Always By My Side By KC Esber CHAPTER 1 "I should be over you. I should know better but it's just not the case." It's been 2 years, 6 months, 3 weeks, 2 days and 7 hours since I let him go. I sacrificed him. I let him to be with her. I even helped him them to be together. I let him go just to be with her. What can I do if I know he loves her and not me? I just want him to be happy. His happiness is the most important thing. I wonder where are they now? Are they still together? "Ms. Vera Asuncion!" Are they even happy together? Is it worth it that I gave him up? "Ms. Vera Asuncion! Nakikinig ka ba?" Vera: Huh?! Sir. A, ano po yun? Sir. A: Nanaginip ka nanaman ng gising. Vera: Sorry po hindi na po mauulit. Sir. A: Focus Vera, focus! Anyways, makinig kayo class, tomorrow may quiz tayo tungkol sa diniscuss natin ngayon. Biglang nagbell.. Sir. A: Ok. Class dismiss. Lumabas na ako ng classroom. "Vera! Wait!" Vera: O Kai! (pronounced as K-ay. like the japanese name) Kai: Hay naku! Nanaginip ka nanaman ng gising. Naalala mo nanaman siya ano? Ano ba naman niyan? O, eto kopyahin mo na lang 'tong notes ko nandyan lahat ng sinabi ni Sir. A. Si Kai, close friend ko. Maasahan at he's always there for me through thick or thin. Vera: Salamat. Kai: Gusto maglunch? Sagot ko. Ngumiti siya. Vera: Sige ok lang. Pumunta na kami sa Cafe. Kai: Dalawa nga pong Ham and Cheese sandwich at saka dalawa rin pong iced tea. Vera: Naalala mo pa pala favorite kong sandwich. Kai: Siyempre friends ata tayo. Vera: Oo nga naman. I immediately remember when I first met him. Kumakain ako noon ng Ham and Cheese sandwich at umiinom ng Iced Tea. FLASHBACK "Mind if I join you?" Vera: Sure. Freshman ka right? "Ako? Ah Oo." Biglang tumahimik. "Oo nga pala I'm Max and you are." Vera: I'm Vera, Vera Asuncion. Max: As in the designer? Vera: Oo. Mahilig kasi Mama ko sa mga international designers eh. May dalawa nga akong kapatid si Marc at si Michael, twins sila. Mga 4 years old na sila at cute na cute. Ay! Sorry, medyo madaldal kasi ako. Max: Ok lang yun. Huhulaan ko galing yung names nila kayna Marc Jacobs at Michael Kors. Vera: Bakla ka ba? Bakit alam mo ang mga names ng designers? Max: Hindi ako bakla ah. Mahilig din kasi ang Mom ko sa international designers. Vera: Ikaw naman nagbibiro lang ako. Max: Hahahaha. Sa tingin ko magiging good friends tayo. Vera: Ako rin. Nagblush ako. Madaldal ako at palabiro ako noon pero naging tahimik ako't mahiyain nang mawala siya. Naalala ko pa rin ang istura niya. Para siyang anghel na nahulog sa lupa. Maamo ang kanyang mukha, matangkad, maputi, chinito, mabait at matalino rin. Masasabi mong siya ang "every girl's dream guy". Naging matalik kaming magkaibigan. Malaki rin ang tiwala niya sa akin. Sa sobra nga naming close, nahulog ang loob ko sa kanya ng di ako namamalayan. Masaya ako kapag kasama ko siya pero parang pinagsakluban ako ng langit at lupa ng isang araw.. Max: Vera! Vera: O, Max bakit? Max: Kilala mo ba yun? Tinuro niya si Ria ang muse ng school. Maganda, matalino at matangkad. Ano ba naman ang laban ko sa kanya? Lahat na nasa kanya. Lahat ng lalaki nakakagusto sa kanya. Vera: Siya si Ria muse ng school. Classmate ko siya sa history bakit? Max: Pakilala mo naman ako. At mukhang isa na rin si Max sa listahan ng mga lalaking nagkakagusto sa kanya. Vera: Oo ba. Walang problema mamayang 5th period magkita tayong sa History 101 room. Papakilala kita sa kanta. Ok? Max: Ok. Thank you. Thank you. I love you talaga. Sige Bye! Hinug niya ako at saka umalis. Wala yang "i love you" na yan. Expression lang yan. Ang ko naman at naniwala ako. Vera: Bye! Kai: Hi Vera! Vera: Hi Kai! Kai: Anong pinaguusapan ninyo ni Max? Vera: Wala nagpapatulong lang kay Ria. Kai: Gagawin mo ba? Vera: Bakit naman hindi? Kai: Wala lang. Hindi naman masamang magtanong dibah? Basta tandaan mo lang Vera, nasahuli ang pagsisisi. END OF FLASHBACK Dapat pala nakinig ako noon kay Kai nung sinabi niyang nasa huli ang pagsisisi. Ngayon nagsisisi ako na ako't pinakilala lo pa si Ria sa kanya. Sabagay, gaya nga ng sabi ko kaligayahan niya ang mas mahalaga kaysa sa kaligayahan ko. Kai: Vera? Vera, nakikinig ka ba sa sinasabi ko? Vera: Huh? Ano yun? Pwedebang pakiulit? Kai: Hindi ka nanaman nakikinig eh. Ang sabi ko lumabas-labas ka naman. Hindi yung palagi kang nagmumukmok sa loob ng kwatro mo at iniisip siya. It's been what? 2 years and a half mula noong naisipan nilang umalis dito at pumunta sa states ng magkasama? Magmove on kana. Maawa ka naman sa sarili mo Vera. Vera: Actually it's been 2 years, 6 months, 3 weeks, 2 days and 7 hours. Kai: Pati days at hours binibilang mo! Ewan ko sayo. Tapos na akong kumain kaya balik mo na lang yang notebook ko mamayang Physics. Siguro nga tama si Kai pero hindi mo pa rin maalis sa akin maalala ang lahat. Pero I'll try very hard to move on and forget my feelings for him. CHAPTER 2 "Even the sturdiest ground can shift and can tremble and let us fall down." "Narinig mo na ba ang latest?" "Ano ba yun?" "Babalik na daw si Max Santos." "Yung heartrob ng school na pumuntang states?" "Oo siya. Pero ang mas nakakaintriga pa ay hindi daw niya kasama yung girlfriend niyang si Ria. " "Weh? Bakit naman?" "Ang balita break na sila kasi may ibang mahal na si Max na naiwan daw niya dito sa Pilipinas." "Sino kaya yun?" "Nakakaintriga ha!" Nasa isang bangungot ba ako? Parang hindi ako makagalaw miula sa kinatatayuan ko. Hindi rin ako makasigaw. Parang isang bilyong karayom ang tumutusok sa puso ko. Diba dapat masaya ako dahil babalik na siya at break na sila ni Ria? Bakit sakit at galit ang nararamdaman ko? Bigla kong naramdamang umuulan habang ako'y naglalakad papuntang waiting shed para umuwi. Pero kahit may payong ako hinayaan ko pa ring masaba ako ng ulan. Unti-unting lumalakas ang ulan at unti-unti ring tumutulo ang aking mga luha. Bakit ba hindi na lang ako ang minahal niya? BAKIT?! Napatigil ako sa aking paglalakad at napahagulgol na lang ng iyak. Then I felt someone hug me. Si Kai. Kai: There. There. Wag ka nang umiyak halika na doon sa may waiting shed basang basa na tayo ng ulan eh. Baka magkasakit pa tayo. Sumunod na lang ako. Nakita kong may kinuha si Kai sa bag niya. Kai: Alam kong basang-basa ka na ng ulan pero eto o, jacket para hindi ka masyadong malamigan. Vera: Wag na. Sayo na lang yan basa ka rin naman eh. Magkasakit ka pa. Kai: Mas makapal ang balat ko sayo kaya kunin mo na. Vera: Salamat. Sinuot ko na yung jacket niya. Kai: Gusto mo hatid na lang kita sa inyo? Malapit naman ako sa inyo eh. Vera: Wag na maabala pa kita. Kai: Maabala? Friday naman ngayon. Sige na please. Hindi ako matatahimik hanggat hindi ko natitiyak na maayos kang nakauwi. Vera: Ok. Ok. Teka Friday ngayon bakit hindi mo kasama barkada mo? Kai: Matagal na rin akong hindi sumasama sa kanila. Vera: Studies? Kai: Yup! Vera: Naks naman. Hehehehe. Kai: Hay! Salamat at ngumiti ka na rin. Napangiti ako ulit. Kai: Alam mo maganda ka kapag nakangiti. Bigla akong nagblush. Dumating na yung jeep. Kai: Halika na. Sumakay na kami sa jeep at nagbayad. Kai: Pagod ka na ba? Vera: Medyo. Kai: Sige sandal ka na lang muna sa akin. Matulog ka muna gigisingin na lang kita pag nandoon na tayo sa may inyo. Vera: Salamat. Salamat at palagi kang nasa tabi ko. Sumandal ako sa balikat niya. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Parang maginhawa ang pakiramdam ko. Parang akong at peace. Walang problema. Walang inaalala. Kai: Vera? Achoo! Gising ka na. Nandito na tayo sa may inyo. Achoo! Nakatulog na pala ako. Bumaba na kami at naglakad papunta sa bahay namin. Vera: Sinisipon ka na ata. Halika pasok ka muna dito sa amin. Maghot choco muna tayo. Malamig eh. Kai: Ok lang ba? Vera: Oo naman. Kai: Sige. Salamat. Pumasok na kami sa loob. Vera: Ma! Pa! Marc! Mike! Nandito na ako! "Ay! Ate wala po sina Ma'am at Sir. Natutulog na po sina Marc at Michael ng tanghali. Kakagaling lang kasi nila sa school." Vera: Ah ganun ba. Sina Mama at Papa saan pumunta? Kailan daw sila babalik? "Sa makalawa pa daw po sila babalik galing Tagaytay." Vera: May bago pa ba? Palagi naman silang wala eh. Business trip dito. Business trip diyan. Hay.. Vera: Sige umupo ka muna diyan. Pagtitimpla lang muna kita ng hot choco. Eto na nga pala yung jacket mo. Thanks ah. Just feel at home. Kai: Atchoo! Wala yun. Sige. Salamat. Atchoo! Vera: Oo naman. "Ate, tignan mo 'tong bisita mo. Muhkang nilalagnat na ata." Hinawakan ko ang noo niya at kamay. Sobrang init. Inaapoy na nga ata ito ng lagnat. Vera: Ate tawagin mo si Kuya Gener. Saka kunin mo na rin yung thermometer, paracetamol, cold pack, tuwalya at malamig na tubig sa batya. Muntik ko nang makalimutan saka damit pala ni Papa na pwede niyang suotin. "Sige po." Dumating ka agad si Kuya Gener. Kuya Gener: Ano po yun? Vera: Kuya, tulungan mo naman akong iyakyat siya sa kwarto ko. Inakyat na namin siya sa kwarto ko. "Ate, eto na po yun mga pinapakuha ninyo sa akin." Vera: Sige salamat. Kuya, pakibihisan naman siya. Eto po yung damit. Bababa lang ako sandali. Magluluto lang ako ng soup para sa kanya. Salamat Kuya. Bumaba ako para magluto ng Chicken Noodle Soup para sa aming dalawa. Medyo hindi rin pa rin kasi ako gutom. Pagkatapos inakyat ko na ang niluto ko sa kwarto ko. Kuya Gener: Ok na po. Nabihisan ko na siya. Vera: Sige po. Salamat Kuya ah. Pwede mo na pong ituloy ung ginagawa ninyo kanina. Kinumutan ko siya at tinignan ang temperature niya. 38.5 ang temerature niya. Mataas nga. Vera: Kai, kain ka na muna iinom ka pa ng gamot. Kai: Ayaw ko. Vera: Para ka namang bata. Gagaling ka agad pagkumain ka at uminom ka ng gamot. Sinubuan ko siya at pinainom ng gamot. Naubos pa nga niya yung soup, ganito pala ang ayaw kumain. Hehehe. Nilagay ko yung cold pack sa ulo niya at pinunasan ko siya para bumaba na ang kanyang lagnat. CHAPTER 3 "Someday someone's gonna love me the way I wanted you to need me. Someday someone's gonna take your place" Umaga na pala. Bumaba na ako para magluto ng breakfast para kay Kai. Nagluluto ako nang.. "Ate, kumain ka na po yung dalawa ninyong kapatid. Kayo po hindi pa po ba kayo kakain? Nakita ko po kasing hindi ninyo ginalaw yung soup ninyo kagabi. Pwede ko po kayong pagluto. Ano po bang gusto ninyong kainin? Gusto ninyo ako na diyan?" Vera: Hindi na Ate. Busog naman ako. Saka kaya ko na 'to. Oo nga pala si Ate Carla ang maid namin dito at ang nagaalaga sa dalawa kong makukulit na kapatid na si Mike (Michael) at Marc. Ate Carla: Sige po. Maiwan ko muna kayo diyan. Nasa taas po kasi sina Mike at Marc. Baka anong gawin. Babantayan ko muna. Vera: Sige. You'll always be a part of me. I'm part of you indefinitely. "Ang ganda pala ng boses mo." Vera: Kai! Ay! Ano ba yan! Ginulat mo ako. Sige maupo ka na diyan. Malapit nang matapos 'tong niluluto ko. Kai: Ang bango niyan ah. Ano ba yang niluluto mo. Vera: Fried rice lang saka Shrimp omelet. Oo nga pala tumawag ka sa inyo baka mamaya hinahanap ka na doon. Kai: Wag na. Walang maghahanap sa akin. Palagi namang wala ang parents ko eh. Vera: Parehas pala tayo. O, eto ok na yan. Kain na. Kinuha niya yung niluto ko at nagsimula nang kumain. Vera: Ok ka na ba? Masama pa ba ang pakiramdam mo? Nilalagnat ka pa ba? Kai: Nilagnap pala ako. Vera: Hello?! Magpabasa ka ba naman kasi sa ulan. Kai: Ok nanaman ako. Parang ngang hindi ako nilagnat eh. Ang sarap naman nito. Ikaw hindi ka ba kakain? Vera: Wag na busog ako. Biglang dumating si Ate Carla. Ate Carla: Anong busong? Kagabi ka pa ngang hindi kumain eh. Vera: Ate! Nagblush ako. Kai: Salamat pala sa pagaalaga sa akin. Eto o, share na lang tayo. Vera: Wag na. Sayo na yan. Kai: Sige na. Eto o, nga-nga na. Vera: Wag na nga. Kai: Here comes to choo-choo train. Isubo mo na. Vera: Hahaha. Ano ka ba? Ginawa mo naman akong bata. Kai: Sige na kasi. Vera: Oo na. Oo na. Sinubuan niya ako. Ate Carla: Uy! Kinikilig naman ako sa inyo! Sige maiwanan ko na kayo diyan. Vera: Si Ate Carla talaga. Nasosobrahan ka na ata sa pagbabasa ng pocket books. Hahaha. Nagtawanan lang kami buong umaga. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang saya ng buhay. Ang saya ng pagtawa. CHAPTER 4 "We're not the same, dear, as we used to be. The seasons have changed and so have we." Kai: Good Morning! Vera: O, Kai! Good morning din! Bakit? Kai: Treat kita mamaya. Labas tayo. Vera: Bakit naman? Saka school day ngayon di pwede. Kai: Sige na naman. Parang thank you gift ko sayo sa alam mo na pagaalaga sa akin. Sige na. Vera: Fine pero hindi mo naman kailangang gawin yun eh. Kai: Kahit na. Mamayang pagkatapos ah sa may waiting shed. Ok? Sandali lang tayo promise Vera: Ok. Kai: See You. After ng class ko naglakad na ako papuntang waiting shed nang biglang may nagkatip sa mata ko. "Hulaan mo?" Vera: Kai! Ikaw ba yan? Tumalikod ako para tignan ko yung nasa likod ko. Pagtalikod ko si.. si.. Vera: Max. Ikaw pala yan. Kailan ka pa bumalik? Bakit?! Bakit?! Bakit?! Bakit ngayon ka pa bumalik? Ang pakiramdam ko para akong sinasaksak. Ganitong-ganito ang naramdaman ko noong naging si Ria at si Max. FLASHBACK Vera: Ate Carla, pakitawag na po si Kuya Gener aalis na po kami papuntang party ni Ria. Ate Carla: Sige po. Bihis na bihis ako noon. Naghanda pa ako noon para magmukhang maganda sa paningin ni Max kahit alam kong iba ang gusto niua. Martyr na kung martyr pero noong panahon na yun talagang mahal na mahal ko si Max. Pero baliwala lang pala ang pagaayos ko nang.. Sa Party.. Max: Ria, Lumuhod si Max xa harap ni Ria. Nagtitilian ang mga tao. Ria: Ano yun? Max: Ria Agnes Nitoreda, will you be my girlfriend? Ria: Yes, Max Joseph Santos. I will be and from now on your girlfriend. Tumayo si Max at nagkiss sila. Pang tumigil ang mundo ko at parang sinasaksak ang dibdib ko ng maraming beses. Unti-unti akong pinapatay. Pagkatapos noon hinid ko na alam ang nangyari. Nahimtay na pala ako noon at si Kai ang nakasalo sa akin. Nandyan talaga siya palagi sa tabi ko. Kai: Vera? Vera? Ok ka lang ba? Vera: Ano bang ngangyari sa akin? Kai: Nahimatay ka eh. Vera: Ok na ako. Please Kai, kung pwede lang get me away from here as soon as possible. Kai: Sige hintayin mo lang ako dito kukunin ko lang kotse ko. Doon ko lang nalaman na may sakit pala ako sa puso kaya ako nahimatay. Naman ko daw 'to kay Papa. Kaya ngayon may iniinom na akong gamot para hindi ako atakihin sa puso or worst mamatay. Dumating na si Kai sakay ng kotse niya. Kai: Saan mo gustong pumunta? Gusto mo na bang umuwi? Vera: Kahit saan. Wag lang dito. Nagdrive lang si Kai. After ng ilang oras na pagdadrive, umuwi rin kami. Kai: Sige Vera iiyak mo lang yan. Pag minsang nakakatulong ang pagiyak para guminhawa ang pakiramdam ng tao Nagsimula nang tumulo ng mga luha ko. Umiiyak na talaga ako. Lahat ng nasa loob ko nilabas ko. Tumahimik lang si Kai. Kahit kailan hindi ko narinig si Kai na sinabi niya "Sabi ko na sayo nasa huli ang pagsisisi." naiintindihan niya talaga ako. Vera: Bakit ganito ang nararamdaman ko? Pinaubaya ko na siya pero bakit ang sakit sakit pa rin? Ngayon sila na. Masayang-masaya na si Max pero ako bakit hindi pa rin masaya? END OF FLASHBACK Max: Vera? Ok ka lang? Hindi ka ba natutuwang nakauwi na ako? Vera: Oo naman natutuwa. I was just surprised that's all. Max: Pwede bang magusap tayo? Vera: Naguusap na nga tayo. Max: Gusto ko doon sa lugar na mas tahimik at walang tao. Doon tayo sa coffee shop sa kabilang kanto. Vera: Hindi pwede eh. May hinihintay ako. Max: Sige na naman. Sandali lang. Namiss kita eh. Vera: Sandaling-sandali lang ha? Max: Oo naman. Promise. CHAPTER 5 "I'm not gonna live for you or die for you. Not gonna shed one more tear for you. Won't do anything anymore for you 'cause you leave me here on the other side." Max: Kamusta ka na pala? Vera: Ok lang naman ako. Kayo ni Ria? Kamusta na kayo? Kamusta states? Oo ng pala bakit hindi mo kasama si Ria? Max: Isa-isa lang. Hehehe. Wala na kami ni Ria. Ako lang ang magisang umuwi dito sa Pilipinas. Vera: Bakit naman? Akala ko ba mahal mo siya? Saka you too look good pa naman together. Max: Mahal ko siya pero hindi na ngayon. Masyado kasi siyang selossa kaya nagbreak din kami after 6 months. Saka kas may babalikan ako dito. Nalaman ko kasing mahal niy ako. Saka nalaman ko ring may sakit siya sa puso kaya naman gusto ko siya paligayahin. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinaliakan. Max: Ikaw yun Vera. Umuwi ako dito sa Pilipinas para at dahil sayo. Nalaman ko na lang bigla na mahal na mahal kita. Kai: Kanina pa kita hinahanap akala ko ano nang nangyari sayo. Kasama mo lang pala siya. Bigla siyang umalis. Vera: Sandali lang kai. Susundan ko na sana si Kai pero hinila ni Max ang kamay ko. Max: Sandali lang Vera. Hindi mo ba narinig? Mahal kita. Umuwi ako dito sa Pilipinas para lang sayo. Natawa ako. Max: Anong nakakatawa? Vera:Hindi ako bingi Max. Rinig na rinig ko ang lahat. Ano ako charity work? Hindi pa ako mamatay Max. I'm not dying for you to pity me. Alam mo bang pinaubaya kita para lang makasama kayo ni Ria. Ang martyr ko nga dahil tinulungan pa kita maging kayo. Kahit nasaktan na ako. Pwede na nga ako ng maging santo. Max: Hindi ko naman sabing gawin mo yun eh. Vera: Max.. Max.. Max.. Hindi mo ba gets? Ginawa ko yun dahil mahal kita. Mas mahalaga para sa akin ang kaligayahan mo kaysa sa kaligayahan ko. Mahal na mahal kita Max. Higit pa sa buhay ko. Pero binaliwala mo yun. Mahal na mahal kita noong pero hindi na ngayon Max. Hindi na ngayon. You may not believe it pero I've move on Max. After 2 and a half years Max. I've move on. Sinaktan mo ako. Naging kayo tapos pumunta pa kayo ng States ng magkasama. Iniyakan kita Max na sana hindi ko na lang ginawa. Ang ko nga eh at iniyakan pa kita. Tapos ngayon babalik ka. Tapos sabihin mo sa akin mahal mo ako. Kung sinabi mo yan sa akin 2 years ago baka naging tayo na pero ngayon Max. Iba na. Ibang iba na Max. Max! Kung kailan nakapagmove on na ako at wala na ako kahit katiting na pagmamahal ko sayo saka ka naman babalik at sasabihing mahal mo ako. Sana hindi ka na bumalik dito. Sayang lang pera at oras mo. Dahil walang Vera na magmamahal sayo dito. Max: Please wag kang mageskandalo dito. Si Kai ba? Si Kai ba ang dahilan? Vera: Wag na wag mong isasama dito si Kai. Sino ang nandyan sa tabi ko palagi? Hindi ikaw Max. Si Kai. Sino ang ang sumalo sa akin noong birthday party ni Ria dahil nahimatay ako sa sama ng loob noong naging kayo ni Ria at naghatid sa akin pauwi? Si Kai. Nandyan siya sa tabi ko lagi. Pero ikaw wala. Kaya wag na wag mo siyang sasama dito. Sorry Mr. Maximo Joseph Santos kung naeeskandalo po ako dito. Nakakahiya naman po sa inyo. Kaya po goodbye Sir. Nice talking to you. Naglakad na ako papalayo. Max: Saan ka pupunta? Vera: Sa lugar kung saan hindi na kita makikita habang buhay. Max: Susundan mo yung Kai na yun ano? Vera: Oo bakit gusto mong sumama. Max: Vera! CHAPTER 6 "Is there a chance? A fragment of light at the end of the tunnel? A reason to fight? Is there a chance you may change your mind or are we ashes and wine?" Lumabas ako at hinanap si Kai. Vera: Kai! Kai! Nasaan ka? Nakita ko siya sa may waiting shed. Vera: Kai! Wala yung nakita mo. Hindi siya sumasagot. Vera: Kausapin mo naman ako Kai. Sumakay na siya sa jeep. Sinundan ko siya. Vera: Sige na naman Kai. Kausapin mo na ako. Hindi pa rin niya ako kinikibo. Kai: Para na nga po Mama. Sinundan ko ulit si Kai pagbaba niya. Vera: Kai, kausapin mo naman ako. Kai: Wala tayong kailangang pagusapan. Hinayaan na langs siyang umalis. Napaupo nalang ako sa sidewalk at umiyak na lang ng umiyak. Dadating kaya yung panahong hindi na ako iiyak? "You stand there staring while your lover walks away. Being smart, in a stupid way." Biglang bumuhos ang ulan kaya naisip kong umuwi na. Wala akong dalang payong. Kaya ayun umuwi ako nang basang basa. Vera: Ate, nandito na ako. Ate Carla: Bakit po kayo umiiyak? Basang basa pa po kayo ng ulan. Umakyat na po kayo't magbihis. Kinuwento ko kay Ate Carla ang nangyari. Vera: Hindi ko na naman mahal si Max eh. Huli na ata ako ate.. Bigla na lang nagdilim ang panigin ko. CHAPTER 7 "i'd like to know if you'd be open to starting over from scratch. i'd like to know if you'd be open to giving me a second chance" Vera: Nasaan na ba ako? Kai: Nandito ka sa hospital. Nakit ko si Kai nasa tabi ko't hawak ang aking kamay. Vera: Anong nangyari sa akin? Kai: Nandito ka sa hospital. Inaapoy ka kasi ng lagnat kagabi. Tinawag ako ni Ate Carla kaya nadala ka namin dito. Sinabi na rin ni Ate Carla ang nangyari sa inyo ni Max. Vera: Salamat. Kai: Wala yun. Vera: Hindi ka na galit sa akin? Kai: Hindi na. Saka dapat nga ako ng ako magsorry eh. Nangyari pa tuloy sayo. Sige maiwan muna kita Vera para makapagpahinga ka. Nasa may pinto na sana siya nang.. Kai: Sorry. I just thought na I had a chance with you. Na kaya kong palitan si Max diyan sa puso mo. Vera: But you already had the chance. Napalitan mo na si Max sa puso ko. Palagi kang naandyan sa tabi ko. A shoulder to cry on when I needed one. Dinadamayan at inaalalayan mo ako palagi. Ang ko kasi hindi ko nakitang nandyan ka lang para sa akin at mas worth it ka mahalin kaysa kay Max. Minahal mo ako kaysa sa sarili mo. Nakalimutan ko ang pangmamahal ko kay Max dahil sayo. Masaya and at peace ang feeling ko when I'm with you. Kai: Talaga? Vera: Talagang-talaga. Ngumiti ako. Tapos lumapit siya sa akin at niyakap ako then he kissed me. Biglang bumukas yung pinto. Si Max pala. Max: Uhm. Sorry pala sa lahat. Alam kong sorry is not enough pero talagang I'm sorry. Vera: Max, masasabi kong napatawad na kita pero wag mong i-expect na makakalimutan ko ang ginawa mo at we'll be good friends. Max: I understand. Sige aalis na ako. Sinigurado ko lang maayos ka. Mukha namang maayos ka na ngayon. Sige. Vera: Sige Max. Umalis na siya. Vera: Sana maging maayos na ang lahat. Kai: Maayos naman ang lahat basta kasama kita eh. Vera: Corny mo ah! Kai: Hindi kaya! Vera: Aray! Biglang sumakit ang ulo ko. Ikaw kasi eh pinapatawa mo ako. Kai: Ako pa ngayon ang may kasalanan ha. There's one thing I realize na one should move on dahil ikaw lang ang maapektuhan kapag hindi ka magmomove on. Kahit brokenhearted ka the world still rotates. Hindi siya tumitigil para lang sayo. Kaya magmove-on ka. Go on with your life. Sumabay ka sa ikot ng mundo. Baka malay mo there's this one person na matagal nang nagmamahal sayo just waiting for you to move on and trying to mend that broken heart of yours. Stop reminiscing and face the future. Fin.