ngayon ko lang to nalaman! Bakit… Grr! Nabablanko utak ko! Peste! Chapter 27**Dahilan Lavender’s POV Nasabi ko na kay Cyrus na naging crush ko siya! Siomai! Ang lakas ng kabog ng puso ko! Actually, kanina pa. Simula ng hinawakan niya yung kamay ko. Ewan ko lang kung naramdaman niya na nanlamig lalo yung kamay ko oras na nahawakan niya yun. Kung pwedeng matunaw ang tao, kanina pa ko natunaw sa kakatingin sa’kin ni Cyrus. Nakaka-ano lang na maipahalata sa kanya na KILIG NA KILIG na ko sa pinaggagagawa at pinagsasabi niya. “Crush mo nga ko Sofia?” Unli ka ba Cyrus? Ulit-ulit?! Ulit-ulit?! “Oo nga di ba sabi?! DATI.” “Dati?” “Oo nga! Potek oh. Unli talaga! Kasi ngayon, MAHAL na kita.” Tug-dug. Tug-dug. >__________________________< Kalma lang puso. Makalas ka pa diyan eh. Mapulot ka pa ng iba. Kay Cyrus ka lang kaya BEHAVE. “Kelan pa?” “Bakit ba tanong ka ng tanong ng kelan diyan?! Kanina ka pa eh! Mahalaga ba yung oras at araw?! Hindi pa ba sapat na nagustuhan at minamahal na kita?! Sipain kita diyan eh.” “Masama bang malaman? Ang tagal kitang pinangarap Sofia. Malay ko ba diyan. Ang alam ko lang, tumigil na yung mundo ko ng dumating ka at sinabi mong boyfriend mo ko. I just want to know.” Jusme naman Cyrus eh! Sabi ko di ba, QUOTA na ko sa KILIG?! San ko pa ngayon ilalagay yung sobrang kilig na binibigay mo sa’kin? “Hindi ko din alam kung kelan talaga eh. Basta crush na lang kita bigla. Kaya nga ko nakipag-break sa’yo eh.” “Dahil lang dun? Susuklian ko naman eh. Gusto mo sobra-sobra pa.” “Hindi… Ano… Tokwa naman! Whoo~ First meeting natin, nasura talaga ako sa’yo. Surang-sura! Bad shot ka kasi agad eh.” “Hindi naman sinasadya…” “Nagkkwento ako di ba? Wag kang sumingit diyan. Eh kaso, yung stalker ko of kung ilang years na niya kong iniistalk bwisit siya, hindi natigil kaya naisip ko na siguro titigil to kapag may nakita siyang lalake akong kasama at umepekto nga. Kaya ginawa kitang boyfriend.” “Ano? Para shield sa stalker mo?” “Parang ganun. I know, its wrong. Alam ko nun sa sarili ko na hindi kita magugustuhan pero siguro dahil sa polar opposites tayo kaya na-curious ako sa’yo. Tapos lagi ka pang nandyan para sa’kin. Long story short, things changed when we kissed. Hindi ako yung tipo ng babae na nag-i-istay sa isang relasyon. Alam ko kung pano masaktan at umiyak at maging miserable at ayoko nun. Kaya nakipag-break ako sa’yo. I run when I’m scared. Eh kaso, ikaw na malandi ka, bakit ba ang gwapo mo?! Ang daming lumalandi sa’yo. Hindi ko makayanan! Kinuha uli kita. Kung bumalik ka man sa’kin, hindi ako sigurado dun eh tinanggap mo ko uli… Tapos abnormal ka. Pumunta ka sa’min eh ang lakas ng ulan. Pakiramdam ko nung oras na yun titigil na yung tibok ng puso ko ng nakita kitang inaapoy ng lagnat… Ganun na nga. Poof! Mahal na kita!” Haba ng speech ko. Cyrus Dean Sebastian… My oh so smart, gorgeous, and sweet boyfriend… Maintindihan mo naman sana yung DAHILAN at mga pangyayari na naghantong sa pagkakaroon ko ng damdamin para sa’yo. Hahaha. Ang makata ko~ “Yun na ba yun?” “Oo…” O/////////////////////////O Tug-dug. Kakalas na yata talaga yung puso ko. Kasi naman eh… Tama bang yakapin ako bigla? Nanghihina yung tuhod ko at ang lakas ng kabog ng puso ko. I’ve never been this inlove and the fact is… I’m no longer afraid. “Wag ka ng matakot. Wag ka ng tumakbo. Nandito na ko. Hindi kita papabayaan. At hinding-hindi na kita pakakawalan.” “Pano tayo pupunta nito sa univ? Magkaiba kaya course at schedule natin tapos yakap-yakap mo ko hanggang dun? Itsura natin. Pano kapag magkaiba tayo ng building? Forever tayong magkayakap? Pano…” “Sofia.” “Sorry. Shut up na. Hindi ko na papatayin yung moment.” “Good girl. Chu~” ^__________________________________^ Labis-labis na pagmamahal at kilig dulot ng kiss ni Cyrus sa aking noo! Wala ng atrasan to! I’m so uber inlove with this guy at ang sumubok umagaw, PASLANG. Chapter 28**Peace with the past Cyrus’ POV Sunday. Walang pasok malamang. Pupunta kami ni Sofia ngayon sa simbahan. Magpapakasal na kami. Hahaha. Jk. Magsisimba lang. “I don’t want to go to his friggin’ grave! Pumunta ka mag-isa!” “Lavender, birthday niya ngayon. Bisitahin mo na siya. He deserves to be visited by his only daughter…” “Pff. Pano naman ako ma? Ilang birthdays ko ba ang na-miss niya? Don’t I deserve to have a father?!” Hanggang sala abot yung sigawan nila. At batay sa narinig ko, birthday ng ama ni Sofia at ayaw niyang dalawin. “Lika na Cyrus.” ** Tapos ng misa, medyo umayos naman yung dating ni Sofia. Umayos lang. Iba yun sa kumalma. Tss. Kawawang damo. Nabubuhusan ng galit niya. “Baka mamya pati bulaklak mapatay mo niyan.” “Psh.” “Sofia…” Sinugod ko uli ang bagyo at niyakap si Sofia. Nanginginig siya. Hindi ko alam kung sa galit o frustration. “Alam kong wala akong karapatan panghimasukan ang buhay mo pero hindi ba panahon na para patawarin mo na yung papa mo? He’s your father. Kung wala siya, malamang na wala ka din.” “Cyrus… Ang sakit kasi eh… :33” “At patuloy ka lang masasaktan kung hindi ka mag-mo-move on. Ikaw lang din mahihirapan niyan sa ginagawa mo.” “Hindi nun mababago yung fact na iniwan niya kami at pinagpalit for some whoknows- what-she’s-been woman. Lumaki ako ng walang tatay.” “At ano? May magbabago ba kapag nagpatuloy kang ganyan? Grudges are a waste of perfect happiness. Let go of what you can’t change.” “Nakakainis ka, alam mo yun?! Psh. So ano gusto mo, dalawin ko yung ama ko?!” “Yes.” “Eeeh. Cyrus… :33” “Wag ka ngang mag-pout diyan. Halikan kita eh. Dali na. Puntahan lang natin tapos alis na tayo agad.” Lavender’s POV Eto. On the way na kami ni Cyrus sa sementeryo. Nakakainis tong lalake na to. Pasalamat siya mahal ko siya kundi di ako susunod sa kanya. Tss. Nung buhay nga siya, hindi niya man lang naisip puntahan o dalawin ako kahit minsan tapos ngayon pa-chicks siya. Siya pa dadalawin. Buti kinukulit ako ni Cyrus kung hindi talaga… Hindi ko sasayangin oras ko. “Oh. Nakarating na tayo. Uwian na.” “Hindi pa. Nakita mo na ba yung puntod? Lika…” “Eeh… Kailangan ba?” “Oo. Part of growing up yun.” >______________________________________< Rawr! Ayoko nga kasi di ba sabing sumama?! Mapapala ko kung puntahan ko puntod niya? Magkakaron ba ko ng tatay? Hindi naman. Tsk. “Lavender? Sofia Lavender?” The one and only! Sino namang buang nakikidalaw… Oh great. Yung kabitenya ng magaling kong ama. “Cyrus alis na tayo.” “Sandali. May ibibigay ako sa’yo.” “Ano pa bang mabibigay mo sa’kin? Sakit ng ulo?!” “Hi-Hindi… Actually galing to sa papa mo.” “Ows? Ano? Cactus uli?” “No. Eto oh.” Inabutan niya ko ng envelope. Mukhang letter yung laman. At pagkabukas, ta-da! Letter nga! ‘My dear Sofia, My angel, I’m sorry. Alam kong hindi sapat yun para sa lahat ng sakit na nadulot ko sa inyo. I didn’t mean to hurt you and your mother. Wala akong excuses. I know I’ve never been a good father pero anak, hindi ibig sabihin nun hindi na kita mahal. Ginusto ko sana na nandun ako sa mga mahahalagang pangyayari sa buhay mo pero hindi kita magawang harapin kasi alam kong ipagtatabuyan mo lang ako at titingnan ng walang pagmamahal. Nung nalaman ko nga na naging valedictorian ka both elementary at highschool, walang paglagyan ang kasiyahan ko. Pinanood ko lang sa malayo habang sinasabitan ka ng mama mo ng mga medalya mo. Sofia, the day you were born is the best day of my life and I’m very proud of who you are and what you have become. Susubukan kong bumawi sa’yo one way or another. Ano pa nga bang masasabi ko? Wag masyadong papasok sa gulo. And don’t go breaking hearts. Alam kong alam mo na maganda ka pero it’s not an excuse to do so. Eat your meals on time. Study well. Mag-iingat palagi. Ngayon, para na kong tatay umasta so I’ll just stop.’ “Sinulat niya to?” “Oo. Madami pa nga yan. Mostly bilang na sentences lang naman yung laman pero hindi siya natigil magsulat. Hindi lang talaga siya nagkaron ng lakas ng loob para ipadala sa’yo.” “Kung niloloko mo lang ako…” “I’m not. Lagi ko yan dala para sakaling makita kita, mabasa mo. Lavender, I know he hasn’t been the father you wanted him to be pero sinusubukan talaga niya.” “Oh? Pano? Through those stupid cactus?!” “Hindi. Actually yung cactus na yun yung parang symbol na he regrets leaving you behind. Every birthday mo nga bumibili siya ng regalo pero hindi naman niya mapadala. Hindi ko hinihingi na patawarin mo kami sa nagawa namin. And if he’s still alive, ginawa na niya lahat matanggap mo lang siya…” Naglagay ng flowers yung siya. Whoever she is. Tapos umalis din agad. Damn this stupid old man! Bakit naman hindi ko siya tatanggapin? Hindi ba niya alam na tanging hiling ko lang tuwing birthday ko at pasko ay bumalik siya? Eh pano ngayon to? Ilang taon na siyang patay! “Nakakainis ka lalo! Di ka pa dapat namatay! Pano ko?! Madami pa kong birthday na icecelebrate! Gusto ko na sa araw na gumraduate ako with honors, andun ka na sumisigaw ng ‘anak ko yan!’ kaso hindi naman pwede di ba? Pa… Hindi ka dapat namatay eh. Babawi ka pa sa’kin di ba? Pa! Ano ba?!” “Sofia, tama na. Hindi sasagot yan.” “Cyrus ang unfair niya! Ang napaka-unfair niya…” Niyakap ako ni Cyrus at humagulgol na ko. All this time akala ko wala siyang pakialam… I was wrong… ** Hinatid na ko ni Cyrus pauwi. Dun kami nagmeryenda sa puntod ni papa. Sabi nila bawal eh sorry sila. Batas ako. Pinakilala ko na din si Cyrus bilang boyfriend ko. “Lavender. San ka galing? Tinext kita, tinatawagan… I was worried sick!” “Galing ako sa puntod ni papa.” “Wh-What? Seriously?” “Opo. Kilala na nga ni papa si Cyrus eh.” “Akala ko ba ayaw mong dumalaw?” “Ma, I’m his only daughter. He deserves to be visited by me right?” “R-Right.” “Sige ma. Change outfit muna ko.” Pagkasara ng pinto ng kwarto ko, nilabas ko yung sulat ni papa sa bulsa ko. Iyak iyak na naman ako… Akala ko pa naman wala siyang pake. Na hindi na niya ko mahal… I smiled. Tama nga si Cyrus. Grudges are a waste of perfect happiness. I can’t change the past. But I can let go… and face the future. Chapter 29**THEM already! Dwayne’s POV < na-miss ko POV ni Dwayne eh.(: > Matapos ang biglang pag-shiftt ni Cyrus eh ngayon lang uli namin siya makikita ni Alex. Si Lavender kasi madalas na naming nakakasama kasi halos kapareho namin siya ng schedule. Nagkabalikan daw sila. Ewan ko diyan sa dalawang yan kung ano trip sa buhay at on-off sila. Kapag tiningnan mo naman, parang hindi sila. Psh. Diyan naman sila masaya. “Dwayne si Cyrus… Cyrus?” Kung hindi humarap at kumaway sa’min, malamang na hindi ko nakilala. Ang laki ng pinagbago ng loko. Mukha ng tao. Hahaha. “Cyrus? Hiyang ka kay Lav? Blooming!” “Di ba dapat si Lavender ang blooming?” “Tss. Kami man o hindi, maganda na talaga yun.” “Nakanaks. Sobrang inlababo. Alam ba ni Lavender yan?” “…” Pff. Mukhang hindi. Sabi ko na nga ba tiklop talaga tong kaibigan kong to kay Lavender eh. Sobrang out of his league. Swerte pinansin at pinatulan. LOL. Palibhasa ako, swerte sa girlfriend eh. Wag ko lang pikunin. Nag-ta-taekwando kasi eh. “So, may balak bang dumating si Lav?” “Oo. Kanina sabi niya on the way na siya eh. Teka, tawagan ko… Hello? Oh. San ka na?” Bigla-bigla may babaeng tumatakbo papunta sa direksyon namin. At… Chu~ **boogsh** Hi-Hindi ba ko namamalikmata? Baka naman nasa parallel dimension na ko kung saan kabaligtaran na ang nangyayari. Si Lavender? Tinakbo si Cyrus at hinalikan sa noo na dahilan ng pagbagsak nila sa lupa? Tss. Imposible yun. “Ouch…” “Ouch ka naman diyan. Kiniss ka na nga eh. Ibalik mo na lang kung magrereklamo ka.” “Oh-kay. Since when did that happen?” “Sabi mo Sandy? May topic ba kayo Cyrus?” “Wala naman.” “Wala naman pala. Tch. Gora na tayo sa soon-to-be studio ni Cyrus.” Walanjong buhay to. Ang daya. Tatlong taon pa ang bibilangin bago kami gumraduate. Madami daw kasi siyang subject na na-credit kaya yan. Napadali ang course niya. Isa’t kalahating taon na lang. Pero ayos lang. Nakakasama ko naman si Alex ng madalas. Halos pareho na kasi kami ng sched. ^^ ** “Wow. Nice place Cyrus.” “Thanks. Buti nga inisponsoran ako ng parents ko dito eh. Muntikan ng hindi…” “Nangyari?” – ako “Pinilit ko sila tita Dinah at tito Anthony. Love nila ko eh. Hehehe. Hindi sila makatanggi.” “Akalain mong may purpose in life ka Lav.” “Pagkalat mo Sandy! Inggit ka lang! Hoy Sebastian, yung deal natin. No models ok?” “Yes maam! Ikaw lang!” “Good boy. Let’s go na Sandy. Gutom na ko. Meryenda tayo.” “Ha? Bakit ako? Ayoko sumama.” “May sinabi ba kong may choice ka? Arte mo! Ibibili din naman natin sila. Bye guys.” “Ingat! I love you!” “Love you too!” Psh. Girlfriend ko lang naman ang hinatak niya. Wala ba kong karapatang kumontra? Hindi man lang sakin tuloy nakapagpaalam. Tsk. Teka. Nag-iloveyou-han sila?! “Hoy Cyrus. Ginayuma mo si Lavender nu?” “Psh. Naniniwala ka dun?” “Eh yun lang maisip kong paraan para patulan ka ni Lavender. Akalain mo. Nag-I love you sa’yo.” “Tss. Hindi ba niya ko pwedeng mahalin?” “Tol, alam kong libre lang mangarap pero… Pano naman mangyayari yun?” “Sira. Eh ikaw, bakit kayo nagmamahalan ni Alex?” “Ano… Hmm… Hindi ko alam. Basta mahal namin isa’t isa.” “O yan na sagot. Basta mahal din namin isa’t isa.” Alex’s POV “Trolololo~” Waa! I’m so scared! Kanina pa ganyan si Lav. Good mood. Siya na bugnutin, mataray at tila forever B.V. (bad vibes), ngayon masiyahin at pa-hum hum na lang? Nangyari? “Lav? Ayos ka lang ba?” “Oo naman. Baket?” “Kanina ka pa good mood! Kinakabahan na ko!” “Ay. Praning lungs?” “Hoy Lav, ganyan ka lang naman kapag may masama kang plano… Teka. May plano ka nga no? Ano yun?!” “Sandy. Tigil-tigilan mo na nga ang pagkakape. Praning ka na diyan eh. Tch. Lika na nga. Dalhin na natin tong pagkain sa kanila. Miss ko na si Cyrus ko eh. Trolololo…” Cyrus? Niya? Nangyayari ba? Naninibago ko! Hindi naman ganyan dati tong bruhang to eh… “Ay, onga pala. Next week may corporate dinner kami. Punta kayo ni Dwayne.” “S-Sure…” Whoo~ Panigurado ako, sa araw na yun niya gagawin yung kung ano mang plano niyang masama. Dapat lagi kaming alerto no Dwayne nun. Kasi naman. Bakit ka ba ganyan bigla Lav?! ** Pagkabalik namin sa soon-to-be studio ni Cyrus, kakaapak pa lang namin sa entrance, humarap na agad at ngumiti si Cyrus kay Lav. Akala mo may sensor yung dalawa. Nagkakatunugan ng galaw. Nagkakaintindihan ng tingin. Naiintindihan ko naman yung ganyan kasi nga may boyfriend din naman ako. At ganyan din kami. Pero come on! Si Lav ang topic dito! Siya? Inlove? Weh? “Dwayne, nakikita mo din naman nakikita ko di ba? Are those two really…” “Yup.” “Madly?” “Definitely.” “Hoy kayong dalawang abnormal diyan! Pag-aralan daw ba yung kilos namin ni Cyrus?! So what kung madly inlove? Inggit?” “Bakit ang cute mo pa din kahit nagagalit ka?” “Wag ka nga ganyan! Alam mo namang naniniwala ako sa’yo eh…” O.O Whaaaaaaaaaaaaaat?! Mas sweet pa yata tong dalawa na to kesa sa’min! Okay. Ayoko na po talaga makialam. Ang sakit na ng bangs ko sa kanilang dalawa! In love? Di sila na! THEM already! Chapter 30**Lolo's little girl Lavender’s POV “Susunduin mo ba ko o magkikita na lang tayo?” (Syempre susunduin kita.) “Sige. 7. Wag kang male-late. I-fi-fillet kita.” (Alam ko po. Bye.) Hai~ Corporate dinner na naman ng company namin. Ayoko ng mga ganito eh. Boring. Tapos boring. At higit sa lahat, BORING! Eh may choice ba ko? As usual, wala! Ahh… Yung kausap ko kanina? Sarili ko. Kausap ko sarili ko. Lels~ Malamang. Sino pa ba?! Eh di si boyfriend! **tok tok** “Lavender, maligo ka na! Alas-singko na.” >___________________________< What da! Alas singko na?! Hoola. Baka ako ma-late nito mamaya. Ayokong ma- fillet. Hahaha. Echos! As if kaya akong saktan ni Cyrus. One of the many reasons kaya mahal ko yung tao na yun. HE KNOWS HOW TO BREAK MY HEART BUT HE WON’T. ** Trolololo~ Hahaha. Tama nga sigurong mapraning si Sandy sa’kin last week. For the past…few years? Dama ko na yung makipag-away, magsungit, at magkalat ng B.V. (bad vibes) sann man ako magpunta at ngayon, masiyahin at pala-ngiti na ko. Mga kasama ko dito sa bahay napa-praning na din minsan sa’kin kasi hindi ko na sila tinatarayan. Kahit ako naninibago din sa sarili ko minsan. Tanong lang, ganito ba talaga ang tao kapag inlove? Hindi ko alam kasi migraine sa brain cells lang napala ko sa anak ng lechugas na eks ko. Ang problema kasi dito kay Cyrus, ang dami niyang nabago sa buhay ko (in a positive way). .He changed my life in a moment…. Lels~ Makaligo na nga! ** Ligo… Ligo… Ligo… Trolololo~ ^______________________________^ Cocktail dress+perfect hair & make-up+heels=pretty, pretty me! Teka, may kulang sa equation. ACCESSORIES! “You look so much like your grandma… Nung bata pa siya syempre.” “Lolo. *mano*” “May ibibigay pala ko sa’yo…” Inabot ni lolo yung bracelet. Sinuot na din niya… Teka… Kilala ko tong bracelet na to ah. “Lo… Di ba kay…” “Oo. It belonged to your late grandmother.” “Eh… I don’t deserve this…” “I insist na suotin mo yan. Sigurado naman akong gusto din ng lola mo na mapunta sa’yo yan. Nag-iisa ka naming apo.” “Uhm. Sige po. Thank you.” Chineck ko yung sarili ko sa salamin. Bagay pala sa’kin. Ang gondo ng nilalang sa loob ng salamin oh. Hahaha. Hindi uso humble! Kung alam mong maganda ka, be proud! “Iha… I’ve been meaning to ask… Masaya ka ba sa ginagawa mo?” “Po?” Ano na naman ginawa ko? Inayos ko yung sarili ko para sa corporate dinner… Ano masama dun? “Hindi mo naman gustong patakbuhin ang Jimenez Group of Companies di ba? Lavender, 25 years ng tumatakbo ang business na yun. Ayos lang kung huminto…” “Ha? Eh lo, di ba mahal mo yung business? Pano mga tauhan mo?” “Mas mahal ko ang pamilya ko. They’ll survive. Gawin mo ang ikaliligaya mo. Fine Arts. Yun ang passion mo. Sinusuportahan kita. Mag-shift ka na. Ayokong mapilitan ka na gawin ang ayaw mo. Kaya sumunod ka na lang sa’kin ok?” Umalis si lolo after nun. Grabety. Ngayon pa niya ko naisipan ipa-shift kung kelan dalawang sem na nakuha ko. Ano yun?! Ayaw niya kong mapilitan tapos sundin ko daw siya? Adik oh. May pinagmanahan ako. Pero ayos lang. Kasi may heirloom na ko, may blessing pa ko ni lolo na mag-shift. Swerte ko! Excited na tuloy akong mag-next school year. Ang perpekto na ng buhay ko! “Miss, nandyan na po sundo niyo.” At ang isa pang dahilan ng pagiging perpekto ng buhay ko. “Hindi ako late. 6:58 pa lang.” Walanjo! Angwapo ng boipren ko! Kaya ang daming fumi-flirt sa kanya eh. Sorry na lang sila. Ako at ako lang labs niyan. Mwahahaha! “Ano? Ang pangit ko ba? Si mama kasi pinilit suotin ko to.” “Hmm… Actually, ayos sana… Kaso may kulang.” “Oh? Ano?” Kumapit sa braso niya… ^^* “Ako.” “Kaya mahal na mahal kita eh.” “Bakit?” “Kasi mahal na mahal kita.” Wee~ Inaamin ko, kinilig ako dun pero nemen! Kinotongan ko nga! Nasaan ang koneksyon nun? Konek the dots, ganun?! Pero hindi siya nagreklamo. Nangiti lang tapos hinagod yung ilong ko. Tss. Ganyan yan kapag naaaliw sa’kin. Kapag naaaliw naman yan, hindi nananakit. Ako lang yun. Hahaha. Madalas ko yang makagat sa braso kapag natutuwa ko sa kanya. Brutal ko nu? ** Eto na. Aquacrystal hotel at the moment. Property of JGC (Jimenez Group of Companies) syempre. Walei naman mga tao dito. Puro tander-dome. Yung iilang kaedaran namin ni Cyrus, mga parang siya bago pa man ako dumating sa buhay niya. AWKWARD NERDS. Hohoho. Cyrus is so lucky to have me. XD “Darating ba yung AleYne?” “Ewan ko. Baka. Tinataguan lang siguro ko kasi akala nga nila may gagawin akong masama…” “Meron nga ba?” “Cyrus!” “Chineck lang…” :33 Kitamo tong taong to. Hindi sa’kin naniniwala?! Ano naman gagawin ko kay Sandy, aber? Tch. Kaya lang naman po ako ganito dahil sa pagmamahal mo Cyrus dearest! “Corporate dinner niyo to di ba? Asan na yung president at CEO?” “Onga nu. Tagal ni lolo. Tara. Check din natin.” Sa suite ni grandfather…^^ **tok tok** “Lo, andyan ka ba?” **tok tok** “Lo?” Pinihit ko yung doorknob. Shungaks. Bukas naman pala. Katok-katok pa ko. “Lolo. Yoohoo~” O.O “LOLO!” Chapter 31**Until we meet again “Sure ka na ba dito anak?” “Opo. Hindi mo din ako mapipigilan ma kaya wag mo ng subukan pa.” “Nagpaalam ka ba sa kanya?” “Hindi. Alam mo naman yun. Mas mabuti ng hindi niya alam. Well. Alis na ko. Tatawagan kita palagi. Mwa!” The worst summer of my life. Papunta ng airport. Sa California ang destination. Dun ko tatapusin studies ko. Iba na buhay ko ngayon after ng… Flashback** “LOLO!” Sht. Anong nangyayari?! Nakahilata si lolo ko sa sahig. T@e anong gagawin ko?! Hindi ako nurse o doktor o kung ano pa man! Anak ng siomai! Ayaw mag-function ng utak ko na may 190 IQ! “Tatawag ako ng ambulansya.” “Dalian mo!” Agad din namang dumating yung ambulansya. Nanginginig na ko sa kaba. Malay ko ba kasi kung anong nangyayari dito. Walang nagsasalita. Walang kumakausap sa’kin. Lahat puro, ‘excuse me maam’, ‘magiging okay po ang lahat’. Pagkalat nila! Ano bang nangyayari sa lolo ko?! Baka kayo alam niyo. Kasi ako hindi eh. O.O “Don’t cry sweetie…” TT____TT Kita mo to si lolo. Wag niya ko alalahanin! Siya tong may emergency diyan eh. Pano naman akong hindi iiyak eh binigyan na niya ko ng blessing niya kanina tapos ganito? Parang labag lang sa loob niya kaya nangyari to oh. After 30 minutes… **Boy,it's kinda plain to see You got a crush on me Hate to be bringin you down(down,down,down) But I'm more than a flossy girl,more like a string of pearls So boy,you better calm down(down,down,down)** “Hello?” “Miss Jimenez?” “Speaking.” “There’s no easy way to say this… There’s nothing we can do…” “ANO?! Don’t tell me he’s dead?!” “We’re sorry… He’s dead upon arrival…” “Shut the f*ck up! Sorry?! Mabubuhay ba siya ng sorry niyo?! P*ny€t@! Sabi niyo magiging ayos lang ang lahat, so ano? You’re all just a bunch of lying bastards?!” “Sofia. Bibig mo!” “Cyrus, I don’t give a damn! Lolo ko yun! Siya na lang ang reminder sa’kin sa father side. Tapos mawawala siya?! Anong kalokohan yun?!” “I know. I’m sorry… Lika nga dito.” Niyakap na ko ni Cyrus at nagsimula na kong umiyak. Tss. Bakit ganun? Kung kelan naman nagiging mahalaga na sa’kin tsaka binabawi? Kung kelan hinihigpitan ko yung hawak tsaka pamamanhidin yung kapit ko para lumuwag at makabitiw. Ang daya. Sana parang nag-abroad lang si lolo eh para kahit pano makita ko pa siya pero hindi. Hindi ko na uli siya makikita. End of flashback** Sa gagawin kong to, walang nakakaalam sa kanila. Si mama at si Chris lang. Syempre California ko pupunta eh. Dapat lang na suportahan niya ang pinsan niya di ba? GOODBYE PHILIPPINES. GOODBYE SANDY AT DWAYNE. GOODBYE CYRUS. Until we meet again… Cyrus’ POV Kapag ba hindi nagparamdam sa inyo yung girlfriend niyo ng buong summer, dapat na ba kayong kabahan? Psh. Kahit ano naman sagot niyo, kinakabahan talaga ako. Ilang buwan na hindi siya nagparamdam. Ni text o tawag wala. Ay sanay na pala ko dun. Kuripot sa load yun eh. Pero ngayon talaga iba. Kapag kasi pinupuntahan ko siya sa kanila, lagi siyang wala. San naman siya pupunta? Ngayon pupunta uli ako. Malay mo nandyan na siya. “Ah… Wala po si Miss Jimenez eh…” Nandito na ko sa kanila. Hanggang ngayon wala pa din siya?! Sobra na to! Ano bang ginagawa ng mahal kong yun?! Laging nawawala?! “San nagpunta?” “Uhm… Hindi ko po…” “Cyrus? Ginagawa mo dito?” “Tita, si Sofia?” “Yun? Uhm… Nasa airport…” O.O Watda! Airport?! Ah. Baka susunduin lang yung kung sino mang kalahi niya. Pwede naman yun. “And she asked me to give you this.” Sulat mula sa Sofia ko. Tug-dug. ‘Cyrus, I’m sorry I made your life more complicated. I’m sorry for a lot of things. But most of all, I’m sorry I never got the chance to tell you that no matter what happens next, I’m grateful for every moment I spent with you. Even though I keep fumbling for the right words, all I really wanted to say was, THANK YOU and I LOVE YOU. – Sofia’ Tug-dug. Ano to?! Tch. Wag niya sabihing iiwan na naman niya ko. Aba namimihasa na siya! Hindi ako papayag! “Tita, ano to? Anong ginagawa niya sa airport? May uuwi ba kayong kamag-anak? Kanina pa ba siya nakaalis?” “Kanina pa siya nakaalis. I’m sorry pero hindi ko alam kung saan destination niya at kung kelan siya babalik…” Kumaripas na ko ng takbo sa kotse ko. Tss. Sofia, ano na naman ba to?! Ayoko na maglaro ng habulan o taguan sa’yo. Akala ko ba ayos na tayo? Mahal mo ko di ba? Bakit mo ko iniwan ng ganito?! Kung niloloko mo ko, wag naman ganito. Muntikan na kong matiketan ng overspeeding kaka-rush at wala na kong naabutan na Sofia. Driver na lang niya naabutan ko at sabi, fifteen minutes ago, nakaalis na siya. Sht. It’s too late! Sofia! Bakit mo ko iniwan ng ganito?! Mahal na mahal naman kita! T@ena! Ayoko ng space! Pakiramdam ko bumibigat yung sulat niya sa bulsa ko. At ganun din ang nararamdaman ko. I’m an EPIC FAIL. OF ALL THE POSSIBLE WAYS TO FALL INLOVE, THIS IS HOW I CHOSE MINE. Mahal ko siya ng buong-buo. Hindi ko nga hinangad na mahalin niya ko. Tss. Sana nga hindi na lang niya ko minahal para hindi na lang ako naniwala. Kasi alam mo yung ending ng kwento namin? Happily NEVER after. Chapter 32**5 years Lavender’s POV I’m back! Hey Philippines! D’ya miss me? Wee. Dapat ba pag galing ng California, english speaking na? Hahaha. Fresh from the airport. Lels~ English na naman. T@e. Nasan na ba sundo ko?! “Lavender-a!” “Gio my labs!” Tumakbo ako at umambang yayakapin si Gio my labs pero parang kulang na lang buhusan niya ko ng alcohol. Tss. Diring-diri lang sa’kin?! Lugi ka pa? “Eew. Lumayo ka nga sa’kin Lavender!” “Arte niya oh. Ang gwapo mo din kasi masyado eh.” “Alam ko.” >_________________________< Eh di pinsan ko na malakas ang self-confidence! Ano ba kayo. Akala niyo boyfriend ko? Sa puso ko si Cyrus at si Cyrus lang ang laman kahit limang taon na ang lumipas at malamang na hindi na kami magkakabalikan. Ang tagal na pala. Graduate na ko ng business management at kasalukuyang president at CEO ng JGC. Sa iba, wala akong balita. Kasi… Wala lang. Ayoko na din mamalita. Well, welcome to my new life. Work. Work. Work. No choice eh. Ang daming umaasa sa kumpanya namin. Hindi rin makakaya ng konsensya ko na iwan to. Pano na lang yung sandamukal na taong pinapasahod ko di ba?! **tok tok** “Come in.” “Ms, Jimenez, business proposals.” “Thanks. Diyan mo lang Lowell.” “Lavender!” “Ano yun Lowell?” “Tss. Tigil-tigilan mo nga kakatawag sa’kin ng Lowell.” “Bakit? Ikaw tong nagumpisa diyan. Ms. Jimenez… Psh.” “Ano ba dapat? Mrs. Sebastian?” >_______________________________< Grr! May bala ang pinsan ko sa’kin! 5 years ago na yun! Badtrip eh. Binato ko nga yung files na pinasok niya kaso may naiwan. Parang photo shoot para sa clothing company. “Gio. Nu to? Clothing company?” “Ah. Ewan ko. Sabi ko nga walang koneksyon sa JGC yan eh. Tanggihan mo.” “Ayoko nga. Beneficial to sira. Lalawak yung target market natin nito.” “Wag na. Wala ngang koneksyon…” “Ako presidente at CEO di ba? Tawagan mo sila. Aceept the offer.” Gio’s POV Gio Lowell Austria here. Pinsan ko si Lavender unfortunately. Sumakit lang daw ulo ni Chris diyan nung nasa California siya. Panu, lapitin ng manliligaw. Hindi ba nila alam dragon yan? Tapos lagi ding wala sa apartment niya kasi problemado sa puso. Tss. Sir@ulo kasi. Sino ba kasing nagsabing iwan niya boyfriend niya di ba?! **kriiiiiiiiiiiiiiing** “Hello?” (Oh. Anong nangyari?”) “Syempre approved. Kinontra ko gusto niya eh. Alam mo namang kapag kinokontra mo siya…” (Lalo niyang gagawin. Hahaha. Hindi pa rin nagbabago. Sige. Asahan kita Gio. Bye.) CALL ENDED Si Alex nga pala kausap ko. Kakuntsaba sa plano. Abnormal kasi tong pinsan kong to. Eto lang ang paraan para hindi na niya ko gawing punching bag kapag lasing siya. Cyrus’ POV 5 years na ang dumaan. Professional photographer na ko. Marami na din akong projects na nakuha. Ngayon, nandito ako para sa photo shoot ng isang clothing company. Isang linggong project lang pero malaki ang bayad kasi bigatin daw yung sponsor company. “Guys, pupunta daw yung president ng major company na nag-sponsor sa’tin. Get ready!” Whoa~ Ang big time. Dinayo pa talaga kami. “She’s here!” She? Hmm. Prbably some old, grumpy… O.O “This is Ms. Lavender Jimenez.” S-Sofia?! After five years… Sht. I can’t even look at her. Kamusta na kaya siya? Saan siya nanggaling? Mas lalo pang gumanda ang prinsesa ko. “Ms. Jimenez, this is our photographer, Cyrus.” Tug-dug. “Hi.” She walked away. Tch. Ang dami ko pang tanong. Mga tanong na hindi ko nahanapan ng sagot sa limang taon na wala siya. Kinalimutan na talaga niyang dumating ako sa buhay niya nu? She didin’t even shake my hand. Naiinis ako! Bwisit! Gusto kong isumbat sa kanya lahat ng sakit na nadala niya sa’kin na hindi ko nagawang alisin sa puso ko! Leshe! Hindi ko naman magawa… Lavender’s POV Tug-dug. Tug-dug, Ang dami namang kabayo sa puso ko! Anong ginagawa naman kasi ni Cyrus dito? Anong sense ng pagtatago ko kung makikita niya ko ng ganito? Damn! I still love him and it still hurts… Ang hirap pekein na okay ako kahit hindi. Hindi ko man lang magawang i-shake yung kamay niya. Grabeng nanlalamig lang naman kasi ako. ** Photographer na talaga si Cyrus. Siguro hindi na applicable yung deal namin na no models. Wala na nga naman kasi kami di ba? Psh. Mas maganda naman ako sa model niya oh! Kaso… Ang ganda ng chemistry nila! Hindi! Kami ni Cyrus may physics at biology. Lamang ako. “Sofia.” >3< Tinatawag pa lang niya ko sa pangalan ko, kinikilabutan na ko. “Uh… Hi. Tinatawag mo pa pala ako na Sofia…” “Kung ayaw mo naman, pwede kitang tawaging Lavender.” “Hindi. Ayos lang.” “Ang tagal mong nawala ah. Kamusta ka na?” “Ayos lang.” “Sofia… I missed you…” Tinitigan ko siya… Siomai. Naiiyak ako. Ayoko naman talaga sana siyang iwan. Pero wala akong choice. Limang taon… Na-miss niya ko? “Cyrus I…” “Oppa!” O.O Oppa?! May lumapit sa kanyang batang lalake na super duper cute. Kamukha niy—NO! Binabawi ko. Hindi ko itutuloy sentence ko! “Charlie? What are you doing here? Where’s mommy?” “Charlie! I told you, don’t disturb oppa on the job!” “Sowwy…” Waaaaaa! Who’s that girl?! Oo nga mas matangkad siya sa’kin ng konti pero mas maganda pa din ako! “Sofia, si Taryn nga pala. Siya ang mommy ng makulit na batang to.” “Oppa! Ice cweam! Ice cweam!” “Nice to meet you. I-I should uhm… go. May appointment pa ko at malamang na pagalitan ako ni Gio kapag late ako. Bye.” “Oh… O sige. Bye.” Niyakap ako ni Cyrus at pakiramdam ko napunit ang puso ko at gumuho ang mundo ko. Five years na nga naman kasi ang dumaan. I’m too late. May pamilya ni si Cyrus. Maniniwala pa naman ako sa kanya tapos… Wala na. Talo na ko. Lamang na sa’kin si Taryn. Sila, may anak na. Ako, alaala niya lang ang naiwan sa’kin. Pero ako naman talaga… Ako yung problema kase NASASAKTAN AKO kahit hindi naman ako dapat masaktan. Sana kaya ko na lang tiisin yung sakit na nararamdaman ko. Kase ako yung humiling nito diba? Ako yung may gusto. Sana kaya ko ring sabihin sa kanya na ‘masaya ako para sa'yo. Para sa inyo…’ Sana kaya ko. Pero hindi eh! Ang sama sama kong tao kase umaasa pa din ako na sabihin niyang sana AKO PA RIN… AKO NA LANG. AKO NA LANG ULIT. Chapter 33**He said, she said Dwayne & Alex’s POV Limang taon na ang dumaan, hanggang ngayon problema pa din ni Cyrus si Lavender. Ngayon, inaya pa niya ko na mag-inuman. Tss. Kinakain niya yung iilang oras ko na makakasama ko sana si Alex eh. Kung hindi ko lang to tropa… Oo, alam ko naman kwento nila at kung gusto naman nila talaga isa’t isa, ano ang hadlang? Para silang mga timang. (Ang tagal na hindi sa’kin nagparamdam si Lav tapos out of the blue dumating siya sa bahay namin at kinaladkad ako sa nearest bar. Kung lalaki lang ang alak, siguro pagseselosan na yun. Laging yun ang kinakapitan ni Lav eh. Agad-agad din namang nalalasing tapos ganito. Kesyo na-miss daw niya ko. Whoo~ Problemado ka lang. Naghahanap ng makakaramay!) Matapos ang ika-apat na shot ng tequila, medyo lasing na si Cyrus. Ako hindi nainom. Hindi ako pinayagan ni Alex eh. Balita ko ngayon magkasama din sila ni Lavender. Baliw tong dalawang to. Hindi na lang sila yung magharap ng matapos tong isyu na to. Nadadamay kaming mga inosente. Psh. (Sa fourth margarita ni Lav, lasing na ang bruha. Yung inorder niya para sa’kin, nakatambak lang sa harapan ko. Walang maghahatid sa babaeng to kapag lasing din ako.) “Nakita ko siya ngayon.” (“Nakita ko siya ngayon.”) “It seems like it’s been forever…” (“May pakialam pa ba siya?”) “Mas lalo pa siyang gumanda.” (“Hindi ko maalis yung paningin ko sa kanya.”) “Kinamusta ko siya.” (“May bago na siya.”) “Siya at siya lang naman ang pipiliin ko.” (“Masaya na siguro siya ngayon.”) “Sabi ko sa kanya na-miss ko siya.” (“Na-miss daw niya ko. Sinungaling siya. Hindi totoo yun!”) “Totoo yun.” (“Hindi totoo yun!”) “Mahal ko siya.” (“Mahal niya yung bago niya.”) “Niyakap ko siya sa huling pagkakataon.” (“Binigyan niya ko ng friendly hug.”) “Tapos umuwi ako at umiyak.” (“Tapos umuwi ako at umiyak.”) “I love her.” (“I lost him.”) Nag-pass out din si Cyrus. Tss. Ako pa ngayon maghahatid sa kanya sa condo niya. Hai naku. (Humagulgol naman si Lav. Muntimang lang. Ano ba ineemote nito? “Lav. Problema mo ba ui.” “May iba na siya! May iba na… Waaaaah!!!!” “Limang taon kang nawala. Ano expect mo? Hintayin ka niya?” “Hindi. Mahal ko pa rin siya!!!!! Cyrus!!!!!” “Sssh! Wala siya dito! Di balikan mo!” “Talo ako. Malakas kalaban ko. Malakas kapit niya! Sila, may anak eh…” Tapos nag-pass out na din siya. Good luck sa’kin. Ako pa maghahatid sa kanya. **If I could reach the stars, I'd pull one down for you Shine it on my heart, so you could see the truth That this love I have inside, is everything it seems But for now I find, it's only in my dreams** CALLING: aa…Dwayne ko “Hello?” “Alex, I’m sorry. Ma-po-postpone yung dinner date natin. Si Cyrus kasi nag-pass out.” “Oh? Si Lav din eh…” TING! Light bulb! “Dwayne, dumaan na kayo dito. May plano ako.” “Sige. Ano bang plano mo?” “Well… Since malabo silang dalawa, palinawin natin.” “Ok. Sige. Papunta na ko.” CALL ENDED Mwahahaha! Ang layo na ng narating ng plano namin ni Gio. Nandito na oh. Konti pa… I know I’m dead after nito pero she’ll thank me if things went well. ^^ ) Chapter 34**The plan (: Alex’s POV *boogsh* “Hmm. Hutanghin—Mashakit yown!” “Larete! Ingatan mo naman si Lav!” “Pasensya naman aking mahal. Ang bigat naman kasi niya.” (_ _”) Walei tong boyfriend ko! Weak! Bubuhatin lang si Lav eh! Sus naman! “San ba kasi tayo pupunta?” “Kita mo to?” dinukot ko sa purse ko yung extrang susi na ninenok ko dun sa front desk. “Oh. Oo. Ano ngayon?” “Dadalhin natin si Lav kay Cyrus. ^__^” “HA?!” “Nakakasawa na kasing laging nag-aaway yang dalawang yan. Nakakasura na din. Kung ayaw nilang magkabalikan, di okay lang. Sana man lang magka-closure sila di ba?” Dumiretso kami sa floor ng condo ni Cyrus. Nakita namin siya dun sa kama niya. Nakahilatang wagas at may hawak pang bote ng whiskey. Syempre kinuha ko at nilapag sa tuktok ng drawer niya. Pasalamat siya naaawa ako sa kanya medyo kundi pinukpok ko na to sa ulo niya. “Lapag mo lang si Lav diyan.” Turo ko sa tabi ni Cyrus O___O – Dwayne “Ano?” “Pagtatabihin ko sila? Seryoso?” “Ba’t naman ang hindi? Bago maka-da moves yan si Cyrus, nasapak na yan ni Lav. Don’t worry. Let’s go!” Nilapag niya na nga si Lav tapos karipas! Hahaha. Wag kayo maingay na kami may pakana nito ah. Ssh! Lavender’s POV Anak ng kamatis! Ang sakit ng ulo ko! Nakakaloko pa panaginip ko. Katabi ko daw natulog si Cyrus. Pwede ba yun? Ano lang ako nun? Kabit? Third party? Weh. Ayoko. Ako dapat yung legal wife. Toinks~ Kaso late na ko eh. Kasalanan ko na nga. Hindi ko naman siya masisisi kung bakit may pamilya na siya ngayon. He deserves a happy life. Parang hindi naman niya nakuha sa’kin yun. Umikot ako sa kama ko. Ba’t…Ba’t ganito amoy dito? Hindi amoy bulaklak. Yun kasi amoy ng kwarto ko. Dito…Amoy…Lal— O.O “AHHHH!!!!” Cyrus’ POV Sht. Good morning! Hangover pa! Hai~ Sofia. Damn. I miss you so much. Gusto kitang yakapin ngayon. Kahit mahawakan man lang. Kahit alam kong imposible ka ng maabot. Kahit sulyap lang. “AHHHH!!!!” >____________< AH! SH.T! Ano yun?! “Anong ginagawa ko dito?! Ba’t andito ka?! Nasaan nga ba ko?! AHHHHH!!!!!!” Nagkamot pa ko ng mata bago ko tuluyang nakita. Nagkatotoo agad yung kagustuhan ko. Si Sofia…NANDITO?! “Ba’t andito ka?” – Cyrus “Malay ko! AH~ Ulo ko…” “Masakit ba?” “Hindi. Relax na relax nga eh! Psh.” Five years at hindi pa rin nagbabago. Consistent! XD **If you ever leave me baby…** CALLING: Alex “Morning Cy!” “Yo. Alex. Napatawag ka?” “Kamusta si Lav? Nakatulog ba kayo ng mahimbing? Kayo ha. Ayoko pa maging ninang.” “She slept fine I thin—Pano mo nalaman na dito siya natulog?! Ikaw ba may pakana nito?” “Sabi sa’yo dapat hindi mo tinawagan eh.” – Dwayne “Yaan mo na. Hehehe. Good luck Cyrus!” “Tek—“ CALL ENDED Pano ngayon to? Nandito sa condo ko si Sofia. Di palabasin. Tama. Simple lang yun. Tapos niya mag-almusal syempre. “Sebastian.” Nagpakita uli siya sa’kin. Oh ale! Nasa langit na ba ako? “Lockedin tayo.” O___O “What?” “Ano? Nabingi ka na? Locked-in tayo. Sira pintuan mo.” “HA?! Ano ba ginawa mo sa pinto ko?!” “Pff. Ganun ba yun? Porke may sira, ako na may kasalanan?” tumingin siya sa’kin ng may malulungkot na mata. Epic fail lang Cyrus. Hindi ko naman sinasadya mga nasabi ko. Sorry. “Tumawag na ko ng maintenance. Kaso mga 24 hours pa bago maayos pinto mo. Should I stay or should I go?” “Stay.” Sagot ko ng wala pang limang segundong pag-iisip. Nagdasal akong ngingiti siya sa’kin but she didn’t. “Ok. I got to make some calls.” Umalis siya at dumiretso sa kabilang kwarto. Nag-iba na parang hindi yung Sofia ngayon. Matured na din umasta at mag-isip. At malamang na burado na din ako sa buhay niya. I want her back. Is it too late for me? “…gagawin ko? Adik ka Gio. Hahaha. Hindi hinihingi opinyon mo.” I miss her laughter. =____= “Kaya mo naman yan? Alagaan mo si Pepper ah. Wag mo pabayaan baby ko. Yep. I will. Okay. Corny mo! Hahaha. Sige na nga. Love you too! Bye.” >______________________________< Ouch. Gio? Love you too? Pepper? Baby? Limang taon na nga naman ang dumaan. Common sense na lang. Imposible din namang walang magkagusto sa kanya eh. It’s too late for me. “Oh. Were you eavesdropping?” nakita niya ko sa sulok na tinaguan ko. Masyadong na-stun yung isip ko para umalis pa dun. May pamilya na yung babaeng pinapangarap ko. Masakit. Masakit talaga. “N-No…” “K. Whatever.” Bumalik lang uli siya sa kwarto tapos ni-lock niya. Ewan ko kung matatawa ako o malulungkot. Kwarto ko yun eh. Inangkin niya. Hahahaha. Lavender’s POV Tug-dug. Tug-dug. Ayoko na. Ikamamatay ko na to. Dejk. Mababawasan ng magagandang lahi mundo. Rawr! I pakinteyp heyt it! Ma-stuck ka ba naman sa condo ng mahal mo na may asawa na, magustuhan mo kaya? Ayoko na! Ba’t niyo ko pinarurusahan? T^T **tok tok tok** “Sino yan?” “Si Cyrus.” Ah. Onga nu. Wala palang ibang tao dito. =__= “I’m making breakfast. Ano gusto mo?” “Kahit ano.” “Meron akong Koko Crunch at pancake mix dito. Ayos lang ba yun?” “Wala bang mas nakakabusog? Parang pambata naman yun…” “Ah. Sorry. Favorite kasi ni Charlie yun eh.” Binuksan ko agad yung pinto then sumigaw ako. “AYOKO NA NG ALMUSAL!” **blag** Ang childish lang na magselos ako sa bata. Tapos anak pa niya. Para lang akong baliw di ba. Iniwan-iwan ko siya tapos ngayon, ganito ako? Kaso… Huli na para magpaliwanag ako sa kanya. Maiintindihan ba niya ko? Pakikinggan? Hindi di ba? I guess… it’s better this way. Magkalimutan na lang. Tutal, mukha siyang masaya na. Kahit bitter ako, sige lang. Basta masaya siya. :”> Chapter 35**Lucky Alex’s POV “Sa kanan!” “Dito?” “Kanan ba yan?!” Kulit talaga ng lahi nito ni Dwayne. Sabi ng iliko sa kanan yung ininstall naming CCTV sa condo ni Cyrus, nililiko sa kaliwa. Baligtad lang. Naman. “Hep. Stop.” Hininto niya nga. Hahaha. “Kuha mo ko popcorn.” “Bakit?” “Sine to oh! Starring Cyrus and Lavender. Hahaha.” “Bayad muna.” =____= maka-pout naman to. Dinikit ko sa kanya yung cellphone ko. “Yan. Sangla mo.” “Hai. Mahal mo ba ko talaga?” “Ngayon ka pa nagduda? Ilang taon na tayo Dwayne! Ano ba!” “Sofia? Lunch na. Di ka kakain?” nagsalita na si Cyrus. Kita namin. Hehehe. “Patabi.” – Dwayne Kita mo oh. Tampo pa kunwari, tatabi din naman pala sa’kin. Hahaha. “Oo na. Eto na.” – Sofia Lumabas si Lav. May kausap na naman. Iba na ba sikat? Laging may kausap dapat?! “Maglu-lunch lang ako Gio. Ay. Baliw? Magpapalipas, kakain nga ko?! Hahaha. Sige. Bye.” – Sofia “Gio na naman?! Psh. Sino ba yun?!” – Dwayne “Affected siya oh…” – Alex “Di kaya.” Dinantay ko yung ulo ko sa balikat ni Dwayne. Ang cute naman ng nilalang na to. Hahaha. Nahawa sa pagiging affected ko. “Pinsan ni Lav yun.” “Alam ni Cyrus yun?” “Tingin ko, hindi.” Lavender’s POV Awkard lunch with an awkward guy. Makalabas lang ako dito, lagot ka sa’kin Alex. “Sorry.” – Cyrus Natigil ako sa kinakain ko. Sorry? For what? “Para saan?” “Kasi nakasama mo ko dito ng labag sa loob mo. Sorry sa asawa mo…” “Asawa?!” nagitla lang. Kasal na ko?! Hindi ako na-inform! “Si Gio? May anak na din kayo di ba? Si Pepper?” “Tsismoso.” “Ha?” “Nakinig ka nga nung kausap ko siya. Tsismoso.” “Sorry.” Silence. “Maswerte siya sa’yo.” – Cyrus “Sino?” “Si Gio. He’s one lucky guy to have you.” Ginusto ko ng umiyak nun. Tama na Cyrus please. Wag ka ng magpaasa. Wag ka ng magsalita ng ganyan. Baka umasa akong mahal mo pa ko. T^T “Maswerte talaga siya.” Sabi ko sabay inom ng tubig. Parang nabuhusan ng malamig na tubig si Cyrus. Parang cinonfirm ko yung bagay na ayaw niyang paniwalaan. “Pero hindi ko siya asawa.” “Ha?” “Pinsan ko siya. Parang si Chris. Si Pepper, she’s my pet. A dog.” Dala siguro ng pagod at imahinasyon ko, parang nangiti si Cyrus. Pero ayoko na din umasa. Pamilyado na yung tao. Lumugar ka Lavender. Matapos mag-lunch, balik sa kwarto ni Cyrus. Ayokong masyado siyang makasama. Baka mabistong mahal ko pa siya. Dehado ako. Mahina na kapit ko. Ex lang ako eh. EKS. At dahil pakialamerang kapitbahay ako, kinalkal ko lahat ng pwedeng kalkalin dito. Wala pa ring nagbabago sa lugar na to. Maliban siguro sa wallpaper niya. Pati yung arrangement ng furniture ganun pa din. Parang hindi tuloy lumipas yung five years. Nababalik tuloy ako sa panahon na masaya pa kami. >_____< Sa pakikialam ko, nakakita ako ng ikakadurog ng puso ko! Picture ni Charlie at Cyrus. Hai~ Kung hindi lang talaga hawig ni Cyrus tong batang to, malamang sinungitan ko na siya. Pero hindi naman niya kasalanan na lumabas siya sa mundong Earth di ba? Tanggapin ko na lang na wala na. Tapos na talaga kami ni Cyrus. No return, no exchange. Ang sakit na makita ko si Cyrus na may nabuo ng pamilya at hindi ako yung asawa. May maliit na batang takbo ng takbo sa condo niya na hindi naman namin anak. Na sa mga araw na dumaan at dadaan, hindi na kami magkakasama. “Sofia, labas na. Pwede ka ng umuwi. Tapos na ng maintenance yung pinto.” Lumabas ako. Medyo lutang pa ang isip. “Thanks.” “S-Sige.” Sabay kaming tumalikod pero sabay din kaming humarap uli. Parang moment sa toothpaste commercial lang. We tried to smile pero masyadong mahirap. Five years ang dumaan and it scarred us both. And it’s all my fault. “Sorry Cyrus. For everything. Huli man, pero sorry talaga.” Napalunok ako bago ko tinuloy yung sentence ko. “And I’m happy for you. I wish you all the happiness you deserve.” Chapter 36**Playboy ka pa din? Alex’s POV Flashback~ “Miss Alexandra, nakita ko po yung boyfriend niyo sa *****.” “So?” “May mineet na babae.” End of flashback~ ^__^ Mabait ako. Ayoko ng gulo. Hindi ko susugurin si Dwayne. “May mineet na babae.” Ay hindi rin. I change my mind! Sugod mga kapatid! Sa *****. Nasaang kanto kaya ng impyerno yun lumugar? Mahuli ko lang talagang may babae yung Larete na yun, pagpapalitin ko ng posisyon yung femur at tibia niya! Nilibot ko yung lugar. Mali naman yata informant ko. O___O HA?! TAMA PALA SIYA! AYUN OH! HULI SA AKTO! NAGTATAWANAN PA SILA! ANO BA NAMAN YAN! YAN NA TALAGA IPAPALIT MO SA’KIN? EH MULA ULO…MUKHANG PAA! “Ano? Masaya ka na?” sabi ko. Napalingon naman yung dalawa sa’kin at siyang putla ni Larete. “Alex, it’s not what you think…” “Magsisinungaling ka pa?!” sinampal ko siya. Badtrip kasi. “Limang taon humigit na tayo Dwayne! Kung sawa ka na sa’kin, sana hiniwalayan mo na lang ako agad hindi yung ipagsasabay mo kami! All this time… Playboy ka pa din?!” “No. Alex…” “LIES!” Nabadtrip ako. Ilang ulit ko siyang sinampolan ng lahat ng natutunan ko sa taekwando. Tinanggap niya lang lahat. Hindi umiwas. Fine. Gusto mo ng death wish ikaw na sinungaling ka? “Miss, pwede naman siguro daanin sa usapan tong misunderstanding niyo ni sir.” “Wow. SIR?!” yung babae kasing kasama niya yung nagsalita. “Cheap na tao ka ba talaga Dwayne?! Ikaw!” turo sa linta “Anong usapan?! Kung pwede yun di sana wala ng gyera sa mundo! Tigil-tigilan niyo nga ko! Nakakasura kayo!” tumalikod na ko para umalis. Kaso nilingon ko uli si Dwayne. I can’t take this feeling anymore. T^T Hanchakeet din. Five years, natapon lang. O_____________O “I…I…love you…Alex…” **boogsh** “Dwayne?” >___< Nasobrahan ko ba para humilata ka diyan lalaki? Galaw na ui. “Dwayne? DWAYNE!” Malapit ko ng malibot ang buong Manila. Mula sa ***** at ngayon sa *******. Sa ospital. Waaaah! Nasobrahan nga yata talaga ako. Kasi naman Dwayne! I love you a-lat! Tapos bigla, malalaman ko, bumalik ka sa pagiging playboy whatever mo? Ano sa tingin mo mararamdaman ko? Ang selfih-selfish mo! T^T “Miss Alex, coffee?” sabi sa’kin nung head and shoulders. Dejk. Yung linta. Yung higad. Yung flirt. Yung…well, you get the point. ^__^ “May lason to? Pag meron, wag kang pupunta sa lamay ko at magtago ka na din. Ipapahunting ka malamang ng magulang ko.” “H-Ha?” nanginginig na tanong niya. “Ingatan mo si Dwayne ko ha.” “Ho?” kanina HA. ngayon, HO. Baka mamaya HE o HU naman. Kunwari di ko narinig. Nagsalita lang uli ako. “Sweet yung lalaking yun ng madalas. Kaya minsan iniisip ko magkaka-diabetes na ko sa kanya. Wala namang kaso yun. Mahalaga para sa’kin lang siya…” nagsimula ng tumulo luha ko. “…noon. Iba na yata ngayon. Wala na kong energy para lumaban pa. Nung una naisip ko, ang sarap niya dalhin sa impyerno kasama ang mga malalanding demonyo kaso…malamang na sundan ko naman siya. Ang weird at parang timang lang di ba? I love him this much.” Pinunasan ko na yung luha ko at pilit na ngumiti sa mahaderang hindi marunong magbilang. “At kung mahal din niya ko, there wouldn’t be a second choice right?” Ngumiti lang yung babaeng kausap ko. “I’m not who you think I am Ms. Alexandra.” Bago pa man ako makapag-react, lumabas na yung doktor na umaasikaso kay Dwayne at nilapitan ako. Take note: AKO. “Ikaw ba yung kasama ng pasyente?” “Ako nga po. Kamusta naman siya?” “Wala namang internal bleeding o nabaling buto. Hindi lang talaga kinaya ng katawan niya. Anyway, you’re Alex.” Sentence? Hindi question? “Ako nga po. Bakit?” “Pinaaabot ng pasyente.” Nilahad ng doktor yung palad ko at dun naglagay siya ng isang singsing. A diamond ring. “Para san to?” “A proposal.” Sabi nung pantal. “Ano?” “Actually, I’m an event planner and Mr. Larete…he wants to propose to you.” “Weh?” “Actually, gusto ka ring makausap ng pasyente.” Pumasok ako sa kwarto. Malaman ko lang na palusot dot com niya to, titigbakin ko yung lalaking yun. Nakita ko siyang nakahiga (malamang). Echos lang pala ni dok. Tulog pa siya oh. “Alex.” O.O “Pano mo nalamang ako to?” Humarap siya sa’kin with a ‘tinatanong-pa-ba-yan’ look. Err~ Gwapo mo pa din! Ba yan! “Ano to?” angat ko sa singsing “An engagement ring?” “Epal ka! Akala ko… Akala ko… Putik ka… Kinabahan ako sa’yo…” Ngumiti lang si Dwayne. Nakuha pa talaga niya ngumiti eh nu. “Lika nga dito.” Pinalapit niya ko. Lumapit naman ako. “You were jealous.” “Sira. Natural. Sino bang taong normal ang gugustuhing may kalandian ang mahal nila?!” Niyakap na niya ko. Ow ghed. I’m melting! “Kung may lalandiin ako, ikaw lang yun. Alex…” “Ano?!” “Pakasal na tayo.” “Adik ka talaga! Hindi ka man lang pumili ng mas convenient na lugar para mag- propose!” “Is that a yes?” “Definitely.” “Epilogue~ Alex’s POV . Here comes the bride Here comes the bride . Hahaha. Practice lang. Kahapon nag-propose ai Dwayne at ngayon, ikakasal na kami! Di na uso hintay-hintay. Dun din naman hantong namin eh. Walang basagan ng trip. Sa gusto na naming makasal agad eh. Bakit ba. “Ang ganda mo Sandy.” “I know right?!” “Ineechos lang kita. Naniwala ka naman. Joke lang yun kasi ikakasal ka na.” “I hate you Lav.” “I love you too.” Syempre si Lav ang maid-of-honor ko. Kahit busy siya sa trabaho niya, siya pa rin ang punong abala sa kasal namin. Kaya nga to napabilis eh. Dahil sa kanya. Hahaha. “Pero di nga Sandy, you make a lovely bride.” “LAV!!!!!!!!” Napayakap ako kay Lav. Na-touch ako eh. Ganito ba kapag ikakasal? Nagiging emosyonal? “Anak ng…wag kang umiyak! Sayang make-up!” “Sorry. Sorry.” Inabutan niya ko ng tissue at pinampunas ko sa mga tears of joy ko “Kasi naman. Akala ko mauuna ka pang makasal sa’kin. Yun pala…” Napahinto ako. >.< Me and my big mouth! “Lav…” “Happy occasion ngayon Sandy. Smile. Wag mo kong isipin. Okay?” Lavender’s POV It pakinteyp hurts. Hindi yung fact na mauunang makasal si Sandy at Dwayne kundi yung fact na HINDI kami ikakasal ni Cyrus. Masyado na kong huli para mag-emote a la Speak Now ni Taylor Swift. May Taryn na si Cyrus at may uber cute Charlie. Dumaan lang ng sobrang dali yung wedding ceremony. I guess this is it for AleYne. A happy ever after. ((: Kainggit! Reception. Ang ganda ng venue! Kaso hindi ko masyadong maappreciate. Well, I guess this is the price I pay for being selfish. Flashback~ Currently at California. Kumukuha ng masterals. Nagpa-accelerate din kasi ako kaya eto, advanced. Hehehe. “Lavender.” Ignore. “Lavender!” “Bakit ba LOWELL?!” “Lowell ka diyan. GIO.” “What?!” “Gio.” “I mean, what do you need stupid?!” “Nalaglag mo lang naman kasi to.” Iniabot niya sa’kin at…at…hinablot ko! Ommo! Picture namin ni Cyrus. Back to when we were happy. “Who’s the guy?” “It’s none of your business.” “It’s my business kasi pinsan kita.” “And I say it’s not kasi it’s my past!” “So an ex then?” Anak ng strawberry flavored soy milk to si Gio. Kakakontra niya, nadulas tuloy ako. >.< “Shut up.” “Oh. BITTER exes.” Emphasis talaga sa BITTER?! “Whatever.” “Ililibre kita ng sinigang. Basta ikkwento mo.” “Gawin mong sinigang, pancit guisado at lechon kawali and it’s a deal.” Two years na ko dito sa California at malamang na puro American food ang nandito. Pakiramdam ko nga tutubuan na ko ng patatas sa tenga sa kaka-mashed potato ko. Once in a blue moon lang makakain ng Filipino food kaya handa akong ipusta yung past namin ni Cyrus para dun. It’s not like something will change right?! Makalipas ang dalawang order ng sinigang, pancit guisado at lechon kawali, tatlong extra rice at isang halo-halo, gusto ko ng matulog! Hahaha. Tila ahas lang?! “So what’s the deal between you and that guy?” Hala. Oo nga pala. Magkkwento pa ko kay Gio. Kunwari tulog ako. =_____= “Lavender! We had a deal!” “Hey. Slow it down. What do you want from m—ARAY!” “Adam Lambert ang peg? Sumeryoso ka!” “Ano ba kasi kailangan mo?!” “Who’s the poor bastard in the picture?” Mula sa ilalim ng mesa, tiningnan ko uli yung picture. Magkayakap kami dun at halos pareho ng itsura ng damit. Kahit sino, malalaman na couple kami. NOON. Hindi na ngayon. “Ex ko nga di ba?” “Name?” “Cyrus Dean Sebastian.” “SEBASTIAN?! Wow. Big time. Galing mong mamili cous!” “Sira! Do I look like I need his money?!” ako na ang umiling para kay Gio “No. I love him for an entirely different reason.” “And that is?” “Unknown. I just…love him.” “Present tense ang ginagamit mo insan. LOVE. You still love him. Why did you leave him then?” “Kasi…he has this dream of being a photographer. A famous one. I need to fulfill my duties bilang heiress ng Jimenez fortune ng namatay si lolo. Kapag sinabi ko yun kay Cyrus, he would drop everything just to be with me at ano na lang mangyayari sa pangarap niya kapag ganun?” “Tch. Hindi ko maisip kung martir o t@nga ka eh…” “Hayaan mo na. I bet he’s already making a mark as a photographer.” “What happens when you go back to the Philippines?” “Huh?” “Kapag nagkita kayo.” “Smile lang. Hehehe. We had our run. We had our share of good memories. Besides, if it’s meant to be, it will be, right?” End of flashback~ IT’S NOT MEANT TO BE. Pamilyado na si Cyrus eh. It’s too late for me. Still, I wish him the best. Kahit masakit. “Ui Lav, tara. Take pictures with us.” “H-Ha… Eh… Sige na nga.” Sumama na ko kay Alex kahit labag sa loob ko. Wala ako sa mood actually to be in this happy occasion. Parang nilalait lang kasi ako. Pano kasing ang ganda ng takbo ng trabaho ko pero sa lovelife eh talo ako?! Ganun ba talaga yun?! “Hi Lavender.” Bati sa’kin ni Dwayne ng dumating kami ni Alex. Nakakatuwa lang. Kapag tinitingnan niya kasi siya, kitang-kita mo na mahal na mahal niya. “Dwayne. Umayos ka ha. Lokohin mo si Alex, ililibing kita ng buhay.” “Hahaha. Bakit pa ko magloloko eh ang swerte ko sa misis ko?” “Eeh. Mamaya na sa mushy moment. Picture muna. Photographer!” Dumating yung photgrapher. Tug-dug. Why wasn’t I informed? Tug-dug. “Cyrus, picture-an mo kami nila Lav.” Cyrus’ POV Tug-dug. It’s been weeks simula ng huli kaming nagkita ni Sofia. Tapos ngayon, magkikita kami sa kasal pa ni Alex at Dwayne. Wala namang nagsabi sa’kin na invited siya but I guess I’m half hoping na makita siya in this occasion. Because, believe it or not. I’M STILL DEEPLY INLOVE WITH HER. Umamba na kong pipicture-an sila. Syempre nandaya ako. Zninoom-in ko lang kay Sofia. “Okay. One more.” This time, hindi ko na zinoom-in. Baka hanapan talaga ako ng picture ni Alex eh wala akong mapresenta sa kanya. “Okay na.” “Excuse me. Una na ko Alex.” “Saan ka pupunta?” – Alex “Kakain. Duh.” She still hasn’t changed. Sa paningin ko, siya pa rin yung babaeng naka-black na naka-ponytail na parang papatay yung itsura. That was the day I first met her. And that was the day that changed my life. “Matunaw likod ni Lavender.” – Dwayne “Sira.” “Sabayan mo na siya. Ang daming umamba diyan mamaya, sige ka.” “She’d just reject me.” “Takot ka? Hahaha. She’s still single. So are you. What’s holding you back?” “Ewan. Fear? Maybe.” Kumibit balikat lang si Dwayne tapos binalikan na yung asawa niya. Kumuha ako ng stolen nila tapos dumiretso na sa buffet table. Totoo. Maraming nakatingin kay Sofia. Ba’t naman ang hindi? Maganda siya at mayaman. Malamang talagang makakahatak yan ng lalaki. As for me, I love her for a reason. An UNKNOWN REASON. “Excues me, pwede makiupo?” “Ya.” Umupo ako. Kaharap ko siya ngayon but she barely looks at me. Kung kaya ko lang sabihin sa kanya na I’m not mad at her for leaving me like that. Alam kong may dahilan siya. Hindi ko lang alam sa ngayon. Kung kaya ko lang sabihin sa kanya na hindi nabawasan kahit 1% yung pagmamahal ko para sa kanya. Throwing of the bride’s boquet. Maraming mga single ang nagkumpulan na para saluhin yun. Nandun din siya kahit alam kong labag sa loob niya. Hinanda ko yung camera ko para sa makakasalo. . . . . “Congrats Lav! Yeeeee~ Ikaw na ang susunod na ikakasal!” I snapped a picture and then she looked at me…with sad eyes…very sad eyes… “I…I have to go. Congrats newlyweds. Uhm…may aasikasuhin pa ko sa office.” Lavender’s POV Ano bang klaseng twisted trick of fate to?! Lokohan?! Trip?! Well, wala ako sa mood! Pano ko ikakasal kung yung tanging lalaking nakikita kong makakasama ko sa altar eh may pamilya ng nabuo. Congrats lang sa’kin di ba?! CALLING: Gio (Hello?) “Gio, book me a flight to California.” (Ha? Kababalik mo lang ah!) “I don’t care. Do it now.” (Fine. Fine.) “Good. I want the flight for tomorrow. First class.” (Bukas agad?!) “Ay hindi. Ngayon. Stop asking stupid questions!” (Sungit…) “Thanks. Oh. And Gio?” (Yeah?) “Make it a one-way ticket.” Cyrus’ POV Kinabukasan. Sofia! Sofia! Sofia! Nasaan ba siya?! Natawagan kasi ako ng pinsan niya na babalik siya sa California. With a one-way ticket. Bakit ganun? Bakit ba takbo siya ng takbo?! I need to find her. I have to find her. To tell her…I love her. Always have. Always will. Flashback~ A week ago. a/n: a week ago hindi pa nagpo-propose si Dwayne kay Alex. Just so you know. ((: Pero nasa Pinas na nun ang mag-pinsang Lavender at Gio. Sa coffee shop. “Good afternoon sir. Can I get your order?” “Uhm…” tumingin ako sa menu nila at napangiti “…green leaf bubble tea. Venti.” “That’s 120 pesos sir.” Inabot ko yung bayad ko at wala pang ten minutes, inabot na yung order ko. Hindi naman talaga ako fan ng mga ganito eh. Simpleng espresso masaya na ko pero gusto to ni Sofia. At eto na lang ang tanging paraan para kahit pano isipin kong hindi siya umalis. “Strawberry bubble milk tea. Dalawa. Venti.” Nalingon ako sa lalaking umorder nun. Natuwa lang ako. Favorite kasi ni Sofia yung flavor na yun. Hindi ko lang talaga gusto lasa. Masyado kasing matamis. Pero kung nandito pa si Sofia, malamang na ganun din orderin niya. “Cyrus? Ikaw si Cyrus di ba?” Lumingon ako. Hindi naman weird na may nakakakilala sa’kin dito eh. Medyo kilala na kong photographer kaya ganun. Yung lalaki palang umorder ng dalawang strawberry bubble milk tea. “Yes.” “Pwede tayong mag-usap?” “Uh…sure. My office is just two blocks away…” “It’s about my cousin. Lavender.” Tug-dug. Kalma lang. Maraming may pangalang Lavender. Pwedeng ibang tao yun. “Lavender?” “Sofia Lavender Jimenez. Kilala mo siya di ba?” Tug-dug. Siya. Siya nga. Si Sofia ko nga. Bakit naman namin siya pag-uusapan? “Yes. I’m sorry pero bakit natin siya pag-uusapan? Is she in trouble?” “Hindi. Hindi. But, can I see your hands?” Ha? =________________= Bading pa yata to oh. Pinakita ko. Wag lang niyang hawakan, suntukin ko to. “Do you normally don’t wear your wedding ring?” “Wedding ring?” “You’re married, right?” “Ha?” Kasal ako? Kelan pa? Hindi ko yata nabalitaan. “Kasal ka na nga di ba?” “Hindi. I’m single. Why?” “Tamang hinala talaga yung babaeng yun oh…” narinig kong binulong niya sa sarili niya. Ang lakas niya bumulong eh. “Excuse me?” “So hindi ka kasal?” “No.” “Wala ka ding anak?” “Wala.” “Sino si Charlie sa buhay mo?” “Anak ng pinsan ko. I’m sorry, pero pano mo nalaman yung tungkol kay Charlie?” “Basta. Teka. Baka nawi-weirduhan ka na sa’kin. By the way, I’m Gio. Pinsan ni Lavender.” Inabot niya yung kamay niya at nakipag-shake hands naman ako. “Do you still love her?” “Excuse me?” “Bingi ba? Hai~ Do you still love my cousin?!” “OO.” “Good.” Nagkwento na nun si Gio ng nangyari sa past five years nila ni Sofia sa California. Kung panong nanatili siyang single at hindi nakipag-date ni minsan, sa pagkukulong niya ng madalas sa apartment niya dun…lahat. Ultimo dahilan ng pagpunta niya ng wala sa oras dun at kung bakit kailangan niya kong iwan. Knowing Sofia, hindi na ko nagtaka o nagulat. At hindi rin ako galit sa kanya. I love her too much to be mad. End of flashback~ “Attention passengers of flight X47 to California…” O___________________O I’m not too late. Hinanap ko yung gate na sinabi ng voice over at dumiretso na dun. Hindi na ko papayag na mawala siya sa’kin. Not this time. Lavender’s POV Kung alam ko lang na walang babalikan dito, sana hindi na ko bumalik. Hay. Anyway, kaya ko naman i-manage yung mga business namin kahit nasa California ako. Iba na mundo ngayon eh. High-tech na. Maaasikaso ko pa din yan. As for Cyrus, this is it. Sarado na yung love story natin. We’re over. We’re done. Pero wag kang mag-alala. I don’t blame you for anything. I’m happy that for a moment I was love— “SOFIA!” O____________________O CYRUS?!!!!!!! “Sofia. Sofia. *hingal*” “Anong ginagawa mo dito?” “I…*hingal* came to….*hingal* tell you… I love you.” Tug-dug. “So don’t leave. Please. Hindi ko na kakayanin mawala ka.” “How unfair can you be? You’re married!” “Says who?” Napahinto ako. Oo nga nu. Says who nga ba?! Wala namang nagsabi sa’kin. Eh. Hinala ko lang naman. =3= “Uh…” “Kitamo na. I’m single Sofia.” “Then Charlie…” “Anak ni Taryn. My cousin. Ikaw lang ba pwedeng magka-pinsan?” “May sinabi?” “You silly girl.” Niyakap na niya ko. “I waited five years for you. Don’t make me wait for more.” “Ha?” “Marry me Sofia.” Tug-dug. “B-Bakit?” henyong tanong Lavender. Bakit. Eh. >.< “Kasi ikaw lang ang mahal ko. Kung hindi lang din ikaw makakatuluyan ko, ayoko na lang.” Madami ng tao ang naglabasan ng cameras at phones nila. Mga vinivideohan kami. Pano kasi. Nakaluhod na si Cyrus sa harapan ko. “You’re not mad?” “Sa?” “Five years.” “No. Napatunayan lang nun na mahal na mahal talaga kita.” “Well…nasaan na ang singsing?” “Ha?” “The ring.” “Hala. Oo nga. Teka. Saan ko ba nilagay yun?” Tumayo siya tapos nagkapkap ng bulsa. Yung mga audience namin halong natatawa na kinikilig. Isa na din ako dun. I’m so lucky. To be loved by this guy. All through those years. ((: “Eto.” Naglabas na din siya ng singsing. “Sofia Lavender Jimenez, marry me?” “Yeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee~” (_ _”) Naman audience! Wag kayong maki-share ng kilig! “Sofia?” “Cyrus…YES!” Sinuot ni Cyrus yung singsing sa daliri ko at binuhat niya na ko. He spinned me around and around at ng medyo napagod na siya, nilapag na niya ko. Actually, I don’t feel like I’m stepping on solid ground right now. Masyado akong nasa cloud nine. :”> We looked into each other’s eyes at kahit may audience na sandamukal, he pulled me closer to him and kissed me. “I love you soon-to-be Mrs. Sebastian.” “I love you soon-to-be husband.” . No matter how freaky, creepy, gross, out-of-this-world you are, you are still bound to meet someone. Someone who may not be the same as you or doesn’t even understand why you’re like that but would just simply love you, and love you even more. DESPITE YOUR WEIRD EVERYTHING.